Naghihintay ako ng espesyal sa araw na ito para mapatunayang hindi talaga malas ang trese kapag natapat sa araw ng Byernes. Hindi nga kami pinalalabas noon sapagkat accident prone daw ang araw na ito. Mabuti na daw ang maniwala at maging maingat. Ako naman lumaking nasa oposisyon. Palagi akong kumokontra bago sumunod kaya madalas sablay.
Umaga pa lang hindi na umayon. Kasalanan kasi ng bigas. Tumaas na naman ang presyo. Nagalit tuloy si Ermat at nabuhos sa akin ang init ng ulo. Pinitik pa ang aking tyan habang nasa kasarapan ako ng paghihikab.
Mangiyak-ngiyak sya noong graduation hindi dahil nakatapos na ako kundi makababawas na sa kanyang gastos. Muntik pa ngang sumipol.
"Kelan mo ba balak mag-apply? Hindi kita pipilitin magbigay ng pera! Hindi biro ang kain mo bawat araw! Dati umaabot ng isang buwan ang isang sakong bigas. Isa pa, kapag nandito ka panay ang ikot ng eletric fan. Bawasan mo naman ang carbon dioxide sa bahay!"
Iniisip ko may iba bang purpose ang electric fan bukod sa pag-ikot. Gusto na kaya ako palayas ng nanay ko? Baka mamaya kapag nalingat ako may bedspacer na sa kwarto.
"Maghahanap naman po ako. Hindi ko pa lang makita ang trabaho na gusto ko."
"Wag ka ng mamili dahil baka iyang gusto mo hindi ka din naman mapili. Bawal mag-inarte kapag 5% na ang inflation rate."
Aray. Ouch. Grabe ang hugot ni Ermat ng dahil sa bigas. Limot ko na ng economics pero mukhang may exam pagkatapos ng sermon ni Ermat.
Nakita ko si Blakeley na minimeryenda ang kapares ng aking tsinelas. Dehins ko trip talaga ang mag-alaga ng aso na hindi kayang i-determine ang pagkain. Paano ako lalabas nito? Ang konyo naman kung naka-sneakers pa ako sa pagtambay.
"Hepe! Psst! Halika!" tawag sa akin ni Onil. "Wanted ka kay Adie. Ano bang ginawa mo?"
"Wala naman. Bakit? Pinusuan ko pa nga ang picture nya kagabi e."
"Ano kayang problema ng babaeng yon? Nakaabang nga kanina dyan. Kita daw kayo sa tambayan."
Si Adie yung madalas ka-chat ni Ate dati. Umepal lang ako sa friendship nila. Bumisita sya sa bahay kasi nagmessage ako gamit ang account ng kapatid ko. Medyo kabado kaya nagtago ako sa kwarto at nagkumot kahit tirik ang araw.
"Tol, andito na crush mo!"
Langya! Nahalatang obyus. Pawisan ako paglabas. Nakangiti lang si Adie.
Nang dahil doon ang mabait kong kapatid umabuso. Palagi akong inuutusan kina Adie kapag may ipadadala. Nagpauto naman ako kasi puntos ko daw. Hinihintay ko naman alukin ako ng maiinom. Syempre kape dapat para may dahilang matagalan kasi mainit inumin.
Grabe ang naging tama ko kay Adie. Nag-adjust pa ako ng class schedule noon para makasabay umuwi. Kaya nga lang hindi naman ako makapagsalita. Sinusulat ko pa nga sa yellow paper ang diskarte ko pero bigla ko naman nalilimutan. Ang alam ko kasi noong high school kapag sinasabayan umuwi at nagbibitbit ng bag ay nanliligaw na.
Pero ngayon iba na. Hindi na klasik. Wala ng script. Presence lang okay na. Nakita ko na siya naging masaya at malungkot. Kami na yata ang magbff.
Tanaw ko sa malayo ang kumukuyakoy na paa ni Adie sa tambayan. Palinga-linga sya na halatang may hinihintay.
"Nagbihis ka pa pala kaya antagal mo." bungad niya sa akin.
"Napatrouble lang ang tsinelas ko kay Blakeley."
"May sasabihin ka daw sabi ng ate mo? Talagang pinapunta mo pa ako dito."
May sasabihin nga ba ako? Wala akong maalala. Mukhang kasabwat ni ate si Onil. "Hindi ko na maalala. Pwede bang i-pm ko na lang kapag naalala ko?"
"Naka-pm na di ba?" Pinakita niya ang pamilyar na salitang inipon ko sa drafts. Damdaming hindi ko masabi mula pa noon.
Tawang kontrabida siguro ang kapatid ko ngayon.
"Ah yan ba? Dyan lang kasi ako magaling. Hindi ko kayang sabihin."
"Bakit nga ba?"
Hindi ako nagsalita. Nag-isip. Tapos umiling. Ngumiti. Ako man ay nagtataka. Sino ba ang hindi? Hindi ko maintindihan na sa tuwing yakap ko sya ay tumitigil na ang kanyang luha. Parang nagkakaroon ulit ng lakas. Ng pag-asa. Kahit hindi ako magsalita.
"Gusto kong makinig. Nakwento ko na naman sayo di ba?" pangungulit pa niya.
Sabi mo noon hindi mo agad ako napapansin. Hindi nadinig. Sapagkat bulag ka kapag ako ay kaharap. At bingi ka kapag may lumalabas sa aking bibig. Kung hindi pa dahil kay ate walang mangyayari. Kasalanan ko din naman kasi torpe ako.
"Pumikit ka muna," utos ko.
"Bakit? Wag mo akong nanakawan ng halik. Mayayari ka."
Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at siniguradong nakapikit. Kinabagan ako. Kinabahan pala. Wala ng choice. Tumakbo ako ng ubod ng bilis.
"Hoy! Bumalik ka dito?! Bakit iniwan mo ko dito!" Kung gaano ako kabilis tumakbo ay kabaliktaran naman ang pagbalik ko. "At bakit ka tumakbo?"
"Kumuha lang ako ng bwelo. Athlete e." Napakamot ako sa noo.
"Wow ha. Anlayo ha. Bakit mo nga ginagawa yun sa akin. Gusto ko malaman."
Napasubo na talaga ako. Iba talaga ang tama sa tao ng friday the 13. Nasiraan ng ulo ang ate ko. Nagsermon si Ermat. Si Onil naging uto-uto. Ako naman tinamaan.
"Kailangan bang may paliwanag ang lahat? Hindi ba pwedeng kumikilos ang lahat ayon sa guhit ng palad? Ng tala? O ng puso?"
"Kailangan.." Hinawakan niya ang aking kamay. "Gusto ko kasing madinig ng paulit-ulit para mas maramdaman.."
"Labs kita. Natorpe lang talaga. Pwede ko bang sulitin ang oras na to? Baka mawalan ulit ako ng bwelo." Yumakap sya sa akin.
- wakas-