April fool's day!
Oo nga pala. Lokohan. Biruan. Tama.
Paniniwalain na totoo ang mali. Na existing ang wala. Parang feelings. Parang ako. Parang ikaw. Parang tayo.
Ako nga lang ang gago.
April 1 ang pinakahihintay kong araw. Huling araw na tayo ay masaya. Magkasama. Doon sa kanto ng Montillano. Sa pula at dilaw na building sa Alabang.
Excited tayo na dumating ang graduation hindi lamang dahil natapos na ang buhay estudyante kundi ito ang araw na gagawin natin ang dating sa text lamang natin napag-uusapan. Ready na tayo. Walang duda. Sabi ni Erpat, kung gagawa ako ng ganitong desisyon ay sa taong mahal para kung may bulilyaso ay wala akong pagsisihan. At kung maari ay tapusin ang pag-aaral.
Ayun natapos na nga. Wala na ang assignment na alam naman ng prof na hindi naman sa bahay ginagawa. Kahit ang thesis na hindi naman lahat nagcontribute pero pareho lang grade. Natapos ang extra-curricular. Wala ng role ang pekeng med cert at parental consent. Hindi na cool ang tunog ng rubber shoes sa gymnasium. Higit sa lahat, malaya na sa gustong hairstyle na pakiramdam ng lahat ay nasikil ng mahabang panahon ang karapatang pantao.
Galit ang sikat ng araw bago tayo pumasok pero basa tayong lumabas. Umuulan. Pati panahon marunong nakikipagbiruan. Kaya pala dapat daw may baon akong kapote.
Gaya ngayon. Umuulan.
Sa tapat ng pula't dilaw na building.
Umalis ka ng walang pasabi.
Sabagay, April fool's day.
Lokohan. Lolokohin ko ang aking sarili na kasama kita. Maniniwala na masaya kahit lumuluha na pala.
Buti na lang umuulan. Hindi halata. Walang may alam na may nasasaktan. Na sinasaktan ang sarili. Masakit. Mahapdi. Masarap.
Sinagasa ko ang ulan. Nakalimutan mo yatang bibili lang ako ng payong. Sabagay may kalakasan ang ulan. Baka hindi mo nadinig. Kaya inisip mo na iniwan kita. Na tatakbuhan kita. Na ganoon akong klase ng lalaki. Walang paninindigan. Pagbalik ko wala ka na. Akala ko nagtatago ka. O pumasok ka sa loob.
"Hinabol kita! San ka pumunta?" sabi ng guard. "Yung kasama mo nasa kotseng pula."
Hinabol ko kayo pero hindi na kita inabutan.
Ngayon may dala akong payong pero wala ka. Hindi sana kita iniwan. Magsama sana tayo. Hindi man dito. Sa ibang lugar. Na pareho tayong masaya.
Kung may dala akong payong hindi sana ako sasagasa sa ulan. Hindi sana ako tatawid ng bigla sa Montillano sa takot na mabasa na todo. Kung may dala akong payong marahan tayong tatawid. Magkahawak ang kamay.
Kung may dala akong payong hindi sana ako nagmamadali. Hindi sana ako iniwasan ng rumaragasang pulang kotse. Hindi ko sana ipinagwalang bahala ang nakabibinging busina. Ang sigaw ng gwardya. Ang nakababaliw na eksena. Ang pagsakay sayo sa kotseng pula. Hindi na kita inabutan. Kahit man lang sana sa kahuli-hulihan.
Ngayon may dala akong payong. Sana kasama pa kita.
"Boss, hindi mo ba bubuksan ang payong mo?" wika ng matandang pulubi. "Basang basa na ang kasama mo. Nilalamig na yata. Yakap na yakap sayo."
April 1. Umuulan.... Hindi ko alam kung niloloko ako ng matanda.
Sabagay. April fool's day.
Buti na lang cute ang author ng tuyongtinta.
- wakas-