Skinpress Rss

Ben&Ben





Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon

Gaano kabilis nag simula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang di na umasa ang pusong nagiisa


Hindi ko trip ang kanta ng Ben&Ben. Kaya lang parang naisip nila ang mangyayari sa akin. Sa amin. Sana may reset para kapag may mali pwede umulit. Kung may sablay pwede ang bawian. Walang hiwalayan. Alright yun di ba? Para hindi maging kathang-isip na tayo ay pwede pa.

Muntik akong malagutan ng hininga dahil sa kalagitnaan ng kanta at pagbirit ko bigla mong sinabing ang hirap na magpanggap. Na ang mga yakap wala ng pagkakaiba sa sakal. Ang hirap na maging masaya.


Umiiyak ako noon. Nakiusap. Naghabilin.


Una, reboot. Find yourself. Buuin ang basag. Kung ano ka noong una tayong nagkakilala or mas higit pa.

Pangalawa, be free. Maging malaya sa mga bagay na hindi mo nagawa noong tayo pa. Yung pinigilan kita. Yung meron kang panghihinayang. Rediscover yourself.


Pangatlo, na kung sakaling hindi na tayo magpapansinan, magkikita o mag-uusap hiling ko ay maging masaya ka. Ipangako mo yun! Gawin mo yun. Para bumalik ang dating ikaw.

Pang-apat, humanap ka ng lalaking mas higit sa akin. Lalaking masaya sa mga bagay na gusto mo. Yung gusto kang makasama habang buhay. Hindi iyong panandalian lang. Pangharutan. Walang paninindigan. At kapag dumating na sya, mahalin mo ng sobra higit pa sa naibigay mo sa akin.

Panglima, please don't forget me. Kahit isang segundo sa isang taon.

Pang-anim, go back to places na naging masaya ka. Yayain mo sya. Dalhin mo sya doon, to create new memories, to build stronger relationship and to find love that you've never had.


Sa ngayon, sinusubukan ko. Nililibang ang sarili sa mga larawan at mga ngiti natin dati.

Mahirap.

Walang easy. Walang average. Difficult agad.

Hindi kasi ito kagaya ng quiz dati sa accounting na mahirap solusyunan. O ng manghuhuling LTO na di kayang palusutan. O ng mamumutol ng meralco na 'di kayang mapakiusapan. Walang kapantay ang hirap pero kinakaya. Kakayanin. Wag mo akong alalahanin. Im fine. Or I'll be fine. If letting you go makes you happy, then I'll be happier. Hindi ito parte ng isang drama. O ng self-pity. Dahil ang pagmamahal ay hindi maramot kahit sa isang tao lang ito dapat ibigay.



***
Hindi ko trip ang kanta ng Ben&Ben. Kaya lang parang naisip nila ang mangyayari sa akin. Sa amin. Sana may reset para kapag may mali pwede umulit. Kung may sablay pwede ang bawian. Walang hiwalayan. Alright yun di ba? Para hindi maging kathang-isip na tayo ay pwede pa.

Hindi pa ako nakakamove-on heto ka sa aking harap. Gumagawa ka ulit ng sakit sa hindi pa naghihilom na sugat.

Tapos nagsalita ka na labis kong ikinatunaw.

"Pwede ba kitang yayain sa mga lugar na masaya ako?" Hinawakan mo ang aking siko na syang aking kahinaan.

- wakas-