Para akong tambay na nalasing at nagulat na nagising sa barangay hall. Parang ganun buti na lamang at hindi pero pareho ang pakiramdam. Walang matandaan.
Nasa loob ako ng madilim na kwarto na may tatlong pinto. May katabi akong hubad na lalaki sa aking kanan.
"Saan kaya ang palabas?" tanong ko sa sarili.
CR yung isa. Tukador ang pangalawa.
Birthday ng Mommy ni Kae at inimbita akong pumunta. Ipapakilala nga daw ako sa magulang niya. Wala naman daw akong dapat ikahiya o ikatakot. Ang lola nga daw niya ay may bisita din na bf. Natawa nga ako pero seryoso daw yun. Hinayaan na nila kesa kung saan makipagkita. Payag naman ang parents ni Kae basta wag uuwi na buntis si lola.
"Aga ah? Ano masakit ang ulo?" Tumango ako. "Hindi mo naman ako tinulungan." Kapag may mga okasyon palagi kong isinasama si Kae para kapag napapasabak sa inuman may taga-rescue ako. Usapan na namin na kapag mapula na ang tenga ko matik na magyaya siya pauwi at kunyaring may lakad pa kami.
"Aba taka nga ako e. Hindi din naman mahilig mag-inom si Daddy. Baka naghihintayan lang kayo kung sino aayaw."
"Anak pakainin mo boyfriend mo," singit ng Mommy ni Kae. "Natatawa nga kami. Pare na tawag nyo sa isa't-isa. Ihahatid ka na daw pauwi pero sa kwarto ni Kae kayo napunta."
Medyo nahiya ako buti na lamang wala akong matandaan.
Bago sumibat si lolo palangit sinabi niya na iba na ang kalarakan ngayon. Kapag daw medyo naipagmalaki mo ang talino, lalabas kang hambog at mayabang. Pero kapag lakas sa inuman ang naipamalas mo paniguradong hahangaan ka. Lalo na kapag bote-bote ang kayang itumba. Kaya samahan ko daw syang tomoma dahil paniguradong malakas sa inuman ang magiging byenan ko. Hindi ako naniniwala kay lolo pero parang ganun nga ang kalakaran. Parang dyahe kapag nalalasing agad.
Iniluwa ng kwarto ni Kae ang hubad na lalaking katabi ko kanina.
"Masakit ang ulo?" tanong ni Kae.
"Bakit ako dun nakatulog?" Mukhang wala din matandaan ang Daddy nya.
Inabot ng Mommy ni Kae ang umusok pang kape. "Sobrang kalasingan yan. Daig nyo pa nagchess."
"Nak, maglinis ka ng kwarto mo. Magpalit ng bedsheet.
"Malinis yon! Kapapalit lang kahapon."
"Palitan mo ulit. Baka may surot ibilad mo ang foam."
"Bakit? Hindi naman makati."
"Anong hindi? Kita mo ang utong ko namaga!"
Tumingin sa akin si Kae. Tinapik ang aking hita. Hindi ako nagreact. Basta wala akong matandaan.
- wakas-