Nakabantay sa huling patak ng ulan si bunso. Atat na siyang lumabas upang apakan ang naiwang tubig sa grahe. Makailang ulit ko na siyang pinagbawalan na gawin yun dahil maari siyang madulas.
Ang aking panganay ay bagong gising at mukhang wala pa din sa mood makipag-usap. Dalawang araw na siyang umuuwi ng dis oras ng gabi. Walang paliwanag at walang sagot sa tanong na tila pa natatapakan ng karapatan sa tuwing mag-uusisa ako. Hindi ko alam na ang pagtanggi ko na mag-aral sya sa Manila ay pag-uugatan pa ng samaan ng loob.
Tumabi ako kay bunso at hinaplos ang kanyang likod. Ngumiti siya sa akin na nagpapahiwatig na payagan ko siya lumabas.
"Noong bata ako hinihintay ko din ang huling patak ng ulan. Tatakbo ako doon sa may puno ng sampalok hindi para manungkit ng bunga kundi manghuli ng salagubang. Lulundagin ko ang maabot kong sanga saka bibitin at yuyugyog. Kasunod na noon ang pagbagsak ng salagubang pati na din ang mga duming nakadikit sa dahon. Maya-maya dadating ang nanay ko at aabot din ng sanga ng sampalok ngunit hindi para manghuli ng salagubang kundi para ipalo sa akin. Mas mabuti pa daw itapon ang suot kong damit dahil uubos ng sabon bago matanggal ang batik sa damit ko."
"Makulit din pala kayo noon, Papa," natatawang wika ni AA.
"Hindi natatapos yun dun, titigil ako sa loob ng bahay ng ilang araw tapos uulitin ko ang panghuhuli ng salagubang!"
"Tapos papaluin ulit kayo!" dugtong pa ni bunso. "Matigas pala ulo nyo."
"Siguro." Tumayo ako at lumapit sa aking panganay. Kumuha ako ng tinapay. Pinalamanan. Iniwan ko ang isa sa mesa at ang dalawa ay para sa amin ni bunso. "Doon kasi ako masaya kaya inuulit ko." Tumingin ako sa aking panganay. "It's like what you love versus what's best you."
"Ano po?" Napakamot ng ulo si AA.
"Pagpili kasi yun. Pipiliin ko ba yung pagiging masaya ko sa salagubang o ang pagsunod ko sa magulang na manatili sa loob ng bahay."
"Ano pong pinili nyo?"
"Noong lumaki ako, wala akong pinili. Tama ka naging matigas ang ulo ko." Lumapit ulit ako sa mesa at inialok ang inihanda kong tinapay kanina. "Pwede mong sundin ang gusto ko o ang sundin ang gusto mo. Ang wag mong gagawin ay ang tulad ng ginawa ko. Ang hindi pagpili. Masakit sa magulang ang bitawan ng anak ang pangarap niya at pangarap ng magulang para sa kanya. "
"Pipili na po ako!" Tumakbo si AA palabas at nagtampisaw sa naiwang tubig sa grahe.
"Pipili din po ako." Sumunod siya kay AA.
Nakangiti na sya. Masaya ako kung anuman ang napili niya.
- wakas-