Tinangay ng hangin ang huling papel na hawak ko kanina. Napadpad ang mga ito sa iba't ibang direksyon at inumpisahang pulutin habang pinapanood ng mga dumadaan.
Humanity is dead na nga ba? Siguro. Baka. Maari. Posible. Malamang.
Pero. What if. Baka naman.
Paano kung ang mga taong nanood sa akin ay may mas pinagdadaanan pa? Benefit of the doubt ika nga. Baka may postural pseudoanemia kaya hindi pwedeng yumuko. O kaya naman may heart breaking story related sa hangin at papel. Parang yung forever nila, tinangay. Meron namang nagsawa na tumulong lalo na kapag sila pa ang nalalagay sa alanganin. Basta! Wag ko na lang lagyan ng meaning ako naman itong lampa.
Lumakad ako papunta sa left wing ng cashier kung saan ko iniwan si Nanay. Naghihintay siya doon habang kumukuha ako ng form para sa promissory note. Wala pa akong pambayad ang miscellaneous fee kaya dadaanin muna ulit sa PN. Maliit na iyon kung tutuusin kasi libre na ang tuition sa pagiging student assistant ko. Pangalawang promissory note ko na kaya kailangan kong isama si Nanay.
Kasalanan nga ba kung mamatay ang tao na isang mahirap? Hindi. Iyon ang sabi sa amin ni Bro Raffy noong ako ay bagong student assistant pa lamang. Ang oportunidad ay bihirang kumatok at kailangan pa itong habulin. At kung minsan wala talaga o nasa dulo na ng buhay bago dumating. Maaring ang sipag mo ay sapat subalit ang paligid ay walang kayang ibigay. Dagdag pa nya, sa mga lugar na uso ang human trafficking, sinasamantala ng marunong ang mga mangmang halip na tulungan. Sa mga lugar din iyon kulang ang edukasyon. Ang scholarship na tinatanggap namin ay daan upang ang mga dating kumakain ng isa o dalawang beses sa isang araw ay maging tatlo at swerte pa kung magdagdagan ng meryenda. Hindi agad na pagyaman ang hatid kundi alisin o bawasan malaking gap ng hirap at yaman.
Paanim na taon ko na sa college kahit 4-year course ang aking kinukuha. Hindi ako nag-full load sapagkat kailangan kong kumita at mag-SA. Hindi ko din naman maitatangi na may kahinaan ako sa academics. Madalas akong nabobo. Napapailing sa mga lessons na hindi ko makuha habang minamani ng mga mas bata sa akin. Umabot sa puntong kailangan kong manimbang. Tuloy pa ba o hinto na?
Tapos nakita ko si Nanay na may bitbit na namang sangkatutak na labada. Si Tatay naman ay kakambal na ang martilyo kahit araw ng Linggo.
Tuloy pa. Kayang kaya. Hanggat may tinta ang ballpen. Hanggat tumatanggap ng promissory note.
Pagkatapos kong magfill-up ay kinulayan ko ang daliri ni Nanay.
"Dito ba anak?" tanong ni Nanay habang taglay ang pinakamatamis na ngiti. "Ganda pala dito sa loob ng school. Galing mo talaga anak!"
Tumango ako. Binura ko ang salitang signature at pinalitan ng thumbmark over printed name.
Niyakap ko si Nanay at nagpasalamat.
- wakas-