Napansin kong nagtitinginan sa akin ang mga tao habang nakapatong ang aking baba sa tuhod. Nagawa pa nilang magtakip ng ilong. Dahil siguro sa natuyong dugo sa damit at braso ko. Nandidiri sila.
Napakaingay ng mundo. Lahat gustong magsalita. Lahat may opinyon. Bawat araw may nangyayari. Na kahit ang kagaya kong tamad na estudyante ay may panahon mag-aksya ng oras sa internet upang igiit ang ipinaglalaban. Ang problema nga lang, madami ang may alam ng tama at mali. Lahat gusto mag-utos pero wala naman kumikilos.
May napanood akong video kung gaano kabulok ang sistema. Nakakagalit. Nakakapikon. Nakasulat ako ng comment pero nagmukhang essay na. Madaming sumang-yon. May bumatikos. Iniisip ko na lang hindi ko sila kalevel. Mas magaling ako. Kunyari may narating ako kahit Cubao pa lang ang pinakamalayong napuntahan ko. May napanood ulit akong aksidente ang bobo ng mga rescue. Nagcomment na lang ako ng recipe ng sinigang.
Si Bimbo ang pinakaepal na taong nakilala ko. Classmate ko sya noong High School at siya ang pinakabobo. Natatapos ang klase na hindi nagsasalita. Hindi nga maramdaman ang presence nya.
Wala naman kwenta ang lumalabas sa bibig nya pero lahat napanganga noong nakatsamba sya sa kwentuhan. Napabigla lang. Ako naman nasapawan.
"Bakit nga ba tumatakbo ang mga bata kapag naglalaro sa ulanan?" tanong ni Daks habang pinanood namin ang mga bata sa labas ng classroom.
"Bata e. Natural na yon," sagot ko. "Para cool tingnan."
"Hindi ka mag-eenjoy sa ulan kung tatayo lang. Lalamigin lang tapos aayaw na. Walang pinagkaiba sa paliligo sa shower. Kailangan tumakbo para ramdam ang tama ng ulan sa katawan. Ang talsik ng tubig mula sa likuran." Napanganga kaming lahat. Umepal si puge.
Nag-aral ako sa Lyceum. Si Bimbo hindi na naisipan. Okey na yun sa magulang nya kesa lumaki daw mangmang. Balita ko nagtatanim sya ng talong sa amin sa Dolores.
Kanina habang naglilinis ako ng kotse ni Papa dumaan si Daks. Sabi niya ikakasal na yung crush ko. Syempre hindi saken.
"Kanino pre?"
"Kay Bimbo."
"Sa magtatalong na yon?"
"Big time na si Bimbo pre. Anlaki ng talungan niya."
Napanganga na naman ako. Ang epal talaga. Parang nanadya. Alam namang trip ko si Anche tapos pinatos. Porke umasenso? Eh ano kung malaki talong nya?
Inutusan ako ni Papa na ipagiling ang natitirang apat na sako ng palay. Binagalan ko ang takbo ng kotse noong malapit na sa bahay nina Bimbo. Asensado na nga ang loko. Pag-apak ko sa gas kabaligtaran ang nangyari. Dalawang pugak tapos tumirik. Ang ganda ng timing. Sumulpot si Bimbo at may hila na aso. Pati aso epal. Itinaas ang paa sa gulong tapos inihian. Kasunod ang malapot na tae sa bandang pintuan.
"Tumirik?" Tumango ako. Obyus naman e. Boplaks talaga! "May tools ka? Tingnan ko. Pakihawak muna si Kulas."
Saktong labing-apat na minuto natapos niya ang trabaho. Pati ba naman sa auto ni Papa talunan ako? Lumundag ang hawak kong aso noong ini-start ko ang makina. Nakatakbo palayo. Nagulat siguro.
Napanganga ulit ako kay Bimbo. Mas lalo pang bumilog ang aking mga mata. Ngunit hindi sa abilidad o kaepalan niya. Ibang sitwasyon ngayon. Parang itinuping lata na tumilapon ang katawan niya noong nasapul ng parating na tricycle. Parang bulateng nilagyan ng asin si Bimbo. Kumikisay. Hindi ako makakilos. Lalakad? Tatakbo? Hihinto. Hayaan ko na kaya? Kasalanan naman ng aso. Kasalanan ni Bimbo. Hinabol nya pa kasi. Hindi din. Kasalanan ko.
May napanood akong video noong nakaraan. Nakakainis. Nakakagalit. Ambobo ng mga tao. Nagvideo lang. Walang nais tumulong doon sa naaksidente. Ang haba ng comment ko. Do's at don'ts iniisa-isa ko pa. Dami react. Nakakaproud! Pero bakit ngayon nakatayo lang ako? Hindi ko alam ang uunahin ko. Paano kung lalong mabalian si Bimbo kapag binuhat ko? Paano kung lalo siyang malagay sa alanganin? Mabuhay man ay baldado. Paano kung wala akong gagawin? Paano kung may nagvivideo sa akin? Ang epal talaga ni Bimbo kahit sa pinakamahirap na sitwasyon siya pa ang kasali.
Nakalimutan ko nasa harap nga pala ako ng bahay nila. Ako pala talaga ang bobo. Sumigaw ako. Nagdasal.
Napansin kong nagtitinginan sa akin ang mga tao habang nakapatong ang aking baba sa tuhod. Nagawa pa nilang magtakip ng ilong. Dahil siguro sa natuyong dugo sa damit at braso ko. Nandidiri siguro. Sobrang guilty ko kaya hindi ako umalis sa pintuan ng hospital kahit maayos na siya. Hihintayin kong magising si Bimbo.
May dumaan ulit babae. Tinapik ako. Doktor siguro. "Kuya may tae ng aso ang sapatos mo. Ambaho e."
- wakas-