Simula noong maging teacher si Jenny ay naging Jedi na sya. Sa lahat siguro ng nagtuturo ngayon, isa sya sa mga old school. May hawak syang patpat para bigyan ng diin ang bawat salitang gusto niyang itanim sa estudyante. Namana siguro sa nanay niyang Jedi din. Tanda ko pa kung gaano kabisa ang kapirasong kawayan na yon. Basta dumikit sa blackboard ang stick dapat nakaplanta sa utak dahil paniguradong mababanggit iyon sa recitation. Kilalang terror ang nanay nya.
Sa lagay naman ni Jenny mabait siya magturo. Mas trip nya lang siguro ang ganun approach sa history para kita agad kung nasaan latitude at longitude ang pinas. Tsaka panakot din sa mga inaantok.
Matalino si Jenny pero paminsan meron akong pagdududa. Una, ginawa niya akong school service. Kung tutuusin pwede naman siya magjeep para mas tipid. Siya pa mismo ang nakiusap sa magulang ko na ihatid sya sa umaga at sunduin sa hapon. Si papa ang tricycle driver pero ako daw dapat para makapahinga si papa at saka ka-wavelength sa mga kwentuhan.
Pangalawa, nagagalit sya kapag natatagalan ako dahil gusto na makauwi pero palagi kaming may stop-over. Suki kami ng banana cue, turon, maruya at kung ano pang source ng diabetes. Medyo asar nga lang kasi may katakawan si Jenny. Yung dapat kakainin ko ang gusto pa ay isusubo ko sa kanya. Takaw talaga!
Pangatlo, nagtatanong sya ng mga bagay na yes at oo lang ang pwede kung isagot. Tulad ng maganda ba sya, bagay ba ang suot niya, pantay ba ang lipstick nya. Naranasan ko ng latayan ng makapangyarihang patpat noong napatawa ako sa tanong nya at ayoko na yun maulit. Kung kamahal-mahal ba daw sya? Kung hindi ko alam na may kinababaliwan sya malamang iisipin kong trip nya ako.
May pagkakataon na niyaya niya ako sa mall para gawing kargador ng mga libro niya. Naexperience kong makipagsiksikan sa book signing para sa kanya. Request nya yun nung birthday nya. Nauto nya ako dun pero oks lang tipid yun. Saka masaya na siya sa ganun. Kinukunan nya ako ng picture tapos itatag para laitin. Minsan with the driver o kaya with the alalay.
Hindi naman mahirap sakyan ng trip ni Jenny. Masarap nga sya kasama kahit may pagkamoody. Kasama na yun sa pagiging babae niya. Witty, amazing, charming, trendy at happy ang package nya. Napakacool nga. Pero madalas pacute kaya ansagwa tingnan.
Ngayon, damit naman ang hanap niya. Sobrang tagal namin sa fitting. Pati saleslady nakasampung hikab na.
"Wala ka bang kaibigang babae na pwede sa ganito?"
"Meron. Kaso busy. May lovelife e. Takot kasi sila."
"San natatakot?"
"May sumpa daw kasi sa school. Kapag walang boyfriend ang isang teacher ay tatanda na daw itong dalaga."
"Hala! Pano ka?" Gusto ko sanang tumawa kaso nanlilisik ang mata nya. Pansin ko din dala nya yung patpat niya na kasing laki ng drumstick.
"Malapit na."
"Malapit ng magkaboyfriend? Wow!"
"Malapit ng tumandang dalaga!"
"Gawan mo ng paraan!"
"Hopeless case na yun."
"Dapat kasi hinahampas mo ng patpat mo para malaman mo kung manhid ba talaga!" Sa isip ko paniguradong walang pakiramdam yun. Paniguradong pati mata nun latay. Si Jenny pa!
"Parang ganito! Ganito ba?"
"Aray! Wag ako pagpraktisan mo!" Inilabas na ni Jenny ang pagiging Jedi nya.
"Dapat siguro mas malakas pa!"
Hindi pa din ako bilib kay Jenny. Malamang di nya gagawin ang suggestion ko.
wakas