Parang pagtama sa jueteng ang pagkikita namin ni Omi. Chambahan. Siya ang bespren kong hindi ko naman namisplace pero biglang nawala. At makikita kapag hindi na hinahanap.
Nag-aral sya sa unibersidad hindi upang matuto kundi sa paghahanap ng sagot sa mga kakaiba niyang pananaw at paniniwala. Sa madaling salita kakaiba syang mag-isip. Pang-alien. Out of this world. Wala sa Webster. Pero hindi siya weird o nerd.
"Ano dre? Mayaman na?" salubong niya sa akin. "Order ka. Beer? Pulutan? Sige lang!"
Inalis ko ang aking kurbata bago umupo sa tapat ni Omi. Alam kong aalburin nya e kaya inunahan ko na. "Sana dre. Hirap pala yumaman. Ikaw ba?"
"Naku. Ako lang yata ang taong ayaw yumaman. Minahal ko na yata ang struggle. Mas naging trip ko na ang nakakaraos lang."
"Aba ang kuya mo asenso na. Kita mo naman ang tindahan nya."
"Asensado nga pero ano? Araw-araw nasa tindahan. Halos dumikit na ang pwet sa upuan. Ayun nirayuma."
Dumating ang inorder nyang baby back ribs at kalamares naman sakin. May libre pang nachos. Alam kong mahaba ang aming magiging kwentuhan pagbagsak ng bucket ng beer.
"Maiba ako, ganda ng topic ng speaker di ba? Inspiring!" Hindi ko akalain na mahilig pala umattend ng mga seminar si Omi lalo na kapag life coach ang speaker. Suki daw siya ng imbitasyon dahil nga sa istilo niya.
"Pre kung wala laman ang bibig ko tumutol na ako." Ayun na nga ang hinihintay ko. Alam kong may opinyon sya.
"Bakit? Maayos ah. Kita mo naman lahat ay tumatango. Bumagsak, bumangon at nagtagumpay."
"Kaya kasi umattend ako doon kasi bukod sa libre ang pagkain, akala ko ang topic ay success story."
"Success story ah!" Medyo nalabuan ako kay Omi. Sa unang pagkakataon naging mapurol yata ang utak niya.
"Pre umikot ang sinabi nya kung paano sya nagutom, niloko at nasunugan pero nagsikap sya at nagtagumpay. Yung success nya video clip na lang ng properties."
"Success story di ba?"
"Alam mo my friend, napainom akong minsan sa San Pablo. Isang araw bago magfiesta may inuman sa daan, parang set-up ng Octoberfest. Nakaramdam ako ng pag-ihi, eh may pila doon sa portalet kaya medyo naghanap ako ng pwede. Habang naghahanap ako may fellowship doon sa kabilang side. May lalaking nagsasalita, nagrereview daw siya noon para sa Bar exam habang nagtatrabaho. Nakaranas syang hindi kumain kasi ang katumbas ng konsumo nya ay tatlong bibig na naghihintay sa kanyang umuwi. Ang tulog niya talagang limitado lang. Tapos hinahabol pa sya ng collection agency ng housing loan. Kita mo pareho sila ng kwento. Alam ang kaibahan?"
"Bumagsak sya?" Sundot ko.
"Mismo! Parehong may struggle at nagsikap pero magkaiba ang resulta. Alam mo ba kung bakit sya nagshare kahit bumagsak sya?"
"To never give-up? May hope pa? Eexam ulit."
"Galing mo pare parang andun ka ah. Kahit ihing-ihi ako talagang tinapos ko yung sinabi niya! Kaya dehins ako bilib sa speaker kanina e. Dapat what's behind ng success ang topic e. Or kung ano ginawa niya after, doon talaga makikita ang success at yun ang gusto sana makita kung tumulong ba sya."
"Mas masarap kasi pakinggan pare ang mga ganun kwento e. To lift others."
"Yan pare ang dahilan kung bakit ayaw kong yumaman. Gusto ko yung paulit-ulit na pakiramdam na after ko magstruggle may sisilip na kahit karampot na biyaya. Langya dre, yung tipong may papatak na isang luha tapos ansaya na! Sarap di ba?"
"Oo dre. Mararamdaman talagang may supreme being. Parang kanina bago ako pumunta dito, nasiraan ang sinasakyan kong jeep tapos may nakita akong lalaking nangingisda sa irrigation. Suntok sa buwan kong may mahuli doon pre, antyaga nya. Alam mo noong may kumagat, walastik halos madapa sa pilapil sa tuwa at sinalubong pa ng apat na maliit na bata. Ansaya nila kahit mamaya e pahirapan na naman sa pagkain."
"Tama ka dre. Kita mo naman tayo noong nag-aaral pareho naman nagsisipag pero magkaiba ng grade."
"Matalino ka kasi." May kayabangan din minsan si Omi pero sanay na ako.
"Pero tingnan mo naman. Laki ng agwat natin. Magkakaiba kasi ang oportunidad na dumadating."
"Mapili ka yata sa trabaho e."
"Ganito yan, kung may maahang na pagkain sa harap mo tapos nagugutom ka kaya lang may almoranas ka. Titiisin mo ba ang gutom o titiisin mo ang pag-ebak?"
"Alam mo naman mahina ako sa ganyan pare. Mahirap pumili."
"Ganun pare ang oportunidad di mo alam kung alin ang dapat. Baka mamaya, may iba palang pagkain na ihahain. Meron talagang success na madali dumating sa iba, meron naman sa end of life na or wala talaga."
"Kaya bespren kita e. Ikaw na kaya magseminar sa sunod para pagkakitaan natin yan."
"May maniniwala ba? Basta meron. Kasi lahat naman nakatingin sa output, anong meron ako? Wala naman 'di ba?"
"Umpisahan natin sa mababa. Sa natapos natin."
"Gusto ko yan! Sabihin mo lang ako. Nga pala yung tanong ng speaker kanina kung ano ang lamang ng mahirap sa mayaman pare? Experience pare. Experience. Pagpalitin mo sila ng buhay kahit isang araw baka agahan pa lang suko na. Oh pano, ikaw muna bahala ha? Walang wala ako ngayon e!"
Hanga talaga ako sa bespren ko hindi sa pag-iisip at laman ng sinabi nya kundi sa kapal ng mukha umorder.
- wakas-