Skinpress Rss

LANGGAM


Nakahiga ako sa sahig habang pinapanood ang mga langgam. Matyaga nilang binubuhat ang butil ng makunat na chippy na pinulutan ko kagabi. Malapit na sa pinto ang isa pero inagaw ko ang buhat niya at ibinalik sa pinakadulo. Napakamot siguro siya ng ulo. Inulit ko ang ginawa ko sa iba. Nagkamot din sila siguro ng ulo.

Bad trip talaga si bossing. Hindi niya maintindihan ang paliwanag ko at mas pinili muna niya magsermon. Inutusan nga kasi maghulog ng sulat ng VP. Sabagay cup C siya. Bobita. Puro dede lang. Kaya nag-iisip akong magresign madami pa naman trabaho.


Hanga din naman ako sa perseverance ng mga langgam. Buhat na ulit nila ang butil ng chippy. Nakangiti pa yata yung isang nakalampas ng pintuan. Umapir pa doon sa nakasalubong.

Ano bang nakita ng kompanya para i-promote si bossing? Alam naman ng lahat na slow siya at malayo sa level ng ibang lead. Inaabot pa na ilang oras bago makagawa ng matinong paragraph. Kulang pa sa decision making.

May dumating na tropa. Back-up pala dahil may kalakihan ang naamoy nilang chippy. Medyo namukhaan ko pa iyong isa. Siya yung nakatakas kanina. Hinarangan ko ang daan para maligaw sila. Pero hindi sila natinag. Naisip ko, tinawanan lang siguro ako at nakadila pa yung isa. Hindi sila natinag kahit may balakid sa daan.

Okay naman si bossing kung tutuusin. Hindi ko nga siya nadinig magreklamo kahit madami siyang natatanggap na criticism. Manhid na siguro. Tuloy lang ang trabaho. Hindi mahilig sa chikahan at lalong wala siyang oras sa kilay.

Meron kayang langgam na umayaw sa duty nila? Tipong nagrereklamo dahil hindi naman para sa kanila ang pinagpaguran nilang buhatin. Meron kayang tambay na langgam? O kaya yung petiks magtrabaho?


Napahiya naman ako sa langgam. Napagalitan lang ako ng konti magreresign na. Si bossing nga inulan na ng batikos tuloy lang. Optimistic and professional. Kilala niya ang kanyang sarili kaya hindi siya reklamador. Hindi talaga sukatan ang talino pagdating sa trabaho kundi kung paano ka magtrabaho.

Nainggit ako bigla sa mga langgam kaya kumuha ako ng walis. Baka masermunan na naman ako ni misis pagdating. Iba pa naman magalit si bossing lalo kapag puyat. Baka hindi ako paswelduhin.


- wakas-