Aminado naman akong average student dati kaya alam kong gapang at luhod sa paghahanap ng trabaho ang sasapitin ko. Sabi ko nga sa sarili ko, kung may tatanggap sa akin at mareregular paniguradong doon na ako tatanda. Hindi sa pagiging loyal o dedicated kundi sa struggle kong naranasan sa paghahanap ng trabaho. I know my limits naman kasi. Im just a nobody kahit nga sa puso mo. 😞
Eto nga nagkatrabaho ako. Na-miss ko naman bigla ang pag-aaral. Dati kasi, ang problema ko ay limitado kung sino ang kokopyahan, baon, paliligo sa umaga at paglingon ni crush. Akala ko namemersonal ang mga prof dati. Ngayon alam ko na ang pakiramdam nila. Tipong sayang palagi ang effort. Hindi narerecognized ang pagod. At higit sa lahat, mararamdaman na mas mababa pa average. Dati kasi kahit madaming problema ngiti lang ni crush solve na. Ngayon iba na. May pinasok akong matinding kahihiyan na pakiramdam ko ay may ga-kwagong matang nakatingin. Tinatamad tuloy akong pumasok.
Inisip ko nga maglovelife kaso langya. Dagdag problema pa. Lagi ako nabu-bully. Nito ngang huli si Gail. Sabi niya mukhang mauuna pa daw akong tumakbo kapag nagkagipitan. Magpalaki daw ako ng kahit konti ng katawan pero kung hindi naman kaya kahit magpalaki ng tiyan.
Sa madaling salita itinigil ko na ang pag-ibig goals. Focus na ulit sa konting sulyap at usap sa mga applicants ng Carmelray. Pampangiti. Pang-alis pagod. Solb.
Nahuli ako ni Paula na nakatingin sa kanya. Matagal na akong tulo laway sa babaeng yon pero hanggang dun lang yon. Pinapangarap siya ng lahat at imposibleng ang gaya ko ay papatulan niya. Sa iba nga di ako pumasa lalo pa sa kanya. Sa lahat ng babae sa opisina siya ang suki ng bulaklak at patsokolate.
"Type mo ko?" Lumapit sya sa akin na may halong paninindak. Naloko na. "Umamin ka Onat!"
Tumango ako. "Crush lang. Wag mo masamain!"
Hinila niya ang ID lace ko. "Tara samahan mo ko maglunch!"
Syet! pansit. Mula pagsubo hanggang paghigop sulit na sulit. Masarap panoorin. Dream come true ito kaya wala akong sinayang na minuto. Sumelfie pa kami para may pwede ako i-throwback.
Okay na sana. Kaso doon pala magsisimula ang delubyo. Una sa lunch, hatid pauwi tapos nagyaya sa Divisoria, Baclaran, Taal, Bacoor at marami pang iba. Dapat hindi na lang ako umamin. Madali naman nagsinungaling e. Nasindak lang talaga ako.
"Samahan mo ako sa canteen," aya ulit ni Paula kahapon.
"Busog pa ko e." Ayaw ko na sumama. Ginagawa nya lang akong alalay.
"Arte mo! Eh di samahan mo lang ako. Alam mo naman sa lahat ng lalaki nainvolve sa akin e mas una ang personal na interes. Ikaw iba! Alam kong mas una ang admiration sayo. May respect kahit pano. Kahit di kita type, at least meron akong kasama. I'm afraid of being alone kasi e. Lokohin mo man ako wala akong panghihinayangan. "
Aray. Pwede bang magrequest ng music habang nagsasalita sya? Quit playing games with my heart. With my heart. Repeat til fade.
"Pilitin mo muna ako!" Langya, dinaan lang ako sa kindat. Ako naman sumama agad.
"Samahan mo naman ako mamaya sa apartment." Gusto kong tumanggi kasi alam kong inuuto ako. Magpapahatid na naman. Dagdag gastos sa pamasahe. User na user ang dating.
"Sure!" Pakonswelo na lang talaga ang paglingkis nya sa braso ko. Kilig syempre. Hirap tumanggi. Ganda e. Kinis pa. Choosy pa ba?
"Umalis kasi mga kasama ko sa bahay. Wala akong kasama matulog." Napalunok ako ng laway.
Hay naku, hirap talaga maging average guy. Hindi ako ready sa biglaan. "Anong gagawin ko don?" Tama ba ang tinanong ko? Obyus namang hindi. "Gwardya?"
Kumindat sya. Tapos ngumiti. Tunaw. "Samahan mo muna ako sa palengke. Gusto ko ng pakbet." Mahilig daw sya sa okra para medyo naglalaway tapos kalabasa para may konting lagkit. Syet! Pakbet!
Plok. Plok. Double lock pagpasok ang apartment. Syet plok plok!
"Ipatong mo muna sa mesa ang pakbet." Umupo siya sa sofa at itinaas ang mga paa. May ipinakita syang hindi ko dapat makita. "Pakimasahe ng paa ko. Pinaglakad mo kasi ako."
Ngumiti ako. Wala kasi akong panlibre ng pamasahe kasi petsa de peligro na. "Para sweet. The longer the walk the sweeter."
"Leche ka! Iisa naman ang uuwian natin. Halik-a!"
May chilling effect pa ang huling salitang binitawan niya. Tapos naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa aking likod. This is it pakbet!
Ayun nga, pinagapang ni Paula ang kanyang kamay. Tapos kinagat-kagat niya ang aking leeg kasunod mainit na halik. Akala ko hindi ko mararanasan ang ganito. Tapos sa sobrang ganda pa! Wapak!
Aminado naman akong average student dati kaya alam kong gapang at luhod sa paghahanap ng trabaho ang sasapitin ko. Sabi ko nga sa sarili ko, kung may tatanggap sa akin at mareregular paniguradong doon na ako tatanda. Pero ngayon tinatamad na akong pumasok dahil sa sobrang kahihiyan.
Plok. Plok. Tanggal ang double lock. Iniwan ko si Paula kagabi. Takbong magnanakaw as in! Hindi sa ayaw ko syang patulan kaya lang may naramdaman akong mainit-init na bigla na lamang lumabas.
Tinatamad na akong pumasok kaso nagtext si Paula. "Pwede mo ba akong ibili ng pakbet? Pakidala sa apartment."
- wakas-