"Pare kasalanan na ba kapag nahulog ka sa isang tao habang nasa relationship pa?" Muntik tumapon ang hawak kong ballpen sa sinabi ni Rik. Matik na yun dapat. Pangit naman yung makakasakit ka ng iba habang ikaw tuloy ang ligaya.
Base sa kwentuhan sa tindahan ni Manong Dukot, malaki daw ang contribution ng mga broken-hearted sa benta ng alak at biogesic. Bagamat naaawa sya, sayang naman daw ang income opportunity kaya inaalok na din ang cup noodles.
"Oo naman pre! Adik ka ba?" sumbat ko. "Okay naman kayo ng jowa mo!"
"Pero wala naman akong ginagawang move e! Ni hindi ko nga sinasabayan lumabas ng pinto."
"Kahit na! Eh si Mae? Mahal mo pa?"
"Oo naman! Sure ako dun. Solid pa."
"Si Ms Collardo yan no? Tigil mo na yan."
"Oo e. Alam mo naman madalas ko sya kasama kasi dalawa lang kaming OJT sa Uni. Ano ba gagawin ko?"
"Bumarkada ka ulit sa akin ang pinakamadaling gawin. Samahan mo akong ganito. Ninanamnam ang ganda ng paligid."
"Kelan ka pa naging nature lover?"
"Hindi pare! Mamaya lalabas na ang HRM kasunod ang Tourism. Tapos mangilang-ngilang ABComm. At sila ang dahilan ng ganda ng paligid."
"First year mo pa ginagawa yan. Walang bago? Puro ka kalokohan e. Seryoso ako."
"Seryoso din ako. Hindi naman kasi pwede na basta close sayo, papatusin mo. At hindi porke may motibo, susunggaban mo. Balato mo na sa walang gf pre. Hayaan mo silang maging masaya." Gusto ko sanang sabihin na ako yun.
"Para kasing she feels the same e! Ang soft na nga ng tawa nya. Dati halakhak pa."
"Anak ng pato! May panganyan-ganyan ka pa? Dumistansya ka. Wag mong titigan. Wag ka mag-establish ng eye contact kasi malulunod ka!"
"Kaya naguilty ako e. Kaya nagtanong agad ako kung kasalanan e! Salamat pare ha. Titingnan ko lagi ang picture ni Mae para maremind ako na dapat di ako mahulog sa taong nakaclose ko."
"Alam mo pare ang kasalanan e sa dami mong naging babae."
Pinutol ni Rik ang sasabihin ko. "Wag ka na magthrowback. Hindi nga nagwork yung nauna."
"Patapusin mo ako. Andami mong naging babae at nasulat na love letter pero hindi ka pa marunong gumawa ng essay. Kopya ka lang ng kopya sa akin. Rephrase naman. Aral kahit konte. Isang sem na lang graduate ka na ng dahil sa akin!"
Taka din ako sa tropa kong ito. Sobrang creative sa love letter pero kapag academics e pulpol.
"Isumbat ba? Problema ba yun? Akin na lang to. Gawa ka ng bago. Libre ka na lang kita ulit ng spaghetti."
"Samahan mo ng fried kamote."
"Deal!" Inagaw niya ang yellow paper ko at sininulan i-rewrite.
Buti na lang natauhan ang kaibigan ko. Buti na lang maraming akong nakopyang essay sa kabilang section.
- wakas-