Skinpress Rss

Class Reunion


Iba talaga ang nanay ko. Umuwi akong lasing na lasing pero wala akong nadinig kahit konting reklamo. Siya pa mismo ang tumakbo sa tindahan para bumili ng instant noodles upang bumaba ang tama ko. Pitong subo pa lang yata ay nailuwa ko na muli ang kinain ko. Hindi na ako nakaabot pa sa banyo kaya sa sahig ako nagkalat.

Pasado alas onse ng umaga ng magising ako sa sofa. May unan, kumot at malinis na din ang damit. Mahal talaga ako ng nanay ko kahit puro kalokohan lang ang hatid ko. Nahihiya din naman ako sa ginawa ko kaso may mga bagay lang na kahit iwasan ay talagang dadating. Para sigurong si Jong Hilario, kahit anong galing sa cartwheel minsan sasablay din.

Anak virgin ka pa ba?


Naging kakaiba ang kilos ni Marian. Hindi gaya ng dati na palangiti at madaling pakibagayan. Ngayon, malungkot ang kanyang katauhan at tila palagi may kinatatakutan. Madalas tahimik at palaging gustong mapag-isa.

Hindi mapigilang mangamba ni Roselle. Alam niyang may inililihim ang anak. Malaki kasi ang ipinagbago ng pakikitungo nito sa kanya. Halatang umiiwas sa mahabang usapan.

"Marian, anak, kamusta ang pag-aaral?"

"Mabuti naman po." Mahina at halos pabulong na sagot ng anak kay Roselle.

"Bakit parang nanamlay ka nitong mga nakaraan araw?"

"Hindi lang po naging maayos ang pakiramdam ko."

Salamat po!





PEBA honored notable Filipino OFW bloggers and OFW Supporters at the Teatrino, Promenade, Greenhills last December 16. Luckily, my blog was announced twice. :p



I am humbled and honored to have been selected as Best Blog in Luzon and Top 4 in OFW Supporters Category. (Sayang isang butas na lang may pamalit na sana ako sa nokia 1200 ko. lol). Thanks PEBA for recognizing my blog (kahit puno ng typo errors) at sa mga pambihirang taong bumuo ng parangal. Kudos! Goodluck sa mga future undertakings.

Love Bus - Chapter Seventeen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16

"Kailang an ba talaga nagmamadali?" atungal ni Christine sa kaibigan. "Hello? Parang 24 hours ang byahe papuntang Baguio."

Kunot na ang noo ni Christine pero hindi siya pinapansin ni Miel. Kahit ibandera niya ang pawisang mukha ay di umepekto kay Miel para huminto.

"Sayang ang oras!"

"Magbabakasyon tayo di sasali ng karera! Isa pa matutulog din naman tayo sa bus. Maliban na lang kung gusto mo ng managinip kahit tirik ang araw at umasang makita ang prince charming mo!"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Pagkukunwari ni Miel na di alam ang tinutukoy ng kaibigan.

"For God's sake Miel! Ako pa ang paglilihiman mo, eh kahit frequency ng utot mo alam ko! I know pabalik-balik ka ng Baguio dahil umaasa ka pang makikita mo si Andrew."

Hinahanap ka ni inay!


Gboy! Hinahanap ka ni inay! Oo, ilang beses niya akong tinanong pero pangako di ko sinabi kung nasaan ka. Ayaw mo kasi malaman niya, di ba? Sinabi ko na lang nasa trabaho ka. Sa malayo. Minsan nga nakakatampo kasi parang di niya ako napapansin. Palaging ikaw lang. Parang invisible ako sa sariling bahay.

Hinihintay ka niya, Gboy. Ilang araw din na paulit-ulit niyang binanggit ang pangalan mo sa akin. Galit ka daw ba sa kanya kaya ayaw mong umuwi? Hindi ka daw kasi dumadalaw, sumusulat o di kaya ay tumawag. Gusto ka niya puntahan kaso sabi ko hindi ko alam kung nasaan ka.

Christmas Tree


"Aalis ka na po ulit, Papa?" tanong ng apat na taong gulang na si Bugoy sa ama.

"Oo anak. May sakit ang lola mo, kaya kailangan ko palagi siyang dalawin," tugon naman agad ni Mateo.

"Kailan ang balik mo? Sana bago magpasko... nandito ka." Niyakap ng bata ang ama. "Para may katulong kami sa pag-aayos ng Christmas tree."

"Sige, anak."

"Promise?"

Tumitig muna si Mateo kay Althea bago sumagot sa bata. "Pangako. Kailan na ba sumira ng promise si Papa?" Ginusot niya ang buhok ng bata bago tuluyang namaalam.

Abot-abot ang hikbi ni Althea habang sinusundan ng tingin si Mateo. Nangilid sa kanyang mga mata ang luha. Lumalaki na si Bugoy pero hindi pa nito alam ang katotohanang bumabalot sa relasyon nila ni Mateo. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa isang matanong na bata ang bihirang pagdating ng ama. Ayaw niyang saktan ang anak. Naramdaman niya ang mainit na yakap ni Bugoy sa kanyang likuran dahilan upang pumatak ang kanyang luha.

Parol


"Gusto kong yumaman," sagot ni Leroy sa tanong ng kalarong si Igle. "Para makabili kami ng parol."

Nagtawanan ang mga bata kahit seryoso ang sagot ni Leroy.

"Saranggola na lang ang gawin mong parol. Damihan mo na lang ng palamuti para magmukhang parol!" hirit ni Igle.

"Gusto ko iyong makislap tuwing gabi!" giit muli ni Leroy. "Iyong may ilaw."

Siguro mababaw ang hiling ng bata pero tumatak iyon sa isip ni Cesar na noo'y aksidenteng napadaan sa tambakan ng basura kung saan naglalaro ang mga bata. Anak ni Cesar si Leroy. Pamumulot ng basura ang pantawid nila ng gutom. Swerte na kung may kanin sa kanilang hapag kaya imposibleng makabili siya ng parol na kumikislap sa gabi. Hindi man niya nadinig huminga ang anak pero gusto pa din nitong matupad ang simpleng hiling nito.

Proposed New DOT Logo


nakikiuso lang ako.. hehe 


Love Bus - Chapter Sixteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 |

*****

Hinatak ni Miel si christine patungo sa garahe ng bahay niya. Wala paring tigil sa pangungulit at pang-aasar si Christine kay Miel tungkol kay Andrew.

"Alam mo, feeling ko talaga type mo ang lalakeng iyon eh." Mapanuksong ngiti ni Christine.

"Of course not! Trip ko lang siyang asarin noh. He's way too serious for me. Mamamatay ako sa boredom kung siya ng siya ang makakasama ko." Depensang tugon ni Miel.

Isinalampak niya ang pinto ng kotse. Halatang pikon ito sa idea na gumuhit sa utak ni Christine. Pero kahit siya ay naguguluhan din. Hindi niya maintindihan kung ano bang meron sa lalakeng iyon at hinahanap-hanap niya ang kasungitan nito. Nalulungkot na naman siya. Lalo pa't iniyakan niya. "Hayy." Buntong hininga ng dalaga.

An Interview! Bow!




Kung mamatay ka, sa anong paraan ang gusto mo? 10 points

Karamihan ang isasagot nila bangungot, aksidente o ang ilan ay mamatay sa sarap. :p

Kung kayang piliin ang way ng kamatayan ang gusto ko ay para sa babaeng mahal ko.. Yung tipong sa movie na "If Only" ni Jennifer Love Hewitt, namatay ang mahal niya dahil sa isang car accident. Matapos ang accident saka pa lang narealize ng lalaki kung gaano kahalaga ang girlfriend kesa sa kaya niyang ibigay or sa napakaganda niyang career. Kaya noong bumalik ang oras kung saan buhay pa ang gf niya, pinili niyang makipagpalit ng posisyon. Ang lalaki ang namatay sa aksidente.

Love Bus - Chapter Fifteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14

"Hoy Miel! Buksan mo nga ang pinto!" Malakas na sigaw ni Christine habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ng kaibigan.
Naalimpungatan naman ang dalaga. Bago tuluyang buksan ang pintuan ay inayos muna niya ang sarili. Humarap siya sa salamin at napasigaw sa kanyang nakita.

"OH MY GOD! OH MY GOD!" Hindi siya makapaniwala na ang laki ng tigyawat niya sa ilong. Pakiramdam niya ay sasakupin nito ang kanyang mukha sa sobrang pagkaparanoid. Naisip niyang karma ito sa kanya. Na parang si Pinocchio, kaso sa kanya tigyawat ang tumubo. Naghilamos muna siya bago tuluyang buksan ang pinto dahil malapit na itong magiba ni Christine.

"Yuck! What happened to your nose?" Sabay tila diring-diring turo sa sumisigaw na tigyawat ni Miel.

"I know, right? It's ugly. Tara come with me sa derma, I have to get this removed! I'm so screwed, after my self-proclaimed vacation madami akong naiwang work sa office," yaya nito sa kaibigan. Hindi naman tumutol si Christine dahil matagal na din ang huli niyang facial.

"That's what I'm here for talaga. Saan ka ba nang-galing ha? Hinahanap ka ni Carlo." Prenteng umupo sa sofa ng kwarto ni Miel ang kaibigan. Kumuha ng pagkain sa fridge at binuksan ang TV.

Palike ng picture na ito sa PEBA facebook




Hello guys!

Commercial muna. Paki-like sa PEBA fanpage naman ng image sa taas.

Pano gawin?

1. Ilike muna ang PEBA fanpage.

2. Iclick ang picture sa taas or here. Pwede ding magcomment.

Salamat!


P.S.

Huwag ninyo na lang tingnan ang picture ko para di kayo bangungutin. Hindi din 'yan proven na panakot sa ipis o daga.

Love Bus - Chapter Fourteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |




Hindi pansin ni Andrew na kanina pa siya tinitingnan ni Heidi. Kakaiba kasi ang aura ng mukha niya kumpara kanina.

"Mukhang maganda ang naging lakad mo ah?" nakangiting puna ni Heidi. "Nakausap mo na si Pearl?"

"Oo Ate." maikling sagot ni Andrew habang pinapapak ang hawak ng bagnet.

"So kayo na ulit? Congrats!"

"Hindi. Wala na talagang pag-asa."

Napakunot ng noo si Heidi. "Pero bakit parang mas matangkad pa sa'yo ang saya mo?" nalilitong tanong niya kay Andrew. "Kanina ka pa nakangiti d'yan e."

"May naalala lang ako dahil sa bagnet. May nakasabay kasi akong babae sa bus na nagtrivia pa sa paggawa ng bagnet."

"Trivia lang mapapangiti ka na ganyan?"

"Weird kasi iyong babae. Mataray, witty, mabait na ewan. Madaldal tapos moody."

"Dami mong nasabi. Close na agad kayo ha, ilang oras lang kayong magkasama."

"No. 3 days kaming magkasama."

Nanlaki ang mata ni Heide. "3 days? Kailang pa naging 3 days ang papunta dito sa Baguio."

Hindi na napigilan ni Andrew ang sarili na magkwento. Nasabi niya ang nangyari kung bakit di agad siya nakarating. Mula sa pagsingit sa pila ni Miel hanggang sa paghihiwalay nila ng bus.

"Sayang nga e. Sinira niya ang tiwala ko," pagtatapos ni Andrew sa kwento.

"Pero kahit ganoon siya, may good deeds siyang nagawa sa'yo. Sabihin na nating pinaglaruan ka niya pero may mga tao talagang ganun lalo na kapag pinalaking brat."

"Tama ka ate. Ngayon ko nga lang narerealize na mainitin ang ulo ko lately kaya siya ang napagbutunan ko ng galit."

"Bakit kaya di mo hanapin? Magsorry ka."

"May problema e."

"Pride mo na naman. Nahihiya ka?"

Umiling si Andrew. "Hindi ko alam ang pangalan niya."

"Oh God! Ewan ko sa'yo." Lumakad palayo si Heidi sa dismaya. "3 days kayong magkasama at natulog pa sa iisang lugar di man lang nalaman ang pangalan."

"Parang nasira ko yata ang mood mo?"

"Sayang kasi. Maraming kakilala ang kuya mo dito. Kung alam mo ang pangalan baka nahanap natin?"

"Hayaan mo na. Malilimutan din ng taong iyon at ang nangyari."

"Eh ikaw? Kahit di mo aminin, gusto mo siyang makita. Kung talagang galit ang naramdaman mo wala ka ng sasabihing maganda about sa kanya."

Nagtaas lang ng balikat si Andrew. Kahit siya ang hindi niya alam.


Ilang araw na lang ay babalik na siya ng Manila. Malamig na ang simoy ng hangin kumpara noong mga nakaraan araw. Pumasyal muna siya sa mga kakilala at inikot ang dating pasyalan. Habang naglalakad ay hindi maiwasang maisip ni Andrew ang kalagayan ni Miel. Kahit paano naman ay may pakialam pa din siya dito. Kung hindi dahil sa kanya baka namalimos na siya sa Ilocos at di magiging mas maayos ang kanyang proposal. Pero kung hindi din dahil sa kanya, mas maaga sana niyang naipresent sa kapatid niya ang business proposal niya. Naguguluhan siya. Nagtatalo ang kanyang isip.


Nakarating siya sa Burham Park. Naupo siya malapit sa boating area. Tanaw niya ang mga magkasintahang namamangka. May mga alaalang pilit bumabalik. Gaya ng ginagawa nila noon ni Pearl sa Burnham. Sa boat number 31 siya nagpropose noon kay Pearl, dito din ipinahayag ng dalaga na mutual ang feelings nila para sa isa't-isa. Hindi lang siya makatalon noon sa saya kaya inalog na lang niya ang bangka.


Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Si Pearl. Tuluyan ng nawala sa kanya si Pearl. Pero bakit hindi siya nasasaktan? Bakit parang okay na sa kanya? Siguro nga, gaya ni Pearl ay napagod na din ang puso niya sa paglaban. Kaya pinili na nitong magpahinga.


Sa Maynila, kararating lang ng bus na sinakyan ni Miel mula sa Ilocos, halatang pugto parin ang mata ng dalaga dahil sa pag-iyak, ngunit sa pagkakataong ito, hindi dahil kay Carlo. Pumatak na naman ang luha niya, ngunit pilit niyang inaalis sa alaala ang masasakit na salitang sinabi ni Andrew. Pero kailangan niyang tanggapin, na siya din ang dahilan kung bakit nagalit ito sa kanya.

"Kamusta na kaya siya? Nakarating kaya siya sa Baguio? Nakita niya kaya si Pearl?" May halong pag-aalala sa isip niya. Inaamin naman niyang nag-kamali siya, pero sa palagay niya, eto ang pagkakamaling pinakana-enjoy niya, hindi dahil sa nakasakit siya, ngunit dahil ibang kasiyahan ang naidulot ng tatlong araw na nakasama niya si Andrew.


"Manong, Dasmariñas Village nga po." utos niya sa taxi driver.

Pagdating niya ng bahay ay pumasok agad siya sa kwarto. Doon niya pinakawalan ang bigat na nararamdaman. Kung kanina ay puro hikbi lang ang nagagawa niya, ngayon ay napuno ang kwarto ng hagulgol. "Napakatanga ko!" sigaw niya habang nakadapa sa kama. Naging tagasalo ng lahat ng galit ang kama at ang unan ang kanyang naging tanggulan at kayakap.


itutuloy...

-----------

Ang kapitbahay (wakas)


Part 1 | 2 | 3 |


Mabilis na lumabas ng bahay si Nico para puntahan ang kapatid sa ilog. Sigurado siyang kapahamakan ang hatid ng batang nakikipaglaro kay Arvin. Binaybay niya ang nakakakilabot na daan. Maingat. Marahan.

Sa may malaking puno, kusang tumaas ang kanyang balahibo dala ng mga kakaibang ingay, kaluskos at biglaang pag-iiba ng ihip ng hangin. Tumigil muna siya bago pumasok sa maliit na daan. Tumingala at huminga ng malalim. Bahala na, ang tanging naibulong niya sa sarili.

Biglang tumahimik ang paligid. Nakabibinigi ang katahimikan. "Bilisan mo! Baka malunod ang kapatid mo!" biglang lumitaw si Mabel sa harap niya. Napalundag naman si Nico sa gulat. Lalo siyang natakot noong makitang nakaangat ang mga paa nito sa lupa. Lumakad siya ng nakapikit pero ramdam niyang sinusundan siya. Kasunod noon ay ang pagdampi sa kanyang balikat ng ubod ng lamig na mga kamay.

"Shit!!" Patakbo siyang bumaba ng ilog at iniwan si Mabel. Hinanap niya ang kapatid. "Arvin!!!"

"Naghihiganti ang multo sa ilog! Lahat ng pumupunta doon ay napapahamak! Nalulunod!" pahabol pa ni Mabel. "Buti na lang nakaligtas ako noong huling punta ko dito para hanapin ang tatay ko."

"Mabel! Isa ka ding--"

PAK!!!

Gusto pa sanang sabihin ni Nico na patay na din si Mabel pero kinulang siya sa salita. Isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo. Nakaramdam siya ng matinding hilo. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman niyang may humihila sa kanyang mga paa palapit sa ilog.

Hawak-hawak pa ni Nico ang kanyang ulo noong muling magkamalay. Pagkatapos hawakan, tiningnan niya ang kamay kung may bakas ng dugo. Tumulay siya sa malalaking bato para makatawid sa kabilang bahagi.

"Nakita mo na ba ang kapatid mo?!" Hindi maintindihan ni Nico kung bakit hindi siya natatakot kay Mabel kahit alam niyang multo ito. "Nandito ka lang pala!"

"Nadulas yata ako at tumama ang aking ulo sa mga sanga tapos nawalan na ako ng malay. Pero hindi ko nga alam kung bakit ako napadpad dito sa kabilang pampang ng ilog."

"Tama na ang kwento Nico! Hanapin na natin ang kapatid mo!"

"Hindi ko maintindihan kung bakit dito gustong maglaro ng batang sumusundo sa kanya."

"Hindi ko din alam!"

Naguluhan si Nico. Kung hindi kapatid ni Mabel ang nakikipaglaro sa kapatid niya, maaring normal na malikot na bata lamang iyon. Nagpatuloy sila sa paghahanap. Mabilis silang kumilos nang makita ang kapatid kasama ang isang bata. Hindi namamalayan ng dalawang bata ang paglakas ng hampas ng tubig sa pampang at unti-unting pagguho ng lupa.

Nabalaha si Nico. Arvin!" Tila bingi ang kapatid niya. Hindi siya nadidinig kahit ilang hakbang na lang ang layo nila. "Arvin, lumayo ka diyan! Arvin!"

Nagtatakbo palayo ang kapatid niya at ang batang kasama nito. Napahawak na lang sa tuhod si Nico at nagbuntong hininga. Sa wakas ay ligtas ang kapatid.

"Patay! May patay!" sigaw ni Arvin.

"Uwi na tayo Arvin!" pahabol pa ng batang kalaro ng kapatid ni Nico.

Hindi maintindihan ni Nico ang isinisigaw ng kapatid. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso. Subalit tumagos ang kamay niya sa katawan ng bata. "Hindi!"

Tumalikod si Nico at tingnan ang isinisigaw ni Arvin. Natanaw niya sa kabilang bahagi ng ilog ang kanyang katawan. Nakadapa. Duguan.

"Tara na! Ligtas na ang kapatid mo," yaya ni Mabel sa kanya. Natigilan siya. Tiningnan niya ang sarili sa tubig pero wala siyang nakitang repleksyon. Maya-maya pa ay binagsakan ng malaking bato ang kanyang ulo ng isang lalaking wala sa sarili. Kasunod ang matataginting na halakhak.


---tapos----


Love Bus - Chapter Thirteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |


Pagod ang katawan. Magulo ang isip. Pero hindi iyon nakapigil kay Andrew para ituloy ang planong itayo ang sarili. Hinanap niya ang kapatid sa bahay nito para ipakita ang kanyang proposal. Bago pa man pumasok ay inilabas na niya ang study.

"Ate Heidi, good morning," bati ni Andrew sa asawa ng kapatid. "Ang kuya?"

"Naku, kaaalis lang. Bakit ngayon ka lang? Ilang araw ding di umalis ang kuya mo sa paghihintay sa'yo."

"Ah eh, may inayos lang para pulido ang lahat bago pumunta dito."

"Pasok ka muna, mamaya naman ay parating na 'yon. Hindi naman nakabihis e. Bukas pa kasi ang plan naming bumalik sa Cebu."

"Salamat. Buti pala umabot ako." Muling bumalik sa isip ni Andrew ang babaeng sumira ng kanyang plano. Kung nagkataon nga naman ay wala pala siyang aabutan sa Baguio. Pasalamat na lang siya at di niya nakita ang pagmumukha nito sa terminal ng Bus. Sa isip niya, kawawa naman ang makakatabi ni Miel kung maisipan na namang mang-abala.


Makailang ulit umupo at tumayo si Andrew sa tuwing may dadaang sasakyan sa tapat ng bahay. Inakalang ang kapatid niya ang parating. Tinapik niya ang sariling hita para aliwin ang sarili. Ibinaba muna niya ang proposal dahil unti-unti na itong nababasa ng pawis sa kamay. Hindi maitatangging kinakabahan siya. Inabala muna niya ang sarili sa pagbabasa ng dyaryo.


Mahigit isang oras na ang lumipas pero wala pa ang anino ng kapatid. Sinubukan niyang kontakin pero hindi sinasagot ang tawag niya. Hindi naman niya maabala si Heidi dahil may mga customer na inaasikaso.


"Ate, mamasyal muna ako sandali," wika ni Andrew habang tumutulong sa pagkakahon ng mga strawberry jam. "Pagbalik ko siguro nandito na si Kuya."

Bahagyang napahinto si Heidi at napangiti. "Alam ko ang ibig sabihin ng pasyal na 'yan. Alam mo na siguro na nandito na si Pearl." Tumango lang si Andrew. "Bilis ng balita ah!"

"Si Kuya din ang nagbalita sa akin. May balita ka ba ate? May boyfriend na ba siya?"

Napailing lang si Heidi. "Wala e. Hindi na ako nakakaalis dito sa dami ng abalang dala ng kuya mo. Hindi gaya ng kuya mo na maaga pa lang nasa tsismisan na!"

"Kaya nga siguro di ko inabutan." Nagkaroon pa ng konting kwentuhan bago umalis si Andrew.


Lakas ng loob lang ang dala ni Andrew para harapin si Pearl. Mula noong maghiwalay sila wala pa ding pagbabago sa kanyang sarili. Kasiguraduhan lang ng kanilang relasyon ang gustong bigyang pag-asa ni Andrew.


"Pearl," bati ni Andrew ng abutan niya itong palabas ng gate ng bahay. Sinalubong naman siya ng ngiti ni Pearl. "May lakad ka?"

"Oh Andrew. Sisimba lang."

"Pwede bang sabayan na kita paglalakad? Gaya ng dati." tanong ni Andrew habang inaalok ang sarili para bitbitin ang dalang bag ng dating girlfriend.

"Sure. Nasa Baguio ka na pala."

"Kararating ko din lang. May business proposal kasi ako sa kuya ko." Tahimik ang paglalakad ng dalawa. Bahagyang ibinabalik ni Andrew ang dating samahan nila. Halata namang mailap at matipid sa sagot si Pearl.

"Maayos naman ang proposal?"

"Palagay ko magiging maayos naman. Profitable at madaling mabawi ang investment."

Hindi naman nagdamot ng ngiti si Pearl. Masaya siya para kay Andrew. "Good for you!"

Hinawakan ni Andrew ang balikat ni Pearl. "Good for us ... sana. Baka pwedeng bigyan mo pa ako ng chance."

"Andrew. Madami ng chance dati. Sana kung noon pa, maayos sana."

Hindi alam ni Andrew kung bakit sa pagkakataong ito ay di siya nakaramdam ng sakit. Nagkaroon lang siya ng katanungang gustong bigyan ng linaw. "May mahal ka ng iba?"

"Walang iba Andrew. Dumating lang siguro ako sa puntong nagsawa. Napagod." Tahimik silang nakarating sa simbahan pero magaan ang kanilang loob. "Salamat sa paghahatid."


Bumalik ng bahay si Andrew. Hindi niya maintindihan ang sarili. Biglang nawala ang mabigat na dala niya sa kanyang loob.


"Andrew!" salubong ng kapatid sa pintuan pa lang. "Sa'yo bang proposal itong naiwan sa mesa? Maganda. Halos maliit lang ang puhunan. Mag-iinvest ako. Kung magiging profitable 'to, magsource din tayo sa Cebu and other major city sa Visayas.."

"Talaga kuya! May target clients na nga ako e."

"May bagnet nga pla sa loob bigay ng kaibigan ko. Masarap pala 'yon. Baka di ka pa nakakatikim subukan mo!"

"Bagnet?" sa isang iglap lang ay bumalik sa isip niya si Miel. Ang kakulitan, pang-aasar at ang pagsigaw nito sa kanya. "Nakakamiss." Bigla na lamang niyang nasambit ang katagang iyon. Parang may kung anong sumapi sa kanya. Hindi niya dapat mamiss ang taong sumira ng plano niya. Kung nakarating siguro siya ng mas maaga, siguro naipakita niya agad kay Pearl ang study, at maaring magbago ang isip ng dalaga.

Pero teka, bakit nga ba kanina ay wala ng kirot na naramdaman ang kanyang puso ng muli siyang tanggihan ng babaeng minahal niya ng lubusan. Bakit? Siguro nakatulong nga ang pag-sigaw niya ng kanyang hinanakit sa Bell Tower. Kahit pala paano ay may magandang naidulot si Miel sa buhay niya.

Inabot niya ang bagnet mula sa kanyang kuya, at nagpaalam na siya ay mamasyal muna. Matagal narin niyang hindi nasilayan ang kagandahan ng Baguio.



itutuloy...


Ang kapitbahay (3)




Part 1 | 2 |

Sa muling pagkurap ng mata ni Nico ay hindi na niya nakita ang batang lumulutang. Tanging ang malaking teddy bear na nakapatong sa dashboard ng kama ang napansin niya sa likod ng kapatid.

"Bakit kuya?" nakasimangot na tanong ni Arvin. "Nakakagulat ka naman!"

Hindi alam ni Nico kung dala lang ng takot ang nakikita niya o may nagpaparamdam talaga sa kanya. Hindi naman niya masabi sa kapatid na may multo dahil baka hindi ito makatulog. "Magpalit ka ng damit. Sobrang dumi pala ng suot mo. Bakit ba naman nakadapa ka pa sa damuhan?" pag-iiba niya sa gustong sabihin.

Padabog na kumilos si Arvin papunta sa antigong aparador habang sinusundan siya ng tingin ni Nico. Napapalunok pa si Nico habang binubuksan ng kapatid ang aparador sa takot na baka nasa loob ang bata. Nakahinga siya ng maluwag nang wala namang multo sa loob. Subalit noong isara ni Arvin ang apador, lumitaw sa lumang salamin ang bata. Nakatitig kay Nico. Hindi kumukurap.

Halos mabaliw si Nico. Nakasabunot ang dalawang kamay sa buhok habang tumakbo palayo sa kwarto. "Bakit ako!!!!" Litong lito si Nico sa mga nangyayari.

"Apo ano ba? Anong nangyayari sa'yo?"

"Lola, may.. may... bata sa kwarto. Multo.."

"Huminahon ka nga!" Sumilip ang matanda subalit wala itong nakita. Maging si Arvin ay di man lang kinakitaan ng takot kung may multo nga sa loob. "Ano bang kalokohan 'to?"

"Hindi kalohan lola! Nagpapakita sa akin ang multo sa karegwa!" diin ni Nico. "Kaya siguro ipinagbawal ang pagpunta doon dahil susundan ng multo."

"Naku, apo. Kaya ipinagbabawal ang pagpunta sa ilog dahil nandoon si Ariston. Nabaliw ang taong iyon noong mamatayan ng mga anak. Nananakit siya sa mga taong pumupunta doon. Hindi naman mahuli dahil bihira magpakita."

"Namatayan ng mga anak?" may diin ang pagkakabigkas ni Nico ng salitang mga.

"Nalunod ang anak niya sa ilog noong biglang bumigay ang lupang kinatatayuan ng bata sa tabing ilog. Nagbigti naman ang isa pa niyang anak noong sisihin sa pagkamatay ng kapatid. Dahil doon nabaliw siya at iniwan ng asawa dahil sa pananakit nito."

"Saan po sila nakatira lola? Diyan ba sa abandonadong bahay malapit dito?"

"Oo. Bakit mo alam?" pagtataka ng matanda.

"May nakakwentuhan lang ako lola kanina. Si Mabel. Taga diyan sa kabila."

"Mabel? Ang anak ni Ariston na babae, Mabel ang pangalan. Walang linaw kung saan nga napunta ang batang 'yon. Napakaganda at malinong bata. Nag-aaral nga din ng HRM, second year na noong mawala.."


Lalong nanindig ang balahibo ni Nico. Nilukob siya ng takot. Natatandaan pa niyang hinawakan ni Mabel ang kanyang braso na lalong ikinalambot ng kanyang tuhod. Kung wala ng pumupunta sa karegwa, ang batang kalaro ng kanya kapatid kanina ay posibleng ang batang nalunod at ang batang nagpapakita sa kanya ay ang batang nagbigti. Halos hindi nakatulog si Nico sa kaiisip. Pakiramdam niya ay mabaliw siya sa mga kakaibang kapitbahay. Nagtataka s'ya kung bakit kailangan pa siyang takutin gayong nakakausap naman niya si Mabel.

Kinabukasan, lakas loob siya pumunta sa abandonadong bahay. Umakyat siya sa bakod para makapasok sa bakuran. Siniyasat niya ang ang paligid. Sinubukan niyang pumasok sa loob subalit bigo siya, walang pwedeng daanan papasok. Sinilip niya ang bintana pero wala siyang nakitang palatandaan ng pagkilos. Umikot siya sa likod-bahay kung may posibleng daanan. Pinunusan niya ang bintanang salamin para makita ang loob at nang ididikit na niya ang mukha sa salamin ay bilang pagsulpot ng batang multo. Mata sa mata. Napaurong si Nico. Tumakbo palabas. Nakarehistro pa sa kanyang isip ang itsura ng bata kaya labis ang kanyang takot.

Habol ang hininga ni Nico. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kaya hirap siyang umakyat sa bakod. Unti-unti ay namuo ang hanging malamig sa kanyang tabi. Pikit mata siyang tumalon sa bakod para di makita kung ano mang nilalang ang nasa tabi niya.

Mabilis siyang kumilos palayo sa bahay. Nanindig pa din ang kanyang balahibo.

"Iligtas mo ang kapatid mo! Lisanin n'yo ang lugar na 'to." wika ng isang pamilyar na boses kay Nico. Si Mabel.

"Lola! Lola!"

"Bakit na naman? Nagsisigaw ka na naman!" tila naasar pang wika ng matanda.

"Nasaan po si Arvin?!"

"Lumabas. Maglalaro lang daw..."


itutuloy...



Ang kapitbahay (2)


Part 1

Napaurong si Nico sa sobrang takot sa sinabi ni Mabel. Tumindig ang kanyang balahibo at pinawisan ng malamig.

"A-ano? Walang katawan?" nauutal na wika ni Nico. Halata sa boses niya ang takot.

"Biro lang! Nanakot ka kasi!" paninisi ni Mabel. "Wala naman tao sa loob eh!"

Mabilis ang tibok ng puso ni Nico. Pinakalma muna niya sa sarili bago muling nagsalita. "May nakita ako!" pagkumpirma ni Nico.

"Asan? Naku, wag mo akong takutin baka di ako makatulog nito."

"Kanina may nakita akong nakasilip. Promise! Walang dahilan para takutin kita!"

"Hallucination siguro dala ng takot na nabuo sa isip mo! Natural 'yan sa mga matatakutin!" Tila nang-asar pang wika ni Mabel sa kausap. Inayos naman ni Nico ang sarili para di naman magmukhang takot na takot siya. Kalalaki nga naman niyang tao ay mas kinakabahan pa. Siguro nga, guni-guni lang niya ang lahat.

"Okay, fine. Ayoko ng ganitong usapan. Iba na lang please."

"Samahan mo na lang ako sa paghahanap sa kapatid ko," yaya ni Nico sa babae. Bukod sa takot siyang pumuntang mag-isa ay di niya kabisado ang lugar.

"Sa karegwa? No way! Para ko na ding pinatay ang sarili ko!"

"Bakit? Ano bang kinatatakot mo?"

"Matagal ng ipinagbabawal ang pagpunta sa ilog. Bukod sa delikado may ilang nagsasabing biglang nagpapakita ang batang namatay sa ilog at nilulunod ang nakakakita sa kanya."

Napalunok ng ilang ulit si Nico ay di siya nagpakita ng kahinaan ng loob. Kailangan niyang sunduin ang kapatid. Kung abandonado na ang bahay na itinuro niya, maaring ang batang multo ang kalaro ng kanyang kapatid.

"Sabihin mo na lang sa akin ang papunta don."

"Kumanan ka lang sa may malaking puno ng mangga. May makipot na daang pababa kang makikita, lakarin mo lang at makakarating ka sa ilog."

"Salamat." Nagsimulang maglakad si Nico at di maalis ang pag-aalala niya sa kapatid.

"Mag-iingat ka. Matagal ng walang pumupunta sa lugar na iyon." Nanindig muli ang balahibo ni Nico sa sinabi ni Mabel.


Pagsapit sa malaking puno ng mangga ay umihip ang malamig at malakas na hangin. Nagliparan ang mga dahon sa harap ni Nico na tila pinipigilan siyang pumunta sa ilog. Binalot siya ng takot. Pero kailangan niyang magpatuloy. Tinahak ni Nico ang makipot na daan. Pakiramdam niya ay may ilang kaluskos na sumusunod sa kanya. Pero sa tuwing hihinto siya ay mawawala ang mga ito. Humakbang siya ng marahan. Nadinig niyang may naputol na sanga kaya nakompirma niyang hindi siya nag-iisa.

Nakarating siya sa ilog. Subalit may kakaibang amoy na umikot sa paligid. Hindi kaaya-aya. Nakakasulasok. Nakita niya ang kapatid na nakahandusay sa damuhan. Nakadapa. Hindi kumikilos.

"Arvin!" Nagmamadaling kumilos si Nico palapit sa kapatid. "Anong nangyari sa'yo?"

Bago pa man niya malapitan ang kapatid ay may biglang humawak sa kanyang braso. Nagulantang si Nico. Tinapik agad niya ang kamay na humawak sa kanya. "Aray! Ano ka ba naman."

"Sorry! Akala ko natatakot ka at di ka pupunta dito?" tanong ni Nico habang nilalapitan ang kapatid. "Arvin!"

"Ano ba naman kuya! Matataya ako e." asar na sagot ni Arvin. "Huwag kang maingay."

"Hindi ko matiis kaya sumunod na ako sa'yo dito. Baka mapahamak ka. Kapatid mo?"

"Oo," maikling sagot niya. "Uuwi na tayo. Hinahanap ka na ni Lola." Nagsinungaling si Nico sa totoong dahilan para matakot ang kapatid.

"Bakit? Naglalaro pa kami."

"Delikadong maglaro dito. May.."

"May ano kuya?"

"Huli ka Arvin!" sigaw ng isa bata. "Ikaw na ang taya."

Napakunot ang noo ni Nico. Hindi ang batang nasa harap niya ang nakitang kasama ng kapatid kanina. Humarap sya kay Mabel.

"Siya ang tinutukoy mo?" tanong ni Mabel. "Hindi siya taga doon sa bahay na itinuro mo kanina."

Umiling si Nico. "Nasaan ang isa mo pang kalaro Arvin? Nakablue na shirt."

"Kalaro? Nakablue? Kami lang ang magkasama kuya. Wala kaming ibang kalaro."

"Ganun ba? Umuwi na nga lang tayo. Baka nag-alaala na si Lola." Habang naglalakad hindi mapakali si Nico. Sigurado siyang may kasama ang kapatid noong namaalam na pupunta ng karegwa. Nakatungo ito kaya di niya namukhaan.

Kinagabihan, habang kumain ay nabanggit ni Nico ang pagpunta ni Arvin sa karegwa. Biglang natigilan ang kanyang lola ng marinig ang balita.

"Huwag na huwag kayong pupunta lugar na iyon!" paalala ng matanda.

"Bakit lola?" usisa ni Nico na kunyari ay di alam ang misteryong bumabalot dito.

"Delikado. Gumuguho ang lupang malapit sa ilog."

"Narinig mo Arvin?"

"Opo." Tatayo na sana si Arvin dahil sa asar subalit bigla muli itong napaupo.

"Bakit? Arvin?" usisa ni Nico.

"May bata. Sa bintana." Mataas ang bahay ng lola nila kaya imposibleng may batang makakaakyat doon kung di dadaan sa loob ng bahay.

Tumayo ang lola ni Nico. "Wala. Wala naman."

"Tumigil ka nga Arvin. Kung anu-ano siguro ang kwento sayo ng kalaro mo kaya ganyan ka."

"Hala pumasok na nga kayo sa kwarto!" utos ng lola nila.

Naunang kumilos si Arvin. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at patalikod na pumasok para maisara muli ang pinto. Nandilat ang mata ni Nico nang makita ang isang bata sa likod ng kapatid. Lumulutang.

"Arvin!!!"


itutuloy....


Ang kapitbahay


Taliwas sa inaasahan ni Nico ang magiging takbo ng kanyang bakasyon sa probinsya ng kanyang ina. Inakala niyang magiging kakaiba ang pananatili niya doon kaya naisipan niyang magbakasyon. Tahimik at walang masyadong kaedad niya sa lugar kaya labis ang kanyang pagkainip. Mabuti pa ang nakababata niyang kapatid na mayroon na agad kalaro sa unang araw pa lang ng pananatili nila doon.

Naglakad-lakad siya sa paligid. Pinatalbog ang biniling bola sa bayan para may paglibangan siya kung sakaling may makitang basketball court. Mahigit kalahating oras siyang umikot sa lugar pero wala siyang nakitang court. Malawak na palayan at manggahan lang ang nakita niya sa paligid. Kung may makita man siyang kasing-edad niyang mga lalaki ay tila walang interes sa paglalaro. Abala ang mga ito sa pagsasaka sa bukid.

Wala siyang nagawa kundi bumalik sa bahay ng kanyang lola. Sa palagay niya ay hindi na siya tatagal sa lugar sa labis na pagkainip. Sa oras na bumalik ang Mommy niya galing sa pagsimba ay yayain na agad niya itong umuwi. Papasok na sana siya ng biglang mabitiwan ang bola habang binubuksan ang gate. Gumulong ito papunta sa kabilang kalsada.

Bago pa man madampot ni Nico ang bola ay may babaeng pumulot nito. "Sa'yo 'to?" tanong ng babae matapos damputin ang bolang tumama sa kanyang paa. Iniabot niya ang bola kay Nico.

"A-ah eh. Oo, pasensya na," kakamot kamot na wika ni Nico. Bahagya siyang namula sa hiya ng di niya namamalayan. Sa unang pagkakataon ay nakakita siya ng babae sa lugar na sa palagay niya ay hindi nakakalayo ng edad niya.

"Bago ka dito?"

"Oo. Nagbabakasyon lang. Diyan kami sa katapat na bahay."

"Ah, kay Aling Lagring." Ngumiti ang babae at tumalikod matapos ang usapan.

"Teka!" habol ni Nico. "Ako nga pala si Nico. Baka pwede tayong maging magkaibigan."

"Mabel."

"Hindi ka ba naiinip sa lugar na ito? Para kasing walang kapaguran ang mga tao laging nagtatrabaho kaya wala man lang akong makausap."

"Hindi. Actually, kauuwi ko din lang. Sembreak na kasi. Every two weeks ako bumabalik dito."

"Pareho pala tayo. Sembreak din ako kaya nakabakasyon. Anong course mo?"

"HRM," maikling sagot ni Mabel.

"Talaga? Pareho pala tayo! Second year na 'ko."

"Akalain mo 'yon second year din ako."

"Pareho na naman, siguro soulmate tayo." Nagtawanan silang dalawa na tila matagal ng magkakilala. Naging palagay agad ang loob nila sa isa't isa. Hindi nila namamalayan ang pagdilim.

"Sino naman kasama mong magbakasyon dito? Ikaw lang at ang Mommy mo?" usisa ni Mabel.

"Kasama ko ang kapatid ko. Mamasyal daw sila doon sa karegwa yata."

"Karegwa? Sa ilog?! gulat na wika ni Mabel. "Malayo 'yon at delikado."

"Ilog ba 'yon? Lagot ako nito. May kalikutan pa naman ang batang kapatid ko."

"Sino ba kasama niya?" usisa ni Mabel.

"Iyong mga bata diyan sa bahay na iyan." Itinuro ni Nico ang ikatlong bahay malapit sa bahay ng kanya lola.

"Bata? Ano ka ba Nico? Walang bata diyan! Matagal ng ambandonado ang bahay na yan!"

"Ano?!" Napaurong si Nico. "Nananakot ka ba?"

"Nalunod ang batang nakatira dyan! At wala ng pumupunta sa Karegwa matapos ang insidente. Kumilos ka na bago makuha ang kapatid mo!"

"Pero may nakasilip sa bintana na bahay.."

Mabilis na tumayo si Mabel para makita ang tinutukoy ni Nico. Napakapit si Mabel sa nakita. "W-walang katawan Nico."


itutuloy...


Love Bus - Chapter Twelve


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 |


"What?! So you mean lahat ng kalokohang ito ay plano mo?!" Napatayo sa gulat si Andrew. Hindi niya inaasang marinig na pinaglaruan siya ng taong nagbigay ng pag-asa sakanya. "I can't believe I've wasted 3 days for your bullshits!" Hindi maitago ang poot at inis ni Andrew.

Hindi na nakapagsalita pa si Miel. Unti-unti bumagsak ang luha niya. Hindi niya alam kung bakit siya apektado sa mga sinabi ni Andrew. Siguro nga dahil siya naman talaga ang may gusto ng larong ito.

"Let me explain!" sagot ni Miel.

"No! I'm tired of your stupid games. Buti nakakatulog ka sa gabi sa mga pinaggagawa mo?! Sabagay..... wala ka naman konsensya."

"Hindi ko sinasadya," naiiyak na sabi ni Miel. "Naiwan na tayo ng byaheng Bagiuo noon kaya sumakay na lang ako ng ibang bus."

"Sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo? Ha? Ilang beses mo na akong pinaglaruan. At ako naman si tanga naniniwala sa'yo. Siguro pinagtatawanan mo ako bawat sandali na di tayo magkaharap."

"Naging totoo ako sa'yo!"


"Tumigil ka na!"

"Makinig ka naman sa akin, please!"

Umiling si Andrew. Binuhat ang kanyang mga gamit at naglakad palabas ng bus. Mabilis namang sumunod si Miel. "Huwag kang susunod! Baka magsalubong lang ang kilay ko at may magawa pa akong di maganda!"

"Andrew!" Walang nagawa si Miel kundi ang manatili sa pintuan ng bus. Hindi niya pinansin ang bulungan at puna ng mga taong nakakakita sa kanila. "Sorry!"


Hindi na lumingon pa si Andrew. Naglakad siya palayo kahit di alam ang pupuntahan. Ang mahalaga ay makalayo siya. Gusto niyang magpalipas ng oras hanggang makaalis ang bus na sinasakyan ni Miel.


Wala na din dahilan para pumunta pa ng Baguio si Miel dahil ang pakay din lang naman niya ay magbakasyon. Bumaba siya at sumakay ng ibang bus pabalik ng Manila. Mas makabubuti na din na harapin niya ang katotohanan na wala na si Carlo at ibuhos ang oras sa trabaho. Pinahid niya ang luhang dumungis sa kanyang pisngi at naupo sa pinakadulo ng bus.


Narating ni Andrew ang lugar kung saan sila unang namasyal ni Miel. Nanghihinayang siya sa maganda nilang samahan pero di niya akalain na niloloko lang siya ng babae. Hindi sana siya nagkaroon ng problema sa proposal kung di pinakialaman ang kanyang byahe papuntang Baguio. Bukod pa dito, naging alila siya ng ilang araw.


"Manang pabili nga po ng bagnet," wika ni Andrew.

"Ilan hijo?" tanong ng ale.

"Dalawa po."

"Hijo, di ba ikaw ang kasama ni ma'am noong isang araw? Nakakagulat ang batang iyon, biglang nagbayad hindi naman niya gawain iyon dati."


"K-kilala ninyo po siya?" nauutal na paninigurado ni Andrew.

"Ay oo. Naku! Marami silang property dito. Pati ang pwestong ito ay pag-aari nila. At ang maganda Villa dyan sa taas ay sa pamilya nila."


Napailing ng ilang beses si Andrew. Sa simula pa lang pala ay pinaglalaruan na siya ni Miel. Nag-alala pa naman siya sa pambayad ng villa pero parte lang pala iyon ng laro ni Miel.

"Kakaiba talaga siya. Tao ang kanyang laruan." Nabakas ang matinding pagkadismaya sa mukha niya. Tatlong araw ang nasayang. Tatlong araw na sana'y nagbunga ng maganda. Hindi niya alam kung bakit siya pa. Sa dami dami ng problema niya ay dumagdag pa ang isang babaeng ni hindi niya alam ang pangalan. Oo. Tatlong araw. Ni hindi man lang niya natanong oh nagawang malaman ang pangalan ng kasama. Kakaibang kasiyahan ang nadulot ng pagdating ng hindi inaasahang pagtatagpo nilang iyon. At sa mga nalaman niya ngayon, hindi na niya gugustuhin pa itong malaman.

Matapos iabot ang bayad, muli ay lumakad na siya patungo sa sakayan. Bago siya sumakay ay sinilip muna niya ang bus dahil baka nandun pa ang babaeng tinataguan niya. Nang makasiguradong wala ito, sumakay na siya. Isinandal ang kanyang ulo at pumikit.


"Sayang ang tatlong masasayang araw, akala ko may nagtitiwala na sa akin. Hindi bale, itatayo ko ang aking pagkatao at di na magpapagamit sa iba." Buo ang determinasyong bulong niya sa sarili..


itutuloy...

Love Bus - Chapter Eleven


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 |



Napalingon si Andrew sa direksyon ng kaluskos. Wala siyang nakitang tao. Muli ay ibinaling niya ang tingin sa tanawing nagpahanga sa kanya kahapon. Nais sana niyang ipakita ito kay Miel ngunit nagmamadali naman itong umuwi dahil baka masyado silang gabihin pauwi.

Labis siyang nasaktan sa sinabi ni Miel. Siguro dahil tama siya. Wala nang direksyon ang kanyang buhay. Kaya siya iniwan ng babaeng mahal niya. Gaya ng sinabi ng makulit na si Miel, isisigaw nalang niya lahat.

Pikit mata at buong lakas na isinigaw ni Andrew, "Balang araw, pagsisisihan mo ang pag-iwan mo sa akin. Ipapakita ko sayong karapat-dapat akong mahalin. Aayusin ko ang buhay ko at ipapakita ko sainyo na mali ang ginawa ninyong paghusga sa aking pagkatao! Lalo na sa'yo mayabang na babae ka!"


Lingid sa kaalaman ni Andrew, nakikinig sa baba si Miel. Napalunok ang dalaga. Nadagdagan ang guilty feeling na kagabi pa niya nararamdaman. Hindi naman niya sinasadyang masaktan ang damdamin ng binata. Siguro nga dapat ay pinigil nalang niya ang kanyang malaking bibig sa pagdaldal.


"Sorry." Sa wakas. Nagkaroon siya ng sapat na power upang lunukin ang kanyang pride. "Nagbibiro lang ako nung sinabi ko iyon. I didn't mean to hurt your feelings." Sa kaunaunahang pagkakataon, malumanay ang boses ni Miel.

Parang may kung anong pwersa ang bumasag sa pader na nabuo sa puso ni Andrew.

"I-I'm cool with it." Halata ang gulat sa boses niya. "Pano ba ako nasundan nito? Mala-pusa ang babaeng ito. Iniligaw ko na nasundan parin ako." Bulong sa sarili ni Andrew.

"Sus. Eh kanina lang galit na galit ka." Pairap na sabi ng dalaga.

"Ano gusto mo? Matuwa ako at tawanan ang ginawa mong panlalait sa pagkatao ko?" Gumuhit muli ang pagkadismaya sa mukha ni Andrew.

"Sorry!" Taas kamay na sigaw ni Miel sa tower. "Sana naririnig mo ito. Sana mapatawad mo ako! Pangako magiging maingat na ako sa susunod."


"Abnormal ka talaga!" ganti ni Andrew. "Kapag di mo tinupad ang pangako mo, tatahiin ko ang bibig mo!"

"So pinapatawad mo na ako?" tanong ni Miel. Hinawakan niya ang dalawang braso ni Andrew at inalog-alog pa ito.

"Oo na. Oo na," sagot niya. "Pero uuwi na ako. Sayang ang oras kung matatagal pa ako dito. Salamat sa tulong."

"Teka! Iiwan mo ako? Sasama ako!"

"Ayoko ng bumalik sa Villa para kunin ang gamit mo. Gusto kong humabol sa byahe."

"Dala ko na! Ikaw na nga lang ang hinihintay ko e."

"Kakaiba ka talaga! Kahit iwan kita nakakasunod ka e! Hindi ko nga alam kung paano mo nalaman nandito ako."

"Ikaw lang naman ang pagong kumilos. Kung aalis ka talaga dapat kanina pa."

"Oh, nang-aasar ka na naman," paalala ni Andrew sa kausap.

"Opss! Sorry! Tara na!" Hinila ni Miel si Andrew pababa ng tower.


Mabagal ang paglakad nila papunta sa terminal tila ayaw nila parehong umalis. Alam nila pagsapit nila ng Baguio ay may kanya-kanya na silang buhay. Tahimik silang naupo sa loob ng bus. Naghintay ng pag-alis.

"Anong plano mo?" usisa ni Miel sa katabi.

"Saan?" naguguluhang tanong pabalik ni Andrew.

"Kapag nasa Baguio na."

"Pupunta sa kuya ko. Hahanapin si Pearl. Alam mo na naman di ba?"

"Okay." Mahina ang boses ni Miel. Tila may hinihintay pa sa sagot ni Andrew.

"Ikaw ba?"

Tinaas ni Miel ang balikat tanda. "Ewan ko. Hindi ko alam. Bahala na."

"Anong klaseng sagot 'yan?"

"Eh wala naman talaga e. Bakasyon din lang naman ang pakay ko sa Baguio. Nagawa ko na naman dito."

"Sabagay."

"Andrew, may tanong ako. Sagutin mo ng buong katotohanan."

"Sure. Basta di foul."

"Magadanda ba ako? I mean... attractive or may magkakagusto pa ba sa akin?"

"Maganda ka naman. Hindi nga lang kita type."

"As if naman type kita noh. Gusto lang kitang pagbitbitin ng gamit ko kaya isinama kita sa Ilocos."



itutuloy...

Love Bus - Chapter Ten


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 |




Sinulyapan ni Andrew ang babaeng dahilan ng kanyang mga ngiti mula pa kanina. Nakapamewang ito habang may kausap sa telepono sa may veranda ng tinutuluyan. Bahagya siyang napatawa. Kung titignan si Miel ay conservative at mayumi ang dating taliwas sa pagiging taklesa nito.

Binalikan ni Andrew ang ginawang feasibility study. Pinag-aralan at binago ang ilang details base sa mga sinabi ni Miel. Inalis niya ang mga paligoy-ligoy at tinumbok agad ang return on investment na unang tinitingnan ng kuya niya.

"Bakit parang naiputan ka ng ibong adarna at di ka gumagalaw d'yan?" tanong ni Miel. "Oh baka naman nagkalat ka na diyan? Nagdiaper ka ba manong?"

"Puro ka talaga kalokohan! Ano namang paggagawin ko dito? Hindi ako sanay ng nakakulong lang sa kwarto."

"Ah ganoon ba?" Lumakad si Miel palayo kay Andrew. "Ito nga pala ang tinatawag na TV kapag binuhay ito may lalabas na kung ano-ano. Ito naman ang component, tumutunog naman ito, di ba anggaling?"

"Anong palagay mo sa akin ermitanyo?"

"Hindi ba? Daming pwedeng paglibangan dito kesa nagmumukmok ka diyan! Dinaig mo ang mga artista sa pag-eemote!"

"Sino kaya ang artista? Award-wining nga ang iyak mo kanina. Sa kanang mata lang may luha tapos slow motion pa ang pagbagsak!" ganti naman ni Andrew sa pang-aasar ni Miel.

"Baka gusto mong di ka na sikatan ng araw?"

"Wow. I'm afraid. So afraid," sarkastikong bawi ni Andrew. Ilang beses sinuntok ni Miel ang braso ni Andrew pero tinatawanan lang siya nito. "Help! Help! Tulungan ninyo siyang ipagamot ang kamay niya!"

"Iwanan na lang kaya kita dito? Mas okay siguro iyon. Bwahaha!"

"Ganun ha!" Mabilis na tumakbo si Andrew papasok ng kwarto ni Miel. Kinuha niya ang bag nito at tumakbo agad palabas ng Villa. "Sige umalis ka ngayon. Nasa akin ang bag mo!"

"Hoy bumalik ka dito!" Nagpapadyak si Miel na parang bata. "Sakit ka talaga ng ulo!"

"Isama mo na ang sakit ng kasukasuan di ko ibabalik 'to!"

"Ibalik mo na kasi 'yan!" sigaw ni Miel pero tila bingi ang kausap. Wala siyang nagawa kundi kunin ng sapilitan ang bag.

Parang mga batang naghahabulan tuwing sasapit ang dapithapon sina Miel at Andrew. Paikot-ikot sila sa mga gazebo at mga puno.

"Paano mo ako aabutan kung takbong pambeach ka!" Huminto si Andrew nang makitang hingal kabayo na si Miel.

Agad sinunggaban ni Miel si Andrew nang makitang nakahinto ito. Taktika niya ang pagkukunyaring pagod. "Gotcha!" Pero nagawang iiwas ni Andrew ang bag at itnago sa likuran. Sa pag-asang makukuha ang bag ay pinagsalubong niya ang dalawang kamay sa likod ni Andrew. Huli na nang mapansin niyang tila nakayakap siya kay Andrew.

"Ehem! Nakakahalata na ako ah!" Mabilis na kumawala si Miel at inayos ang sarili pero halatang namula ang kanyang mukha sa hiya.

"Akin na kasi 'yan. Baka madurog ang make-up kit ko!"

"Para-paraan ah! Akala ko bag lang ang gusto mong makuha, pinagnasaan mo na pala ako." Nakaumis na sambit ni Andrew. Lalong namula si Miel.

"Kapal ng mukha mo! Ikaw nga itong gustong humalik sa akin kanina."

"Inungkat talaga? Siguro nabitin ka." Kumindat pa si Andrew sa kaharap. "Nadala lang ako kasi akala ko si Pearl ka."

"Pwes! Nadala din lang ako kasi akala ko si Carlo ka! Wala din akong balak halikan ka dahil wala pa akong nabalitaang pagong na naging prinsipe!"

"Kaya pala pikit na pikit ka kanina."

"Sumosobra ka na ah! Huwag kang mag-alala Andrew, ayaw kong magaya kay Pearl. Hindi ako magkakagusto sa walang direksyon ang buhay."

Nag-iba ang mukha ni Andrew. Ang kaninang masigla ay biglang napalitan ng pagkadismaya. Nasaktan siya sa sinabi ni Miel. "Sa'yo na!" Ibinalik ni Andrew ang bag ni Miel. "Salamat sa pagpapalakas ng loob ko."

"Diyan ka magaling! Kapag naiipit ka basta ka na lang umaalis!"

"Alam mo kung bakit? Masakit tanggapin ang katotohanan. Pwede mong pagtawanan ang itsura ko, ang kilos ko, pero kapag pagkatao ko na ang usapan, hindi pwede! Huwag kang mag-alala, ayaw kong maging pabigat sa'yo. Bukas na bukas gagawa ako ng paraan para makaalis agad dito." Gusot ang mukha ni Andrew. Halata ang muhi sa sarili.

Tahimik ang villa buong gabi. Hindi makatulog si Miel. Kinain siya ng pride kaya di niya magawang humingi ng sorry. Makailang ulit siyang tumayo para katukin ang kwarto ni Andrew pero nagbago ang isip niya. Takot siyang sumbatan ni Andrew.

Kinabukasan, hindi na inabutan ni Miel si Andrew sa kabilang kwarto. Tinotoo ni Andrew ang banta kagabi. Ilang beses nagbuntong hininga si Miel. Guilty siya. Hindi niya mapigilang mag-alala sa kalagyan ni Andrew lalo pa't nakapalagayan na niya ito ng loob.


"Two thousand five hundred, sir." sambit ng alahera.

"Sagad na ba iyon?" tukoy ni Andrew sa singsing. Pagsasangla ang naisip niyang paraan para makabalik ng Baguio. Hindi niya alam kung mababalikan pa niya ang alahas kaya nais niya ng mas mataas na halaga. Mahal din kasi ang bili ko dyan."

"Mahal po talaga kapag bibilhin pero kapag prenda kung ano lang pong timbang at carats po ang basis namin."

"Sige. Sige. Kailangan ko lang talaga ng pera." Walang nagawa si Andrew kundi pumayag. Gusto na niyang makaabot ng sa byaheng Baguio.

Papunta na sana si Andrew ng terminal nang maisipan niyang dumaan muli ng Bell Tower. Gusto niyang iwan sa Ilocos lahat ng sama ng loob. Gusto niyang isagaw lahat ng gumugulo sa kanya.

Nang makarating sa tower ay muli siyang nabighani sa lugar. Mas maaliwalas ang langit kumpara kahapon. Tanaw na tanaw ang bundok na tila nakahigang babae. Sisigaw na sana siya nang may ilang kalukos ang papalapit sa kanya.

itutuloy...

Love Bus - Chapter Nine


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 |




Halos mabali ang leeg ni Andrew sa pagtanggi sa kagustuhan ni Miel na sumigaw siya. Para sa kanya kalokohan lang ang gustong ipagawa sa kanya. Naisip din niya na maaring pinaglalaruan na naman siya ng babae.

"San mo pa ba gusto? Nandito na tayo eh, edi dito na!" sabi ni Miel.

"Pano?" nagtatakang sabi ni Andrew.


Nakita ni Miel na isang maganda din pagkakataon ito para naman mailabas niya ang matagal ng kinikimkim. May mga alaalang iniwan si Miel sa lugar na iyon, na dala pa din niya hanggang sa pagbalik niya sa Ilocos.

"Ganito." Tumayo siya, at humarap sa direksyon ng dagat na abot tanaw mula sa bell tower ng Bantay Church. Nilagay ang kanang paa sa unahan at sumigaw.

"I hate you Carlo! I hate you! Pagbalik ko ng Manila sinisigurado ko na mag-sisisi ka! Minahal kita noon, maglaway ka ngayon!" Nangilid ang luha ni Miel. Nagulat naman si Andrew sa binitiwang salita ni Miel.

"Aba, kahit pala makulit at madaldal ang babaeng ito ay may tinatago din pala siyang soft side," bulong ni Andrew sa sarili. Gusto sana niyang asarin ang babae pero nakita niya ang nagbabadyang pagpatak ng luha.

Pinahid ni Miel ang luha na gustong kumawala sa kanyang mga bilugang mata. "Iyan ganyan." Pilit niyang iniiwas ang tingin kay Andrew. Hindi dahil nahihiya siyang makita siya nitong umiiyak, kundi dahil ayaw na niyang maungkat pang muli ang kanyang nakaraan. Isa pa, pano pa siya mag-aangas sa binata kung ipapakita niyang siya ay mahina.


"Ano nga kayang itinatago ng babaeng ito?" Nagulo bigla ang isip ni Andrew. Hindi niya kasi akalaing si daldal queen ay may tinatago din palang problema. "Alam mo, kahit itago mo, alam kong umiiyak ka." May halong pang-aasar sa tono ng pananalita ni Andrew.

"Ako? Ano naman iyon?" Hindi parin niya magawang humarap sa kausap dahil batid niyang namumula ang kanyang mga mata.

Pinilit ni Andrew na paharapin ang dalaga. "Sus. Sakin ka pa nagsinungaling."

"Wow. As if naman kilala mo nako! Assuming ka noh!"

"I can listen if you're willing to share your problem." Sumalampak si Adrew sa may kahoy na sahig ng tower. Pinagmasdan niya ang paligid. Humanga siya sa natanaw. Ang mga bundok na magkakarugtong ay tila bumubuo ng isang imahe ng babaeng natutulog.

"Ayoko. Wala naman akong ikukwento eh." Pilit parin niyang itinatago ang nararamdaman.

"Alam mo, nakakapangit iyan. Pangit ka na nga papangit ka pa lalo sige ka." Pang-aasar pa uli ni Andrew.

Siguro nga wala namang mawawala kung magkukwento siya. Kasi alam naman niyang pagtapos ng bakasyon, hindi na muli sila magkikita ng masungit na lalaki na 'to.

"Sige. Pero promise huwag mo akong tatawanan ha?" Biglang nagbago ang aura ng masiyahing dalaga. Ramdam ni Andrew ang bigat na dinadala ng puso ni Miel. "He was my first love. At siya din ang unang lalaking dahilan kung bakit hanggang ngayon, pilit ko pading pinupulot isa isa ang piraso ng puso ko." Muling nangilid ang luha sa kanyang mata.

"Ang daldal mo daw kasi. Kaya ka siguro iniwan."

"Sana nga dahil nalang dun. Willing ako tumahimik para wag niya lang akong iwan." Halos garalgal na ang boses niya.

"Oh eh bakit daw?"

"Niloko niya ako. Nahuli ko siyang niloloko ako nung gabi ng anniversary namin. Hindi ko akalaing magagawa niya yun sakin. I tried to be the best girl. I gave up my career para lang sa kanya."

"Anong ginawa mo?"

"Hinayaan ko lang siya. I decided to cut the communication between us. Kaya eto, binalak kong pumuntang Baguio. Pero napadpad ako dito sa Ilocos."

"Ganun lang kadali yun?"

"Siyempre hindi. Ayoko lang hayaang masira ang ulo ko sa Manila. Maige na yung dito ako. I have to save myself first before I slowly die. Inunahan ko nalang. Ayoko narin marinig ang side niya." Matigas na sabi ni Miel.



Unti-unting nagiging pula ang kaninang bughaw na langit. Wala na ang Palubog na ang haring araw. Naglabasan na ang mga migratory bird na tuwing hapon madalas makikitang lumilipad.

Matagal na magkausap ang dalawa. Puso sa puso. Ang nakakaakit na tanawin ang nagbigay tulay para sa isang kakaibang damdamin.
Pinahid ni Andrew ang luha ni Miel. Sa pagtama ng kanilang mga mata ay may kakaibang kuryente na dumaloy sa kanilang sa kanilang katawan.

Hinawakan ni Andrew ang mga pisngi ni Miel sa pag-aakalang ang nasa harap niya ay si Pearl. Pumikit si Miel, sa parehong dahilan nagbalik ang alaala ni Carlo sa katauhan ni Andrew. Pabilis nang pabilis ang tibok ng kanilang puso. Akmang magtatama na ang kanilang mga labi nang biglang tumunog ang kampana at bumalik ang kanilang ulirat.



"Tara na!" yaya ni Andrew. "Delikado ang daan pababa kung gagabihin pa tayo."

"If I know takot ka lang!"

"Hindi ah! Nag-iingat lang."

"Teka muna!" Pahakbang na sana si Andrew pero hinila si ni Miel pabalik.

Alam ni Andrew ang pakay ng dalaga pero nagkunwari itong nakalimot. "Oh bakit na naman?"

"Sisigaw ka pa e! Sayang ang chance!"

"Kailangan talaga? Akala ko optional," natawang palusot ni Andrew.

"Mandatory! Lagi ka na lang lumulusot?" Akmang pipingutin pa ni Miel ang tenga ni Andrew pero natakpan agad ng lalaki.

"Sino ba naman kasi ang nagpauso ng kalokohan iyan?!"

"Dami po sinasabi e. Sigaw na!"

Huminga ng malalim si Andrew. Kumuha ng bwelo. "Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat mahalin!"

Lumakad na sila pababa ng bell tower. Hindi nila namamalayan na magkahawak ang kanilang kamay hanggang makarating sa kanilang tinutuluyan.

itutuloy...

The Cure


Mabilis pero maingat ang pagtalilis ni Propesor Sanarez palabas ng laboratory. Itinakas niya ang Project L2A-SO1-4N mula sa research center ng gobyerno. Malaking halaga ang ginugol ng kasalukuyang administrasyon para sa proyektong magbibigay daan sa pinakamalaking breakthrough sa larangan ng siyensiya at medisina. Ang Project L2A-SO1-4N ay ang tinatawag ng pangulo na "The Ultimate Cure" o ang tatapos sa lahat ng karamdaman. Isa sa ipinangako ng presidente noong siya ay nahalal ay ang paghanap ng pinakamabisang gamot na lulunas sa lahat ng karamdaman mula simpleng kati hanggang cancer. Ang Project L2A-SO1-4N ay isang universal medicine, hindi na kakailanganin pa ang kahit ano klase ng gamot dahil kaya na nitong lunasan ang lahat. Si Propesor Sanarez na sikat sa siyensiya ang namuno sa pagtuklas ng formula.


Isang karangalan sa propesor noong tanggapin niya ang tungkuling ibinigay ng pangulo. Subalit maraming tutol sa proyekto dahil sa bangungot na maaring dala nito. Mariin din ang pagbatikos ng iba't ibang relihiyon dahil may ingay na lumitaw na maaaring bumuhay ng patay ang gamot kung ito ay maging matagumpay.

"Propesor, totoo po bang may proyektong ibinigay sa inyo ang pangulo?" tanong ng isang reporter habang papasok ng researh center. Puno ng media at raliyista ang paligid ng center na pabor at tutol sa proyekto.

"Yes, maganda ang naisip ng pangulo kaya tinanggap ko," sagot naman agad ng propesor habang isinusuot niya ang kanyang lab gown. "Half-way na ang project."

"Magagawa po bang bumuhay ng patay ang gamot na gagawin ninyo?" hirit pa ng isang newspaper columnist.

Napahalakhak ang propesor. Umiling ng ilang beses bago nagsalita. "Gamot ang tutuklasin hindi himala. Haka-haka lang ang pagbuhay ng patay. Paano gagaling ang isang tao kung di na kayang tanggapin ng katawan ang gamot?"

"Pero base po sa speech ng pangulo kaya nitong gamutin ang lahat ng sakit!" patuloy pa ng reporter.

"Oo kaya nga nito. Cure ang gagawin natin dito, pero kung mahina na ang cells, tissue o ang anumang bahagi ng katawan ng tao mababalewala ang gamot. Mananatiling effective ang gamot kung responsive ang pasyente. For exampe a dengue patient, kung mababa ang platelets need ng dugo then tutulong ang gamot para makarecover agad. Pero kung mataas pa ang RBC kaya agad malunasan ng gamot."

"So, in short prof basta may maramdaman inom agad ng gamot na ito?"

"Correct! Bakit mo pa patatagalin kung may agarang solution?" Again, di nito kayang bumuhay ng patay kundi mag-extend lang buhay ng mga buhay pa." Nakangiting iniwan ng propesor ang media.


Sinalubong ng staff ng pangulo si Propesor Sanarez para mapabilis ang pagpasok nito sa laboratory. Katulad ng nakagawian, tiningnan agad niya ang resulta ng previous test sa mga hayop. Mula sa mga daga hanggang sa unggoy.

"Propesor, tinatanong ng pangulo kung kailan matatapos ang proyekto," usisa ng isang lalaking ipinadala ng palasyo para kamustahin ang lagay ng proyekto. Nanatiling tahimik ang propesor. "Propesor? Kailangan ko po ng resulta."

"Resulta? Hindi biro ang proyektong ito kaya di dapat minamadali. Hindi dapat niya isinapubliko ito para di ako nahihirapan."

"Pasensya na po. Napag-utusan lang."

"Sa ngayon, 60-70% effective. May ilang namamatay na hayop, at mayroon ding nagkakaroon ng unusual behaviour gaya ang unggoy na nasa harap mo."

"Prof, salamin ang nasa harap ko."

"Ah sorry," natatawang hirit ng scientist. "Sa gilid mo pala. At isa pa, hindi pa natetest ito sa tao. Hindi natin alam kong magkakaroon din ng unusual behaviour at kung may side effect ba ito in the long run."

"Anong pwedeng alternative natin para mawala ang flaws na ito? Para may maibalita ako sa pangulo."

"Siguro may substance na nakakaapekto sa utak kaya humahanap ako ng alternative para dito. Still, we need a human subject. Where in the hell tayo kukuha ng taong susubok nito?"

"Kami na ang bahala prof. Just do your thing." Umalis ang emisaryo ng pangulo matapos kumuha ng datos.

Lingid sa kaalaman ng propesor, may nakakahawang sakit ang pangulo kaya niya inilunsad ang proyekto. Ang Project L2A-SO1-4N ay ginamit niyang front para pagtakpan ang Acquired Immuno Deficiency Syndrome o AIDS na nakuha niya sa pakikipagtalik sa ibang bansa noong mga nakaraang taon. Para manatiling malinis ang kanyang pangalan at mailihim ang sakit, sinamantala ng pangulo ang talino ng propesor at lalabas pa siyang may malasakit sa bansa.

"Propesor, ito po ang huling result ng test sa unggoy na may ebola," wika ng assistant. Natuwa ang propesor sa naging resulta. Responsive ang katawan ng hayop.

"Almost done," bulong niya sa sarili. "Minor adjustment and this is over."

"Ano pong susunod nating gagawin, prof?" Naghintay ng sagot ang assistant.

"Retest after ng reformulation. And need natin ng human subject. Alive human subject!" Binigyan niya ng diin ang salitang alive. "Hindi natin alam kong may masamang epekto ito sa tao kahit pulido na sa mga hayop."

"Prof, Professor Sanarez," singit ng receptionist ng lab. "May tawag po kayo sa line 3."

"Sige, susunod na ako," di interesadong sagot ng propesor.

"Emergency daw po. Ang bahay ninyo sinugod ng mga raliyista, malubha daw po ang inyong mag-ina."

"Ano?!" Mabilis na kumilos ang propesor palabas ng laboratory at tinungo ang reception area. Labis ang kanyang pag-alaala nang malamang kritikal ang kanyang nag-iisang anak at di alam kung makaliligtas pa.

Bumalik ang propesor sa laboratoryo. Lumuluhang nagreformulate ng L2A-SO1-4N. Desidido siyang gamitin ang gamot na di niya alam kung makatutulong o makasasama sa anak. Ang tangi lang niyang naiisip ay kailangang maisalba ang buhay ng anak. Nang matapos ay sinubukan niya muli sa unggoy at nagtagumpay.

Gumugol siya ng apat na oras kaya mabilis at maingat ang pagkilos niya. Itinakas niya ang proyektong pagmamay-ari ng gobyerno at di pa aprubadong gamot. Alam niyang mali ang ginagawa subalit kailangan niyang iligtas ang anak.

Sumugod agad siya sa ospital. Nasa coma ang anak niya. Sinubukan niyang alamin ang vital signs. Maayos ang lahat. Ang mga tubong nagmumula sa aparato ang patuloy na nagbibigay ng tulong para manatiling buhay ang bata. Nang makaalis ang nurse, isinakatuparan niya ang plano.

Isa.

Dalawa..

Tatlong oras....

Walang resulta. Hindi kumikilos ang anak niya. Nangilid ang kanyang luha. Hindi niya matanggap na wala siyang magawa para sa sariling anak. Para sa isang palpak na proyekto ay nalagay pa sa panganib ang kanyang pamilya. Sinalo ng mesang plastic ang galit ng propesor. Halos mawasak ito sa dami ng suntok na pinakawalan niya.

Tumalikod siya. Wala ng tuyong bahagi sa kanyang pisngi. Basa ng luha. Wala ng boses para magreklamo.

"Papa.. Nasaan tayo?" tanong ng paslit na kanina ay di na kakikitaan ng pag-asang mabuhay.

Humarap ang propesor at mabilis na lumapit sa anak. "Baby.." Niyakap niya ng buong higpit ang bata.

"Bakit ka umiiyak, Papa?" Umiling lang ang propesor habang pinapahid ang luha. Pinipilit pigilan ang hagulgol.

BLAGG!!

Nagulat na lang ang dalawa ng biglang bumukas ang pinto. Tumama pa ito sa mesa kaya lumikha ng nakakagulat na ingay. Mga pulis at tauhan ng pangulo.

"Propesor Sanarez, arestado ka sa kasong pagnanakaw ng pag-aari ng gobyerno at paggamit ng kaban ng bayan sa pansariling interes," panimula ng pinuno ng kinauukulang sumugod sa ospital matapos matuklasang complete na ang synthesis ng gamot pero wala ang produkto. "May karapatan kang manahimik at humingi ng tulong legal."

Itinaas ng propesor ang dalawang kamay at inilagay sa batok. Habang nakangiting namaalam sa anak. Hinalikan niya ito para patigilin ang pag-iyak.

"Tahan na baby, everything will be okay!" wika ng propesor kahit di niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya......

-wakas-

Cellphone


Kung magustuhan mo ang kwento, pakishare na din sa iba at pakiboto na din ng entry na ito.
1. Bisitahin ang PEBA site
2. Sa left side, makikita ang voting poll, hanapin ang Philippine based nominees.
3. Piliin ang entry 13. tuyong ng tinta ng bolpen. (ctrl f or search para di malito)
4. Submit your vote. Thanks!
Hanggang October 31 ang botohan kaya pwede kang mag-encourage ng friends.. :)


****************************************


"Mang Gardo, pagpasensyahan mo na ang anak ko," paumanhin ni Sherine matapos sigawan ng masasakit na salita ang apo ni Mang Gardo na si Tom. Inakala kasi ng anak ni Sherine na kinuha ni Tom ang paborito nitong laruang kotse. "Ito kasing kapatid niya alam namang ayaw ng pinakikialaman ang gamit, eh dinala pa dito."

"Away bata lang 'yan Sherine. Lilipas din maya-maya," tugon ni Mang Gardo habang hinahaplos ang buhok ng apo.

"Tom, wag ka magagalit sa anak ko ha. Bagong gising lang kaya may sumpong," paumanhin muli ni Sherine.

"Hindi po ako galit sa kanya. Sabi po ni Mommy, kapag po may galit sa iyo hindi kailangan galit ka din sa kanya," matuwid na katwiran ni Tom. Nagtinginan at napangiti ang dalawang matanda.

Pagkaalis ni Sherine ay sunod-sunod ang buntong hininga ni Mang Gardo habang nakatingin sa bata. Malaki na si Tom. Malapit na ang ikaanim nitong kaarawan, na sanang pag-uwi rin ng ama nitong nasa Gitnang Silangan. Kung hindi dahil sa kanya, siguro magkapiling na ngayon ang mag-ama.


"Naloloko ka na ba?!" singhal ni Mang Gardo sa anak na si Rema. "Hahayaan mong umalis ang asawa mo? Dito pa nga lang sa Pilipinas nagloloko na!" Sariwa sa alaala ni Mang Gardo ang ginawang pangangaliwa ni Glen noong nagbubuntis pa lang ang anak. Kung hindi siya napigilan ni Rema, malamang ay napatay niya ito.

"Itay, bigyan n'yo ng pagkakataon si Glen! Mula noong nagkaanak kami, malaki na ang ipinagbago niya. May sarili ng paninindigan!" samo ni Rema sa ama.

"Kalokohan! Ang hayop kahit bihisan mo ng sa tao, hayop pa din! Hindi ko nga alam kung bakit tinanggap mo pa iyan! Kung nabubuhay ang inay mo malabong makaakyat pa siya ng bahay."

"Ayoko ng sirang pamilya itay lalo't alam kong maaayos pa. At alam ko sa pagkakataon ito ay babawi na siya," kalmadong wika ni Rema. Padabog na lumabas ng bahay si Mang Gardo bago pa tuluyang kumawala ang matinding galit.

Walang kibo si Glen sa pagtatalo ng mag-ama. Nanatili siya sa kwarto kahit tapos na ang paghahanda ng gamit niya. Alam niya sa sarili na mali ang ginawa niya kaya di niya maalis ang hinanakit ng biyenan. Gusto sana niyang makipag-ayos bago umalis pero bigo siya.

Dating tambay lang si Glen pero nagawa siyang mahalin ni Rema. Malaki ang kanyang pagsisisi sa nagawa niyang kasalanan kaya naisipan niyang maghanap ng trabaho para makabawi. Dahil kulang sa kaalaman bigo siyang humanap ng trabahong may malaking sweldo. Namasukan siya bilang tubero at noong may sapat ng kaalaman ay nagpasyang magtrabaho sa ibang bansa.

Hindi biro ang naging buhay ni Glen. Hirap siyang mag-english kaya madalas ay nagtatanong pa sa kapwa Pilipino para maintindihan ang utos. May pagkakataong bumabagsak ang kanyang luha habang kumakain dahil naalala niya ang kanya pamilya. Ang kanilang mga kwentuhan sa agahan, tanghalian at hapunan. Lalo na ang aliw na dala ng kanyang anak na si Tom sa tuwing yayakapin siya nito kapag naglalambing at ipagmamalaki ang nakuhang star sa school. Bibong bata si Tom kaya madaling kagiliwan. Gusto na niyang umuwi kahit kararating pa lang pero kailangan niyang magtiis. Iniisip na lang niya na maikli lang ang dalawang taon.


"Ano?! Tama ba ako? Walang pang padala ang magaling mong asawa?!" may panunudyong wika ni Mang Gardo. "Malamang inuubos lang sa mga walang kwentang bagay. Hindi ko talaga maisip kung ba't ka pumutol don!"

"Itay, ilang buwan pa lang po si Glen doon kaya hikahos pa din siya. Nangako naman po siyang sa sunod na buwan ay magpapadala na."

"Dapat lang! Hindi biro ang nawaldas sa lalaking iyon. Baon ka pa sa utang hanggang ngayon. Isipin mo na lang kung anong mukha pa ang ihaharap mo sa tao kung magloloko lang ang magaling mong asawa!"

"Bakit po ba ang init ng dugo ninyo sa asawa ko? Nagbago na siya itay. Bigyan n'yo siya ng pagkakataon para man lang kay Tom. Ibaon n'yo na sa limot ang kasalanan niya noon."

"Limot? Paano ko malilimutan ang katarantaduhan nun?! Halos gabi-gabi kang umiiyak at di kumakain. Alam mo bang napakasakit sa isang ama ang walang magawa? Masakit maging inutil, anak.... alam mo ba ang pakiramdam na ang pinakaiingatan ko ay sasaulain lang at paglalaruan lang ng kung sino lang? Kung di ka lang buntis nun baka napatay ko pa siya." Emosyonal ang bawat binitiwang salita ni Mang Gardo. Garalgal ang boses. Bakas sa kanyang mukha ang galit at muhi. Nakakuyom ang mga kamao. Isang yakap lang mula kay Rema ang nagpakalma sa ama. Isang yakap din lang ang nagpabagsak ng luha sa may pusong sintigas ng bato.

Pinanindigan ni Glen ang pangako. Nagbanat siya ng buto, nag-ipon at di nakalimot tumawag sa Diyos. Tiniis niya ang matinding init ng araw, ang nakasisilam na bagyo ng buhangin at ugali ng iba't ibang lahi. Sa tulong ng asawa ay unti-unti silang nakapundar. Buwan na lang ang bibilangin ay uuwi na siya. Nasasabik siya makita ang anak.

"Lilipat?" maktol ni Mang Gardo. "Hindi naman kayo pabigat dito ah!" Matindi ang pagtutol ni Mang Gardo sa naisip na pagsasarili ng kanyang anak at asawa nito.

"May kaunti na po kaming ipon, itay. Gusto din po ni Glen na magsarili at magkaroon ng sariling bahay," katwiran ni Rema.

"Hanga talaga ako sa asawa mong 'yan ano? Nagkapera lang, eh nagmamalaki na! Palibhasa, uuwi siya akala mo aagawan ng kwarta!"

"Hindi naman sa ganoon, itay. Tulad po ng bawat pamilya gusto din po namin ng sariling bahay." Mahinahon pa din si Rema sa kabila ng masasakit na salitang nadidinig niya.

"Eh bakit doon sa malapit sa partido niya?! Madami namang subdivision malapit dito sa atin? Ilalayo niyo ako sa kaisa-isa kong apo? Nanadya yata siya eh!" Biglang napahawak sa dibdib si Mang Gardo. Nanikip ang dibdib niya dahil sa galit . Nahihirapang huminga. Napaupo siya. Kahit ang mesang kinunan niya ng lakas para manatiling nakatayo ay bumigay din. Bagsak siya sa sahig.

"Itay! Napaano kayo? Itay?!" Inalalayan niya ang ama at mabilis na humingi ng tulong.

Isinugod si Mang Gardo sa malapit na ospital. Hindi mailarawan ang mukha ni Rema sa labis na kaba at takot na lumukob sa kanyang katauhan. Lito ang kanyang isip. Balisa. Hindi niya inaasahan na hahantong sa ganoon ang sinabi niya.

"Hello, Glen?! Ang itay... I-inatake..." garalgal ang boses ni Rema habang nagkukwento sa nangyari. Hindi siya mapakali sa pwesto. Walang tigil ang kanyang hagulgol. Nabasa ng luha ang cellphone.

"Patingnan mo agad sa espesyalista! Kung kinakailangang operahan, gawin agad!" natataranta na ding utos ni Glen. "Magpapadala ako ng pera. Sabihin mo agad kung kukulangin para makapanghiram ako sa iba kong kaibigan dito."

"Salamat Glen.. Patawarin mo si itay kung galit pa din siya sa'yo."

"Mahal kita, si Tom pati ang tatay mo kaya di ko kayo pababayaan. Magpakatatag ka habang wala ako. Ikaw lang ang masasandalan ng tatay mo."

Sumailalim agad sa bypass surgery si Mang Gardo at naging maayos naman ang resulta. Ubos ang naipong pera ni Rema at nabaon muli sa utang. Napagkasunduan niya at ni Glen na ipagpaliban muna ang paglipat bukod sa naubos ang kanilang ipon ay kailangang alagaan ang ama. Hindi muna din uuwi si Glen para masuportahan ang gamot ni Mang Gardo.


May kabang dinampot ni Mang Gardo ang cellphone ni Rema. Hinanap ang number ni Glen. Subalit, namayani ang pride, binitawan niya ang cellphone. Lumabas. Lumanghap ng hangin. Nakita niya si Tom at ang batang umaway dito kanina. Masaya na muling naglalaro ang mga bata. Pawi na ang galit sa bata na kanina'y nag-aamok.

Bumalik siya sa loob ng bahay. Muli niyang dinampot ang cellphone at buong lakas ng loob na tinawagan si Glen. Takot siyang masumbatan pero sa pagkakataong ito, gusto niyang pasalamatan ang asawa ng anak.

"Hello, Glen," panimula ni Mang Gardo. "A-anak, salamat sa lahat. Patawarin mo ako. Sa mga nagawa ko sa iyo, sa lahat.."

Nangilid ang luha ni Glen. Sa unang pagkakataon ay tinawag siyang anak ni Mang Gardo. Lagi niyang hinihiling na maging maayos sila. Sinagot na ang kanyang dasal. "Itay, kailanman po ay hindi ako nagalit sa inyo. Wala po kayong ginawang kasalanan sa akin. Magpagaling po kayo."

Bakas na din sa mukha ni Mang Gardo ang butil ng luhang pumapatak sa mata hindi dahil sa lungkot kundi dahil ubos na ang salitang pwedeng magpahayag ng kanyang kasiyahan. "Mag-iingat ka lagi ha? Alam mo naman ako, tumatanda na kaya sumpungin."

Magaan ang loob at maaliwalas ang pakiramdam ni Mang Gardo matapos ang usapan. Walang panunumbat siyang nadinig. Ngayon, nagpapasalamat siya kay Rema dahil si Glen ang minahal niya. Tumingala siya sa langit ang nagpasalamat sa pangalawang buhay.

"Tom, Apo! Halika nga!" tawag ni Mang Gardo sa apo. Niyakap niya ito ng mahigpit bilang pasasalamat kay Glen. "Salamat apo."

-WAKAS- 

****************************************

Ang kwento ito ay alay ko sa mga OFW lalo't higit sa masugid na tagasubaybay ng blog na ito. Sa mga reader's from Doha, sana mainspired kayo lalo.

-Sa mga tropa ko na dati ding tambay na gaya ko, na noong nakapamilya ay nagsikap na.

-Sa mga pinsan, kaklase, dating katrabaho, ingat diyan. at sa mga nakabarikan, ang tagay ko ay para sa inyo..

-Kay Tin, Cheth, Gem, Marge, Elle, Aiden, Jeff aka Aroro, Emman, mga p're salamat sa pagsubabay at friendship.. 

Sa Organizers ng PEBA, maraming salamat. Ang espasyo ng aking blog ay palaging bukas para sa inyo.



OFW Supporter Category
"Pagtibayin ang Pamilyang OFW
Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan"



Love Bus - Chapter Eight


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 |


Patuloy na tumakbo na parang bata sa park si Miel. Tapos bigla itong tumigil parang matandang biglang inatake ng rayuma.

"Napagod ata." Bulong ni Andrew. Napangisi siya.

"Akin na kasi yan! Wala ka namang makukuha diyan eh. Wala naman kasing laman iyan." Pilit na inaagaw ni Andrew ang pitaka sa makulit na si Miel.

"Ayoko nga. Sino muna si Pearl?"

"Bangka si Pearl."


"May palusot-lusot ka pa diyan eh huli ka na naman. Asawa mo ba siya?" painosenteng tanong ni Miel.

"Of course not! I'm single. At kung sino man siya, hindi na mahalagang malaman mo pa iyon. Pakielamerang madaldal," pagsusungit ni Andrew. Hindi na mabilang kung ilang beses napikon ni Miel ang lalaki. At hindi rin alam ni Andrew kung bakit at kung paano niya nahahayaang pikunin siya ng babaeng ni hindi niya alam ang pangalan.

"Ako madaldal?"

"Akin na kasi yan cookie monster!" Halatang inis na si Andrew dahil maka-ilang beses na din silang paulit ulit na nagpaikot ikot sa plaza.

"Ibibigay ko lang sayo, ang wallet na 'to, kapag tinawag mo akong ganda!" natatawang sabi ni Miel.

"Edi isaksak mo na sa baga mo iyan! Never kitang tatawaging ganda. Assuming ka ha!" Halos lumawit ang litid ni Andrew.

"O edi sige. Tutal naman walang laman ito eh. Kundi yung picture ng Flanax girl mo."

"Excuse me,di hamak naman na mas maganda si Pearl kesa sayo noh."

"Siya na maganda. Basta ako, diyosa. Este, bathaluman pala."

"Ang lakas mo eh noh? Nag gym ka siguro sa manila."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi lang upuan ang binubuhat mo. Pati yung mga bleachers sa Araneta kayang kaya mo."

Sinuntok ni Miel ang braso ni Andrew. "Nagsasabi lang ako ng totoo noh."

"Kung ikaw naman ang definition ng maganda, dibaleng magmahal nalang ako ng panget."

"Whatevs! Halika na. Punta na tayong tower. Pagdating natin dun maabutan natin ang sunset."

Naglakad na sila papuntang sakayan ng kalesa. Aliw na aliw si Miel na pikunin si Andrew. At least nagagawa niyang alisin sa isip ni Andrew ang business proposal na gumugulo ng isip ng lalaki.

Hinayaan na lamang ng binata na hawakan ni Miel ang wallet niya. Tutal naman ay wala itong laman at alam naman niyang nangungulit lang ito. Sumakay sila sa kalesa at binaybay ang daan patunong bell tower. Habang nagbibiyahe ay patuloy ang pag picture ni Miel sa paligid. Paminsan ay kinukuhanan niya ng litrato ang masungit na si Andrew.

"Mam nandito na po tayo." Sabi ng kutsero.

"Salamat manong. Hintayin niyo na lang po kami diyan sa may labas. O halika na! Babagal bagal ka nanaman diyan eh!"

Inalalayan ni Andrew si Miel pababa ng kalesa. Medyo malikot ang kabayo at halatang natatakot ang dalaga.

"K-kaya ko magisa noh!" Pagmamayabang ni Miel.

"Oh edi sige." sabay bitaw ni Andrew sa kamay nito. Muntikan ng dumapa si Miel dahil sa ginawa ni Andrew.

"Alam mo ang sama talaga ng ugali mo! Kaya ka siguro iniwan ni Pearl noh?" Mataas ang boses na sigaw ni Miel.

Hindi na lang pinansin ni Andrew ang sinabi ni Miel. Wala siyang panahon para makipagtalo. Lumakad na lamang siya papunta sa loob ng simbahan. Sa entrance palang ay sinalubong na sila ng namamahalang tour guide sa lugar.

"Magandang hapon po. Welcome po sa Bantay church and bell tower," masayang bati ng tour guide habang ikinukumpas ang kamay. "Ako nga po pala si Joey. Gusto niyo po samahan ko kayo sa pagakyat?" Alok nito.

"Ah wag na manong kami na lang ang aakyat," pagbibida ni Miel.

"Mabuti pa magpasama na tayo kay manong Joey. Mahirap na, baka itulak mo pa ako."

"Makulit ako pero hindi ako mamatay tao!" depensa ni Miel. "Halika na akyat na tayo para makita natin ang sunset." Patakbong hinila ni Miel ang braso ni Andrew.

Nakarating sila sa lagusan patungo sa taas ng bell tower. Medyo makipot ang kahoy na hagdan. Napalunok si Andrew. Hindi niya inaasahan na ganoong kataas ang lugar. Kahit pa sa Baguio siya lumaki. Ni hindi pa nga niya naakyat ang grotto dahil takot siyang mahulog.

Napansin ni Miel ang pamumutla ni Andrew. Naisipan na naman niya itong tuksuhin. Para bang may kung ano kay Andrew at gustong gusto niya itong inaasar.

"Don't tell me you are afraid of heights?" panunudyo nito.

"Of course not! Napagod lang ako noh." palusot nito. Namuo na kasi ang butil butil na pawis sa noo niya.

"Oh sige. Halika na! Mauna ka ng pumanik. Para kung sakaling mahulog ka may sasalo sayo." pang-asar na sabi ni Miel.

Naunang umakyat si Andrew. Dahan dahan. Ng biglang umuga ang kahoy na hagdan. "Holy shit!" Sigaw ni Andrew.

Tawa naman ng tawa si Miel sa likuran niya. "Hindi pala takot sa heights ah. Hahahaha. Duwag!" Sabay belat.

"Whatever cookie monster." Sabi ni Andrew. Nagpatuloy na lang siya sa pag-akyat at ng marating ang tuktok ay namangha siya sa ganda ng paligid. Nakaakyat na rin si Miel.

Noon pa man ay gustong gusto na ni Miel ang lugar na ito. Dito siya madalas pumunta kapag may problema siya. Dito din niya isinisigaw ang mga bagay na kinikimkim niya.

Napansin niyang malalim na naman ang iniisip ni Andrew. Tinabihan niya ito.

"Ibabalik ko ang wallet mo. Kapg kinuwento mo sakin kung ano ang meron sa Flanax girl mo."

"Hindi na mahalagang malaman mo kung sino siya."

"Edi kunin mo na lang sa South China Sea itong wallet mo." Kunwari ay ihahagis ni Miel ang wallet ng biglang nagsalita si Andrew.


"Dati kong girlfriend si Pearl kaso nakipaghiwalay siya sa akin." malungkot na panimula ni Andrew. Seryoso ang kanyang mukha at halatang may dinadala sa kanyang mga mata.

"Siguro nambabae ka! Ganyan naman kayo e. Hindi kontento sa isa!" sumbat ni Miel na tila siya ang niloko ni Andrew.

"May conclusion ka na pala e. So di na ako magkwento."

Tinapik ni Miel ng malakas ang balikat ni Andrew. "PMS? Sumpungin mo naman parang di ka lalaki! Kwento na!"

"Kung makatapik ka parang close tayo ah!" Hinilot ni Andrew ang halos mabasag na balikat.

"Sorry boss!" Minasahe ni Miel ang balikat ng kausap para tuluyang na itong magkwento. "Kwento na! Hindi na ako mag-iinterupt!"

"Oh!" Iniabot ni Andrew ang isang pirasong bato kay Miel.

"Ano yan?"

"Bato. Akala mo prutas?"

"Alam ko! Aanhin ko naman iyan? Ipupukpok ko sa'yo?"

"Hindi! Kagatin mo para tahimik ka habang nagkukwento ako.."

"Bwisit!" Tumalikod si Miel at tila naghihintay na panunuyo pero hindi iyon nangyari. Mahaba ang katahimikan kaya napilitan si Miel magsalita. "Kainis ka naman!"

"Bakit na naman?!"

"Wala. Magkwento ka na nga!"


Malalim ang pinaghugutan ng hininga ni Andrew. Nakatanaw siya sa malayo. Bahagyang napailing at tumititig sa mga mata ni Miel. Hindi niya alam kung bakit interesado ang babae sa buhay niya. Sa isip niya, tama din na may hingahan siya ng sama ng loob.


"Mahal ako ni Pearl pero nagsawa siya sa pagmamahal ko. Hindi nga siguro sapat ang pagmamahal lang. Marahil tama nga ang mga magulang niya. Walang mararating si Pearl sa akin dahil walang direksyon ang buhay ko. Wala akong pangarap. Kaya ngayon gusto kong itama ang buhay ko at bumalik sa akin si Pearl."

Mahaba pa ang kwento ni Andrew tungkol sa pangarap, pag-ibig at buhay. Halos nangilid ang luha ni Miel sa lungkot ng buhay ng lalaki. Naguilty tuloy siya sa mga kalokohang ginawa sa lalaki.

"Paano kung ayaw na sa'yo ni Pearl? Kung may mahal na siyang iba?"

"Hindi ko alam," mababa ang boses ni Andrew. Malungkot. Nababagabag.

"Alam ko na. Halika." Hinila ni Miel Patayo si Andrew. "Isigaw mo dito sa taas ng tower ang nararamdaman mo. Isumpa mo sa ngalan ng nawawalang espada ni Panday na pagbalik mo ng Baguio ay may ibubuga ka na bukod sa mabaho mong hininga." Tatawa tawang sabi ni Miel.

"Dito?"

itutuloy...