"Aalis ka na po ulit, Papa?" tanong ng apat na taong gulang na si Bugoy sa ama.
"Oo anak. May sakit ang lola mo, kaya kailangan ko palagi siyang dalawin," tugon naman agad ni Mateo.
"Kailan ang balik mo? Sana bago magpasko... nandito ka." Niyakap ng bata ang ama. "Para may katulong kami sa pag-aayos ng Christmas tree."
"Sige, anak."
"Promise?"
Tumitig muna si Mateo kay Althea bago sumagot sa bata. "Pangako. Kailan na ba sumira ng promise si Papa?" Ginusot niya ang buhok ng bata bago tuluyang namaalam.
Abot-abot ang hikbi ni Althea habang sinusundan ng tingin si Mateo. Nangilid sa kanyang mga mata ang luha. Lumalaki na si Bugoy pero hindi pa nito alam ang katotohanang bumabalot sa relasyon nila ni Mateo. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa isang matanong na bata ang bihirang pagdating ng ama. Ayaw niyang saktan ang anak. Naramdaman niya ang mainit na yakap ni Bugoy sa kanyang likuran dahilan upang pumatak ang kanyang luha.
"Mama, tulog na po tayo," malambing na wika ni Bugoy. "Why are you crying?"
Hindi sumagot si Althea bagkos ay kinarga niya ang anak papasok sa kwarto at inihiga sa kama. "Goodnight, baby..."
"Mama.."
"Yes baby?"
"Sa isang bukas ba ng bukas pasko na?"
"Hindi pa baby.. Medyo maraming bukas pa anak..." Sumimangot si Bugoy. Nalungkot siya dahil matatagalan pa pala ang pagbalik ng kayang Papa. "Kaya matulog ka na para kaunting bukas na lang."
"Kapag natulog ako, ilang bukas na lang ang uwi ni Papa?"
"Sabi ng Papa mo kanina, surprise daw. Kasi kung naging mabait kang bata mas mabilis ang uwi ng Papa." Nagsinungaling si Althea dahil ayaw nitong sirain ang kaunting pag-asang dadating si Mateo kahit sa di mismong araw ng pasko. Kahit isang araw man lang bago magpasko.
"Bakit hindi po tayo dumadalaw kay lola? Gusto ko po siyang makita."
"Malayo anak. Masyado tayong mapapagod at mapupuyat."
"Talaga Mama?" Tango ang naging sagot ng ina. "Sana bukas makita ko na ulit si Papa. Good night!"
Hindi na mabilang sa daliri ni Althea kung ilang beses niyang pinagtakpan ang maling relasyon nila ni Mateo kay Bugoy. Tanging hiling niya ay maging tanggap sa totoong pamilya ni Mateo si Bugoy para magkaroon din ito ng sapat na atensyon.
"Mama, bakit madami na akong gising at tulog, di pa din dumadating si Papa?"
"Malay mo nasa byahe na." Nauubusan na si Althea ng dahilan. Maging siya ay nagtataka dahil ilang araw ng di nagpaparamdam si Mateo. "Gusto mo magmall tayo? Bibili muna tayo ng damit mo."
"Sige po! Bili na din tayo ng pangdesign ng Christmas tree."
Kita sa mata ng bata ang excitement sa pag-aayos ang Christmas tree. Tinipon niya ang magagandang tala at pinili ang pinakamaiibigan. Gusto niyang kargahin siya ng kanyang papa habang inilalagay niya sa tutok ng Christmas tree ang napiling tala.
"Mama, si Papa!" Naglulundag sa tuwa si Bugoy nang makita ang ama malapit sa higanteng Christmas tree ng department store. Patakbo na ito nang biglang pigilan ng ina. "Pa--!" Tinakpan ni Althea ang bibig ni Bugoy.
"Baby, sorry." Hawak ang tala, kitang kita ni Bugoy ang isang bata na kinarga ni Mateo para turuan maglagay ng star sa Christamas tree. Masaya. Parang gumuho ang mundo niya ng tawagin ang kanyang papa na Daddy.
"Ma, uwi na tayo," wika ni Bugoy at tuluyang binitiwan ang hawak na star.
-end-