Love Bus
by arianne & panjo
Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16 "Kailang an ba talaga nagmamadali?" atungal ni Christine sa kaibigan. "Hello? Parang 24 hours ang byahe papuntang Baguio."
Kunot na ang noo ni Christine pero hindi siya pinapansin ni Miel. Kahit ibandera niya ang pawisang mukha ay di umepekto kay Miel para huminto.
"Sayang ang oras!"
"Magbabakasyon tayo di sasali ng karera! Isa pa matutulog din naman tayo sa bus. Maliban na lang kung gusto mo ng managinip kahit tirik ang araw at umasang makita ang prince charming mo!"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Pagkukunwari ni Miel na di alam ang tinutukoy ng kaibigan.
"For God's sake Miel! Ako pa ang paglilihiman mo, eh kahit frequency ng utot mo alam ko! I know pabalik-balik ka ng Baguio dahil umaasa ka pang makikita mo si Andrew."
"Nagbabakasakali lang naman. Malaki ang kasalanan ko. Guilty talaga ako. Pero di naman siya lang ang dahilan."
"Girl move-on! Ang biktima ng ondoy nakabangon na, ikaw na lang ang hindi pa."
"Nakakasakit ka na!" Nakasimangot na sambit ni Miel.
"Harapin mo na kasi ang katotohanan. Hindi ikaw ang Miel na kilala ko. Let's enjoy na lang. Kung makita mo siya eh di swerte."
"Sige... Tama ka naman talaga. Matigas lang talaga ang ulo ko. Dapat nga siguro akong mag-enjoy this time. He's now a thing of the past."
"Tama! Tara na!" yaya ni Christine.
"Teka CR muna ko."
"Bilisan mo ha!" pahabol pa ni Chistine sa nagmamadaling si Miel..
"Excuse me," wika ni Andrew sa nakaharang sa pintong si Christine. "May I pass kung di pa sasakay?"
"Antipatiko," pagtataray niya kay Andrew. Sinundan niya ng tingin si Andrew saka ngumiti. "Simpatiko. God!"
Pagkasakay ni Andrew ay agad siyang nagtakip ng mukha para di maabala at prenteng makaatulog. Parang ulan na bumuhos ang swerte kay Andrew. Sa loob ng tatlong buwan ay mga top companies na ang siniserve ng kanyang outsourcing firm. Bumalik siya ng Baguio para alukin ng expansion ang kapatid.
"Consultancy? For what? Gastos lang 'yon kuya!" kunot noong tutol ni Andrew sa kapatid.
"Yes. Magastos nga pero ang return mas malaki," depensa naman ni Heidi sa idea ng asawa. "Isipin mo na lang na isa itong investment. Mas magandang may fresh ideas na papasok para tulungan ang negosyo mo tulad ng asset, financial and risk management. And malay mo in time magkaroon ka na din ng consulting agency.."
"Tama ang Ate Heidi mo! Huwag mong panghinayangan gumastos kung malaki naman ang babalik!"
Matagal bago nakumbinsi si Andrew dahil takot na siyang sumugal sa malaking investment ulit lalo pa at nagsisimula pa lang siyang bumangon.
"Sige. Susubukan ko." Walang nagawa si Andrew kundi ang sumang-ayon. "Pero wala akong alam na consulting firm."
"I have!" mabilis na sagot ng kapatid niya. "Pero for now magrelax ka muna. Almost three months din bago ka nakabalik dito ah!"
"Oo. Magbawas ka ng stress. Maglalakad ka tutal malamig ngayon baka rayumahin ka! Malay mo makita mo si 3-day romance mo," pang-aalaska ni Heidi.
"Thing of the past. Hindi ko na nga tanda ang mukha niya."
"Paglabas mo, mareremember mo. Trust me!"
Hindi pa man nakakalabas si Andrew ay umasim na ang kanyang mukha dahil di maiwasang sumagi sa isip niya ang katarayan ni Miel. "She's wierd."
"Ano Andrew?" tanong ng kuya niya.
"Wala. Wala kuya." Hindi din niya mapigilan ngumiti lalo na kapag naalala niya ang tatlong araw na pinagsamahan nila. "I'm weird," bulong ni Andrew. Lumabas siya ng bahay at nagpahangin.
"Hoy! Miel. Bakit tahimik ka?"
"Ha? Wala. Wala."
"Sure ka?"
"Eh kasi. Parang nakita ko si Andrew noong bumaba tayo ng bus. Hindi ko na lang tinawag kasi parang awkward sumigaw at alam kong papagalitan mo na naman ako."
"Andrew na naman! Hay naku, alam mo girl, sa byahe natin papunta dito medyo naasar ako sa antipatikong lalaking kasabay natin sa byahe.."
"Lalaki? Wala naman akong nakitang kausap mo." pagtataka ni Miel. "Kaw ha! Naughty you!"
"No! Noong nagCR ka. Ang weird nga parang walang pakialam sa salita niya."
"Ano bang ginawa?"
"Wala naman. Hindi ko lang siguro nagustuhan ang tono ng pananalita niya noong papasok siya ng bus. Oo nakaharang ako pero dapat sinabi niya in a nice manner.."
"Sira ka pala e. Hinarangan mo e. Baka maubusan ng upuan kaya ganoon."
"Pwede naman kasing makiusap, eh jusko parang daig pa ang menopause kung magsalita."
"Parang high blood?"
"Oo! Ganun!"
Sigurado ka?" Bahagyang napangiti si Miel. "Tara pumasyal!" Hinila ni Miel ang kaibigan sa pagbabakasakaling makita niya si Andrew.
itutuloy..