Kung mamatay ka, sa anong paraan ang gusto mo? 10 points
Karamihan ang isasagot nila bangungot, aksidente o ang ilan ay mamatay sa sarap. :p
Kung kayang piliin ang way ng kamatayan ang gusto ko ay para sa babaeng mahal ko.. Yung tipong sa movie na "If Only" ni Jennifer Love Hewitt, namatay ang mahal niya dahil sa isang car accident. Matapos ang accident saka pa lang narealize ng lalaki kung gaano kahalaga ang girlfriend kesa sa kaya niyang ibigay or sa napakaganda niyang career. Kaya noong bumalik ang oras kung saan buhay pa ang gf niya, pinili niyang makipagpalit ng posisyon. Ang lalaki ang namatay sa aksidente.
So?
Common na mahirap baguhin ang ugali ng tao pero di naman siguro mahirap pahalagahan ang isang tao bago pa ito mapagod, masaktan at mawala. Tama, hindi nga siguro sapat ang pagmamahal lang. Kailangan iparamdam talaga kung gaano kamahal. Hindi nasusukat ang love dahil wala pang naimbentong pangmeasure, siguro ang pinakamabisang paraan na lang ay dapat nasa top priority ang taong mahal mo.
Hindi ako love guru para sabihin ang mga ito. At hindi din ako love expert. Ito ay base sa experience ko. Kung pagmamahal lang ang pag-uusapan, varsity na ako. Pero bakit nasasaktan pa din siya? Dahil may kulang. Kung ano ang kulang? Hindi ko din alam dahil kung alam ko malamang di siya nasaktan.
So, gusto mo bang ibalik ang time na maayos ang lahat? six points
Kung ang love may system restore, ang restore point ko ay doon sa mga oras na masaya kami at walang tampuhan. Pero wala. Buti na lang may second chances. Pero hindi dahil may second chance dapat ng sirain ang first chance. Learn to value bago pa mahuli ang lahat.
What makes your relationship stronger? 4 points
Perfect example siya ng isang babae. Mabilis magbago ang isip. Kaya kahit usok na ang ilong niya sa galit, maya-maya maayos na dahil nagbago na ang isip niya plus may pamatay talaga akong ngiti. Malaking factor kaya di tumagal ng dalawang araw ang misunderstanding. Hindi ako mahilig makipagtalo kaya naiiwasan din ang paghaba ng gulo.
We are always exicited to see each other and we never fail to smile. Kahit nasa jeep nagkakangitian kami ng walang dahilan. And one more thing, mas marunong na siyang gumawa ng pick-up lines.
Any final word?
Ano bang passing grade dito?
Tulad ng laspag na motto, walang perpekto.
Pero may ideal.