"Gusto kong yumaman," sagot ni Leroy sa tanong ng kalarong si Igle. "Para makabili kami ng parol."
Nagtawanan ang mga bata kahit seryoso ang sagot ni Leroy.
"Saranggola na lang ang gawin mong parol. Damihan mo na lang ng palamuti para magmukhang parol!" hirit ni Igle.
"Gusto ko iyong makislap tuwing gabi!" giit muli ni Leroy. "Iyong may ilaw."
Siguro mababaw ang hiling ng bata pero tumatak iyon sa isip ni Cesar na noo'y aksidenteng napadaan sa tambakan ng basura kung saan naglalaro ang mga bata. Anak ni Cesar si Leroy. Pamumulot ng basura ang pantawid nila ng gutom. Swerte na kung may kanin sa kanilang hapag kaya imposibleng makabili siya ng parol na kumikislap sa gabi. Hindi man niya nadinig huminga ang anak pero gusto pa din nitong matupad ang simpleng hiling nito.
Hangad niya ang kaginhawaan pero kahit anong sikap niya ay palagi siyang pinagkakaitan. Siguro may piring ang swerte. Tanging piling tao lang ang nakakatanggap nito. At ang pamilya niya ay hindi kasama dito.
"Sir!" sigaw ni Cesar. Nahulog mula sa motorsiklo ang isang maliit na bag. Mabilis niyang pinulot at sinigawan ang lalaki pero hindi siya nadinig. Binuksan niya ang bag at nanlaki ang kanyang mata sa nakita. Naglalaman ng papeles, pasaporte at malaking halaga. Lumiwanag ang mata ni Cesar. Sa kanyang estima ay kayang niyang paaralin sa halagang iyon si Leroy. Kasunod ng ngiti ay ang ilang ulit na paglingon. Walang ibang tao. Umuwi siya ng bahay bitbit ang bag.
"Bukas na lang ako lalakad..." wika ni Cesar sa sarili at mahimbing na natulog.
"Napakabuti mo. Kung may kahilingan ka na kaya kong ibigay sabihin mo lang." wika ng may-ari ng nahulog na bag. Binagabag si Cesar ng kanyang konsensya. Kahit kumakalam ang kanyang sikmura ay di naging hadlang iyon para gumawa ng mabuti.
Halos masilaw si Cesar sa mga mamahaling kagamitan sa bahay. Kung hihiling siya ng mamahalin ay siguradong kaya nitong ibigay. "Parol po. Gusto ko iyong makislap tuwing gabi. Iyong may ilaw."