Love Bus
by arianne & panjo
Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14"Hoy Miel! Buksan mo nga ang pinto!" Malakas na sigaw ni Christine habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ng kaibigan.
Naalimpungatan naman ang dalaga. Bago tuluyang buksan ang pintuan ay inayos muna niya ang sarili. Humarap siya sa salamin at napasigaw sa kanyang nakita.
"OH MY GOD! OH MY GOD!" Hindi siya makapaniwala na ang laki ng tigyawat niya sa ilong. Pakiramdam niya ay sasakupin nito ang kanyang mukha sa sobrang pagkaparanoid. Naisip niyang karma ito sa kanya. Na parang si Pinocchio, kaso sa kanya tigyawat ang tumubo. Naghilamos muna siya bago tuluyang buksan ang pinto dahil malapit na itong magiba ni Christine.
"Yuck! What happened to your nose?" Sabay tila diring-diring turo sa sumisigaw na tigyawat ni Miel.
"I know, right? It's ugly. Tara come with me sa derma, I have to get this removed! I'm so screwed, after my self-proclaimed vacation madami akong naiwang work sa office," yaya nito sa kaibigan. Hindi naman tumutol si Christine dahil matagal na din ang huli niyang facial.
"That's what I'm here for talaga. Saan ka ba nang-galing ha? Hinahanap ka ni Carlo." Prenteng umupo sa sofa ng kwarto ni Miel ang kaibigan. Kumuha ng pagkain sa fridge at binuksan ang TV.
"Oh, he's looking for me pala. Akala ko enjoy na enjoy na siya with his new chick eh," sarkastikong wika nito.
"Are you okay sweetie?" Nilapitan siya ng kaibigan at hinagod ang likod.
"Ang tanga tanga ko kasi, bakit ko ba siya niloko at pinaglaruan." Muling nangilid ang luha sa mata niya.
Halata ang gulat sa mukha ni Christine. Hindi niya maintindihan ang sinabi ni Miel.
"What? Akala ko ba si Carlo ang nanloko? Eh ano yang pinagsasabi mo?" Sabay ang mahinang batok sa kaibigan.
"Ano ba? I thought kaibigan kita? Bakit sinasaktan mo ako?" Nakangusong sabi ni Miel sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
"Paano naman kasi, hindi kita maintindihan noh! Ang labo mo kasi, ano bang inaatungal mo diyan? Don't tell me, ikaw nga ang nangloko kay carlo?"
"Hindi mo naiintindihan sweetie, it's not about that Carlo and the bitch he is dating, I don't care about him. Seriously."
"Oh, eh bakit ka gumaganyan?"
Naisip niyang ikagagaan ng loob niya kung ikukwento niya kay Christine ang ginawa niya, kahit alam niyang bandang huli ay mababatukan na naman siya ng kaibigan.
Matapos magkwento ay inunahan niya na si Christine, "Oo na ang sama na ng ugali ko. Hindi ko dapat ginulo ang buhay ng lalaking iyon, hindi ko siya dapat isinama sa Ilocos. At lalong hindi ko dapat siya ginamit upang makalimutan si Carlo."
"So you like him huh?" Mapanukso ang ngiti ni Christine. "I know you since day 1 na nagkaregla ka!"
Natagalan bago siya makasagot. Iniisip niyang mabuti. Muli ay bumalik ang masasayang ala-ala nila sa ilocos, ang bagnet, at ang muntikang paghalik sa kanya ni Andrew sa Bell tower. Hindi niya namalayang napangiti na siya ng ala-ala ng lalaking naging dahilan ng kanyang kasiglahan, at ang muling bumawi nito.
"Ano ba yang sinasabi mo? Halika na sa derma! Hintayin mo lang akong matapos maligo, bibilisan ko na lang, kadiri ang pimple ko!"
Ngumiti lang si Christine dahil alam niyang nasa in-denial stage ang kaibigan niya. "Para sa akin, kung nagkamali ka man, you deserve another chance."
Pumasok si Miel sa banyo, tila walang nadinig, doon, muli niyang ibinuhos ang huling batch ng luha niya para kay Andrew. Sisimulan niyang bumangon ulit at aasikasuhin na lamang niya ang naiwang problema sa opisina. Pwede bang magmahal sa loob ng tatlong araw, ang tanong niya sa sarili.
After 1 and a half hour ay lumabas din ang dalaga sa banyo, nagbihis at nag-ayos. Humarap siyang muli sa salamin at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"Wheeewww. This is it. Kung nakaya kong limutin ang sakit na idinulot ng pang-loloko sa akin ni Carlo, kakayanin ko din kalimutan ikaw, Andrew."
"Iba na talaga ang inlove. Matagal maligo." pang-aalaska ni Christine.
"Sinong inlove?" kunot noong tanggi ni Miel.
Nagtaas ng balikat si Christine. "Sino bang may tagyawat? Siguro si spongebob."
"Tara na nga! Puro ka kalokohan!"
itutuloy...
**