Love Bus
by arianne & panjo
Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 |*****
Hinatak ni Miel si christine patungo sa garahe ng bahay niya. Wala paring tigil sa pangungulit at pang-aasar si Christine kay Miel tungkol kay Andrew.
"Alam mo, feeling ko talaga type mo ang lalakeng iyon eh." Mapanuksong ngiti ni Christine.
"Of course not! Trip ko lang siyang asarin noh. He's way too serious for me. Mamamatay ako sa boredom kung siya ng siya ang makakasama ko." Depensang tugon ni Miel.
Isinalampak niya ang pinto ng kotse. Halatang pikon ito sa idea na gumuhit sa utak ni Christine. Pero kahit siya ay naguguluhan din. Hindi niya maintindihan kung ano bang meron sa lalakeng iyon at hinahanap-hanap niya ang kasungitan nito. Nalulungkot na naman siya. Lalo pa't iniyakan niya. "Hayy." Buntong hininga ng dalaga.
"See I told you, mukhang namimiss mo na ang 3-day romance mo ah!" Humahagikgik pa si Christine. Halatang tuwang-tuwa siyang inaasar ang kaibigan. Alam niya kasing pikon ito.
"Duh. I'm upset about my pimple." Halata ang pagkapikon sa tinig nito. Pinastart niya ang kotse at pinaandar. Matagal tagal din ang binyahe nila patungo sa Alabang Town Center. Hindi lang kasi derma ang dinayo niya, gusto din niyang mag-relax at kumain ng paborito niyang Frutti Froyo.
No more time to relax for Andrew. Matapos makuha ang kailangang pera ay nag-alsa balutan na siya. Gusto man niyang manatili pa para hanapin ang babaeng gumawa ng circus sa buhay niya ay kinailangan niyang umalis para matupad ang matagal ng pangarap. Sa isip niya, may mga tao talagang dumadaan lang sa buhay ng tao at ang mananatili iyon ang masasabing makakasama habambuhay. At ang babaeng nakasama niya ng tatlong araw ay kasama lang sa mga taong nagbigay ng exictement sa static niyang buhay. Para buhayin ang natutulog niyang dugo.
"Kuya, salamat. Hindi ako papalpak sa pagkakataong ito."
"Aasahan ko 'yan Andrew. May tiwala ako sa'yo!"
"Mag-iingat ka! Hanapin mo si happiness!" pahabol na ni Heidi.
"Sino namang hapiness?" nagtatakang tanong ng kapatid ni Andrew. "Si Pearl na naman?"
"Hindi kuya! Huwag mong pansin si Ate. Nang-aasar lang 'yan!" singit naman ni Andrew. Hindi naman maubos ang tawa ni Heidi habang hinahabol ng tingin ang bayaw.
Pagkarating ng Manila ni Andrew, nagset-up agad siya ng satellite office. Sa bahay muna niya pansamantala. He's in need of manpower, mula utility hanggang clerical kaya nag-advertise siya. The next day, tinawagan niya ang mga office at target client niya to set an appointment. Wala siyang sinayang na oras. Ayaw niyang sumablay sa pagkakataon ito. Inuna muna niya ang malalapit na offices para madominate niya ang lugar. Isa sa ipinagmamalaki niyang strategy ay paggiging malapit nito kaya madali siyang makakarespond sa mga clients niya.
"Excuse me. I have an appointment with Director Esmeralda De La Costa." Iniabot ni Andrew ang kanyang ID sa receptionist ng unang company na pakay niya.
"This way sir."
Tumuloy si Andrew isang conference room at ilang sandali lang ay dumating din ang director. Matapos magpakilala ay sinimulan nila ang discussion.
"Lets start," wika ng babae habang isinusuot ang kanyang eye glasses.
"I am here to present a solution that will surely help your company." umisa ni Andrew. Binigyan niya ng kopya ng proposal ang babaeng sa estimate niya ay hindi lalampas sa edad na trenta. Habang ipinapaliwag ang nakasulat sa papel, hindi maiwasan ni Andrew na humanga dahil sa murang edad ay director na agad ng company ang kaharap. "Our company will provide manpower from utility to administrative jobs. This will elimanate the cost during job posting, screening, hiring since the screening process is our part and benefits will be shouldered by our firm," pagtatapos niya.
"This will complicate our payroll system. I mean, we have to assign another person for their payroll."
"We have our own employee benefits department, they will be in-charge with salary, government mandated deductons and alike. Your sole responsibility is training."
Tumango ng ilang ulit ang babae matapos ang ilang pa nilang palitan ng tanong at sagot. "I don't see any reason to reject your proposal." Inistrech ng director ang kanyang braso para makipagkamay. "Be here tomorrow for contract signing."
Pinigil ni Andrew ang sarili kahit gusto niyang maglulundag sa tuwa habang lumalabas ng opisina ng director. Kanina pa din niya gustong maiyak. Nawala ang kaba niya na halos ay mas matangkad pa sa kanya.
"You got a dream... You gotta protect it!" nasambit ni Andrew ang paborito niyang linya ni Will Smith sa Pursuit of Happyness pagkalabas niya ng building. Kakaiba. Matagal siyang tumitig sa harap ng building bago tuluyang umalis. Halata sa ngiti niya ang di maipaliwanag na kasiyahan. Hindi naiiba ang pakiramdam noon ni Andrew kay Christopher Garner (Will Smith) matapos maachieve ang pangarap na pagbangon. "Tuloy tuloy na 'to."
itutuloy..
***