Naging kakaiba ang kilos ni Marian. Hindi gaya ng dati na palangiti at madaling pakibagayan. Ngayon, malungkot ang kanyang katauhan at tila palagi may kinatatakutan. Madalas tahimik at palaging gustong mapag-isa.
Hindi mapigilang mangamba ni Roselle. Alam niyang may inililihim ang anak. Malaki kasi ang ipinagbago ng pakikitungo nito sa kanya. Halatang umiiwas sa mahabang usapan.
"Marian, anak, kamusta ang pag-aaral?"
"Mabuti naman po." Mahina at halos pabulong na sagot ng anak kay Roselle.
"Bakit parang nanamlay ka nitong mga nakaraan araw?"
"Hindi lang po naging maayos ang pakiramdam ko."
"Anak virgin ka pa ba?" tanong ni Roselle sa kanyang nag-iisang anak.
"Ano bang klaseng tanong iyan 'nay?"
Ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa at tinukoy na ang gustong niyang malaman. "Buntis ka ba?"
Walang salitang lumabas sa labi ng anak bagkus ay isang mahigpit na yakap ang tugon nito. Ilang sandali ay bumagsak na ang luhang tila inipon ng kaytagal. "N-natatakot ako inay!"
"Si Ricardo?" Tumango si Marian ng ilang ulit. Napahawak sa bibig ang ina sa pagkabigla. Dumating na ang araw niyang kinatatakutan.
"Hindi ko po alam kung paano sasabihin. Hindi ko alam ang dapat gawin. Natatakot ako 'nay..."
"Anak, patawarin mo ako.. Kahit ako, di ko alam ang gagawin."
Mahigpit ang yakap ni Roselle sa anak. Parang may multong kinatatakutan. May mundong gustong takasan. At silang mag-ina ang tanging magkakampi. Hindi niya akalain na pareho sila ng magiging kapalaran ng anak.
"Inay... Paano na tayo?"
"Anak, hindi ko din alam. Biktima din ako. Ang kapatid ko.... Si Ricardo... ang tatay mo."
-wakas-