Skinpress Rss

New Year


"Si Mike! Guys si Mike!" sigaw ni Esiquel.

"Wooh! Akala namin di ka darating!" gulat na wika ni Daniel.

"Pwede ba naman 'yon? As usual late ako 'di ba?"

Akbay agad ni Noel. "Tagal kang namiss ng tropa!"

"Now we can say na you are really back on track, Mike. Balitang-balita na nakuha mo ang million peso-deal sa Artiska."

"Chamba mga dre. Old contacts and luck siguro."

"The rich, famous and humble Mike. So, finally you moved on?"

"Ahhmm.. Of course!"

"You mean, pwede na namin imbitahan sa next party si Mara?" maingat na tanong ni Esiquel.

"Actually kaya ako na-late, nagmeet kami ni Mara before pumunta dito. Kinulang ang three hours sa amin."

"Wooohhhhh! Short time."

"Its not what you think guys. We just talk. Eat. Yun lang and konting flash back."

"So from bitterness to betterness."

"So I assume buo na ulit tayo next year. Mara and Mike are okay!"

"Oo naman! I want to end this year with a bang!" Kinalog ni Mike ang alak bago pinalipad ang cork sa ere. "Lets drink!"

Inuman.

Tawanan.

Kwentuhan.

"San tayo sa new year?!" tanong ni Noel.

"Sa bahay. Walang mawawala!" singit ni Mike. "Gusto ko lahat andun kayo including Mara."

"Okay! Yan ang gusto namin madinig at nagmula pa talaga sa'yo.."

Uwian.

Paalaman.

"Walang mawawala sa bahay ha?" paalala muli ni Mike.

Sumakay siya ng kotse. Nang makitang malayo na ang lahat itinutok niya ang baril sa ulo.

BANG!


-wakas-


Super Totit


Sinagip ni Totit ang tutang muntik mahulog sa man-hole. Tumakbo siya ng mabilis para maligtas ito sa panganib. Kahapon lang, sinapak niya ang lalaking umaagaw ng bag kay Digna. Hindi na ito nanlaban bagkus ay lumayo palayo kay Totit. Ilang araw na siyang self-declared superhero.

Nakatingin siya mula sa bintana pababa ng kalsada. Nag-aabang kung may parating na panganib.

Wala.

Nagsindi siya ng lighter.

Nangingig ang kanyang kamay..

Oras na..

Wala siyang sinayang na usok. Lahat sulit.

Nang makatapos tumakbo sya. Nakadinig siya ng humihingi ng tulong.

Wala siyang alinlangang tumalon sa bintana. Sinalubong niya ang lakas ng hangin.. Lumulutang siya tulad ng kanyang iniisip. Lumilipad siya tulad ng tumatakbo sa utak..


"Nandyan na ako!" sigaw niya.

Muntik na naman mahulog ang tuta sa butas. Buti na lamang may taong bumagsak mula sa taas.

-wakas-

Mamang Pulis


Tirik na tirik ang araw. Sumenyas na ang hepe ng pulisya. Simula na. Isang putok ang kasunod na nadinig. Nagkagulo ang lahat. Non-stop na ang sigawan. Napahawak na lamang ako sa noo kong .pawisan

Muling namayani ang katahimikan. Isa. dalawa hanggang sampung segundo. Nagtakbuhan ang mga pulis. Walang humpay na putukan.

Lumapit ako sa iyo.

Mabagal.

Hindi sigurado.

Hiningi ko ang hawak mong baril.

Kasunod ang iyong kamay.


Nakabibinging sigawan.

Tumingala ang lahat. Lumipad ang mga lobo sa loob ng police academy. "Will you marry me?" kabadong tanong ko.

"Yes..." Nanggilid ang iyong luha.


Sigawan..

-wakas-

Tagay


Shoot sa basurahan ang dala kong bulaklak at isang box ng chocolate. Akala ko tatanggapin na this time pero tulad ng nauna, basurahan lamang ang nakinabang. Pinabaunan pa ako ng isang suntok sa balikat bago pinagsarahan ng pinto. Selyado pa ang puso ni Thyra.

"Halika! Ikaw nga!" sigaw ng lola ni Thyra sa akin. "Bago ka umalis maupo ka muna sa harap ko."

Martial Law - Isang Dagli


credits to orig ownwer
Dahil sa napanood na teleserye, nagbaba ng bagong batas si Ermat sa hapag-kainan. Idineklara ang Martial Law sa aming bahay. Base sa Proclamation no 1081, kaming lahat ay may tapyas sa baon sa sinumang mahuling may crush, walang baon ang may girlfriend, patitigilin sa pag-aaral ang may ka-flirt at palalaysin ang magkaka-anak. May umento naman sa baon ng higit sa doble ang MAKAPILI o makapagsusuplong sa itinuturing na ilegal na aktibidad.

Pwersahan kaming pinapirma sa bagong batas. Bukas paglitaw ng araw epektibo na ang Martial Law.

Itetext ko ba si GF? Makikipaghiwalay ba ako?

Magdamag nagcompute ang kapatid kong bading. Wala syang girlriend pero maraming crush. Hindi kawalan ang kaflirt. Kikita siya kung isusumbong niya kami.

Nakatulog na ako pag-iisip.


Kinaumagahan, nagpanic ang lahat.. Nawala si Erpat.

Hiling - Isang Dagli


credits to orig owner
Hiling

Sobrang simple lamang ang hiling ko tuwing pasko pero tila sobrang hirap at hindi makayanang ipagkaloob sa akin. Mula pa pagkabata idinasal ko na iyon. Hindi ko sinubukang magsabit ng medyas sa likod ng pintuan o christmas tree dahil hindi naman kasya hiling ko. Malabong magkasya si Tatay sa medyas. Dapat siguro sako o balde.

Kinalimutan ko ang pasko matapos ang limang taon ng aking paghiling. Kinalimutan ko na si Tatay. Hindi ko na nga matandaan ang kanyang mukha. Naiwan sa lumang bahay ang mga larawang pwedeng magpaalala sa akin. Naniwala ako kay Nanay na huwag umasa sa imposible.

Sa paghahangad ako ng mga bagay na makabubuti sa buhay namin ni Nanay ay nakalimutan ko na ang pagiging mabuti. Nakalimutan kong maging patas. Nilamon ako ng karangyaan. Hindi sumikip ang aking bulsa. Naghangad ako ng sobra sa dapat. Nakalimutan ko ng maging masaya.

Araw ng pasko. Umuulan. Ibinili ko si Nanay ng gusto niyang daster habang pumili siya ng kurtina. "Bilhin mo na ito! Matutupad ang hiling mo," alok ng hindi katandaang lalaki na may bihis pulubi.

Nagtawa ako. "Paano kung ang hiling ko ay mapangasawa ko si Britney Spears?"

"Matutupad pero malamang sa panaginip." Nakatawang niyang sagot. Itinapat niya sa aking mukha ang kumikinang na bakal. Pinatama dito ang matinding sikat ng araw upang manlabo ang aking paningin. Itinakbo niya ang coin purse na hawak ko kapalit ang isinilid na bakal sa paper bag na bitbit ko.

"Loko!" sigaw ko. "Tara na 'nay. 'Nay, bakit?"

Kinusot ni Nanay ang dalawang mata. "Anong nangyari sa kanya? Tuluyan na siyang nilamon ng bisyo."

"Kilala mo siya?"

"Si Rupert... "Isang pamilyar na pangalan na minsan naging laman ng mga dasal at hiling ko. "Ang tatay mo."



-wakas-

Hiraya Manawari - A Labstori


credits : mel martinez
"Mahal mo?" tanong ni Jim. Tumango ako.
"Hindi ka makatiming?" segunda ni Abet.
"Sabi nga ni Teban, Hiraya Manawari ang perfect na theme song!" banat ni Tsong.

"Sagot na namin ang timing. Meron na kaming invitation! Sakay!" sigaw ni Ato.

Hindi na bago ang paghawak ko sa iyong kamay pero tila itong ang unang pagkakataon. Excited. Kinakabahan. Nakangiti.

Hindi Ako Bilib kay Jenny


credits : mel martinez
"Aray naman?! Ano na naman ginawa ko?" Walang pagkakaiba sa kagat ng pusa ang kurot ng ni Jenny sa aking balat. Hindi pa nga gumagaling ang sugat ko sa balikat na kinagat niya noong nakaraan heto at binigyan na naman ako ng panibagong pilat.

"Nanggigil ako! Nakakaasar kasi!" Tama siguro ang kutob kong baliw na siya. Hindi nalalayong dadating ang panahon na palakad lakad siya sa lansangan habang may bitbit na pusa. "May kulang pa ba? Halos ginawa ko na hindi pa din ako mapansin!"

Alaala ni Santa - Maikling Kwentong Pambata


image credit : stuffistumbledupon.com
Sa patag na bahagi ng bundok ay nakatirik ang kubo ng pamilya ni Mang Abner. Paggawa ng uling ang pangunahin nilang ikinabubuhay. Umaalis siya ng umaga upang ihanda ang malalim na hukay na paglalagyan ng mga putol na sanga para gawing uling. Sumusunod na lamang sina Tikboy at Enok upang maghatid ng pagkain. Sa paglalakad, ang mga bata ay may dalang sako bilang sisidlan ng mga mapupulot na sanga.

Isa ang batang si Enok sa may kakaibang ngiti pagsapit ng Oktubre. Hindi ito dulot ng sigla ng kalakalan ng uling kundi dahil sasakto na ang kanyang edad sa bilang ng mga daliri sa isang kamay. Ipinangako ng kanyang ama na sa pagsapit ng kanyang kaarawan ay isasama siya nito sa bayan, bagay na bihira lamang mangyari dahil salat sila sa buhay.

Abaniko - Maikling Kwento



Nakakubli ang aking mukha sa likod ng abaniko pagsapit ng eskinita sa pagkukunwaring
nilalabanan ko ang matinding sikat ng araw. Kinagat ko ang aking labi upang hindi ako mapaiyak pagpasok ko ng pintuan. Alam kong babagsak ang aking luha kung may makakita sa namumugto kong mata.


Lumikha ng maliit na ingay ang upuang kahoy na malapit sa aking likuran kasunod ang mabagal na pagkilos ng kaisa-isa kong dinatnan sa loob ng bahay. Binasag ng kapirasong ingay ang tahimik na imahe ng kabahayan. Marahil hinihintay talaga niya ang aking pagdating kaya napuna kahit ang ubod nang ingat na pagkakabukas ng pinto. Dumikit sa aking mga binti at umikot ang pusang nag-aanyayang lambingin siya. Tila nanghihingi muli ng kalinga sa umabandonang amo.
Nakatingin ako sa mga nakakwadradong larawan habang inilalapag ang mga bitbit ko. Nahulog ang abaniko nang lumundag ang pusa sa mesa. Nagbuntong hininga ako upang kalmahin ang aking sarili.

Tatsulok



Bigla na naman nahilo si Cara kaya napasugod na naman kami sa ospital. Napurnada na naman ang matagal ng nakaplanong lakad. Madali akong magpanic sa mga ganitong sitwasyon kaya nakalimutan ko na naman dalahin ang wallet ko. Pati tuloy pamasahe namin ay dinukot ko pa sa bag ni Cara.


Hindi kami close ni Cara. Hindi nga kami nagpapansinan sa classroom dati. Umaattend lamang ako ng ilang subject sa HRM section nila para naman may pambusog sa mata. Mga overweight kasi ang classmate ko sa Education kaya nagtake ako ng minor subject sa classroom ng mga sexy. Maaga ako pumasok para hindi halata na pinapanood ko ang bawat pagpasok ng estudyante.

Panaginip




"Mr. Lescano! Naapektuhan na din ba ng aerodynamics ang utak mo? Lipad na lipad ah!" Pigil ang tawa ng aking mga kaklase habang nakatayo sa harap ko si Terrordynamics este si Ma'am Rivera.

"No Miss Rivera." Kamot sa ulo na lamang ang nagawa ko. "Sorry."

Sobrang tagal ng dalawang oras para tiisin ang kahihiyan. Strike

Pader - Maikling Kwento



Sumisirkong itinapon ng hangin ang malaking sanga ng puno sa daan na kung may tao ay tiyak masasaktan. Wala sa plano ko ang umalis subalit may mga gamit na dapat isalba sa project site sa Padre Garcia. Malaking pinsala ang idudulot ng ulan kung hindi ko isasalba ang mga gamit sa construction.

Selos


credits : mel martinez
"Sobrang selosa ni Eunice, dre. Hindi ko matagalan. Imagine sa loob ng 5 minutes na hindi ako nakasagot sa message tiyak galit na! Pati pagpunta ko dito pinag-awayan pa. Uuwi na naman daw akong lasing."

Binunggo ni Jake ang drawer para sumara pagkatapos kunin ang can opener. "Madali lamang 'yan, huwag kang umuwi ng lasing!"

"Dre, binyag pa ni Sandy ang huling time na humawak ako ng bote ng alak. Ilang buwan na ba inaanak ko?"

"Six months."

"Seven months!" sabat ng asawa nitong si Rose. "Kanino ang six?"

Chicken Adobo - A Love Story 15


image credit to komwari

-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Wala akong balak makipaghabulan kay Kathy kaya nagmamaktol siyang bumalik sa akin sa may duyan. Gusot na naman ang kanyang mukha at tila naghahanap ng away. Nakapamewang pa s'yang lumapit sa akin taglay ang matang nanlilisik na may hudyat ng katapusan ng aking buhay. Mabigat ang kanyang hakbang na halatang hindi nagustuhan ang hindi ko pagsunod sa kanya.


"Akala ko ba balak mo magstay sa bahay pero bakit hindi ka naman sumusunod?" asar na salubong niya sa akin.

"Start na ba? Hindi maitago ang excitemment?" pang-aasar ko pa na lalong ikinapula ng kanyang pisngi. Wala ng pagkakaiba ang hinog na kamatis sa pisngi niya.

Bahaghari


Nagsilbing malaking duyan ang barkong sinasakyan ko. Hindi ko namalayang basta ko lamang iniwan sa mesa ang aking gamit. Naalimpungatan ako sa ingay ng mga taong nag-uusap sa aking tabi. Malapit na ang pagdaong ng barko kaya dapat ng ayusin ang mga dalang gamit at bagahe.

Bitbit ang kapeng may higit sa dalawang beses sa totoo nitong presyo ay umakyat ako sa ikalawang palapag ng barko upang tingnan ang pagsikat ng araw pati na din ang nalalapit naming pagdaong sa pier ng Batangas. Hindi ko pa din mapigilang mamangha sa tanawing hatid ng sikat ng araw at ang pagtama nito sa malikot na alon na tila naghanda pa upang ipakita ang kariktan. Umabot sa pitong taon bago ko ulit nakita ang pambihirang tanawin.

Bakit Lumuluha Tuwing Linggo si Sally?


credits : mel martinez
Wala naman akong kasalanan at lalong hindi ako testigo kung bakit lumuluha ang kababata kong si Sally tuwing Linggo. Umiiling ako sa tuwing may nagtatanong pero duda pa din sila na wala akong alam. Tila ba kasabwat ako sa pangyayari kahit kagigising ko pa lamang. Madalas daw kasi akong makitang kakwentuhan ni Sally sa aming tindahan tuwing lalabas ito para maghintay ng tricycle bago pumasok sa trabaho. Kaya akala nila pwede akong maging source ng tsismis kung bakit tuwing Linggo lang trip ni Sally umiyak. Bakit hindi Lunes o sa ibang araw?

Imposible naman daw pera o karangyaan ang maging dahilan ng problema ni Sally dahil lumaki naman itong may gintong kutsara sa bibig wika ni Mercy. Kung tutuusin, hindi na nga kailangan magtrabaho ng aking kababata dahil may pera din naman ang napangasawa.

Saranggola


credits to its owner
Pantay balikat ang dalawa kong palad habang nakatingin sa bughaw na langit at may halong pagtatakang tubig ang tumama sa aking balat. Tirik na tirik ang araw kaya imposibleng may pabagsak na ulan. Tiningnan ko ang sarangolang nakatali sa may upuang yari sa kawayan kung may pinagbago ang direksyon. Mabilis akong kumilos bago pa sumabit ang pisi sa dambuhalang puno ng sampalok.

"Apeng! Uulan yata!" sigaw ko habang nilalabanan ang pag-aalsa ng saranggola. Nagbago ang lipad nito mula sa pinong pag-indayog sa hangin, ngayon ay tila hayop na gustong kumawala sa pagkakatali. "Ibaba ko na to!"

Upuan



"Nalusutan ka na naman daw sa area mo? Pang-ilang beses na yan?" salubong na bati ni Frank pagkalabas ko ng cubicle ni bossing. Iniabot niya ang tasa ng kape na may pangalan ko. Iniregalo ng anak ni Frank ang tasa dahil alam niyang mahilig ako sa kape.

"Apat, lima. Ewan.. Minalas na naman. Natapat na naman sa akin." Matagal kong isinahod ang tasa sa coffee maker pero hindi naisipan pindutin para lumabas ang likidong magpapabuhay sana utak kong tulog.

"Kaya pala matagal ka na namang kinausap ni bossing."

"Nakikiusap kasi ako kaya nagtagal. Gusto niya muna akong pagpahingahin. Wala daw kasi ako sa sarili palagi kaya may nananakaw na stocks."

"Oh, ano sabi ni boss?" Umiling lamang ako. "You deserve a rest pare. Hindi din biro ang pagod mo sa bawat araw."

Kung Hindi Pa Ako Nalasing



Iling at buntong hininga ang aming reaksyon habang nakatingin sa mga picture ng Aquatico sa San Juan. Sino nga ba ang hindi maiinggit at manghihinayang kung ang ganitong kagandang lugar ay mararating ng libre? Sa kasamaan palad ang shift namin ang hindi nakasama. Hindi pwedeng walang maiwan sa office para umattend ng mga clients at project concerns. Sabi nga ng mga hindi nakasama dati sa company outing, alam nila ang nararamdaman namin.

"Balita? Anong progress na?" Isang tapik sa aking balikat ang dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. Kunot na ang noo ni Jadelyn sa tense. May project nga pala kaming tinatapos kaya kami nasa office. "Madami ng pending orders ng paleta ang PNC."

Hindi na Sana ako Lilingon


"Huwag na Tikboy!"

Hindi na sana ako lilingon kung hindi ko nadinig sumigaw ang babaeng may malaking ribbon sa bewang. Sa unang pagkakataon may isang naglakas loob pigilan ang galit ng lalaking sinasabing walang kinatatakutan. Sa tuwing makikita ko si Tikboy na tumatakbo hindi na bago kung may mababalitang gulo. Hindi na bago kung may pasa siya o may napilayan siyang kaaway. Ang malaking peklat niya sa mukha ay palatandaan na minsan na siyang nasangkot sa matinding basag ulo.

Sarado ang isang kamao ni Tikboy habang hawak ang ulo ng matandang lalaking may duguang mukha. Halos magpalit ng pwesto ang kanyang dalawang kilay sa tindi ng galit sa kaharap. Lahat ng saksi ay naghihintay ng sunod niyang kilos.