"Nalusutan ka na naman daw sa area mo? Pang-ilang beses na yan?" salubong na bati ni Frank pagkalabas ko ng cubicle ni bossing. Iniabot niya ang tasa ng kape na may pangalan ko. Iniregalo ng anak ni Frank ang tasa dahil alam niyang mahilig ako sa kape.
"Apat, lima. Ewan.. Minalas na naman. Natapat na naman sa akin." Matagal kong isinahod ang tasa sa coffee maker pero hindi naisipan pindutin para lumabas ang likidong magpapabuhay sana utak kong tulog.
"Kaya pala matagal ka na namang kinausap ni bossing."
"Nakikiusap kasi ako kaya nagtagal. Gusto niya muna akong pagpahingahin. Wala daw kasi ako sa sarili palagi kaya may nananakaw na stocks."
"Oh, ano sabi ni boss?" Umiling lamang ako. "You deserve a rest pare. Hindi din biro ang pagod mo sa bawat araw."
"Rest? Pwede bang magpahinga ang sikmura ng ilang araw?"
"Magsabi ka lang kapag kailangan mo. Para saan pang naging magkumpare tayo."
"Salamat. Kapag kinailangan lalapit ako sa'yo."
"Bakit ka nga ba madalas puyat? Maaga na naman tayo nakakauwi."
"Si kumare mo kasi." Ngumiti lang Frank kasunod nag ilang tapik sa balikat ko. Pinindot ko ang coffee maker saka iniwan si Frank.
Paano nga ba matatanggihan ang mapanuksong mata ng aking minamahal. Tingin pa lamang ay halatang mapang-akit. Paano ba ako masisisi kung napuyat ako kagabi at tanghaliin ng pasok sa opisina? Kahit siguro kagatin ako ng lamok ay kaya kong tiisin dahil ayaw kong malampasan kung paano niya alisin ang kanyang saplot. Sa kinis at lambot ng kanyang balat ay paniguradong bubuhay ng laman. Ang mga malalambot na labing dumadami sa katawan ay dumadagdag pa sa mainit na klima kagabi. Saksi ang liwanag ng buwan sa mga nakababaliw na galaw. Gigil na giliw ako sa bawat kilos, sa bawat halik at ingay.
"Maaga kang uuwi ngayon kaya paniguradong maaksyon na naman." habol pa ni Frank.
"Palagay ko nga."
Nakadouble lock na naman ang pintuan sa harapan. Buti nadala ko na ang susi sa kusina. Matagal din ang pinaghintay ko kagabi bago ako nakapasok ng bahay. Dalawang oras kasing mas maaga sa natural kong uwi nitong mga nakaraan araw. Hindi ko nasabi sa mahal ko na nagbago na ang shift. Kakatok na sana ako sa may bintana ng aming kwarto pero una akong nagulat sa mainit na tagpo kagabi.
Mula sa kusina, kumuha ako ng lubid at itinali mula sa pintuan ng aming kwarto hanggang sa upuang kitatatayuan ko ngayon. Buti na lamang wala pa akong perang pampagawa ng kisame. Pakikinabang ko pala ang mga kahoy na pinagbahayan na ng gagamba. Tamang-tama palang talian ng lubig. Ilang saglit pa ay bumagsak na ang aking luha. Nadinig ko na ang pagbukas ng pinto at ang boses ng lalaki kasama niya din kagabi. Nakaganti na siguro ako sa gagawin ko. Ang huli kong natandaan ay sumigaw ang mahal ko matapos tumilapon palayo ang upuang kinatatayuan ko.
=wakas=