Skinpress Rss

Tatsulok



Bigla na naman nahilo si Cara kaya napasugod na naman kami sa ospital. Napurnada na naman ang matagal ng nakaplanong lakad. Madali akong magpanic sa mga ganitong sitwasyon kaya nakalimutan ko na naman dalahin ang wallet ko. Pati tuloy pamasahe namin ay dinukot ko pa sa bag ni Cara.


Hindi kami close ni Cara. Hindi nga kami nagpapansinan sa classroom dati. Umaattend lamang ako ng ilang subject sa HRM section nila para naman may pambusog sa mata. Mga overweight kasi ang classmate ko sa Education kaya nagtake ako ng minor subject sa classroom ng mga sexy. Maaga ako pumasok para hindi halata na pinapanood ko ang bawat pagpasok ng estudyante.

Naging audience ako sa bawat kembot ng mga chicks at isa Cara mga highlight ng show. Hindi tuloy ako naniniwala kay Sharon Cuneta na high school ang best part ng pag-aaral. Ang pangit lang, nakatapos kami ng college na hindi man lamang nagkaroon ng pagkakataon mag-usap ni Cara.

Eight pesos ang laman ng aking bulsa noong isang mainit na hapon. Kulang ng piso para pamasahe pauwi. Dapat kasi mukhang pera at palaging gipit na gaya ko ang HR namin para naman may sweldo na agad sa umaga. Kung magaan ang atm malamang itinaob ko na kanina sa sobrang badtrip ko. Higit kalahating oras ang ipinila ko tapos wala pa naman pala sweldo. Kailangan ko tuloy maglakad ng isang kilometro para sumapat ang eight pesos.

Uhaw na uhaw ako pero hindi makabili ng tubig. Mas lalo pa uminit nang makita ko bigla si Cara. Ang hot! Sobrang bilis ng imagination ko, iniisip ko palang exciting na. Sana magkatabi kami sa jeep ni Cara. Pumuwesto ako sa tabi niya para boxed-out lahat ng aagaw ng eksena. What makes it exciting, bigla na lamang siya dumikit sa akin. Tapos bigla na lamang bumigat bago pa kami makasakay ng jeep. Hinawakan ko agad kanyang bewang at balikt . Wala na pala siyang malay. Hindi ko alam kung swerte o malas. Kailangan ko pa tuloy isugod siya sa ospital.

Nagpanic ako hindi dahil nahimatay siya kundi dahil sa wala akong pambayad sa tricycle na pinagsakyan ko sa kanya. Abot langit ang dasal ko na magising si Cara at dininig naman niya. Buti nadaan sa pamaypay. Kunyaring dudukot ako ng pamasahe pero naunahan na ako ni Cara.


"aah... Cara nahimatay ka kanina." Sabay kalas ng pagkakahawak ko sa kanya.

"Have we met? Kilala mo ko?" tanong ni Cara habang nagkakalikot sa kanyang bag. Ilang piraso ng gamot ang isinubo niya ng hindi man lang nangailangan ng tubig.

Sasabihin ko sana oo, hindi ko lang sure kung sa panaginip o sa future. "Seat-in ako sa class n'yo dati sa Psycology."

"Thank you..." Iniabot niya ang health card sa nurse saka humarap sa akin. Buti na lamang wala akong babayaran. "You are?"

"Barry. Ako na muna ang magdadala ng gamit mo. Pahinga ka muna sa upuan."

"No, its okay. Anemic kasi ako kaya bigla na lamang akong nawalan ng malay."

Sinong mag-aakala na ang anemia maglalapit muli sa aming dalawa. "Sure ka? Sasamahan na lang muna kita."

"Nakakaabala na yata ako."

"Hindi naman. Wala naman akong gagawin." Bukod sa wala akong gagawin, wala pa akong pamasahe pauwi. Alas tres pa ang sweldo. "Sobrang stress siguro kaya ka nahimatay."

"Exactly..." Pagbitaw niya ng salita bigla na lamang siyang nanahimik at yumuko. Gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko alam kung paano. Hindi kami close at wala akong alam sa background niya.

"Baka makatulong ako. Kung wala naman makikinig ako."

"Pag-iisipan ko." Ngumiti siya sa akin at pumasok na sa room ng doctor.


Dinner ang naging kapalit ng pagtulong ko kay Cara. We talked about our college days pati na ang mga commmon friends namin. Hindi naman pala mahirap makagaanan ng loob tulad ng impression ko sa kanya dati. Sa dating niya kasi imposibleng pansinin ang hindi niya kalevel. Kumbaga sa tatsulok, siya ang nasa tutok. Tinitingala. Hinahangaan.

"Next time ako naman ang taya?" Hoping ako na pagbibigyan niya ang invitation ko.

"Sige." Muntik na akong mapalundag noong pumayag siya. "Daan ka lang sa office." Iniabot niya ang kapirasong papel na may contact details niya. "Babawi ako sa ibang pagkakataon."


Most of the time sa email kami nag-uusap ni Cara due to her busy schedule. Sobrang hirap sumingit sa oras niya. Ilang beses na-cancel ang pagkikita namin at may time pa na nilamok na ako sa labas ng opisina. May meeting pala at hindi na nakita ang message ko.

Sinubukan ulit namin ituloy ang plano. Nasa harap na ako ng opisina pero wala na naman Cara na lumitaw. Nahilo na pala siya sa CR. Road trip ulit kami sa ospital.


"Kidnapin kaya kita?" biro ko sa kanya pagmulat ng kanyang mata.

"Bakit? Wala akong pang-ransom."

"Dadalhin kita sa isang lugar na walang internet at phone signal. Ilalayo kita sa stress para naman hindi ka maging regular dito," tukoy ko sa ospital. "Inaabuso mo na ang sarili mo."

"Why are doing this Barry? Bakit sobrang concern mo sa akin? Ayokong maging spoiled. Baka sa huli..." Natigilan siya. Bigla muli nanahimik.

"Walang dahilan. When you love what you are doing magkukusa ang sarili mo. Bukas na bukas o mamaya bibili ako ng shirt ng Red Cross para may dahilan na. The next time na tangunin mo ako kung bakit ko ginagawa, sasabihin ko na Red Cross volunteer ako."

"Loko!" Ngumiti siya habang lumuluha. "Sablay e. Lahat kasi ng naging concern sa akin, nawala na. Umalis na. Sooner or later, susuko ka din.."

"Bakit? Hindi naman ako pumasok ng labanan o contest. Ang sumusuko lang ay mga lumalaban. Kusa kong ginawa to."

"Kapag nalaman mo ang nakaraan ko, magbabago ka din."

"Bakit? Ano bang mystery ang nakatago sa isang Cara?"

"Ipangako mong hindi mo ako pag-iisipan ng masama o pandidirihan?"

Hinawakan ko ang kanyang kamay at idinikit sa aking dibdib. "Pangako."

Nagbuntong hininga siya. Tumingin sa bintana bago muling tumingin sa akin. Inagaw niya ang kanyang may sa akin at nagsimulang magkwento.

"Lovelife ko sablay. First boyfriend, 16 ako, he's 32. As usual, babaero. Sinabayan ko siya. I left him devasted. Met my bf #2, una panakip butas. Gaya mo parang superhero sobrang concern, eventually I fell in love. I got pregnant, iniwan ko siya on the 4th year of our relationship kasi ayaw niya magtrabaho. And he's an asshole. Then, tuloy ang buhay, I met bf #3. Naghiwalay din kami kasi I woke one morning and told me he's getting married. The thing is, ayaw ng nanay niya sa akin kasi may anak ako. So she rather let her son marry her ex na naging GRO. Linis di ba?"

"Ilang taon na anak mo ngayon?"

"Six. Kaya ibinunuhos ko ang oras ko sa work para sa kanya. Bf #4 , died. May sakit. Then yung pinsan niya is bf #5, dito nagsimula nag-start yung countdown til my heart finally died. He left because he thinks I'm cheating on him. He got me pregnant, he denied. I had a miscarriage. Mahal niya ako but his pride is swallowing him. He rather believe I'm a liar than believe I love him with all my soul. Bf #6, married. So Im the other woman. I left. Bf #7, bigla na lamang naglaho."

"Whew! komplikado nga. And andami."

"Marami akong love sa heart e. Laging full of hopes, possibilities. Full of songs. I am so romantic that I want to marry myself. Hanggang sa wala ng maibigay. Til I get tired. I was rejected many times. In different ways, by different people. Mostly, people I love. Kahit sa bahay hindi ako nirerespeto. I'm hurled up with insults, ang ginagawa ko is not appreciated. They see the low side of me. Kapag nakikipagsex ako dun ko lang nafefeel ang appreciation. Its stupid I know. Pero I'm accepted. It feels like its the only thing I'm good at. Pero kahit ganun ang pinagdaanan ko lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko, minahal ko."

Madaming pumasok sa isip ko habang hinahaplos ko ang kanyang buhok. Hindi ko akalain na ang iniisip kong nasa tuktok ay mababa ang tingin ng mga taong mahal niya. Hindi biro ang pinagdaanan niya. Hindi ko alam kung hahanga ako sa kanya o gaya ng iba na sisisihin siya sa kanyang ginawa.

"Hindi ko alam kung paano magsimula."

"Hindi mo kailangan magsalita. Maayos na sa akin na nakinig ka."

"Siguro nga. Bawat isa sa atin, may nakalaan na taga-pakinig. Wala man salitang maipayo at least gagaan ang loob natin. Tipong mabawasan lang ang load sa balikat."

"Salamat sa tulong mo, Barry."

"Kung nabibili ang pagtulong ko sa'yo sana tiwala ang piliin mong kabayaran. Para hindi sa opisina lang kita sinusundo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto kong maging volunteer hindi lang ng Red Cross pati tagahatid at tagasundo mo. Gusto kong maging dahilan ng bawat ngiti mo. Gusto kong manitiling audience ng iyong galaw, indak ng bewang. From the start tagahanga mo na ako kaya huwag mong iisipin na wala kang silbi."

Nagtakip ng kumot si Cara. Hindi ko alam kung nagalit o hindi nagustuhan ang sinabi ko. Maya-maya pa ay sumilip na s'ya at saka ngumiti.

Kanina bigla na namang nahilo si Cara. Ang alam ko wala na siyang anemia. Nagpagod na naman siguro sa trabaho. Hindi ko na matandaan ang huling buwan sumugod kami sa ospital. Agad akong tumayo nang makita kong palabas ang doctor.

"Ano pong nangyari sa kanya?"

"Don't panic. Relax. They are fine."

"They?" pagtataka ko. "Is she's.." Napangiti ako.

"She's pregrant. Congratulations." Tumingin ako kay Cara. Lumapit siya sa akin at yumakap, sinundan ng matamis na halik.


-wakas-