Skinpress Rss

Hindi Ako Bilib kay Jenny


credits : mel martinez
"Aray naman?! Ano na naman ginawa ko?" Walang pagkakaiba sa kagat ng pusa ang kurot ng ni Jenny sa aking balat. Hindi pa nga gumagaling ang sugat ko sa balikat na kinagat niya noong nakaraan heto at binigyan na naman ako ng panibagong pilat.

"Nanggigil ako! Nakakaasar kasi!" Tama siguro ang kutob kong baliw na siya. Hindi nalalayong dadating ang panahon na palakad lakad siya sa lansangan habang may bitbit na pusa. "May kulang pa ba? Halos ginawa ko na hindi pa din ako mapansin!"


"Hanggang ngayon? Yan pa din ang problema mo! Ang hirap kasi sa'yo, hingi ka ng hingi ka ng payo pero sa huli ang gusto mo pa din ang susundin mo. Para saan pa at naging kaibigan mo ako kung hindi ka din makikinig." Mahaba na ang dialog ko pero imposibleng maabsorb niya. Kumbaga sa isang sponge puno na ng tubig kaya hindi na makaabsorb.

"Alam mo Mr. Juan Carlo kahit kailan masarap basagin ang ulo mo tapos papakain ko sa aso!" Naloko na. May pagkakiller instinct pa. Hindi ko talaga maintindihan ang babae. Sila ang nilalang na palaging worried, confused at nagpapanic. In short weird. "Ikaw ba hindi? Alam mo naman we are feeding our ego lang kaya we often ask for opinion or advice. At kung irereklamo mo din lang 'yang advice mo eh sayong sayo na!"

"Eh bakit ba sa akin ka nagagalit? Magkaaway ba tayo? Bakit hindi ko alam?"

"Hindi ako galit. Naaasar nga!"

"Magsuicide ka na kaya para matapos na ang problema mo?" biro ko.

"Ewan ko sa'yo. Wala kang pakinabang! I hate you!" Tapos magwalk-out kapag hindi kinaya. Pumupula ang gilid ng tenga niya everytime na lalayasan n'ya ako.

"You hate me tapos bukas nandito ka na ulit."

Hindi na bago ang ugali ni Jenny sa akin. Four years na kaming magkakilala kaya alam ko ang takbo ng utak niya. Alam ko kung kelan s'ya masaya, nasa mood, mataray, malungkot at hyper. May pagka-hopeless romantic lamang s'ya kaya may oras na hindi ko siya maintindihan. Iyon siguro ang pagkakaiba ng lalaki sa babae, masyadong attached sila sa feelings nila to the extent na halos pabayaan ang ang sarili. Hindi na ako magtatangka kung bakit mabenta ang mga chicklit at love stories sa mga babae. Kaya pati mga pelikulang puno ng aksyon nilalagyan ang kaunting pakilig o emotional attachment para makakuha naman ng benta sa mga taong may isang toneladang pag-ibig sa puso.

Noong nakaraan pinayuhan ko siyang ma-aral ng computer games kasi napapansin niyang mahilig maglaro ng RPG at Lan games ang kinababaliwan niya. Sakto naman na nasa harap ako ng computer nun at itinuro ko sa kanya kahit ang basic para kung sakaling magbato ng mala-alien na salita ang natitipuhan niya ay madali siyang makakarelate.

"May steam keys ako gusto mo?" alok n'ya sa akin noong Monday.

"Wow! Sige. Bibigyan ko ang kaklase ko. Iba ka talaga bilis mo matuto!"

"Ako pa! Alam ko na kung paano ang fix kapag malabo ang icon ng mga item. Turo ko sa'yo mamaya."

"Seryoso?!"

"Yup. Hindi marunong magbiro si Jenny!" pagyayabang pa niya. Hahanga ka naman sa kanya kahit hindi niya hilig, pinipilit niya para magkapag-adjust. Gagawan niya ng paraan intindihin kahit hindi naman niya kailangan o pakikinabangan. Hanga ako sa pursigi niyang mapansin.

"Mukhang naging okay ang encounter mo sa boylet mo ah kaya may pasabog ka sa akin."

"Mamaya mukha mo na ang sasabog!" As usual, walk out ang drama n'ya, timing naman ang kantang Walk Away ng The Script . Akala tuloy nang-aasar na naman ako. Hanggang ngayon hindi pa din niya naituturo ang fix sa malabong icon. Ayaw na din niyang maglaro ng Dota 2. Mukhang hindi pa din okay sa nagugustuhan ang skills niya.

Sinubukan ko din siyang turuan ng basketball, arnis, table tennis, pagtawid sa nakamamatay na daan at kung ano pang gawain panglalaki. Pero ang kinalalabasan, galit pa din siya sa akin. Para walang akong naitulong. Hindi din naman biro ang effort ko porke hindi epektib bigla magagalit na lang. Aba, maniniwala na nga yata akong bulag ang hustisya! Nasan ang katarungan bukod sa kalye ng Mandaluyong?!

"Bakit hindi ka na lamang magpakatotoo?" salubong ko agad noong bubukas pa lamang ang bibig niya para sa panibagong suggestion para mapaibig ang lalaking dahilan ng bawat pasa at galos ko. "Kesa hihingin mo ang sablay kong opinion, gawin mo na lamang ang kaya mo. Hindi mo need magpaimpress!" maktol ko para masagip ang natitirang bahagi ng katawan kong wala pang pasa. "Hindi ako marunong gumawa ng gayuma. Lason pa siguro."

"Wala naman ako alam na pwede. Something na gusto niya."

"Ako gusto ko kumain. Kung kelan ako gutom saka ka susulpot."

Ngumiti si Jenny. First time na umalis siyang hindi man lang nanakit. Mukhang may bagong idea pumasok. Parang bombilyang bigla na lamang lumiwanag ang mukha niya pagsabi ko ng gutom.

"Wow! Cookies!" Iba talaga si Jenny. Nalimutan kong magaling siya magluto pati na din mag-bake. "Magandang idea to. The way to a man's heart is through his stomach." Kung sino man ang nag-imbento ng phrase na iyon nagpapasalamat ako sa kanya dahil nadamay ako sa luto ni Jenny.

"Nagustuhan mo?"

"Oo. Masarap! Salamat ha. Panigurado this time magugustuhan ka ng napupusuan mo!"

"Ewan ko sa'yo! Sobrang manhid talaga!" Paalis na sana siya pero naalala niya ang cookies bago tuluyang umalis sinampal pa ako sa mukha. Pambihira. Badtrip siguro. Dapat hindi ko na lamang binanggit ang tungkol sa nagugustuhan niya para hindi ako nasaktan.

Pero hindi ako bilib kay Jenny na ginawa ang mga tinuro ko. Mahirap nga naman mag-approach basta basta o mag-initiate ng diskarte. O manhid nga talaga ang lalaking iyon. Sa ganda, talino, bait at sipag ni Jenny imposibleng hindi magustuhan ng lalaki.

Napailing ako at napakagat sa natitirang cookie sa kamay ko.

- wakas-