credits : mel martinez |
"Mahal mo?" tanong ni Jim. Tumango ako.
"Hindi ka makatiming?" segunda ni Abet.
"Sabi nga ni Teban, Hiraya Manawari ang perfect na theme song!" banat ni Tsong.
"Sagot na namin ang timing. Meron na kaming invitation! Sakay!" sigaw ni Ato.
Hindi na bago ang paghawak ko sa iyong kamay pero tila itong ang unang pagkakataon. Excited. Kinakabahan. Nakangiti.
Gusto kong abutin ang tayog ng ulap
Gusto kong sisirin ang lalim ng dagat
Gusto kong akyatin ang tuktok ng bundok
Tuklasin ang hiwaga, sa puso ko'y bumabalot..
Hindi ko kailangang pumili ng love song o sikat na singer para magpaalaala sa matamis nating samahan. Sapat na ang simpleng kantang nagturo sa atin mangarap. Paniguradong maluluha ka kapag nadinig mo ang lyrics ng Hiraya Manawari. Simpleng kanta pero buo. Hindi natin kilala ang singer pero daig pang picture kung makathrow back.
May TV kayo at meron din naman kami kahit dalawang channel lamang ang sagap. Minsan nga lamang kailangan iikot pa ang tubo ng antenna upang makuha ang magandang reception. Pero nakakatuwang mas gusto natin manood ng magkasama. Tipong pareho nating pakiramdam na tayo ang bida sa bawat eksena.
Halika samahan mo akong kumanta. Ilang araw din natin itong kinabisa dati, di ba?
Hiraya Manawari, Hiraya Manawari
Mga pangarap natin ating abutin
Ang kapangyarihang nasa puso natin
Hiraya manawari ating abutin
Nakadikit ang iyong ulo sa aking balikat. Tinatapik mo ang aking palad. Kumakanta. Nakangiti. Iginuhit ang ating pangarap. Unahan pa tayong nagkukuwento ng latest episode kahit pareho naman natin napanood. Sa lahat, pinakaayaw ko ang "Imbisibol" episode kasi hindi mo ako nakikita kapag ayaw mo akong kausap. Hindi enjoy kumain ng sunshine o expo sa platito kapag ganun.
Kaya kong pakawalan ang hiwaga sa aking puso
Kaya kong hawakan init ng aking pangarap
Kaya kong isabog liwanag na aking taglay
Liwanag na nagsisilbing tanglaw ko sa patutunguhan
Masarap balikan ang lahat. Lalo na iyong parteng hindi kaibigan ang ating turingan. Tuwing ako ang asawa mo sa bahay-bahayan, superhero kapag kunyaring inaapi ni Tebang Aswang, escort sa Stacruzan, partner sa sayaw at higit sa lahat groom mo sa kasal-kasalan. Tanda mo yung tuksuhan? "May patong sa ulo, ikakasal sa Linggo, inalis, inalis, ikakasal sa Lunes." Bata pa lang tayo dream ko na 'yan.
Noong nawala sa ere ang Hiraya Manawari dalagita ka na at binatilyo na ako. Bigla na lamang nag-iba. May circus na sa dibdib ko sa tuwing makakasalubong kita. May mga sumulpot na extra sa kwento at meron pa din natitira at hanggang ngayon ay nandito. Pinaghiwalay tayo ng oras at pagkakataon. Maraming nagbago pero hindi ang pagtingin ko sa iyo. Literal na ikaw ang pangarap ko. Kailangan ko lamang abutin. Lalo pa at maraming gustong maging superhero mo habang busy ako sa pagpapahilom ng mga taghiyawat ko.
Taon ang lumipas na hindi tayo nagkita. Kahit picture nating magkasama kumupas na. Ang iniingatan mong slumbook ay madumi, punit at kasama na sa basura. Hanggang pangarap na lang ba kita? Sana hindi. Sana may pag-asa pa.
Pumanaw na si Teban Aswang na kalaro natin noong bumalik tayo dito sa atin, hindi pa tayo nagsasalita magkahawak na ang ating kamay. Malungkot ang nangyari. Naalala natin ang sayang hatid niya, ang kulay niyang hindi nalalayo sa mamula-mulang lechon. Nakakaiyak. Hindi natin namalayang namiss din pala natin ang isa't isa.
Tunay ngang mahiwaga ang tadhana. It was so magical that countless times destiny tried to take us away but now destiny played its game and were back together. And for me to believe and hold on forever...
"Ngayon, masasabi ko sa sarili na hawak ko na ang pangarap ko basta papayagan mo akong maikasal tayo. Tumingin ka sa aking mata, huwag mong pansinin ang iba. Will you marry me, Mai Mai?"
"Loko ka kasi! Dito pa sa birthday ng pamangkin ko nagproposed!"
"Naghihintay kami!" sigaw ng tropa.
Matamis na halik ang tumupad sa aking Hiraya Manawari..
Hiraya Manawari, Hiraya Manawari
Mga pangarap natin, ating abutin
Sa lakas ng isipan at busilak na kalooban
Hiraya manawari ating abutin
-wakas-