Nagsilbing malaking duyan ang barkong sinasakyan ko. Hindi ko namalayang basta ko lamang iniwan sa mesa ang aking gamit. Naalimpungatan ako sa ingay ng mga taong nag-uusap sa aking tabi. Malapit na ang pagdaong ng barko kaya dapat ng ayusin ang mga dalang gamit at bagahe.
Bitbit ang kapeng may higit sa dalawang beses sa totoo nitong presyo ay umakyat ako sa ikalawang palapag ng barko upang tingnan ang pagsikat ng araw pati na din ang nalalapit naming pagdaong sa pier ng Batangas. Hindi ko pa din mapigilang mamangha sa tanawing hatid ng sikat ng araw at ang pagtama nito sa malikot na alon na tila naghanda pa upang ipakita ang kariktan. Umabot sa pitong taon bago ko ulit nakita ang pambihirang tanawin.
Pumanaw ang aking lolo kaya naisipan naming umuwi muli ng Pinamalayan. Kung walang trabaho kinabukasan, malamang ay mananatili pa ako sa kinagisnan kong lugar sa Mindoro. Kulang ang anim na araw kong bakasyon sa kwentuhan, pagbisita sa mga dating kaklase, kaibigan at mga dating guro. Malaki na ang pinagbago ng aming lugar pati na din ang mga taong iniwan at tinalikuran ko.
Ang bestfriend kong si Aila ngayon ay guro na sa elementary. Si Joseph sa high school naman nagtuturo. Hindi pala nakatapos ang pinakamatalino naming kaklase na si Michael dahil sa kakapusan ng pera pero kilalang magaling na tutor. Sa aming lahat na magkakabarkada ako lamang ang lumihis. Ang hindi nagtuturo. Sinunod ko ang pangarap kong maging Engineer at hindi naman ako nabigo. Natulungan ko pa ang aking pamilya. Noong una masama ang loob ng aking magulang dahil mas gusto kong lumayo at sumuway sa plano nilang maging guro ako. Nagpapasalamat na lamang akong natutunan nilang tanggapin na iba ang gusto ko.
Naglibot ako sa gilid ng barko habang naghahagis ng piraso ng tinapay. Nakamamanghang hindi pa man sumasayad ang tinapay sa tubig ay nahuli na agad ito ng mga isda. Kataka-takang nakikita at alam nilang pagkain ang inihahagis ko.
Isang batang lalaki ang nakita kong nakaupo sa dulo ng berdeng upuan. Nakatingin ito sa liwanag ng poste mula sa pier ng Batangas. Sa porma pa lamang niya ay alam kong estudyante s'ya mula sa aking eskwelahan pinanggalingan noong high school. Sumariwa sa aking alaala ang unang pagkakataong kong sumakay ng barko. Palagay ko ay nasa edad lamang din niya ako noon at sa parehong pwesto ay pinagmamasdan ko ang pagdaong ng walang kakurap-kurap.
"Kumusta ang Immaculate?" tanong ko sa bata. "Maganda ba?" tukoy ko sa liwanag ng pier.
Tumango siya. "Hindi na po ako magtataka kung bakit maraming umaalis ng Mindoro. Marami na po akong kwentong nadinig, parang simula ng katuparan ng pangarap kapag nakarating ka ng pier. Ng Batangas."
Bahagya akong napangiti. Minsan din akong nasilaw sa liwanag ng pier at isa sa naniniwalang mas maraming oportunidad sa ibang lugar kumpara sa Pinamalayan. "Sa palagay mo ano ang wala sa atin na mayroon sa lugar na iyan? Bakit nila iniisip na wala sa Pinamalayan ang hinahanap nila."
"Wala po akong idea dahil unang beses ko pa lamang makakarating ng Batangas. Swerte nga at pinalad akong bigyan ng pagkakataon."
"Pinalad? Bakit ka ba pupunta ng Batangas at nag-iisa ka pa dito."
"Kasama ko po ang aking coach. Kinakabahan po ako kaya nagpaalam muna akong magpahangin. Papunta po kami ng Manila para sa National Press Conference."
"Wow! Hindi ko akalain na isa palang bigatin ang katabi ko ngayon. Karangalan ang makasali doon."
Ngumiti siya at namula pa ang pisngi. "Opo. Nagpapasalamat nga po ako sa Immaculate sa opportunity at tiwala nila sa akin."
"Hindi ka naman nahihirapan o pressured?"
"May pagkakataon po. Kaso ito lamang po ang alam kong paraan para suklian ang aking magulang at ang eskwelahan. Malabo naman po akong makasakay ng barko kung iaasa ko lamang sa sarili ko."
"Bakit? Tulad mo ganyan din ako mag-isip dati. Tiwala lang ha." At tumango naman siya. "Ilang taon ka na bang sumasali sa PressCon?"
"Taong-taon po. Ngayon lamang po lumusot sa National."
Pinagmasdan ko ang bata. May hawak s'yang rosaryo at hindi mapakali ang mga tuhod na halatang kinakabahan. "Galingan mo! Bihirang pagkakataong may isang taga Pinamalayan ang makarating doon."
"Opo. Lakas ng loob po ang hiling ko sa ngayon. Ayaw ko pong biguin ang aking magulang at mga naniniwala sa kakayahan ko.."
"Masaya ka ba naman sa ginagawa mo o tinutupad mo lang ang pangarap ng iba para sa'yo?"
"Bahaghari." Napatingin ako sa kalangitan pero wala akong nakita kahit isang bahaghari. "Paulit-ulit kong binasa ang bahaghari. Isang kwentong sinulat ng aking idolo."
"Bakit? Ano sa palagay mo ang bahaghari? Maraming bahaghari sa atin 'di ba?" tukoy ko sa mga bahagharing bato na nasisilbing design ng bayan ng Pinamalayan.
"Isang kwento mula sa estudyante ng Pinamalayan. Malalim po ang pagkakasulat nito kaya hindi imposibleng siya ang kauna-unahang taga Immaculate na makarating na National Press Conference. Nirereview palagi ito sa school pero literal ang naging interpretasyon. Isang pangarap."
"Pangarap?"
"Ang bahagharing unti-unting lumalabo sa kwento ay pangarap na naglalaho dahil hinayaan niyang mabura ng araw. Dahil may mga nakasandal sa kanya. May daan na matagal ng inihanda para daanan niya. Kailangan niyang sundin ang pangarap ng iba para sa kanya."
"Siguro tumatanaw siya ng utang na loob."
"Nanghihinayang siya sa limitadong kaalaman na kayang ibigay sa kanya ng paligid. Ang bahagharing nakita niya sa malayo ay ang susi sa pangarap. Na alam niyang kapag sinundan niya at pinilit kunin ang ginto sa dulo nito ay may mga taong masasaktan. Itinago niya sa kwento ang totoong kahulugan ng bahaghari. Ginawa niya itong simpleng tanawin na palaging tinitingnan ng isa bata."
"Nararapat ka ngang makasama sa PressCon." Tinapik ko ang kanyang balikat at matagal siyang tumitig sa akin. "Ikararangal ka ng school. Ng Pinamalayan. Ng iyong idolo."
"Para sakin, hindi masamang sundin ang pangarap ng iba lalo kung kabutihan ang dulot. May pagkakataong nakakasawa. Nakapapagod. Pero hindi naman nila tayo pababayaan kapag nahihirapan. Gabay ang pinakamabuting sandalan sa lahat ng pagkakataon. Hindi nating mararamdaman nag-iisa tayo. Mahina o bigo. Hindi imposible ang pagbangon. Marami pang bahaghari. Maari pa nating ituloy ang ating mga pangarap pagkatapos nating pagbigyan ang nais nila. Kung hindi ko po paulit-ulit na binasa ay hindi ko mauunawaan na malungkot pala ang gumawa ng kwento."
"Ang mga bahaghari ay gabay tulad ng ipinamulat sa lahat ng taga Pinamalayan. Mga pangarap na uunlad ng lahat." Namangha ako sa aking katabi. Buntong hininga ang naging sagot ko sa mga katotohanan ibinabato niya sa akin. Ang nag-iisang maglakbay ang madalas masugatan.
"Narito ka lang pala!" singit ng boses ng babae. "Pababa na tayo."
"Coach!"
"Sorry. Ako ang may kasalanan. Masyado akong nalibang kausap siya." dispensa ko. "Maari ko bang malaman ang pangalan mo?" balik ko sa bata.
"Angelo po." May hinila ang bata sa ilalim ng upuan na labis ko pang ikinagulat..
Lalo ko siyang hinangaan. Malakas s'ya. "Goodluck Angelo! Ang mga bahaghari ay palaging lilitaw."
"Salamat po. Kayo po? Ano pangalan ninyo?"
"Serafin. Serafin Patriarca." Malaki ang ngiting binitawan ko sa kanya matapos alalayan siyang tumayo. "Salamat sa kwento. Magkikita pa tayo." Inilipat niya ang hawak na saklay sa kabilang kamay bago nakipagkamay sa akin.
Gulat na gulat ang bata habang nakangiti naman ang kanyang coach sa kaparehas na inspirasyong ibinigay ko.. "Salamat sa inspirasyon," pahabol niya. "Malaking karangalan makilala ka idol."
Bahaghari. Isang kwentong sinulat ko noong National PressCon bago umalis ng Immaculate upang magkipagsaparalan sa ibang lugar at biguin ang mga taong umaasa sa akin. Hindi ko akalain isang bata din ang makatutuklas ng kwentong nakatago. "Goodluck Angelo."
-wakas-