Iling at buntong hininga ang aming reaksyon habang nakatingin sa mga picture ng Aquatico sa San Juan. Sino nga ba ang hindi maiinggit at manghihinayang kung ang ganitong kagandang lugar ay mararating ng libre? Sa kasamaan palad ang shift namin ang hindi nakasama. Hindi pwedeng walang maiwan sa office para umattend ng mga clients at project concerns. Sabi nga ng mga hindi nakasama dati sa company outing, alam nila ang nararamdaman namin.
"Balita? Anong progress na?" Isang tapik sa aking balikat ang dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. Kunot na ang noo ni Jadelyn sa tense. May project nga pala kaming tinatapos kaya kami nasa office. "Madami ng pending orders ng paleta ang PNC."
"Kulang sa kahoy. By next week pa daw ang dating sabi ng supplier. Sinusubukan kong humanap sa iba or need na talaga natin mag-outsource para matapos."
"Anong lead time kung ioutsource natin? Hindi malulugi?"
"Based sa P&L naglalaro sa 88% kung ioutsource."
"Sabit pa ng 2%. Need pa ng approval kung below 90%."
"Kung makakahanap tayo ng free delivery papasok tayo ng 90%."
"Good. Iyan ang gusto ko sa'yo e. Mabilis." Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Jadelyn. Parang wala lamang sa kanya ang pumalpak naming transaction noong nakaraan.
"Ganda no?" tukoy ko sa Aquatico nang mapansin niya ang laman ng aking screen sa laptop.
"Oo nga. Makakarating din tayo d'yan, don't worry."
"Tayo?"
"Ang team syempre. Ano ka ba?"
"Team nga ang tinutukoy ko. Ano ka ba?"
"Kasi makareact ka ng tayo? Palagi mo naman akong niloloko."
"Kasing imposible.. 10 tayo. Day tour pa lamang 5,000 each na."
"Kaya 'yan! Bawi tayo ha?" Saka lamang nawala ang kaba ko noong inalis niya ang kanyang palad sa aking balikat. Nag-iwan pa siya ng matamis na ngiti. "Huwag mo ng isipin iyon ha. Okay?"
Isa sa dahilan si Jadelyn kaya tumatagal ako sa company. Ang hirap niyang bitawan lalo pa at pantay ang tingin niya sa lahat. Sa lahat ng team leader na humawak sa amin, siya na siguro ang isa sa pinakamagaling.
Halos buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa pumalpak na project. Pakiramdam ko kasalanan ko. Nasira ko ang tiwala ng grupo. Ni Jadelyn. Or hindi talaga ako capable sa position ko. Lahat nagpagod at sobrang pinaghandaan ang project. Pagdating ko ng office lahat nakangiti. They are expecting sometihing big. Oo big. Big failure. Hindi ko alam kung paano sasabihin na hindi kami napili. No. Kahit sa pagpipiliin hindi lumusot. Kung hindi siguro ako ang nagpresent iba ang kinalabasan. Umiling ako. Akala nila nagbibiro. Nature ko na ang pagbibiro bago sabihin ang totoo. Pero seryoso ako. Wala ang bonus na ineexpect ng lahat.
Tawag sa telepono ang gumising sa akin kaninang umaga. Si Jadelyn. Bawi na lamang daw kami at marami pa naman susunod na pagkakataon. Nabawasan ang guilt na nararamdaman ko at ginanahan ako biglang pumasok.
"May pupuntahan ka pa?" tanong ko kay Jadelyn.
"Wala. Two bottles?" alok niya.
"Ikaw pa talaga ang nagyaya ha?"
"Pamparelax!"
"Baka malasing ka. Ayaw mo naman magpahatid."
"Kaya nga two bottles lang e."
Ang pinaghalong usok sa Boni at lamig ng panahon ang nagpapagulo ng pinangarap kong romantikong pagkakataon. Ang paghawak niya sa aking braso sa biglaan pagpreno ng bus ang nagpapatense ng pakiramdam ko. At lalo pang kinakabahan sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Buti na lamang hindi niya gawain mag-usisa kung bakit. Dinadaan na lamang niya ako sa ngiti. Palagay ko magbubuhol ang dila ko kapag nagpaliwanag pa.
Sino nga bang hindi mapapangiti sa nangyari kagabi. Kungi hindi pa ako nalasing hindi ko mailalabas ang naramdam kong guilt. Halos gusto kong makipagpalit ng posisyon sa rabbit ng magician at tuluyang maglaho sa mata ng lahat. Tapos malalaman kong ayos lang pala sa lahat dahil first time ng lahat makapasok sa isang malaking bidding. Siguro hilaw pa kami. Siguro paranoid lang talaga ako. Ako nga lang siguro ang weird dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko pa din ang sarili ko.
"Cute no?" wika ni Jadelyn na hindi ko alam kung nagtatanong o kailangan kong sumang-ayon. Pinaiikot-ikot niya ang isang paper rose na gawa sa tissue.
Kinuha ko ang rose at iniikot ng konti ang talulot. "Mas okay siguro kung medyo malaki at matigas na tissue ang ginamit."
"Still it's cute." May ngiti pa pisngi niyang sambit. "Ang weird no?"
"Alin? Ang rose? Weird nga. Tissue pa sa bar ang ginamit."
"No."
"Sa bar yan! May pangalan pa oh!"
"Not the rose. Imagine inihatid mo ako kagabi kahit napipilitan ka."
"Hindi ako napilitan! Dalawa na lang kasi tayong natira kagabi."
"I know. Tapos magkasama tayo, hindi mo man lang ako kinakausap."
"Alam mo naman mahiyain ako."
"Exactly. Mahiyaan ka. Then pagbaba natin ng jeep nakagawa ka ng ganitong rose."
"Siguro dahil nalasing ako kaya naibigay ko 'yan. Or wala akong masabi kaya iniabot ko na lamang sa'yo." Nanlamig ako. Nagsimula na siyang mag-usisa.
"Right. You mean kapag lasing ka hindi mo alam ang ginagawa mo?" Biglang nawala ang masayang aura niya kanina.
"Syempre alam ko." Gumawa ako ng rose yari sa ticket ng bus. Tinanggap naman niya at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Siguro mas lumakas ng konti ang loob ko. Oo kung hindi pa ako nalasing hindi ko masasabing mahal kita Pero now, I'm not drunk or insane... for me the only puporse of forever is loving you Jadelyn. Siguro matatapos lamang ang forever kapag nalanta ang rose na yan."
Sumandal siya sa aking balikat. "And kung hindi din ako nalasing hindi ko din masasabing mahal din kita. I waited too long, kung alam ko lang sana noon pa kita nilasing." :)
-wakas-
image credits to : mel martinez