Shoot sa basurahan ang dala kong bulaklak at isang box ng chocolate. Akala ko tatanggapin na this time pero tulad ng nauna, basurahan lamang ang nakinabang. Pinabaunan pa ako ng isang suntok sa balikat bago pinagsarahan ng pinto. Selyado pa ang puso ni Thyra.
"Halika! Ikaw nga!" sigaw ng lola ni Thyra sa akin. "Bago ka umalis maupo ka muna sa harap ko."
"Bakit po?"
"Type mo ba talaga ang apo ko o nakikiuso ka lamang sa mga naunang nabasted? Bato 'yang batang yan! Pero bago ka sumagot tumagay ka muna."
Natawa akong bahagya sa matandang kaharap ko. Jeproks bumitaw ng linya. Iniabot niya sa akin ang isang shot ng tanduay. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya bago tumagay. "Mukha nga pong bato."
"Seryoso ka ba sa kanya?"
"Opo naman. Pero sobrang ilap ng apo nyo halos hindi lumalabas ng bahay."
"Gusto mo ng tip?" Isang lagok lamang ay naubos ang laman ng hawak niyang baso.
"Opo!" mabilis na sagot ko.
"Tumagay ka muna."
Iniabot niya ang isang shot ulit ng tanduay. "Ano po dapat kong gawin?"
"Madali lang. Makitoma ka sa akin palagi dito sa harap ng bahay. Lumalabas yan kapag lasing na ako. Pero hindi ako malalasing kung walang alak. Bili ka muna saglit hijo at may sasabihin ako sayong sekreto."
Hindi ko alam kung pinaglalaruan lamang ako ng lola ni Thyra o talagang meron siyang pasabog. Buti na lamang at malapit lamang ang tindahan. "Ito na po."
"Salamat hijo. Kilala mo naman si Cedric?" Sino nga bang hindi makakilala kay Cedric. Dati naming SK chairman at dating boyfriend ni Thyra. Kaso namatay sa aksidente. May tumawid na aso habang nasa kabilisan siya ng pagpapatakbo ng motorsiklo. Nakasurvive ang aso siya hindi.
"Kilala ko po. Siya din po siguro ang dahilan kung bakit ayaw ng magmahal ni Thyra."
"Madalas ko din ang kainuman ang batang iyon. Jack Daniels nga huli naming tinagay nun. Pero hindi ko siya kainuman nung namatay."
"Sige po magdadala din po ako bukas." Sa tono niya alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Nakakahiya naman hijo. Parequest ng may tangkay. Tagay ka muna."
Pambira din naman ang lola n Thyra. Dinaig pa ang sunog baga kung makarequest ng alak. Tumagay ako at derecho tanong agad bago pa humaba ng inuman. "Ano po iyong sekreto na sasabihin n'yo?"
"Ang gaya mo ang tipo ko." Napalunok ako. Iyon na ba ang sekreto?
"Ano po?"
"Gaya mo ang tipo ko para sa apo ko." Buti na lang. "Sa dami ng lumigaw diyan ikaw ang alam kong papasa."
"Paano ninyo po nasabi?"
"Sinuntok ka niya sa balikat kanina?"
"Opo."
Nangiti siya kasunod ang dalahik ng ubo sa tapang ng alak. "Sa'yo niya lang ginawa iyon. Ginagawa niya lang iyon kapag masaya siya..."
"Tumilapon nga po sa basurahan ang bigay ko."
"Sa pagbalik mo, magdala ka ng bulaklak para sa apo ko at isang Jack Daniels para sa akin. At patutunayan ko sa'yo."
"Pwede pong bumili na ako ngayon?"
Nag-isip ang matanda habang nakanganga ang bibig. Lumiwanag ang mata ng tila batang pulubi na walang dilhensya. "Bigyan mo ako ng tatlumpong minuto para makapagbigay ng pruweba. Tumagay ka muna bago bumili."
Kumaripas ako ng takbo pagkatapos tumagay. Pag-asa na to o nauto lang ako. Lumipas ang 30 minutes at tila manggantsong nakangiti sa akin ang matanda.
"Mukhang napagod ka, tagay ka muna! Patong mo muna ang bulaklak dyan sa mesa."
"Ito na po ang request nyo."
"Ito patunay hijo." Iniabot ng matanda ang kanyang cellphone. "Nung pumasokako ng bahay kinikilig-kilig pa 'yan. Badtrip lang medyo malanggam sa aking pinagtaguan."
Isang video clip na dinadampot ni Thyra ang itinapong chocolate at bulaklak. Kaya pala bago ang basurahan.
Napangiti ako. "Thank you po."
"Ano kayang lasa ng black label?" pagtatapos ng matanda.
-wakas-