"Mr. Lescano! Naapektuhan na din ba ng aerodynamics ang utak mo? Lipad na lipad ah!" Pigil ang tawa ng aking mga kaklase habang nakatayo sa harap ko si Terrordynamics este si Ma'am Rivera.
"No Miss Rivera." Kamot sa ulo na lamang ang nagawa ko. "Sorry."
Sobrang tagal ng dalawang oras para tiisin ang kahihiyan. Strike
two na ako kay Terrordynamics kaya mahihirapan na akong iangat ang pangalan ko lalo na siguro ang grades. Paniguradong parang turbulence ang semester ko nito.
"Sapul ka na naman, Jonard! Puyat ka na naman ba kagabi? Naglaro ka na naman siguro." Sinuntok pa ako ni Nathan para bumalik ang aking ulirat.
"Hindi e. Maaga nga akong nakatulog kasi nagpapalevel-up si Ermat ng alaga niyang alien sa facebook."
"Eh anong problema at weird ka nitong mga nakaraang araw."
"Kasi may mga weird na nangyayari. Wala nga akong mapagsabihan kasi baka lalo akong pagtawanan e."
"Weird? Mas weird pa kay Bing?"
"Hindi naman weird si Bing. Normal lang na katol ang almusal nun!"
"Sabagay. Eh ano ba talagang nangyari?"
"Basta..."
"Bahala ka nga! Uwi na ako."
Halos isang metro na ang layo ni Nathan nang bigla kong mapansin ang isang bagay na dahilan ng paglipad ng isip ko.
"Saglit!" sigaw ko kay Nathan. "Matagal na ba yan d'yan?"
"Wow! Anong drama 'yan!" Natatawa na agad si Nathan. Lalo tuloy ako nagdalawang isip na sabihin ang nangyayari sa akin.
"Kaya ayaw kong magsalita e. Baka isipin nababaliw na ako."
"Sige. Makikinig ako. Ikwento mo."
"Kahit anong mangyari hindi mo ako pagtatawanan?"
"Hindi."
"Simula noong umupo ako sa upuan na 'yan, madalas na akong managinip. Ang weird dun, bawat gabi umiikot sa upuan ang kwento. May katabi akong babae, magkahawak ang aming kamay pero never kaming nag-usap."
"So may multo ang upuan na 'to?"
"Hindi ko alam. And why me?"
"Syempre panaginip mo!"
"Alam ko weird nga e."
"Kilala mo ang babae?"
"No. Pero kung magkikita kami madali ko siyang mamumukhaan."
"Bakit naman lilipad ang isip mo sa isang panaginip na paulit-ulit?"
"Kasi may naiiwan na note. At lahat ng nakasulat sa upuan na ito ay mula sa panaginip na ko."
"Sa palagay mo, may control sa panaginip mo? Ask mo phone number, address or write it. And what relationship you two have. Then bumalik tayo dito bukas kung anong madadagdag na note."
Tinandaan namin lahat ng note na may parehong penmanship. Ngayong dalawa na kaming weird. Ganun nga ang ginawa namin. Bumalik kami kinabukusan at nadagdagan ang note ng pangalan ko. Walang response sa kabilang side ng upuan.
"Naniniwala ka ba sa astral body?" tanong ko kay Nathan.
"Hindi ko nga alam kung ano ang astral body e."
"Tipong hindi talaga ako nananigip. Humihiwalay ang soul sa katawan ko at s'ya ang nagtravel papunta dito."
"Naku! Itigil mo ang ang naglalaro ng online games. Matulog ka na lang ulit baka masolve natin ang weird mong panaginip."
Ilang hakbang ang nagawa namin nang may biglang umagaw sa aming pwesto kanina.
"Eve saglit! Matagal na ba yan d'yan? Ito ang upuan sa panaginip ko!" Nagkatinginan muna kami ni Nathan saka umikot ng 180 degrees.
"Grabe! Hindi ka talaga natulog matukoy lang ang lugar na to!" maktol ni Eve.
"Pre! Siya ang girl of my dreams!" tapik ko sa balikat ni Nathan.
"Baka pwede mo naman maki-join kami ng kasama niya sa panaginip mo!" hirit ni Nathan.
Parang isang commercial ng shampoo ang pagtama ng hangin sa kanyang buhok. Sakto ding nagtama ang aming paningin.
"Ikaw?!"
"Siguro ako nga. I guess pareho tayo ng panaginip. Ang weird." Kumuha ako ng ballpen at nagsulat sa upuan.
"I'm Melissa." Sagot niya sa isinulat ko. "Nice meeting you Jonard... finally..."
-wakas-