Skinpress Rss

Selos


credits : mel martinez
"Sobrang selosa ni Eunice, dre. Hindi ko matagalan. Imagine sa loob ng 5 minutes na hindi ako nakasagot sa message tiyak galit na! Pati pagpunta ko dito pinag-awayan pa. Uuwi na naman daw akong lasing."

Binunggo ni Jake ang drawer para sumara pagkatapos kunin ang can opener. "Madali lamang 'yan, huwag kang umuwi ng lasing!"

"Dre, binyag pa ni Sandy ang huling time na humawak ako ng bote ng alak. Ilang buwan na ba inaanak ko?"

"Six months."

"Seven months!" sabat ng asawa nitong si Rose. "Kanino ang six?"


"Six months na after ng binyagan!"

"Lusot dre."

Pumunta kami sa kubo kung saan handa na ang alak at pulutan na inihanda ni Rose. Naiinggit talaga ako sa samahan nila. Hindi ko man lang nabalitaan na nagbunganga si Rose sa kabila ng mga kalokohan ng kaibigan ko. And finally noong nagkaanak sila natutong magtino.

"Baka naman kasi madami kang kalokohan. Itigil mo na yan!" natatawang wika ni Rose habang nakatingin kay Jake. "Its not safe and walang pupuntahan."

"Wala naman e. She can visit me anytime. At isang building lamang ang work namin."

"Alam mo Rose pumasok ka muna. Usapang lalaki muna. Tsaka imposible namang may chicks pa to. Eh since birth pa patay na patay kay Eunice."

"Kinakabahan nga ako sa mga usapang lalaki na 'yan e." hirit pa ni Rose bago umalis.

Dalawang lagok ng red horse ang kinailangan ko para ubusin ang laman ng baso. Walang paltos ang luto ni Rose. Palaging akma sa panlasa ko. Lahat na lamang siguro ikaiinggit ko kay Jake.

"And you want break up? Kaya you are here to ask my opinion?"

"Exactly. Nakasasakal ng sobra. I don't have a life. Mula paggising hanggang pagtulog dapat alam niya. She gets mad once na maikli ang text ko. Ano pa ba naman pag-uusapan kung halos minu-minuto ang update?"

"Hindi ako expert sa ganito. Alam mo naman ang background ko." Isinalin ni Jake ang huling laman ng bote sa pitsel. "Dati," pahabol niya nang makitang padating si Rose na may bitbit na yelo. "First, Ikaw ang nanligaw and hindi biro ang pinagdaanan mo. From that day you court her, you should kow her attitude. Second, napag-usapan n'yo na ba ito? Last, are you happy?"

"Everytime na gusto ko pag-usapan namin, magagalit na. May part na masaya. Pero lately halos away na lamang palagi sa paulit-ulit na dahilan."

"Hindi kasi naiintindihan ng lalaki ang babae. One-sided kasi kayo!" singit ulit ni Rose.

"Selosa ka ba?"

"Immune siguro."

"Halika nga!" Hinila ni Jake si Rose sa tabi niya na para bang nang-iinggit pa. "Para hindi one-sided ikaw ang humatol. Make or break ang sasabihin mo!"

"Paano ba kayo nagsimula?"

"Tulad ng sabi ni Jake, patay na patay ako sa kanya. Para akong aso dati na nakabuntot. At..." tumingin muna ako kay Jake para humingi ng pahintulot na sabihin ko ang ibang part. "At si Jake ang naging daan para mapalapit ako sa kanya. Setup dates, setup meeting, setup gifts at setup black-out. Lahat plano ko pero si Jake ang gumawa ng paraan para mangyari."

"Pati black-out nasetup nyo?" kunot ang noo ni Rose sa pagtataka.

"Pinatay ko ang breaker sa gym. Takot sa dilim ang babae."

"Lalaki lamang yata ang nag-eenjoy sa dilim." natatawang wika ni Rose.

"Siguro nakuha ko din sa tyaga. Never pa akong na-late sa mga event dahil kay Eunice. Partner kami palagi sa klase kasi nadaan sa kantyaw."

"Ilang years na ang relationship n'yo?"

"Going 7 years na next month.

"Wow! Itong mokong na to walang natandaan na date. Ikaw alam lahat ng detalye."

"Mahina lamang talaga ako sa mga date." tanggol ni Jake sa sarili.

"Baka malito sa dami ng chicks!"

"I am change man! Wala akong chicks."

Tatlong bote na ng red horse ang nakapili sa sahig. Hindi ko man lang nararamdaman ang tama ng alak o lunod lamang talaga ang isip ko sa nangyari sa amin ni Eunice. Hindi na normal ang araw-araw na away kaya umabot sa puntong dapat ng maghiwalay. Communication is effective pero hindi sa taong sarado ang isip.

Niligpit ni Rose ang iniwan naming kalat pagkatapos ay inihatid nila ako sa may gate. "Limited lamang ang true love kaya panghawakan mo na. Swerte ka pa nga kasi meron ka. Kung ayaw mong ng update unahan mo na. Ikaw na mismo ang magsabi agad para hindi na sya magtatanong. Kung may pupuntahan ka, isama mo! Dadating ang time na si Eunice mismo ang tatamadin sumama."

"Effective 'yan!" wika ni Jake. "Huwag mo ng paabutin sa puntong manghihinayang ka dahil pinakawalan mo siya. Ikaw din ang makakasagot sa sitwasyon mo."

Tama. Oras ng makipag-ayos. Kung hindi lamang ako amoy alak pupuntahan ko na agad siya. Hindi ko din maimagine na masaya si Eunice sa piling ng iba. Hindi pa huli ang lahat.

Pagbaba ko ng jeep, nagtext na agad ako kay Eunice. Nagsorry. Buti na lamang napatunayan sakin nina Jake na hindi mabigat ang aking problema.

Pagpasok ko ng bahay nakita ko ang aking kapatid na nag-iinom mag-isa.

"Bro, daig mo pa natalo sa sabong ah."

"Si Irene kasi. Sobrang selosa. Sakal na ko! Gusto kong makipagbreak kaso di ko kaya."

Napangiti na lamang ako at inulit ang sinabi ni Rose. "Limited lamang ang true love kaya panghawakan mo na. Swerte ka pa nga kasi meron ka."

- wakas-