Skinpress Rss

Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 9)




Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8


IX. Love

Mahigit isang oras ang lumipas bago muling nagkamalay si Luis. Kanang mata muna ang kanyang idinilat tapos kaliwa, kinurot ang sarili. Ang tangi niyang naalala ay ang biglaang pagdilim ng paligid at ang pagtama ng isang matigas na bagay sa kanyang batok.

'Buhay ako,' wika niya sa sarili. Dahan-dahan siyang tumayo at hinanap ang kanyang mga gamit. Wala na ang black child sa desk na pinagpatungan ni Arden. Palabas na sana siya ng kwarto nang may biglang tumulong likido sa kanyang mukha.

'Dugo?!' Tumingala si Luis. Tiningnan ang posibleng pinagmulan ng dugo. Tumambad sa kanya ang tatlong katawan na nakabitin sa kisame. Nakatali ang leeg nga mga ito at may mahabang hiwa sa dibdib.

Malapit sa may desk ang katawan ni Arden. Matagal niya itong pinagmasdan. Sumunod ay tinapunan niya ng atensyon ang dalawa pang taong nakabitin. Ang mga assassin.

'Sino ang traydor sa mga assassin? Bakit hindi niya ako pinatay?' naguguluhan si Luis.

Patay na din ang lahat ng tao sa labas ng silid. Lahat nakabitin at may hiwa sa dibdib. Gamit ang sasakyang naghatid sa kanya ay bumalik na siya ng bahay. Tinahak niya ang daan kahit masama ang panahon.

Iniwian niya ng kotse dalawang kanto bago ang bahay niya. Naglakad na lang siya pauwi. Naligo at nagpakabaliw sa limpak-limpak na salaping natanggap.

'Madali lang palang paikutin sa kamay ko ang mga naghahangad sa black child.' Tumawa si Luis. Maayos ang naging takbo ang kanyang plano. Dahil wala pang nakakakita ng totoong black child, ang ibinigay niya kay Arden ay ang replika. Hindi ito magdududa dahil malaki ang tiwala nito sa kanya. Tagumpay siya sa ginawa niyang laro.

'Anong mapa kaya ang tinutukoy ni Arden? Samakatuwid may iba pang lihim ang black child bukod sa pagiging purong ginto nito?' sa isip ni Luis.

'Luis! Luis!' tawag ng isang babae mula sa labas ng bahay. Sumilip siya sa bintana, si Jo-Anne. Lumabas siya ng bahay para tanungin ang kailangan ng dalaga.

'Bakit? May bagyo bakit nasa labas ka pa?' pag-alaala ni Luis.

'Nakita kita kaninang papasok ng bahay. Saan ka naman nanggaling?'

'Kailangan mo bang malaman ang lahat ng kilos ko?' iritadong boses ni Luis.

'May bagyo Luis. Masama bang mag-alaala? Nakakatampo ka naman.'

Nakonsensya si Luis. 'Sa ilog ako galing. Saan pa ba ako pupunta?' palusot nito.

'Hindi mo ba talagang kayang kalimutan ang nakaraan?'

'Sus. Drama mo naman. Pasok ka baka may kung ano pang tumama sa'yo.'

Naghanda si Luis ng maiinom para sa bisita. Nabanggit minsan ni Jo-Anne sa kanya na gusto ng dalaga ang champorado kapag maulan. Naisipan niyang magluto habang nakikipag-usap pero inabala siya ng dalaga.

'Halika nga dito Luis.' Parang bata na lumapit sa kanyang ina si Luis.

'Bakit?' Naghugas muna siya ng kamay bago lumapit.

'Bakit may pasa ka yata?' Napansin ni Jo-Anne ang namamaga pang batok ni Luis.

'Nabagsakan ng buko kanina. Noong nakatambay ako kanina, may nahulog na bunga ng niyog, buti na nga lang tumama muna sa bubong ng tricycle bago bumagsak sa batok ko.' palusot niya.

Tumayo si Jo-Anne. Kumuha ng yelo sa refrigerator ibinalot sa tuwalya saka inutos kay Luis na ilagay sa batok. 'Oh, ilagay mo sa batok mo!' padabog na utos nito. Napansin din ni Jo-Anne ang iba pang galos. 'Nasaan ang medicine cabinet mo?'

'Uy concern...' Sinungitan siya ng babae. 'Sa gawing kanan bago ang CR.'

Tinungo ni Jo-Anne ang kinalalgyan ng medicine cabinet. Mataas ang kinalalagyan ng medicine cabinet kaya hirap siyang abutin ito.

'Luis halika! Taas kasi! sigaw ni Jo-Anne.

'Sabihin mo pandak ka lang.'

Lumapit si Luis kay Jo-Anne. Mula sa likuran ng babae ay kinuha niya ang itinuturo nitong gamot. Sa hindi sinasadyang pagkatataon ay nagdikit ang kanilang katawan. Ramdam ni Jo-Anne sa kanyang likuran ang pagbundol ng maskuladong katawan ni Luis. May kuryenteng nalikha at dumaloy sa kanyang katawan. Namula ang kanyang mukha.

Umalis siya bago pa tuluyang mahalata ni Luis ang kanyang pakiramdam. Subalit bago pa siya tuluyang makaiwas ay ikinulong siya ni Luis sa kanyang bisig. Nagkatitigan ang dalawa. Marahang lumapit ang mukha ni Luis kay Jo-Anne. Hindi makakilos si Jo-Anne sa isip niya ay gusto niyang kumalas, sa puso niya ay gusto niya ang nangyayari. Hinalikan ni Luis ang labi ni Jo-Anne. Napayakap ang babae sa kanya. Siniil ng halik ang mga labi. Naglaban ang kanilang mga dila. Nagpaubaya ng tuluyan ang babae sa kagustuhan ng lalaki. Mula sa labi ay bumaba ang halik sa leeg tapos tumaas sa tenga. Naging malikot ang kamay ni Luis. Mula sa bewang ay unti-unti tumataas sa dibdib ng dalaga ang kanyang kamay. Naging mariin ang yakap ni Jo-Anne. May pag-ungol. Walang pagtutol. Walang tigil ang kanilang paghahalikan.

Umakyat sila ng hadgan, papunta sa kwarto. Umupo sa kama muling nagkatitigan, mapusok at mapang-akit. Nagsimula muli ang halikan. Gumapang muli ang halik at kamay ni Luis. Tumayo sila at naghalikan na tila sumasayaw. Halos maubusan sila ng lakas. Naghahabulan ng hininga. Nahulog sa sahig ang telang kaninang bumabalot sa kanilang katawan. Unti-unti, nalantad ang kahubdan ng dalawa. May paghanga at pagnanasa.



'Hindi ito ang black Child!!! Hanapin si Luis!' sigaw ng lalaki.


itutuloy....


----
nabitin ba?