Paunawa: sensitive ang ilang content. Minors are not encourage to read. Pero kung curious ka kung paano nabubuo ang
May natanggap akong e-mail (pramis di ko pinadalhan ang sarili ko), itago natin siya sa pangalang spam. Nagtatanong siya kung paano ba daw magblog dahil gusto na din niya gumawa. Hindi naman ako madamot sa katunayan nga kahit katawan ko ibibigay ko, kaya nagshare ako ng mga ginawa ko sa buong isang taon ko ng pagsulat.
Noong una, fetus pa lang ako. Nagsimula ako sa personal blog tungkol sa kaemohan ko sa dalas ng kawalan ng trabaho. Umabot sa ikinuwento ko na ang aking buhay, kalibugan at pag-utot habang naglalaro ng tug of war. Sumawa ako kasi ako lagi ang bida. Kaya noong april habang sinisinghot ko pabalik ang aking tumutulong sipon, naisapan ko na yung iba naman ang bida. Isinilang ang tuyong tinta ng bolpen na ang multiple personality ko lang ang reader.
Sumunod, sumali ako sa iba't ibang forum para ikalat ang aking blog. Naisip ko na kailangan kong makuha ang interes ng reader kahit nasa kalagitnaan sila ng pagbibilog ng kulangot. Para maging epektibo, ginamit ko ang wikang Filipino (mas nose bleeding) sa ganitong paraan, maraming reader ang madaling makakarelate.
Naiisip ko din na dapat bumalik sila after magbasa ng isang article. Kaya gumamit ako ng salitang ako lamang ang nakakaintindi tapos ipapaliwanag ko para lumabas na super talino ko kahit lagi akong row 4 sa klase.
Halimbawa:
Arousal - tawag sa biglaang pagsulpot ng idea na dapat maisulat agad
Foreplay - tawag sa pagpapaligoy ligoy para di agad matubok ng reader ang nais iparating.
Wetness - tawag sa interes ng reader para ipagpatuloy ang pagbasa hanggang mahanap ang g-spot.
G-spot - tawag sa climax ng kwento na kikiliti sa reader.
Use in a sentence:
Ang isang blogger na biglang nagkaroon ng arousal ay dapat mag-initiate ng foreplay para makatam ang wetness ng reader upang marahang matubok ang g-spot.
Oh di ba parang matalino ang dating. Know you know!! Sana nakatulong. Kung nakangiti ka after mo mabasa ito, ibig sabihin... Hehehe nakarating ka ng g-spot. ciao!
___
salamat nga pala sa regalo ni aiden. Berdeng baseball cap kakulay ng utak ko. At yung itim naman kakulay ng brief ko na dating puti. Maraming thanks.