Skinpress Rss

Maswerte ka


Masuwerte kang nakatira sa kubo
kesa sa mga katutubong natutulog sa daan.
Masuwerte kang may mahigpit na magulang
kesa sa bilanggong wala ng kalayaan.
Masuwerte kang nabuntis ng wala sa oras
kesa sa mag-asawang di nagkaroon ng anak.
Masuwerte kang ipinanganak na mangmang
kesa sa taong sa utak ay may kapasanan.
Masuwerte kang laging napapagalitan
kesa sa taong di nabigyan ng atensyon ninuman.
Masuwerte kang may maliit na sweldo
kesa sa taong nagnakaw para makabili ng sipilyo.
Masuwerte kang lubog sa utang
kesa sa taong di nakaranas pagkatiwalaan.
Masuwerte kang tao kahit lagi kang nag-iisa
kesa sanggol na ipinalaglag ng magulang.
Masuwerte kang hindi nakatapos ng pag-aral
kesa sa taong hindi alam kung ano ang salitang paaralan.
Masuwerte kang bigo sa pag-ibig
kesa sa di nakaranas umibig.
Masuwerte kang laging talunan
kesa sa taong laging bahag ang buntot.
Masuwerte kang may malabong paningin
kesa sa taong nagbubulag-bulagan para takasan ang katotohanan.
Higit sa lahat, masuwerte ka dahil tao ka di tae.