Skinpress Rss

pedestrian lane


written : 11310
by: panjo

'I'm sorry Jerwin, nabored ako sa relationship natin kaya...mas mabuting magseparate ways na tayo. We can be good friends.'

'Hindi ba natin pwedeng bigyan ng second chance? Let's fix our relationship. Please Ysah.'

'That's the problem with you!!! Sobrang bait mo sa akin. Ako na nga ang nangaliwa ikaw pa ang hihingi ng chance!'

'Because I love you. Mahirap bang intindihin?'

'Please... Jerwin.. Let's end this. Maraming babaeng magmamahal sa gaya mo. You deserve someone better.'

Pambihira! Like Ysah, ganyan din ang dialog ng previous girlfriend ko. Kasalanan na ba ang pagiging mabait? Lalo tuloy akong naguluhan sa mga babae. Kadalasan, kahit nasa kalagitnaan ng klase, sa loob ng jeep, sa pila ng bigas bigla na lang hahagulhol dahil niloko ng boyfriend. Isusumpa ang lahi ni Adan at hahatulan na kampon ni satanas. Ang ilang pilit pinagbabago ang masamang ugali ng karelasyon nila. Kung mambabae naman halos putulin ang magkabilang ulo. Tapos yung matitino babansagan na boring?

Iba na pala ang requirements ng love ngayon. Dapat hindi maboring at dapat hindi open-minded. Ano bang klaseng excitement ang hinahanap? Hindi naman ako makakatambling dahil may kalakihan ang aking tiyan at may kabigitan ang aking katawan. At kung alam ko lang na bawal maging mabait sana sinakal ko siya habang sinasabi na mahal ko siya. Sana kami pa ngayon.


'When you obey all the rules, you miss all the fun!' sabi ng pinsan kong adik noong makita akong senti sa may puno ng bayabas. Naging bitter kasi ako at nagkaroon ng grudge sa babae. Gusto kong maghiganti sa lahat ng babaeng makakasalubong ko pero mas pinili kong habulin si Ysah. Gusto kong tusukin ang mata ko para magising sa katotohanan na hindi na siya babalik sa akin. Para akong daga na binitag. Hindi makawala sa bitterness at loneliness at lahat ng nega-ness. Aw!

Tulad ng libu-libong patronizer ng alak, pakiramdam ko, ako ang pinakamalungkot na nilalang at ang itinuturong salirin ay ang pag-ibig. Ninamnam ko ang bawat lyrics ng kanta na pinapatutog ng banda sa bar na tinambayan ko. Sa may sulok ng bar nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Jherramie Ann. Classmate ko siya noong College at kilalang student leader. Tinalo niya ang drama ko. Kita sa kanyang mukha ang sobrang kalungkutan.

'Anong ginagawa ng isang matapang na babae sa ganitong lugar at halatang anumang oras ay babagsak na ang luha?' Alam ko sa sarili ko na may dinadamdam siya, halata naman dahil parang nagtayo siya ng blowling alley sa dami ng bote ng alak sa harap niya. Tulad ko, nakikinabang siya sa pansamantalang amnesia na inihahatid ng alcohol.

'Nagtatago para walang makakita na umiiyak din pala ang matapang kaso nakita mo ako.'

'Varsity ako ng hide and seek. Hindi bagay sa isang magandang gaya mo ang may pedestrian lane sa noo. Sige ka baka mamaya may bakas na ng paa sa mukha mo. '

'Under construction ang kalasada. Bawal tumawid.' tipid na sagot niya.

'May problema ka for sure.'
Gusto ko siyang pangitiin, ayokong talunin niya ang drama ko sa may puno ng bayabas.

'Si Arnold as usual.'

'Ah, the basketball superstar, tagal na niyo din ah. Nag-away kayo?'

'He cheated. Tapos na kami pero hindi mawala ang feeling ko sa kanya. Kaya heto, nagkukuwaring malakas pero pagsapit ng gabi para akong may gripo sa mata. At ikaw mr. nice guy, bakit ka nandito?'

Hindi ko akalain na ang ganitong malaanghel na mukha ay nakukuhang pang lokohin ng lalaki. Nawala tuloy ang grudge ko sa mga babae.

'Nakakahiya man aminin, pareho tayo ng problema. Masama daw kasi maging nice guy , she got bored kaya she left me.'

'Funny!' She mocked. 'Kaya nandito ka din para makalimot?'

'Parang ganoon na nga. Mga babae kasi masyadong mapaglaro sa damdamin ng lalaki.'

'Hoy! kayo nga itong may madaan lang na nakapalda halos magkandarapa sa paghabol. '


'Looking doesn't equate to cheating. Hangga't walang ginagawang move inosente kami sa paratang na polygamous. Kayo ang hindi namin maintindihan dahil kapag mabait ang lalaki, get bored ang dahilan kapag naman walanghiya ang lalaki nagwiwish ng mabait na guy.'


'Palusot! Guys nowadays, nakapachickboy! Kahit hindi gwapo maraming babae.'

'Sino ba nagpauso ng logic na yan? Ibig sabihin kapag gwapo may license na maging babaero?'

'Aba ewan. Basta alam ko lagi single ang status niyo.' si Jherramie.

'So much for that, pareho tayong biktima.'

Nagkasundo kaming magkita muli to help each other para makarecover. Unti-unting kong nabura ng pedestrian lane sa noo. Nakita ko muli ang dati niyang ngiti noong magkaklase pa lang kami. Hindi ko maitatanggi na siya ang may pinakamagandang smile na nakilala ko. Kung dati sa bar kami nagpapakalango ngayon sa mga coffee shop na. Naging good friends kami kahit madalas naming pagdebatihan ang kahinaan ng lahi ni adan at eba.

Hindi kami close noong nag-aaral pa lang kami kaya ngayon ko lang nalaman kung gaano kakulay ang buhay kasama siya. Nakangiti ako palagi na parang baliw, so, I pinched myself a lot para malaman kung totoo ang nangyayari. Sa paglipas ng mga araw, naramdaman ko muli ang pana ni kupido. Asintado ang mokong same spot ang tinamaan. Nahulog na nga ng tuluyan ang damdamin ko sa taong madalas kong kasama. Ang dating pagkakaibigan namin ay binigyan ko ng kulay.

Inamin ko sa kanya ang pag-ibig ko. I miss her kapag hindi kami magkasama at kung paano naging musika ang tinig niya sa aking tenga. I courted her. Gusto ko higitan kung ano ang meron kami ngayon, gusto ko siyang makasama hanggang sa huli at wakasan na ang kabiguan na minsang dumurog sa mga puso namin noon. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Then she blushed. Sabi niya sa birthday ko na lang ang sagot. Pumalakpak ang tenga ko. Parang may mga bells na tumututog sa tenga ko.

Week before my birthday, nasira ang masayang araw ko. Dumalaw si Arnold sa bahay nina Jherramie. Inurirat ang mga masayang araw nila at nangakong hindi na muli siya lolokohin. Unti-unti, lumambot ang puso ni Jhe at humingi ng time para makapag-isip. Naletse na! She confronted me. Bigyan daw ko siya ng tamang panahon para maevaluate ang feelings niya. Umalis siya ng bahay at palaging out of reach ang phone. Nagcelebrate ako mag-isa ng birthday pero sa puso ko kasama ko siya.

Two weeks na wala akong balita kay Jhe. Sa bawat umaga, dahan-dahan kong binubuksan ang aking mata para hindi ako masyadong masasaktan na wala pa ang babaeng hinihintay ko. Sa gabi, humihiling naman ako na sana ang araw na iyon ang huli na makakaramdam ako ng sakit at huling araw din na iiwanan ako ng taong mahal ko.

Binabalikan ko ang mga lugar na pinuntahan namin pero hindi para malungkot kundi para alalahanin ang masasaya naming araw. Pumitas ako ng dahon sa may peoples park, sayang, ipagmamalaki ko pa naman sa kanya na marunong na akong sumipol gamit ang dahon.

Ngayon, last stop ko ang bar. Ang lugar kung saan kami nagkita. Sana masaya siya kung nasaan siya. Sana matagpuan niya ng tunay na kaligayahan at sana wala siyang pedestrian lane sa noo. Ilang oras akong tumambay sa loob. Naghintay. Walang dumating. Kalokohan na nga siguro ang umasa. Lumabas ako ng bar at napagdesisyunang umuwi.

'Hold-up 'to, Huwag kang magtatakang gumalaw,' Ramdam ko ang matulis na bagay sa aking likuran.

'Wala akong barya. Buong pagmamahal lang ang kaya kong ibigay Ms. Holdaper...' Humarap ako at niyakap ng mahigpit si Jherramie.

'Ok na yan, madami naman akong panukli.' si Jhe. She kissed me.

-end-