by: panjo
Radyo announcer : Niyanig ng malakas na pagsabog ang Malacañang makaraang bombahin ng mga di pa nakikilang suspek. Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pagasabog sa opisina ng presidente bandang alas-10 ng gabi nang sumabog ang improvised explosive device na itinago sa may flower pot. Anim na minuto matapos ang insidente ay isa pang pagsabog ang naganap, ito ay sa bahay bakasyunan ng presidente sa Tagaytay na ikinasawi ng anim katao. Sa labas ng bakasyunan ay nakitang naliligo sa sariling dugo pangulo ng bansa. Terorismo, pulitika at away pamilya ang mga tinitingnang anggulo ng pulisya.
'I am here to prove my innocence. Yes, may political conflict kami pero wala akong personal na galit. Gagawin ko ang lahat para malutas ang krimen para sa ikalilinis ng pangalan ko. I don’t want to insult the NBI pero hinahamon ko ang lahat ng detective agency, magbibigay ako ng 50 milyon piso sa makakalutas ng kaso .' Matapos ang pahayag ay umalis na ang bagong pangulo.
Pumalpak ang tenga ng mga tagapakinig. May ilang kumuwestyon dahil maaring magdulot ng gulo at maituro ang kung sinuman para mapasakamay ang pera.
'Bangon! May bisita ka Llanes.' utos ng warden kay Paolo.
Alertong kumilos si Paolo matapos makita ang bisita. Si General Perez. 'Sir, naligaw yata kayo?' wika ni Paolo matapos sumaludo.
'Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I need your service Ex-Marine Llanes. Maganda ang track record mo kaya kailangan ko ang tulong para malutas ang pagkamatay ng presidente.' direktang pahayag ng heneral.
'Pinapatawa mo yata ako general? Kaya ako nakakulong dahil sa pag-aaklas laban sa pangulo tapos tutulong ako sa inyo? Imposible.'
'Fifty million ang inaalok ng bise presidente. Gusto kong kunin ka at ipasok sa detective agency ko.'
' Ano naman mapapala ko?.'
'Kalayaan at 10 milyon. Ako na ang bahala para linisin ang records mo Llanes. Pero hindi ka na makakabalik sa serbisyo.'
'Interesting. May pera na laya pa ako. Paano kung hindi ko malutas?'
'Balik kulungan ka.'
'Pag-iisipan ko.' Tumalikod si Paolo, iniwan ang heneral.
'Babalik ako bukas, Llanes.'
itutuloy muna... (wala maisip)
-----
Nagpatawag ng conference ang bise presidente. Ipinatawag din ang mga reporter at iba pang myembro ng media para para linisin ang kanyang pangalan pagkatapos ng conference. Ilang minuto matapos ang meeting humarap siya sa naghihintay na media.'General Perez, anong status ng kaso?' usisa isa sa mga reporter kay General Perez.
'Kasulukuyang kumikilos ang mga alagad ng batas para maresolba ang krimen. Sa pahayag ng caretaker ng bahay bakasyunan, kasalukuyang nasa lobby ang pangulo ng mapanood sa tv ang pagasabog sa Malacañang. Ilang minuto, nakatanggap ng tawag ang pangulo, dahil may kahinaan ang signal sa lugar ay lumabas ang ito sa may garden. Nagulatang ang lahat ng makarinig ng pagsabog sa ikatlong palabag ng gusali. Nagmadali ang bodyguard ng pangulo para siguraduhin kung safe ang pangulo subalit huli na ang lahat, nakitang nakahandusay ang katawan sa may fountain. Isang tama ng bala sa ulo nakita sa presidente.' pahayag ng Heneral.
'Ano pong posibleng motibo? May suspek na po ba?'
'Hindi pa ako pwedeng maglabas ng konklusyon pero terorista, away pamilya at pulitika ang posibleng motibo. Susuriin muna namin ang mga ebidensya na pwedeng magturo sa mga suspek.'
'May kinalaman kaya dito ang bise presidente? Alam ng lahat na magkaaway sila at nais patalsikin sa pwesto ni Vice ang pangulo. Sa palagay niyo invloved ba ulit dito ang grupo ng mga sundalong nag-aklas laban sa pangulo?' pangungulit ng isa pang reporter.
'I cannot comment on that. Basta gagawin namin lahat para mapabilis ang pag-usad ng kaso.'

----
Sa pagkamatay ng pangulo, natakdang manumpa ang bise presidente para maging pinuno ng bansa. Umugong ang mga balita na maaring si Vice President Versoza ang utak sa likod ng pagpatay sa presidente. Matatandaan na may matinding sigalot ang magkabilang panig dahil sa idinawit ng bise ang presidente sa Milllion Dollar Housing Project Anomaly. Dahil dito, inaasahan na maglalabas ng kanyang panig si Vice President Versoza anumang oras bago ang panunumpa.
Naging puspusan ang kampanya ng NBI para mahanap ang nasa likod ng krimen. Natagpuan sa ikatlong palapag ng rest house ang isang M14-EBR. Nagtugma ang riple sa baril na ginamit sa pangulo. Tinitingnan ngayon na maaring isang suicide bomber ang bumaril at nagpasabog sa lugar dahil hanggang ngayon ay wala pang nakakakilala sa isang bangkay na natagpuan sa lugar ng krimen.
Habang isinasaayos ang opisina ng presidente sa Malacañang, nagpalabas ng press release ang Office of the President bilang pagdamay sa mga kamag-anak ng biktima. Hinihikayat din ang lahat ng mag-alay ng panalangin at kalimutan na muna ng mga kritiko ang galit sa pangulo. Kinondena ng simbahan Katoliko ang malagim na pagkamatay ng pangulo at ang pagapapasabog sa mga lugar ng ikinamatay ng ilan pang katao. Sa Malacañang, sinibak ang pinuno ng PSG dahil sa hindi mapailiwanag na bomba sa flower pot. Hanggang sa kasalukuyan, palaisipan pa kung paano nailagay ang bomba dahil walang nakita sa CCTV na pumasok sa opisina ng pangulo.