"Kung ang pag-ibig ay laging may kasamang sakit,
malubha na ako." - Arianne
malubha na ako." - Arianne
Halos isang buwan ng maulan pero may mga tao pa din na hindi naiisipan magdala ng payong. Ang katuwiran, noong umalis ng bahay hindi naman umuulan at sumilip na din naman ang araw. Isa si Jed sa mga ito. Dati-rati nagdadala siya ng payong kahit hindi maulan pero simula noong nakantiyawan siya, itinigil na din niya ang pagdadala. Jologs daw ika nga. Dahil pinandigan na niya ang di pagbibitbit ng payong para lang wag pagtawanan, heto siya ngayon hindi makaalis sa tapat ng mall. Makikipag-agawan pa tuloy sa pagsakay ng taxi pauwi halip na naglalakad na lang patungo sa paradahan ng jeep. At kasabay siyempre ng pagbuhos ng ulan ay ang pagtaas ng pamasahe sa taxi. Para bang may kinalaman ang ulan sa presyo ng gasolina o pagkapupod ng goma.
Pinara niya ang taxi na parating. Kumilos agad bago pa tuluyang dumami ang tao na makikipag-agawan sa pagsakay.
'Manong Ayala Ave,' alok ng isang babae sa taxi driver. Nagulat naman si Jed dahil naunahan pa siya nito lumapit sa taxi. Para bang may kakayahang magteleport mula kung saan mang lupalop.
'Miss, si sir kasi ang naunang pumara,' inginuso ng driver ang kinatatayuan ni Jed. Humakbang bahagya si Jed pabalik sa walkway para di gaanong mabasa ng ulan. Ang babae naman ay napasimangot.
Sa isip ni Jed sa pagkakataong ito hindi pwedeng pausuhin ang ladies first lalo pa't maraming ladies ang gusto ding sumakay ng taxi. Pero sa dating ng babae, na halatang sosyalera ay malamang makiusap ito kay Jed na siya na lang ang sasakay.
'Ah ganun ba manong sa susunod na taxi na lang ako,' dismayadong sagot ng babae. Nagmamadali naman si Jed para makasakay hindi niya inaasahan na hindi makikiusap ang babae, bagay na madalas maranasan ni Jed. Umurong ang babae sa may walkway at tiniklop ang hawak na payong.
'Arriane?!' Sigaw ni Jed sa babaeng muntik ng umagaw sa sinasakyan niyang taxi. Hindi niya agad ito nakilala dahil sa natatakpan ng payong ang kanyang mukha at nakasuot pa ito ng shades kahit may kadiliman na ang paligid. Nagkakilala si Jed at Arianne sa photography club noong college sila. 'Sakay ka na! Sa may Ayala Station lang naman ako.'
'Uy Jed. Ikaw pala iyan!' Agad binuksan ang ni Arianne ang hawak niyang payong at pumasok sa sa taxi. Umandar ang taxi matapos bigyan ni Jed ng instruction.
'Akala ko nasa Australia ka? Kailan ka pa dumating? Akala ko doon ka na talaga titira?' sunod-sunond na tanong ni Jed.
'Dami mo naman tanong. Two weeks na kami dito. Inatake kasi sa puso si Papa kaya bumalik kami ni Mama.'
'Is he okay?' pag-alala agad ni Jed.
'Yes ok na siya. Matigas kasi ang ulo. Kung ano ang bawal iyon ang ginagawa.'
'Mabuti naman at maayos na siya. Mukhang kukulangin ang oras natin magkwentuhan. Baka gusto mo munang magkape, if you don't mind.'
'Oh sure. Tutal kanina pa din ako nilalamig.' Kinuskos ni Arianne ang magkabilang siko para mabawasan ang lamig na nararamdaman.
Napagkasunduan nilang dumaan muna ng coffee shop sa isang mall sa Makati tutal pareho na naman silang pauwi na. Napagkwentuhan nila ang kasalukuyan, dating buhay at inungkat din ang mga dating kalokohan noong college.
'How's your brother nga pala? Si Joel.' pangungumusta ni Arianne sa kalagayan ng nakababatang kapatid ni Jed.
'Walang pagbabago. Sobrang bait pa din. Madalas pa din sa simbahan. Sa isip isip ko nga e magpapari siya.'
'Pogi ng kapatid mong iyon. Kung magpapari siya gusto ko ng magkasala.' She giggled.
'Mana sa kuya siyempre. Ako kaya nagmulat doon sa mga gawain simbahan.' pagyayabang niya sa kausap.
'Mr. Jed Lasala! Malakas na ang ulan huwag mo ng dagdagan ng hangin. If know kaya ka madalas sa simbahan noon dahil nililigawan mo ang piyanista ng choir.'
'Correction, girlfriend ko iyon.'
'So kayo pa?'
'Hindi na. Iba na ang gf ko ngayon.'
'Sino naman? Kilala ko ba?'
'Hindi mo kilala kahit sabihin ko pa ang pangalan. Tagal mo kasi nawala kaya hindi ko siya naipakilatis sa iyo.' Noong naging close sila sa photography club, madalas ipakilatis muna ni Jed ang tipo niya babae bago niya pormahan. Kapag reject sa taste ni Arianne hindi na ito popormahan ng binata.
'Paiba-iba ng girlfriend ah. Matanda ka na Jed magbago ka na.'
'Nagsalita ang bata. Twenty nine ka na uy!' pagdidiin niya sa edad ng babae. Bakit ka nga pala nakashade pa din e madilim na nga? Para kang pulubi e.' Dumukwang si Jed para agawin ang shades ng kaibigan.
'Don't-!' iritableng boses. Huli na. Nakita ni Jed ang pugtong mata ni Arianne. Halatang galing sa pag-iyak.
'Something wrong Arianne? May gumugulo ba sa isip mo?' usisa agad ni Jed.
'Si Papa--'
'Akala ko magaling na siya?'
'Oo, magaling na siya. Noong kasing nagkasakit siya dumalaw ang kumpare niya at ang kababata kong si Alvin. Matapos ang kamustahan ako ang napagbalingan. Inalam ang lovelife ko at noong nalamang wala pa ako nagiging boyfriend, napagkasunduan ni Papa at ng kumpare niya na kami na ni Alvin. In short, ikakasal kami.'
'Hindi kayo tumanggi?'
'Natatakot akong atakihin ulit si Papa kapag tumutol ako. Ayaw niya ng napapahiya alam mo naman.'
'Si Alvin? Hindi tumutol?'
'Malaki nga ang pagtutol niya kasi nagcoconcentrate siya sa Law School.'
Nailahad ni Arianne ang naging arrangement ng kasal ni Alvin. Hindi niya akalain ang pag-uwi niya sa Pilipinas ay magiging daan para ikasal sa taong hindi niya mahal. Kahit mayaman at may kagwapuhan ang kababata ay wala siyang naging pagtingin dito.
Pag-uwi ni Arianne ng bahay ay nadatnan na niya si Alvin at ang kanyang Papa na nag-uusap. Malayo pa lang ay alam niyang tungkol sa kasal ang usapan. Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinausap ni Arianne ng sarilinan si Alvin.
'Alvin we should not let this happen.'
'Kahit ako ayoko naman e. Alam mo naman na hindi ako matalino kaya kailangan kong magconcentrate sa Law School. Baka ang pag-aayos natin ng kasal na ito ang sumira sa ilan taon kong pinagpapaguran.' napailing si Alvin.
'Wala ka bang naiisip na paraan? Maggirlfriend ka kaya gwapo ka naman. Para may tumutol sa kahibangan na ito.'
'Wala akong panahon sa ganyan Arianne. '
'We're dead.'
'Magpabuntis ka kaya?'
'What?! Are you out of your mind?'
'Kung magpapabuntis ka, hindi matutuloy ang kasal. Kaya maghanap ka ng baby maker.'
'Funny! Hello 10 years na ako sa Australia. Hindi ko na mahahagilap ang mga crushes ko noon. Isa pa hindi ako marunong lumandi.'
'Well, last option na natin iyon.' written by panjo 1.30.10
itutuloy......
------
puputulin ko muna. antok na ako.
two parts lang naman to.