Alam mo, Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala Sa pagkakataon ito akin ka na. Dati-rati, hanggang tingin lang ako. Paminsan nakikipag-usap din pero nauubusan ng salita kapag nagsimula ka ng ngumiti.
Ilang buwan kong pasekretong tinitingnan ang larawan mo. Inasam-asam na ikaw ay akin Naghintay ako. Nag-ipon.
At ngayon araw na ito Natupad ang pangarap ko. Kung dati nasa wish list ka ng FFS. Sa pagkakataong ito, nabili na kita at nakalocked pa.