Skinpress Rss

date


May isang oras na yata akong naghihintay dito sa may waiting shed pero di pa dumadating ang girlfriend ko. Hirap talaga kapag hindi legal lahat ng lakad laging palihim. Alas kwatro ang usapan namin para sumimba kaso parang hindi na aabot sa misa, almost five na e. Hindi naman siya mabagal kumilos tulad ng ibang babae kaya nagtataka ako kung bakit siya natagalan. Ewan ko ba. Malamang naubusan na ng dahilan o palusot para hindi siya samahan ng kapatid niya.

Past five na ng dumating si Ivory. Kahit siguro pikit ako alam ko na siya ang dumating. Pamilyar na kasi sa ilong ko ang scent ng perfume niya at ang shampoo niyang ginagamit. Siguro ganun nga talaga, kapag mahal mo ang isang tao ultimo ang pinakamaliit na detalye kakasanayan.

Hindi na kami nakapagsimba kaya kumain na lang kami sa isang fastfood. Kwentuhan, tawanan at siyempre di mawawala ang lambingan. Napakalambot ng kamay niya 'di nakakasawang hawakan. Mabango pa. Nakakalunod ang kanyang tingin kaya kahit anong hiling n'ya mahirap tanggihan.

Masaya na sana kaso bawat pagkikita namin may limit. Kailangan makauwi siya ng 7pm kasi ang paalam niya ay bibili lang ng girly stuffs. Naglakad kami papunta sa grocery, tutal malapit lang naman. Idineposit ko ang dala namin gamit para hindi masyadong mahirap kumilos at bilang pagsunod na din sa store policy. Hindi ko talaga maintindihan ang babae, halos itaob na ang estante pero hindi pa din bibili. Ano ba naman pagkakaiba ng mga bulak at sobrang tagal pumili? Medyo naiinip din ako kaya pumili na din ako ng mga gamit. Naisip ko paubos na ang hair wax ko at medyo mahaba na din ang bigote ko kaya pinili ko yung brand na madalas kong ginagamit.

Malapit na kami sa counter nang may biglang tumawag kay Ivory -- ang Mommy niya. Hindi niya masyadong marinig kaya lumabas muna siya ng store, naiwan sa akin ang mga pinili niyang stuff. Sumenyas lang siya na ako muna ang magbayad.

Dalawang babae pa bago ako. Kinapa ko sa likod na bulsa ng pantalon ko ang wallet. Wala, as in none.. nada... Naalala ko na inilagay ko nga pala sa bag ko noong kumain kami kanina. Napatapik ko pa ang noo ko sa asar. Tinatawag ko si Ivory pero 'di n'ya ako naririnig. To my surprise papalabas na ako sa makitid na entrace ng store para kunin ang wallet ko pero hinarang ako ng guard.

'Shoplifter ka no?' malakas na akusa ng guard.

Nagulat ako. Nagtinginan ang mga tao. Inakusahan niya ako kasi hawak ko ang wax, pang-ahit, bulak at napkin. 'Boss, hindi po. Kukunin ko nga po yung wallet ko sa may baggage counter.'

'Sus. Lumang palusot na 'yan. Sumama ka sa taas dun ka magpaliwanag.'

Hinawakan ako ng guard sa magkabilang braso. Si Ivory naman ay sumunod agad para ipagtanggol ako. Subalit naging matigas ang management dahil madalas ang nakawan sa store nila.

'Umamin ka! Sinong kasamahan mo?' paratang ng head security officer.

'Hindi po magnanakaw ang boyfriend ko. Maawa na po kayo. Babayaran ko na lang po kahit doble o triple pa,' maluha-luhang pagmamakaawa ni Ivory.

Naging bingi ang mga gwardiya. 'Umamin ka na!' Isang suntok ang lumapat sa aking sikmura dahilan upang mapayuko ako at tuluyang mapaluhod.

Kinunan ako ng larawan na parang isang kriminal. Ilalagay daw ang picture ko sa harap ng store para di pamarisan. Naiiyak ako habang patuloy ang pagmamakaawa ni Ivory.

'Wala po talaga akong intensyon magnakaw. Maawa na kayo. Nakalimot lang po talaga.' Hindi ko mapigil ang luha ko. Gusto akong lapitan ni Ivory pero pinipigilan siya.

Lumapit ang isang guard.

'Parating na sir ang pulis.'

'Sige. Bibigyan ko muna ng isa pang suntok ito para makarating sa kasamahan niya at ng matigil na sila.'

BLAAGG!! Nahulog ako sa kama. Buti na lang panaginip ang lahat. Whew! Makaihi muna.


___
fiction. Promote ko lang ulit yung ask me anything sa gilid. feel free to ask huwag lang kalibugan dahil inosente pa ako. :)