Skinpress Rss

The proposal (end)


part1

"Kung ang pag-ibig ay laging may kasamang sakit,
malubha na ako." - Arianne



Kinaumagahan, bakas pa din ang pag-alaala ni Arianne. Hindi siya gaanong nakatulog. Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi ni Alvin. Ang magbuntis. Kung tutuusin gusto na din niya magkaanak kaya walang problema na magbuntis siya kaso hindi naman siya malanding babae para pumatol na lamang kung kani-kanino.

'Hello?'

'Hello, nasaan ka nga Jed? Ipakilala ko sana sa iyo si Alvin.'

'Nasa MOA. Kasama ko si Joel tapos parating na din ang girlfriend ko. Kung gusto mo group date tayo.'

'Gee! Nice idea! Pupunta kami. Miss ko na din si Joel.'

Matapos mag-ikot-ikot. Dumating nang mas maaga pa sa kanyang girlfriend si Arianne at Alvin. Parehong naka T-shirt lang ang dalawa at nakamaong pants. Sinalubong ng halik ni Arianne si Jed at ang kapatid nitong si Joel. Ngiti naman ang bati ni Jed kay Alvin.

Cheering squad leader ang girlfriend ni Jed kaya madalas itong mahuli at malacelebrity ang dating. Kadalasan, napopostponed ang lakad nila ni Joel dahil sa pabigla-biglang pagbabago ng sched ng date nila ng girlfriend niya. Kaya kapag may libreng oras nagbobonding silang magkapatid.

'Uy Joel, Namiss kita.' malambing na bati ni Arianne. Niyakap niya at hinalikan ang nakabatang kapatid ni Jed. 'Kamukha mo pala talaga si John Lloyd.'

Napakunot ang noo ni Joel. Madalas kasi siyang maikumpara kay John Lloyd. 'Namiss din kita ate. Hindi naman ako kamukha nun ate.' maikling sagot nito.

'Uy Joel and Jed this is Alvin, my boyfriend. Alvin ito si Joel at nevermind.'

'Kamusta pare. Palaala lang, malakas humilik si Arianne at napakatampuhin.' si Jed.

'Ayos lang pare. Kababata ko naman si Arianne kaya sanay na ako sa kanya. Pati pag-utot niya alam ko na ang tono.' gatong ni Alvin.

'Mga walanghiya kayo! Joel halika, hindi natin sila kabati.' Hinila ni Arianne ang tahimik na si Joel na kanina pa pinagtitinginan ng mga babae dahil sa makamandag nitong ngiti.

'Kuya Jed! Si ate Camille.'
Napabaling ang lahat sa kapapasok pa lamang na si Camille, ang girlfriend ni Jed. Naka-tube lang ito at nakashorts kaya takaw pansin. Lutang na lutang din ang kaputian nito kaya laglag ang panga ng madadaanan. Maganda talaga siya kaya itinuturing ng lahat na swerte si Jed dito.

'Mukhang nagkakasiyahan na tayo dito ah.'
singit ni Camille. Matapos magpakilala ang lahat ay nagkayayaan kumain. Nagkaroon ng konting kwentuhan at biruan. Alas nuebe na nang nagkakayaang maghiwalay ang grupo.

'Girlfriend niya pala si Camille..' nakahawak sa babang sabi Alvin habang nagbubuklat ng magazine sa bahay nina Arianne.

'Kilala mo siya Alvin?' Natigilan si Arianne.

'Not personally. Pero kilala siya sa school lalo na pagdating sa sosyalan.'

'So, di ka boto na gf siya ng kaibigan ko?'

'I like her at kilatis ko ang mga tipo niya. At si Jed, mas bagay kayo. Alam ko, isa siya sa mga naging crush mo dati.'

'Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo. Hindi mo kailangan sirain ang relasyon nila. At di ko na din type si Jed.'

'Wala naman akong balak sirain ang relasyon nila. Kung hindi mo man type si Jed, siya ang nag-iisang pwedeng maging baby maker.' malademonyo ang naging tawa ni Alvin. Binatukan naman siya ni Arianne. Pero tama si Alvin sa isip-isip ng babae.


'Hello, Jed. Alam ko late na. Ask ko lang kung active ka pa sa photography club? Wala kasi akong ginagawa gusto ko sanang sumama kung may mga activities pang nakaset.'

'Oh oo active pa ako. Sa Saturday sa Pagudpod tapos Sunday sa Baguio.'

'Good. See you then. Good night.' Napangiti si Arianne ng hindi niya namamalayan. Para bang may sumundot sa puso niya ang nabuhay muli ang pagtingin niya sa kaibigan.

Sabado, umaga pa lang ay tumulak na agad patungong Pagudpod ang mga club members. Nagkaroon ng kaunting lecture para sa mga bagong members. Mostly policy at tamang pagamit ng camera. Palibhasa ay marami ng hindi kilala sa grupo si Arianne ay lagi siyang nakabuntot kay Jed. Kapag hindi nakatingin si Jed ay kinukunan niya ito ng picture.

'Kanina ko pa napapansin nakangiti ka?'

'Sabihin na nating namamangha ako sa lugar na 'to.'

'Pero bakit may picture yata ako diyan? Inagaw ni Jed ang DSLR ni Arianne. 'Nagagwapuhan ka sa akin no?'

'Yabang mo naman. Kailangan lang ng subject ko ng tao. Nagkataon ikaw ang malapit kaya nakasama ka.'

'Fine. Pero kung type mo ako halikan hindi kita pipigilan.'

'Pag-iisipan ko. Baka kasi masuka ako.' Tumakbo si Arianne palayo.

Matapos ang mahabang pamamasyal at pagkuha ng mga larawan ay dumiretso na sa hotel ang grupo. Dahil hindi makatulog naisipan ni Arianne na yayain si Jed na magpahangin sa labas.

'Jed?'

'Yes Arianne?'

'Nothing--'

'Alam ko may gumugulo sa'yo. Kilala kita.

Kibit balikat ang isinukli ng dalaga.

'Come on Arianne?'

'Gusto kong makababy Jed. Pero hindi kay Alvin.'

Natigilan si Jed. 'Kanino? May natipuhan ka?'

'Para hindi matuloy ang kasal namin kailangan kong mabuntis. At ikaw ang napili kong maging ama. Huwag kang mag-alala wala akong hihinging suporta. Hindi malalaman ng kahit sino. '

'Antok ka na Arianne.'

'I'm serious Jed! diin niya sa kausap. 'Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.'

'May girlfriend ako at may guilt sa part ko kung gagawin natin iyon.'

'Pag-isipan mo Jed. Ikaw lang ang makakatulong sa akin.'

'Ayoko.' Ngumiti si Jed, ginulo ang buhok ni Arianne.

'One more thing. Huwag kang masyadong ngumiti lalo kang gumugwapo.'

'Gusto mo nakasimangot ako?' Paano naman iyong naiinlove sa ngiti ko?'

'Eh baka mainlove ako sa iyo. Dumagdag pa sa problema ko.'

'Kailan ka pa natutong mambola?'

'Noong nakilala kita.'


NAGING madalas ang pagkikita nila ni Arianne at Jed. Si Alvin naman ay pasekretong idinadate si Camille. Alam kasi ni Alvin ang ugali ni Camille. Mahilig ito sa mga party kaya madali niyang nakuha ang loob.

'Sinong kasama mong lalaki kahapon? Nakita kayo ng kaibigan ko.' usisa ni Jed kay Camille.

'Just a friend.'

'Magkaholding hands?'

'Oh Jed. Don't start a fight. Makipagdate man ako, laging friendly date lang. Lagi kong sinasabi sa kanila na I'm taken. Kahit magtanong ka pa sa buong school alam nila na ikaw ang boyfriend ko.'

'Well then.' Siniil ng halik ni Jed si Camille. Sumunod ay nahawi ang telang bumabalot sa kanilang mga katawan.


CamSur Watersport Complex ang next destination ng photography club. Nagkaroon sila ng mga activities at series of contests, madalas ay magkagrupo sila kaya lalong tumindi ang samahan nila. Masaya si Jed dahil nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Hindi tulad kay Camille na kadalasan ay ang babae ang nagdidikta ng tamang pagkilos.

'Swimming tayo?'

'Marunong ka bang lumangoy?'

'Hindi. Pero palagay ko naman sasagipin mo ako kapag nalulunod na ako.'

'Pag-iisipan ko. Pero kung kinakailangan ng mouth-to-mouth resuscitation tatawag ako ng gagawa noon.' Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Jed. Kinurot naman siya ng babae.

'Turuan mo na lang ako.'

Sabay na lumusong ang dalawa sa dagat. Tinuruan ni Jed lumangoy si Arianne. Ginawa ni Arianne ang bawat utos ni Jed habang ang mga kamay nito ay nakaalalay sa kanyang tiyan. Ikinakampay niya ang kanyang paa. Maya-maya ay sinabuyan niya ng tubig si Jed at lumangoy palayo. Tumawa siya ng tumawa.

'Naloko mo ako ah. Marunong ka pa lang lumangoy!'

'Asus. If I know naenjoy mo ang paghawak sa katawan ko. Baka nga nag-init ka na dyan sa alindog ko.'

'Kapal mo naman.'

'Kunwari ka pa. Kung gusto mo akong halikan hindi kita pipigilan.' She grinned. Ibinalik ni Arianne ang dating winika ng kaibigan.

'Don't dare me.'

'Hahalikan mo nga ako?' Hindi sumagot ang lalaki. Si Arianne na mismo ang naglapit ng kanyang mukha. Tinukso niya ang lalaki. Sa pagkakataon nito, nilusaw ng mga ngiti ni Arianne ang pagkalalaki ni Jed. Naglapat ang kanilang mga labi. Magkahawak ang kanilang mga kamay nang umahon sa tubig.

Pagkatapos magswimming ay bumalik na sila ng hotel. Makikita sa kanilang mga mukha ang labis na kasiyahan. Magkahiwalay ang kanilang kwarto pero bago pa man maisara ni Arianne ang pintuan ay pinaliguan na siya ng halik ni Jed. Niyakap siya ni Arianne matapos isira ang pinto. Kumilos ang mga kamay ni Jed. Bumagsak sila sa kama habang magkalapat pa rin ang mga labi. Bumaba sa leeg ang mga halik ni Jed habang ang isang kamay ay naglalaro sa dibdib ni Arianne. Nagliliyab sumunog na pangyayari. Nahiwa ng tuluyan ang matagal ng pinakakaingatan ni Arianne pero walang pagsisi bagkus ay tinanggap niya ang pagpapaligaya ni Jed. Napaliyad siya sa kabila ng bawat kirot. Sa isip niya ganap na siyang babae.

'Anong iniisip mo?'

'Baka mabuntis ka.'

'Don't worry Jed. Safe ako ngayon.' pagsisinungalin ni Arianne.

Nasundan pa ang kanilang mga lakad. Nagkaroon ng bonding every weekends paminsan ay lumalabas na din sila. Halos nalibot nila ang buong Pilipinas. Bumilang ng araw at buwan ang kanilang bonding parang noong nasa college pa sila.

'Laki ng ngiti mo Alvin ah.' puna ni Arianne kay Alvin.

'May lakad ulit kami ni Camille.'

'Ulit? Do you love her na?'

'I like her pero hanggang doon lang iyon. Masarap siyang kasama except sa maraming niyang bisyo. Kayo ni Jed?'

'Buntis ako. Pero Huwag mong sasabihin sa kahit kanino kahit kina Papa. Kanina ko lang naconfirmed.' Natupad ang lahat ayon sa plano. Nabuntis siya sa taong gusto niya.

'Good news! Hindi na talaga matutuloy ang kasal natin.'

'Babalik ako ng Australia. Doon ako magbubuntis. Hindi ito dapat malaman ni Jed.'

'Bakit? Sa ngiti mo palagi halatang mahal mo siya.'

'Masakit e. Kapag naghihiwalay kami naiisip ko kasama niya si Camille. Masaya sila tapos ako other woman lang. Nakikiagaw sa oras.'

'Arianne. Arianne. Sa pag-ibig laging may kasama itong sakit. Hindi pwedeng laging masaya.'

'Kung ang pag-ibig ay laging may kasamang sakit..' bumuhos ang luha ni Arianne.' Malubha na ako.' Niyakap siya ni Alvin. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ang kababata. Kung tutuusin siya ang nagbuno para masaktan ang si Arianne.


Matapos ang kanilang usapan ay umalis na si Alvin. Ayaw niyang mahirapan pa si Arianne. Kailangang malaman lahat ni Jed.

'Oh Alvin napadalaw ka.'

'Sumadya talaga ako.'

'Juice or coffee?'

'Don't bother Jed.'

'Mahal mo na ba si Arianne?' Napalunok si Jed. Hindi siya makasagot sa sinabi ng kaharap.

'Look. Anuman ang mayroon sa amin ni Arianne, its just between us. At alam ko naman na hindi ninyo gusto ang isa't isa. Malinaw sa akin ang set-up nyo.

'Walang problema sa akin iyon. Kaya nga tinatanong ko kung mahal mo si Arianne. Tsaka lumalabas din kami ni Camille. Sa tuwing umaalis kayo ni Arianne.'

Hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya si Jed. Nagumpaw ang galit niya. 'Anong sinasabi mo? Niloloko mo ba ako?'

'Nagagalit ka ba Jed? Dapat siguro ako ang nagagalit sayo. Iniiputan mo ako Jed. Alam mong nakatakda kaming ikasal kahit hindi namin gusto ang isa't isa. You slept with Arianne kaya bumawi ako.'

Itinulak ni Jed palabas ng pinto si Alvin. 'Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo! Lumayas ka sa harap ko!'

'Masakit ba? Patas na tayo.' Inilabas ni Alvin ang kanyang cellphone. 'May pinadala akong mms para maniwala ka.'

'Walang hiya ka!'

Humakbang palayo si Alvin ng bahay nina Jed. 'Siya nga pala, aalis na papuntang Australia si Arianne. Buntis siya. Congratulations!'


Kinagabihan binagabag si Jed ng ginawa niyang multo. Naisip niya kong nagawa ni Camille matulog kasama si Alvin posible rin sa iba nitong nakakadate. Sa mga panahong magkasama naman sila ni Arianne ay masaya siya at hindi na niya naalala si Camille. Sa katunayan, nagiging madalas na ang pagtatalo nila ng girlfriend niya sa madalas na paglipad ng kanyang isip. Mas gusto niyang kasama si Arianne. Gusto niyang ngumiti dahil kay Arianne. Gusto niyang malunod sa mga mata nito. At higit sa lahat gusto niya matulog at bumangon sa tabi ni Arianne.

Nakahanda na ang lahat. Papunta ng NAIA si Arianne. Tinulungan pa siya ni Alvin na magdala ng gamit.

'Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid?'

'Huwag na Alvin. Ayaw kong malaman nina Mama na babalik ako ng Australia. Kapag nandoon na ako saka ko na lang sasabihin ang lahat.'

'Mag-iingat ka. Tatawag na ako ng taxi.'

'Salamat Alvin. Salamat sa lahat. Makakahanap ka din ng babaeng para sayo. Goodluck sa Atty to be.' Yumakap si Arianne.

Inalalayan ng taxi driver si Arianne papasok ng taxi. Inihatid naman ng tingin ni Alvin ang kababata.

'Manong hindi po yata dito ang papuntang NAIA?'

'Rerouting po.'

'Kailan pa manong?'

'Sabi po kasi noong kababata ninyo, ihatid ko kayo sa may hawak ng puso mo miss.'

'Ano? Hindi ko kayo maintindihan.'

Huminto ang kotse. Bumukas ang pintuan. Ikinulong ni Jed sa kanyag bisig si Arianne. Hindi niya hahayaang mawala pa ang taong minamahal.

'Arianne. I can't promise anything right now. I need you to spend the rest of your life with me. Will you marry me?'

'Ambilis naman yata?'

'Ayaw mo?'

'Gusto.'

They kissed. Thumbs up ang taxi driver.


To have and to hold from this day forward, for better or worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish to death do us part. -

-end

----
pasensiya na sa typo errors antok na.



The proposal


"Kung ang pag-ibig ay laging may kasamang sakit,
malubha na ako." - Arianne


Halos isang buwan ng maulan pero may mga tao pa din na hindi naiisipan magdala ng payong. Ang katuwiran, noong umalis ng bahay hindi naman umuulan at sumilip na din naman ang araw. Isa si Jed sa mga ito. Dati-rati nagdadala siya ng payong kahit hindi maulan pero simula noong nakantiyawan siya, itinigil na din niya ang pagdadala. Jologs daw ika nga. Dahil pinandigan na niya ang di pagbibitbit ng payong para lang wag pagtawanan, heto siya ngayon hindi makaalis sa tapat ng mall. Makikipag-agawan pa tuloy sa pagsakay ng taxi pauwi halip na naglalakad na lang patungo sa paradahan ng jeep. At kasabay siyempre ng pagbuhos ng ulan ay ang pagtaas ng pamasahe sa taxi. Para bang may kinalaman ang ulan sa presyo ng gasolina o pagkapupod ng goma.

Pinara niya ang taxi na parating. Kumilos agad bago pa tuluyang dumami ang tao na makikipag-agawan sa pagsakay.

'Manong Ayala Ave,' alok ng isang babae sa taxi driver. Nagulat naman si Jed dahil naunahan pa siya nito lumapit sa taxi. Para bang may kakayahang magteleport mula kung saan mang lupalop.

'Miss, si sir kasi ang naunang pumara,' inginuso ng driver ang kinatatayuan ni Jed. Humakbang bahagya si Jed pabalik sa walkway para di gaanong mabasa ng ulan. Ang babae naman ay napasimangot.

Sa isip ni Jed sa pagkakataong ito hindi pwedeng pausuhin ang ladies first lalo pa't maraming ladies ang gusto ding sumakay ng taxi. Pero sa dating ng babae, na halatang sosyalera ay malamang makiusap ito kay Jed na siya na lang ang sasakay.

'Ah ganun ba manong sa susunod na taxi na lang ako,' dismayadong sagot ng babae. Nagmamadali naman si Jed para makasakay hindi niya inaasahan na hindi makikiusap ang babae, bagay na madalas maranasan ni Jed. Umurong ang babae sa may walkway at tiniklop ang hawak na payong.

'Arriane?!' Sigaw ni Jed sa babaeng muntik ng umagaw sa sinasakyan niyang taxi. Hindi niya agad ito nakilala dahil sa natatakpan ng payong ang kanyang mukha at nakasuot pa ito ng shades kahit may kadiliman na ang paligid. Nagkakilala si Jed at Arianne sa photography club noong college sila. 'Sakay ka na! Sa may Ayala Station lang naman ako.'

'Uy Jed. Ikaw pala iyan!' Agad binuksan ang ni Arianne ang hawak niyang payong at pumasok sa sa taxi. Umandar ang taxi matapos bigyan ni Jed ng instruction.

'Akala ko nasa Australia ka? Kailan ka pa dumating? Akala ko doon ka na talaga titira?' sunod-sunond na tanong ni Jed.

'Dami mo naman tanong. Two weeks na kami dito. Inatake kasi sa puso si Papa kaya bumalik kami ni Mama.'

'Is he okay?' pag-alala agad ni Jed.

'Yes ok na siya. Matigas kasi ang ulo. Kung ano ang bawal iyon ang ginagawa.'

'Mabuti naman at maayos na siya. Mukhang kukulangin ang oras natin magkwentuhan. Baka gusto mo munang magkape, if you don't mind.'

'Oh sure. Tutal kanina pa din ako nilalamig.' Kinuskos ni Arianne ang magkabilang siko para mabawasan ang lamig na nararamdaman.

Napagkasunduan nilang dumaan muna ng coffee shop sa isang mall sa Makati tutal pareho na naman silang pauwi na. Napagkwentuhan nila ang kasalukuyan, dating buhay at inungkat din ang mga dating kalokohan noong college.

'How's your brother nga pala? Si Joel.' pangungumusta ni Arianne sa kalagayan ng nakababatang kapatid ni Jed.

'Walang pagbabago. Sobrang bait pa din. Madalas pa din sa simbahan. Sa isip isip ko nga e magpapari siya.'

'Pogi ng kapatid mong iyon. Kung magpapari siya gusto ko ng magkasala.' She giggled.

'Mana sa kuya siyempre. Ako kaya nagmulat doon sa mga gawain simbahan.' pagyayabang niya sa kausap.

'Mr. Jed Lasala! Malakas na ang ulan huwag mo ng dagdagan ng hangin. If know kaya ka madalas sa simbahan noon dahil nililigawan mo ang piyanista ng choir.'

'Correction, girlfriend ko iyon.'

'So kayo pa?'

'Hindi na. Iba na ang gf ko ngayon.'

'Sino naman? Kilala ko ba?'

'Hindi mo kilala kahit sabihin ko pa ang pangalan. Tagal mo kasi nawala kaya hindi ko siya naipakilatis sa iyo.' Noong naging close sila sa photography club, madalas ipakilatis muna ni Jed ang tipo niya babae bago niya pormahan. Kapag reject sa taste ni Arianne hindi na ito popormahan ng binata.

'Paiba-iba ng girlfriend ah. Matanda ka na Jed magbago ka na.'

'Nagsalita ang bata. Twenty nine ka na uy!' pagdidiin niya sa edad ng babae. Bakit ka nga pala nakashade pa din e madilim na nga? Para kang pulubi e.' Dumukwang si Jed para agawin ang shades ng kaibigan.

'Don't-!' iritableng boses. Huli na. Nakita ni Jed ang pugtong mata ni Arianne. Halatang galing sa pag-iyak.

'Something wrong Arianne? May gumugulo ba sa isip mo?' usisa agad ni Jed.

'Si Papa--'

'Akala ko magaling na siya?'

'Oo, magaling na siya. Noong kasing nagkasakit siya dumalaw ang kumpare niya at ang kababata kong si Alvin. Matapos ang kamustahan ako ang napagbalingan. Inalam ang lovelife ko at noong nalamang wala pa ako nagiging boyfriend, napagkasunduan ni Papa at ng kumpare niya na kami na ni Alvin. In short, ikakasal kami.'

'Hindi kayo tumanggi?'

'Natatakot akong atakihin ulit si Papa kapag tumutol ako. Ayaw niya ng napapahiya alam mo naman.'

'Si Alvin? Hindi tumutol?'

'Malaki nga ang pagtutol niya kasi nagcoconcentrate siya sa Law School.'


Nailahad ni Arianne ang naging arrangement ng kasal ni Alvin. Hindi niya akalain ang pag-uwi niya sa Pilipinas ay magiging daan para ikasal sa taong hindi niya mahal. Kahit mayaman at may kagwapuhan ang kababata ay wala siyang naging pagtingin dito.


Pag-uwi ni Arianne ng bahay ay nadatnan na niya si Alvin at ang kanyang Papa na nag-uusap. Malayo pa lang ay alam niyang tungkol sa kasal ang usapan. Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinausap ni Arianne ng sarilinan si Alvin.

'Alvin we should not let this happen.'

'Kahit ako ayoko naman e. Alam mo naman na hindi ako matalino kaya kailangan kong magconcentrate sa Law School. Baka ang pag-aayos natin ng kasal na ito ang sumira sa ilan taon kong pinagpapaguran.' napailing si Alvin.

'Wala ka bang naiisip na paraan? Maggirlfriend ka kaya gwapo ka naman. Para may tumutol sa kahibangan na ito.'

'Wala akong panahon sa ganyan Arianne. '

'We're dead.'

'Magpabuntis ka kaya?'

'What?! Are you out of your mind?'

'Kung magpapabuntis ka, hindi matutuloy ang kasal. Kaya maghanap ka ng baby maker.'

'Funny! Hello 10 years na ako sa Australia. Hindi ko na mahahagilap ang mga crushes ko noon. Isa pa hindi ako marunong lumandi.'

'Well, last option na natin iyon.' written by panjo 1.30.10

itutuloy......

------
puputulin ko muna. antok na ako.
two parts lang naman to.

Ikaw


Alam mo,
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala
Sa pagkakataon ito akin ka na.
Dati-rati, hanggang tingin lang ako.
Paminsan nakikipag-usap din
pero nauubusan ng salita kapag
nagsimula ka ng ngumiti.

Ilang buwan kong pasekretong tinitingnan
ang larawan mo.
Inasam-asam na ikaw ay akin
Naghintay ako.
Nag-ipon.

At ngayon araw na ito
Natupad ang pangarap ko.
Kung dati
nasa wish list ka ng FFS.
Sa pagkakataong ito,
nabili na kita
at nakalocked pa.

hangin


Tinangay ng hangin ang hawak kong papel
doon nakasulat ang
damdaming itinago ko
at di kayang ipagtapat.

Pilit kong hinabol
ngunit inilipad ng kay taas
malayo na
at di ko alam kung saan babagsak.

Nilipad ng hangin ang
aking lakas ng loob
binura ang planong kay tagal
binuo.

Sa silyang bilog
Ako ay naupo
Humugot muli
Ng lakas ng loob.

Hindi na ibinalik ng hangin
Ang papel
Bagkus ay ang babaeng
pinag-alayan ng nakasulat sa papel.

PINS


TUYONG TINTA NG BOLPEN PINS


wala lang. natuwa lang

The Death of Mr. President (3)


chapter 1
chapter 2
BREAKING NEWS!!!

Presidente: NAPATAY!!
Malacanang Pinasabog!!!
President shot dead in Tagaytay!!!
Pagsabog yumanig sa palasyo!!! Presidente dedo: Terorista o Pulitika?
President Suarez, Assassinated in Tagaytay!!!

Naunang pumasok ng coffee shop si Paolo pero sinigurado niyang kasunod niya si Mrs. Suarez. Natatawa siya. Sasamantalahin niya ang pagkakataon tutal ordinaryong tao na lang ngayon ang kasama. Hindi na siya ang asawa ng presidente.

'Miss Janice?,' binasa ni Paolo ang pangalan ng attending crew sa coffee shop . 'Dalawang mocha frap, isang tall at isang short. Kasama ko na lang ang magbabayad.' Itinuro ni Paolo si Mrs. Suarez na kapapasok pa lamang ng coffee shop.

'G-good evening Ma'am,' nauutal na bati ng crew. Halos hindi siya makapaniwala na kaharap niya ang dating First Lady.

'Good evening.' Iniabot niya ang pera sa crew saka tumungo sa napiling pwesto ni Paolo, sa may sulok pero tanaw pa din ang lahat ng dumadaan sa harap ng Funeral Chapel.

'Maupo ka Madam.' si Paolo.

'Paano ka nakalabas, Llanes?' usisa ng ginang.

'Naparito ako para magtanong. Hindi para sumagot sa tanong.'

'Antipatiko.' Tumayo ang ginang, kinuha ang cellphone sa mamahaling bag, hinayaan lang siya ni Paolo. 'Answer me. Please answer!' garalgal na tinig ni Mrs. Suarez.

'Hindi siya sasagot.' Ipinakita ni Paolo ang hawak na cellphone. Pakindat-kindat ang ilaw nito at nakarehistro ang pangalang Criselda sa screen, ang first name ni Mrs. Suarez.

'Nasaaan siya? Walanghiya ka talaga!' Maluha-luha na ang ginang.

'Buhay siya huwag kang mag-alala. Sabi ko naman sa'yo na kahina-hinala ang kilos niya kanina. Akala ko masamang loob. Natanggal man ako sa serbisyo, hindi ko nakalilimutan na sumumpa ako na ipagtanggol ang kapakanan ang bawat tao.'

'Hindi siya masamang tao!' halos maiyak na sa pag-aalala ang tinig ng kaharap ni Paolo.

'Sagutin mo lang ang tanong ko at ituturo ko kung nasaan siya. Isa pa, makakatulong ito sa ikalulutas ng kaso ng asawa mo. Pangalawa, kung wala kang kinalaman o siya sa kaso, wala kang dapat ikatakot.'

'Sige, sasagot ako sa mga itatanong mo. Bilang isang dating sundalo maging lalaki ka, papalayain mo siya pagkatapos nito.'

'Masususunod.' Napangiti siya. Humigop ng kape saka muling nagsalita. 'Bakit hindi ka kasama ng pangulo sa Tagaytay?'

'Nag-away kami ng gabing iyon kaya bigla siyang umalis.' maikling sagot nito.

'Hindi mo siya pinigilan umalis?'

'Hindi. Binubog niya ako kaya hindi agad ako nakakilos.'

'Matagal na bang may lamat ang relasyon ninyo?'

'Noong naging AFP chief siya. Madalas na kaming magtalo dahil ayaw ko siyang maging tuta ng tiwaling gobyerno. Pero mataas ang ambisyon niya kaya hindi ko siya napigilan. Simula noon madalas na kaming mag-away.' Iniabot ni Paolo ang tissue nang mapansing lumuluha ang babae. Lumabot ang kanyang puso at nakisimpatya sa nararamdaman ng kausap.

'Si Steve ang naging takbuhan mo?'

'Tama. Simula noong bumalik siya ng Pilipinas naging madalas ang pagkikita namin. Naikwento ko ang mga nangyari at di naglaon ay muli kaming nagkagaanan ng loob.'

'Posibleng bang si Steve ang pumatay sa pangulo para magsama na kayo?'

'Imposible!' mabilis na sagot ni Mrs. Suarez.

'Bakit?'

'Noong gabing umalis ang asawa ko, pinuntahan ko siya para wakasan ang relasyon namin kasi ayaw ko siyang mapahamak. '

'Sa pagkakaintindi ko, nabuking kayo. Tama ba?'

'Oo. Kaya sinaktan ako ng asawa ko.'

Nagpatuloy ang mga tanong ni Paolo. Sa kwento ni Mrs. Suarez, walang nakaaalam kung saan pupunta ang presidente noong gabing nangyari ang krimen kaya imposibleng mapagplanuhan agad ang pagpatay. Matapos ang usapan, nagtungo siya sa likod ng kanyang kotse. Binuksan ang trunk at iniluwa si Steve Ceneres na nakatali ang kamay at paa at nakabusal ang bibig.

'Laya ka na loverboy.' Inalis ni Paolo ang pagkakatali sa lalaking nasa edad na hindi aabot sa sesenta. Napayakap ang lalaki kay Mrs. Suarez matapos pakawalan.

Naisipan ni Paolo na dumaan sa mga dating kasamahan sa serbisyo para alamin na din ang kalagayan ng mga ito matapos matiwalag sa pagiging Marine. Bumili na din siya ng beer , matagal-tagal na din kasing hindi nasayaran ng alkohol ang kanyang lalamunan.

'Bok! Kailan ka pa nakalabas?!' si Arlan.

'Kanina lang. Kinailangan ni Scooby ang serbisyo ko.'

'Si Perez? Nilapitan ka?'

'Nagulat nga din ako.' Ikinuwento ni Paolo ang dahilan ng kanyang paglabas at ang kasong hinahawakan niya.

'Daig mo pa ang galing ibang bansa ah. May kotse na at amoy mayaman ang suot mo.'

'Minsan lang 'to kaya hinuthutan ko na si General.'

'Anong balak mo sa pera kung sakaling masolve mo ang kaso?'

'Tutulungan ko ang mga kasama natin. Malamang mahirap pa sila sa daga ngayon.' Napangiti si Arlan sa sa plano ni Paolo.

'May lead ka na ba?'

'Wala pa nga e. Sa palagay mo may kinalaman kaya dito ang kasamahan natin?'

'Imposible bok! Alam mo naman na kumilos tayo ng sama-sama tsaka hindi tayo terorista para mandamay ng inosente.'

'Sabagay. Tagay muna bok!.' Habang nag-iinuman ay nailahad ni Paolo kay Arlan ang nakaraan uusapan nito sa dating Unang Ginang. Nagpalitan sila ng mga opinyon kung maaring may inutusan si Steve para patayin ang presidente pero kung iisipin napakababaw na dahilan ang pakikiapid para pasabugin pa ang Malacañang.

'Sa tingin mo Paolo, ano bang anggulo ang pwedeng iugnay sa pagkamatay ng presidente at ang pagpapasabok sa Malacañang?' tanong ni Arlan.

'Kanina ko lang naisip pero posible. Sa palagay mo bakit gabi ang pagpapasabog?
' pagbibigay ideya ni Paolo sa kasama.

Binuksan ni Arlan ang isa pang beer. Isinalin sa pitsel saka sumagot sa tanong ng kainuman. 'Para madaling kumilos siguro? Wala masyadong makakakita kung magtatanim ng bomba.'

'Tama. Naisip ko, sa opisina ng pangulo itinanim ang bomba para lumikha ng gulo. Siyempre kapag may sumabog, automatic magigising ang pangulo at lalabas siya ng kwarto. Sa pagkakataong lumabas ang presidente, babarilin na siya.

'Ah kumbaga, ginawang bitag ang pagpapasabog sa opisina.'
pagkumpirma ni Arlan.

'Oo ganoon nga.'
sang-ayon ni Paolo. 'Alas diyes ang na-set na oras sa bomba para saktong konti na lang talaga ang tao. Sa di inaasahang pagkakataon, nag-away ang presidente at asawa n'ya. Umalis ang presidente ng Malacañang ng taliwas sa planadong kaya napurnada ang plano niya. '

'Saglit! So, ang ibig mong palabasin ay may malapit sa presidente ang kriminal? Kasi noong pumalpak ang plano ay nakasunod agad siya sa Tagaytay.'

Naging positibo ang kanilang usapan. Kahit marami na silang naiinom na alak ay aktibo pa din ang kanilang mga utak.

'Tama. Isipin mo kabisado niya ang pasikut-sikot sa resthouse. Nakapwesto agad siya sa third floor at alam niya na lalabas ang pangulo noong may tumawag sa kanya.'

'Pero Paolo, nakalimutan mo yata na pinasabog din ang 3rd floor. Maaring nasa 2nd floor lang ang gunman o kaya ay nasa itaas ng puno. Habang ang lahat ay nagkakagulo sa paghahanap sa presidente ay pasekreto niyang inihagis o inilagay ang baril sa 3rd floor.'

'May punto ka. Kaya bukas ang target ko ay imbesitigahan ang lahat ng nasa crime scene.'
Naging seryoso ang mukha ni Paolo.

Kinabukasan, ipinatawag agad siya ni General para tanungin ang status ng kanyang imbestigasyon.

'Balita sa lakad mo Llanes?' bungad ni General sa kapapasok pa lamang na si Paolo.

'May lead na ako pero aalamin ko pa kung valid. Pupunta ako sa Tagaytay General.'

'Good. Narating sa akin ang eskandalong ginawa mo sa burol ng presidente.'

'Wala akong ginawang masama. Nasa kulungan pa lang ako, alam ko na kung sino ang dapat kong puntahan at hindi ako nabigo. At isa pa, nakatulong sa kaso ang ginawa kong eskandalo.'

'Maging maingat ka siguro. Nabastusan daw sa iyo ang mga tao.'

'Hayaan mo sila. Maari ko bang makita ang baril na ginamit sa pagpatay sa presidente?' pag-iiba ni Paolo sa usapan.

'This way.' Sinamahan ni General si Paolo sa pinagtataguan ng mga ebidensiya.

'Ganda naman ng baril na 'to.' Pinunasan ni Paolo ang bahagyang nasunog na baril. 'Sana ganito ang iniissue sa mga sundalo. Hindi iyong nakakatetano.'

'Llanes! Alam mo ba ang ginagawa mo?!' Huwag mong punasan yan!' tumaas ang boses ng heneral.

'Easy.. Baka mahighblood ka.'

'Ebidensya yan Llanes, hindi dapat nililinis.'

'General?'

'Bakit?'

'Nasaan ka noong naganap ang pagpapasabog sa Malacañang?'


itututuloy.....

Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 9)




Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8


IX. Love

Mahigit isang oras ang lumipas bago muling nagkamalay si Luis. Kanang mata muna ang kanyang idinilat tapos kaliwa, kinurot ang sarili. Ang tangi niyang naalala ay ang biglaang pagdilim ng paligid at ang pagtama ng isang matigas na bagay sa kanyang batok.

'Buhay ako,' wika niya sa sarili. Dahan-dahan siyang tumayo at hinanap ang kanyang mga gamit. Wala na ang black child sa desk na pinagpatungan ni Arden. Palabas na sana siya ng kwarto nang may biglang tumulong likido sa kanyang mukha.

'Dugo?!' Tumingala si Luis. Tiningnan ang posibleng pinagmulan ng dugo. Tumambad sa kanya ang tatlong katawan na nakabitin sa kisame. Nakatali ang leeg nga mga ito at may mahabang hiwa sa dibdib.

Malapit sa may desk ang katawan ni Arden. Matagal niya itong pinagmasdan. Sumunod ay tinapunan niya ng atensyon ang dalawa pang taong nakabitin. Ang mga assassin.

'Sino ang traydor sa mga assassin? Bakit hindi niya ako pinatay?' naguguluhan si Luis.

Patay na din ang lahat ng tao sa labas ng silid. Lahat nakabitin at may hiwa sa dibdib. Gamit ang sasakyang naghatid sa kanya ay bumalik na siya ng bahay. Tinahak niya ang daan kahit masama ang panahon.

Iniwian niya ng kotse dalawang kanto bago ang bahay niya. Naglakad na lang siya pauwi. Naligo at nagpakabaliw sa limpak-limpak na salaping natanggap.

'Madali lang palang paikutin sa kamay ko ang mga naghahangad sa black child.' Tumawa si Luis. Maayos ang naging takbo ang kanyang plano. Dahil wala pang nakakakita ng totoong black child, ang ibinigay niya kay Arden ay ang replika. Hindi ito magdududa dahil malaki ang tiwala nito sa kanya. Tagumpay siya sa ginawa niyang laro.

'Anong mapa kaya ang tinutukoy ni Arden? Samakatuwid may iba pang lihim ang black child bukod sa pagiging purong ginto nito?' sa isip ni Luis.

'Luis! Luis!' tawag ng isang babae mula sa labas ng bahay. Sumilip siya sa bintana, si Jo-Anne. Lumabas siya ng bahay para tanungin ang kailangan ng dalaga.

'Bakit? May bagyo bakit nasa labas ka pa?' pag-alaala ni Luis.

'Nakita kita kaninang papasok ng bahay. Saan ka naman nanggaling?'

'Kailangan mo bang malaman ang lahat ng kilos ko?' iritadong boses ni Luis.

'May bagyo Luis. Masama bang mag-alaala? Nakakatampo ka naman.'

Nakonsensya si Luis. 'Sa ilog ako galing. Saan pa ba ako pupunta?' palusot nito.

'Hindi mo ba talagang kayang kalimutan ang nakaraan?'

'Sus. Drama mo naman. Pasok ka baka may kung ano pang tumama sa'yo.'

Naghanda si Luis ng maiinom para sa bisita. Nabanggit minsan ni Jo-Anne sa kanya na gusto ng dalaga ang champorado kapag maulan. Naisipan niyang magluto habang nakikipag-usap pero inabala siya ng dalaga.

'Halika nga dito Luis.' Parang bata na lumapit sa kanyang ina si Luis.

'Bakit?' Naghugas muna siya ng kamay bago lumapit.

'Bakit may pasa ka yata?' Napansin ni Jo-Anne ang namamaga pang batok ni Luis.

'Nabagsakan ng buko kanina. Noong nakatambay ako kanina, may nahulog na bunga ng niyog, buti na nga lang tumama muna sa bubong ng tricycle bago bumagsak sa batok ko.' palusot niya.

Tumayo si Jo-Anne. Kumuha ng yelo sa refrigerator ibinalot sa tuwalya saka inutos kay Luis na ilagay sa batok. 'Oh, ilagay mo sa batok mo!' padabog na utos nito. Napansin din ni Jo-Anne ang iba pang galos. 'Nasaan ang medicine cabinet mo?'

'Uy concern...' Sinungitan siya ng babae. 'Sa gawing kanan bago ang CR.'

Tinungo ni Jo-Anne ang kinalalgyan ng medicine cabinet. Mataas ang kinalalagyan ng medicine cabinet kaya hirap siyang abutin ito.

'Luis halika! Taas kasi! sigaw ni Jo-Anne.

'Sabihin mo pandak ka lang.'

Lumapit si Luis kay Jo-Anne. Mula sa likuran ng babae ay kinuha niya ang itinuturo nitong gamot. Sa hindi sinasadyang pagkatataon ay nagdikit ang kanilang katawan. Ramdam ni Jo-Anne sa kanyang likuran ang pagbundol ng maskuladong katawan ni Luis. May kuryenteng nalikha at dumaloy sa kanyang katawan. Namula ang kanyang mukha.

Umalis siya bago pa tuluyang mahalata ni Luis ang kanyang pakiramdam. Subalit bago pa siya tuluyang makaiwas ay ikinulong siya ni Luis sa kanyang bisig. Nagkatitigan ang dalawa. Marahang lumapit ang mukha ni Luis kay Jo-Anne. Hindi makakilos si Jo-Anne sa isip niya ay gusto niyang kumalas, sa puso niya ay gusto niya ang nangyayari. Hinalikan ni Luis ang labi ni Jo-Anne. Napayakap ang babae sa kanya. Siniil ng halik ang mga labi. Naglaban ang kanilang mga dila. Nagpaubaya ng tuluyan ang babae sa kagustuhan ng lalaki. Mula sa labi ay bumaba ang halik sa leeg tapos tumaas sa tenga. Naging malikot ang kamay ni Luis. Mula sa bewang ay unti-unti tumataas sa dibdib ng dalaga ang kanyang kamay. Naging mariin ang yakap ni Jo-Anne. May pag-ungol. Walang pagtutol. Walang tigil ang kanilang paghahalikan.

Umakyat sila ng hadgan, papunta sa kwarto. Umupo sa kama muling nagkatitigan, mapusok at mapang-akit. Nagsimula muli ang halikan. Gumapang muli ang halik at kamay ni Luis. Tumayo sila at naghalikan na tila sumasayaw. Halos maubusan sila ng lakas. Naghahabulan ng hininga. Nahulog sa sahig ang telang kaninang bumabalot sa kanilang katawan. Unti-unti, nalantad ang kahubdan ng dalawa. May paghanga at pagnanasa.



'Hindi ito ang black Child!!! Hanapin si Luis!' sigaw ng lalaki.


itutuloy....


----
nabitin ba?


Haiku(lelat)


trapik sa edsa
sumpong ng diarrhea
sa bus tayo pa

***

bebot sa may jeep
sa akin ay dumikit
wallet inumit.

***


amo naalarm
nilayasan ng yaya
pati asawa.

haiku(rap)


lindol sa Haiti
si senator tumulong
points sa election

***

walang mahirap
at walang ring mayaman
sa level ng farm

***

mabait ako
mabuting mamamayan
kasi eleksyon

The Death of Mr. President (2)


chapter 1

BREAKING NEWS!!!

Presidente: NAPATAY!!
Malacanang Pinasabog!!!
President shot dead in Tagaytay!!!
Pagsabog yumanig sa palasyo!!! Presidente dedo: Terorista o Pulitika?
President Suarez, Assassinated in Tagaytay!!!



Dumating si Captain Ciprano, pinuno ng NBI team na siyang naghahandle ng kaso ng yumaong presidente sa opisina ni General Perez. Bitbit ang ilang papales, agad niyang ipinakita sa heneral ang resulta ng paunang imbestigasyon na mabibigay linaw sa pagkamatay ng pangulo at pagpapasabog sa Malacañang.

Matapos sumaludo ay naupo siya sa inialok na upuan ng heneral. 'General! Lumabas na po ang resulta ng paunang imbestigasyon,' magalang na balita ng kapitan. Iniabot niya ang folder.

'Hmmm.. Nakilala na pala ang sunog na bangkay. Kung ganun wala siyang kinalaman sa pagpapasabog sa resthouse sa Tagaytay.' Napahawak na lang ang heneral sa kanyang noo dahil wala siyang mailalabas na balita sa nakatakdang paghaharap nila ng pumalit na pangulo.

'Base po sa katiwala, ang bangkay po ay bagong kasambahay sa resthouse. At nakita din po ng ilang bodyguard ng pangulo na nasa hallway ang naturang kasambahay noong naganap ang pagsabog. Samakatuwid, hindi siya suicide bomber.'

'Kung ganoon, gumagala pa din ang salarin.' si General.

'Opo General. Wala din pong nakitang fingerprints sa M14-EBR na ginamit sa pagpatay sa pangulo.'

'Mukhang planado ang lahat. Tingnan nyo ang kisame kung may bakas o traces ng pagdaan. Pati mga dingding!' Tumaas ang boses ni General Perez dahil sa malabong resulta ng imbestigasyon. 'Imbestigahan ang PSG sa Malacañang!'

'Masusunod po.' Umalis ang kapitan matapos ang usapan.


Sinabon ng bagong presidente si General Perez sa kabagalan ng pag-usad ng kaso. Maging ang pagpapasabog sa palasyo ay hindi pa din maipaliwanag ng Heneral.

'General! Presidente ang napatay. Kung ganito kabagal ang kaso paano pa kaya kung ordinaryong tao?!' Galit na galit ang presidente dahil na din sa kagustuhang malinis ang pangalan.

'Ipagpaumanhin po ninyo. May isa pong akong alas para maresolba ang kaso pero...'

'Pero? Ano? Gawin mo ang lahat para matapos agad ito. Ano bang alinlangan mo?'

'Si Llanes. Siya ang tinutukoy ko-'

'Llanes?!' Naglakad patungo sa may bintana ng conference room si President Versoza. 'Ang Ex-Marine? Anong magagawa ng isang bilanggo at nagtangkang pabagsakin ang presidente?' Tumawa ng malakas ang presidente.

'Iyon nga po ang balakid.. Nakakulong siya. Pero malawak ang kanyang experience sa mga ganitong kaso. Matagal siyang nagtiktik sa pangulo kaya alam niya ang kilos, madalas kasama, mga kaaway at posibleng kilala din n'ya ang pumatay.'

Natahimik ang pangulo. 'Palayain siya. Ipahanda mo ang dokumento.'

Agad kumilos ang heneral. Inayos ang lahat ng papapeles para makalaya si Ex-Marine Llanes.

'Llanes! Andito ang heneral. Bumangon ka d'yan!' utos ng warden.

Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Paolo. Bago pa naman umalis kahapon ang Heneral ay buo na ang loob niya. Gusto na niyang lumaya tutal wala na din ang gustong niyang paalisin sa pwesto.

'Maganda araw heneral!' Halip na saludo ay apir ang gusto ni Paolo.

'Magandang araw Llanes. Alam mo na siguro kung bakit ako nandito. Nakapag-isip ka na ba?'

'Oo. Gusto ko ng umalis ng selda. Payag ako sa gusto mo. Kalayaan at 10 milyon.'

'Magaling! Tandaan mo babalik ka sa kulungan kung hindi mo masolve ang kaso,' pagsisinungaling ni General Perez kay Paolo. Hindi ipinaalam ni General na pinapalaya na siyang tuluyan ng bagong presidente. Sa takot na hindi kumilos si Paolo kung alam niyang laya na siyang tuluyan.

'Oo alam ko. Nasabi mo na yan kahapon,' Pumirma si Paolo sa release order form. 'Gusto ko ng gamit.'

'Sige bibigyan kita ng service firearm.'

'Sa napapanood ko sa TV, may salamin at jacket ang mga detective.'

'Sige iyon lang pala e.'

'Bigyan mo ako ng Rudy Project na sun glasses at North Face na Jacket,' nakangiting udyok ni Paolo.

'Bibigyan na lang kita ng pera. Bahala ka ng pumili ng taste mo. Tara na sa kotse.' yaya ng heneral.

Mahigit siyam na buwan na ding nakakulong si Paolo dahil sa pamumuno ng isang kudeta. Malaki ang galit niya sa administrasyon noong panahong iyon. Tutol siya sa pagpapadala ng mga sundalong Pilipino sa Russia para tulungan sa gera ang kaalyadong bansa ng pangulo. Maraming napatay lalo na ang mga bagito pa lang sa labanan. Kaya nagbuo siya ng samahan para pigilan ang kagustuhan ng pangulo. Dahil dito nakasuhan siya ng rebelyon.

Parang batang nakatakas sa mahigpit na madrasta si Paolo. Inikot niya ang mall at inubos ang perang ibinigay ng heneral. Dahil alam niyang kailangan siya ng heneral, humingi na din siya ng sasakyan.

Agad kumilos si Paolo matapos i-briefing ng Heneral at ng NBI. Ipinagkatiwala din sa kanya ang ilang mahahalagand dokumento. Pakiramdam niya, siya ang pinakamataas sa mataas dahil ang kilos niya ay hindi pwedeng harangin ng sinuman. Una niyang pinuntahan ang burol ng yumaong presidente. Nagmasid muna sa paligid saka pumasok.

'Napakaganda mong tingnan habang umiiyak, Madam.' sarkastikong puna ni Paolo sa dating unang ginang.

'Anong ginawa mo dito? Pwede bang igalang mo ang burol ng asawa ko!' matigas na pakiusap ni Mrs. Suarez, ang asawa ng napatay na pangulo.

'Sabihin na nating kailangan kita at kailangan mo ako.'

'Kapal naman ng mukha mo! Umalis ka dito bago ako magpatawag ng security.' galit na wika ng babae.

'May ilang katanungan lang naman ako dahil naatasan akong i-solve ang kasong ito kapalit ang kalayaan ko. Kung hindi ako welcome, aalis ako dito. Fine.' Tumalikod si Paolo. 'Madam, may kanina pang umaaligid na tao sa labas. Baka iyon ang kriminal. Kapag kumalat ang laman-loob niya pakilinis na lang.'

Iniwan ni Paolo ang isang picture sa ibabaw ng kabaong ng dating Presidente. Picture ni Steve Ceneres, dating kaklase ng unang ginang, dating kasintahan at kasalukuyang lihim na kalaguyo ni Mrs. Suarez.

'S-sandali....!' May takot sa boses ng ginang.

Napangiti si Paolo. Epektibo ang kanyang plano. 'May coffee shop sa tapat. Doon tayo mag-usap.' Dumakot ng kendi si Paolo saka lumabas ng Funeral Chapel.

itutuloy..

The Death of Mr. President (1)




by: panjo


Radyo announcer : Niyanig ng malakas na pagsabog ang Malacañang makaraang bombahin ng mga di pa nakikilang suspek. Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pagasabog sa opisina ng presidente bandang alas-10 ng gabi nang sumabog ang improvised explosive device na itinago sa may flower pot. Anim na minuto matapos ang insi­dente ay isa pang pagsabog ang naganap, ito ay sa bahay bakasyunan ng presidente sa Tagaytay na ikinasawi ng anim katao. Sa labas ng bakasyunan ay nakitang naliligo sa sariling dugo pangulo ng bansa. Terorismo, pulitika at away pamilya ang mga tinitingnang anggulo ng pulisya.

-----

'General Perez, anong status ng kaso?' usisa isa sa mga reporter kay General Perez.

'Kasulukuyang kumikilos ang mga alagad ng batas para maresolba ang krimen. Sa pahayag ng caretaker ng bahay bakasyunan, kasalukuyang nasa lobby ang pangulo ng mapanood sa tv ang pagasabog sa Malacañang. Ilang minuto, nakatanggap ng tawag ang pangulo, dahil may kahinaan ang signal sa lugar ay lumabas ang ito sa may garden. Nagulatang ang lahat ng makarinig ng pagsabog sa ikatlong palabag ng gusali. Nagmadali ang bodyguard ng pangulo para siguraduhin kung safe ang pangulo subalit huli na ang lahat, nakitang nakahandusay ang katawan sa may fountain. Isang tama ng bala sa ulo nakita sa presidente.' pahayag ng Heneral.

'Ano pong posibleng motibo? May suspek na po ba?'

'Hindi pa ako pwedeng maglabas ng konklusyon pero terorista, away pamilya at pulitika ang posibleng motibo. Susuriin muna namin ang mga ebidensya na pwedeng magturo sa mga suspek.'

'May kinalaman kaya dito ang bise presidente? Alam ng lahat na magkaaway sila at nais patalsikin sa pwesto ni Vice ang pangulo. Sa palagay niyo invloved ba ulit dito ang grupo ng mga sundalong nag-aklas laban sa pangulo?' pangungulit ng isa pang reporter.

'I cannot comment on that. Basta gagawin namin lahat para mapabilis ang pag-usad ng kaso.'

----

Sa pagkamatay ng pangulo, natakdang manumpa ang bise presidente para maging pinuno ng bansa. Umugong ang mga balita na maaring si Vice President Versoza ang utak sa likod ng pagpatay sa presidente. Matatandaan na may matinding sigalot ang magkabilang panig dahil sa idinawit ng bise ang presidente sa Milllion Dollar Housing Project Anomaly. Dahil dito, inaasahan na maglalabas ng kanyang panig si Vice President Versoza anumang oras bago ang panunumpa.

Naging puspusan ang kampanya ng NBI para mahanap ang nasa likod ng krimen. Natagpuan sa ikatlong palapag ng rest house ang isang M14-EBR. Nagtugma ang riple sa baril na ginamit sa pangulo. Tinitingnan ngayon na maaring isang suicide bomber ang bumaril at nagpasabog sa lugar dahil hanggang ngayon ay wala pang nakakakilala sa isang bangkay na natagpuan sa lugar ng krimen.

Habang isinasaayos ang opisina ng presidente sa Malacañang, nagpalabas ng press release ang Office of the President bilang pagdamay sa mga kamag-anak ng biktima. Hinihikayat din ang lahat ng mag-alay ng panalangin at kalimutan na muna ng mga kritiko ang galit sa pangulo. Kinondena ng simbahan Katoliko ang malagim na pagkamatay ng pangulo at ang pagapapasabog sa mga lugar ng ikinamatay ng ilan pang katao. Sa Malacañang, sinibak ang pinuno ng PSG dahil sa hindi mapailiwanag na bomba sa flower pot. Hanggang sa kasalukuyan, palaisipan pa kung paano nailagay ang bomba dahil walang nakita sa CCTV na pumasok sa opisina ng pangulo.

Nagpatawag ng conference ang bise presidente. Ipinatawag din ang mga reporter at iba pang myembro ng media para para linisin ang kanyang pangalan pagkatapos ng conference. Ilang minuto matapos ang meeting humarap siya sa naghihintay na media.

'I am here to prove my innocence. Yes, may political conflict kami pero wala akong personal na galit. Gagawin ko ang lahat para malutas ang krimen para sa ikalilinis ng pangalan ko. I don’t want to insult the NBI pero hinahamon ko ang lahat ng detective agency, magbibigay ako ng 50 milyon piso sa makakalutas ng kaso .' Matapos ang pahayag ay umalis na ang bagong pangulo.


Pumalpak ang tenga ng mga tagapakinig. May ilang kumuwestyon dahil maaring magdulot ng gulo at maituro ang kung sinuman para mapasakamay ang pera.

'Bangon! May bisita ka Llanes.' utos ng warden kay Paolo.

Alertong kumilos si Paolo matapos makita ang bisita. Si General Perez. 'Sir, naligaw yata kayo?' wika ni Paolo matapos sumaludo.

'Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I need your service Ex-Marine Llanes. Maganda ang track record mo kaya kailangan ko ang tulong para malutas ang pagkamatay ng presidente.' direktang pahayag ng heneral.

'Pinapatawa mo yata ako general? Kaya ako nakakulong dahil sa pag-aaklas laban sa pangulo tapos tutulong ako sa inyo? Imposible.'

'Fifty million ang inaalok ng bise presidente. Gusto kong kunin ka at ipasok sa detective agency ko.'

' Ano naman mapapala ko?.'

'Kalayaan at 10 milyon. Ako na ang bahala para linisin ang records mo Llanes. Pero hindi ka na makakabalik sa serbisyo.'

'Interesting. May pera na laya pa ako. Paano kung hindi ko malutas?'

'Balik kulungan ka.'

'Pag-iisipan ko.' Tumalikod si Paolo, iniwan ang heneral.

'Babalik ako bukas, Llanes.'

itutuloy muna... (wala maisip)


Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 8)




Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

VIII. Game Plan


Bagamat balisa sa biglaang pagkikita nila ni Lady Armela, buo pa din ang loob ni Luis na ituloy ang misyon. Lalo siyang naging interesado sa Black Child at sa mga taong nagbabalak mapasakamay ito. Handa na siyang banggain ang sinumang hahadlang sa kilos niya.

Kinahapunan, binalikan ni Luis ang imahe sa may mesa at hinintay ang takip silim. Siniyasat niya ang paligid kung may nagmamasid sa kanyang ginagawa bago tuluyang nagpatuloy. Bahagyang binuksan ang bintana tulad sa anggulo nito noong nakaraang araw at inayos ang puwesto ng katawan ng Santo Niño.

Lumiwanag ang anyo ni Luis. Napalitan ng saya ang kaninang balisang kalagayan. Unti-unti, kuminang ang katawan ng imahe dahil sa repleksyon ng liwanag ng araw. Lumitaw ang mapa na iginuhit ng sinag ng araw. Mabilis na kinunan ng larawan ni Luis ang katawan ng Santo Niño bago tulayang maglaho muli ang mapa.

'Game time! Maglaro tayo ng taguan mga kaibigan,' anas ni Luis saka isinilid sa bag ang replika.

Lumabas ng bahay si Luis. Ramdam niya ang malamig na hanging dumampi sa katawan. Pasakay na sana siya ng tricycle papunta sa ilog nang biglang maalaala si Jo-Anne na iniwan niya kanina sa may plaza.

'Aling Remy, nasa taas na ba si Jo-Anne?' tukoy ni Luis sa kwartong inuupahan ng dalaga.

'Hindi ko pa napapansin hijo na umakyat pero kanina lang, andyan siya sa tapat.' sagot ni Aling Remy.

'Luis, napapansin ko malaki na ang ipinagbago mo. Hindi ka masyadong weird ngayon. Dahil ba yan kay Ma'am?' kantiyaw ni Jose.

'Oo nga! Mukhang magaling ngang magturo 'yang si Ma'am. Pati puso ni Luis nagawang turuan.' sabat ni Ariel.

'Mga ulol! Huwag ninyong bigyan ng kulay. Nakakahiya naman kay Jo-Anne,' si Luis.

'Oo nga Luis, parang napapadalas ang lakad ninyo ni Jo-Anne.' ayuda ni Aling Remy. 'May nararamdaman ka na ba sa kanya kasi palagay ko si Jo-Anne ay nahulog na ang loob sa'yo? '

'Aling Remy, hindi naman kasi imposibleng tamaan si Jo-Anne kay Luis, bukod sa mabait na tao eh mukha pang artistahin.' singit Jose.

'Magkaibigan lang po ang turingan namin Aling Remy.' pagtatanggol ni Luis sa sarili para makatakas sa kantiyawan.

'Asus! Artista talaga! Pati sagot showbiz na showbiz.' halos mamatay sa katatawa sina Jose at Ariel. Sumakay si Luis ng tricycle bago tuluyang maalaska.

'Ingat ka lover boy!!!' habol ni Ariel.

Sa ilog, napansin agad ni Luis ang hinahanap. Nakaupo sa malaking bato si Jo-Anne na tila may malalim na iniisip.

'Kanina ka pa ba dito?' Umupo si Luis sa tabi ni Jo-Anne.

'Nakakagulat ka naman! Kanina pa ako dito hindi na kita inabala baka kasi masakit pa ang tiyan mo,' bahagyang nawala ang lungkot sa mata ni Jo-Anne.

'Mukhang malalim pa sa ilog ang iniisip mo ah. May problema ba?'

'Wala naman. Naiinip lang,' tipid na sagot ng babae.

'Medyo matagal na din tayong magkakilala pero di pa kita masyadong kilala. Sino ba talaga si Jo-Anne? May mga inililihim ka pa ba sa akin?' tanong ni Luis na tila nag-iimbestiga para makatiyak kung si Jo-Anne ang tinutukoy ni Lady Armela.

Nabigla siya sa tanong ni Luis. 'Parang job interview ah. Nasabi ko na ang buhay ko sa'yo. Galing ako sa mayamang pamilya at tumakas sa kinagisnang buhay para may mapatunayan sa sarili. Kung may inililihim man ako, siguro ay ang nararamdaman--' Hindi na tinapos ni Jo-Anne ang sasabihin nahiya marahil.

Nawala ang tinik sa lalamunan ni Luis bagamat may pagdududa pa din. Ilan pang tanong ang ibinato niya kay Jo-Anne at tuluyang napawi ang pagdududa niya. Walang kaugnayan si Jo-Anne sa Black Child.

'Mukhang masama ang panahon. Uwi na tayo.' hikayat ni Luis.


KINABUKASAN, may kalakasan ang bagsak ng ulan at umaalingawngaw ang mapaminsalang ihip ng hangin subalit hindi natinig si Luis, lumabas siya ng bahay para ituloy ang mapanlinlang niyang plano.

Inihanda niya ang kanyang sarili. Nagsuot ng bullet proof vest at inilagay sa kanang bahagi ng vest ang poisonous needles na gagamitin niyang pang-opensa kung sakaling may kalaban na umatake ng malapitan.

Matapang na sinuong ni Luis ang bagyo. Ngayon niya isasakatuparan ang plano. Bukod sa hindi na niya kailangan makipag-ugnayan sa Air Support para sa artificial rain, magiging mas maepektibo ang kanyang pagkilos dahil limitado ang kalaban. Isinet-up niya ang kanyang gamit para kalkulahin ang gagawing pagpapasabog sa kinaroroonan ng Black Child. Katulad ng nakaraang mga misyon, walang anumang tunog ang malilikha ng pagsabog at landslide pa din ang ituturong dahilan ng paguho ng lupa. Naging maingat si Luis dahil ang kinalalagayan ang imahe ay malapit sa Bridge of Promise. Isang maliit na pagkakamali ay guguho ang tulay.

Gumuho ang lupa. Nahawi ang gubat. Gamit ang metal detector, natukoy agad ni Luis ang bakal na baul ng Black Child. Walang pagkakaiba sa sisidlan ng replika. Tagumpay ang misyon. Tapos na ang misyon pero nag-uumpisa pa lang si Luis maglaro.

'Arden, Hawak ko na ang Black Child,' tinawagan agad ni Luis si Arden matapos makuha ang pakay.

'Napakagandang balita para pawiin ang masamang panahon Luis. Pinahanga mo ako. Nasa paligid lang si Vagrat, Loduko at Spaka, alalayan ka nila hanggang dito.'

'Ang pera? Ang kabuuan kabayaran sa misyon?' seryosong sagot ni Luis.

'Walang problema. Pag-uwi mo nasa kwarto mo na.'

'Good. My mission ends here. Maari sigurong ang mga tauhan mo na lang ang maghatid ng Black Child.'

'Dapat tayong magcelebrate, sandali lang naman.'

'Sige! Palabas na ako. Kung may lilitaw na kalaban makikipaglaro muna ako sa kanila.'

'Goodluck then.'

Umakyat si Luis sa mataas na bahagi bago pa muling gumuho ang lupa. Lumitaw agad ang mga kalaban matapos niyang timbrehan si Arden. Nakamaskara ang mga ito at agad siyang pinaligirin.

'Gusto niyong makipaglaro?! Come and get me!' sigaw ni Luis.

'Ibigay mo sa amin ang Black Child kung ayaw mong mapahamak!' u
tos ng lalaking nasa unahan ng grupo.

'Bakit ko ibibigay? Umalis kayo sa harap ko bago ko tapusin ang buhay n'yo!'
pagmamatigas ni Luis.

'Pinapatawa mo ako lalaki, kami pa ang pinagbantaan mo bata!'

'Hindi kita binabataan. Isa iyong babala. Tama na ang putak, umpisahan na ang laro!!
Nakangiti si Luis tila sabik na sabik sa labanan.

Hinila ni Luis ang pisi sa kanya kuwintas. Pumikit si Luis na tila nang-aasar. Sumugod agad ang grupo.

'Katapusan mo na!!!'
sigaw ng kalaban. Gamit ang pwersa ng kalaban agad niyang naiupo ang isa at ginilit ang leeg gamit ang pisi. Hindi siya lumingon pero ramdam niya ang pagsuray at pagbagsak nito. Nilundag niya ang ilan pang kalaban, isinaksak sa anumang lantad na bahagi ng katawan ang poisonous needles. Animo'y troso na itinumba ng bagyo ang mga kalaban. Hinarap niya ang pinuno, lakas sa lakas ang labanan. Isang hawak lang sa kaliwang braso at isang suntok sa batok ang tuluyang nagpatumba sa pinuno.


Dumating ang iba pang naghahangad sa Black Child matapos patumbahin ni Luis ang unang grupo. Sa pagkakataong ito, sumulpot ang mga assasin. Dumikit kay Luis.

'Kami na ang bahala. Protektahan mo ang Black Child,' ani ng isa sa mga assasin na nagpakilalang si Vagrat.

Pambira ang bilis ng tatlo, hindi man lang maanig ang kanilang pagkilos tila nagtatago sila sa patak ng ulan. Parang may malakas na kuryente ang mga assasin, na simunang dumikit ay tiyak na mamatay. Nakita na lang ni Luis na humandusay ang mga patay na katawan sa lupa. Hindi na kailangan ang kanyang tulong. Napipi siya sa nakita. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong kakayahan sa pakikipaglaban.

Natapos ang labanan. Nawala din agad sina Vagrat, Loduko at Spaka matapos tipunin ang mga bangkay sa isang lugar. Inalis ni Luis ang maskara ng mga kalaban sa pagbabakasakaling may makikitang pagkakakilanlan.

Lumundag mula sa kung saan si Vagrat. Hinagisan ng soundless bomb ang tumpok ng mga patay. Hinila si Luis palayo. Bagamat gulat ay sumama siya sa assasin. Ilang segundo lang ay naghiwa-hiwalay ang mga bahagi ng katawan ng mga bangkay. Inaanod ng ilog ang pira-pirasong laman. Bumagsak ang tulay sa lakas ng impact. Naputol ang magkabilang bahagi ng Bridge of Promise.

'Kailangan malinis ang misyon. Huwag kang maawa sa kalaban.' Naglaho muli si Vagrat.

Sumakay agad ng tricycle si Luis at umuwi ng bahay. Limpak-limpak na pera ang nakita niya sa kanyang kwarto. Agad niya itong itinago, nagbihis at sumakay sa naghihintay na kotse ilang metro sa tinitirahan.

Abot-tenga ang ngiti ni Arden nang makitang parating si Luis. Agad niya itong inakbayan at inalalayan papasok ng bahay.

'Tapos na aking misyon. Siguro naman ay makakauwi na ako,' wika ni Luis matapos iabot ang Black Child. Tumalikod si Luis.

'Sandali lang Luis. Nasaan ang mapa sa loob ng Black Child?'

'Anong mapa?'

'Ang mapa! Saan mo inilgay ang mapa sa loob ng Black Child!' galit na sigaw ni Arden.

'Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala kang sinabi sa aking tungkol dito.' kalmado pa din si Luis.

'Binayaran kita para hanapin ang Black Child, hindi para pakialaman ang laman nito o magtanong ng tungkol dito!'

'Puwes, wala ka din karapatan malaman kung nasaan ang mapa. Dahil binayaran lang ako para sa hanapin ang imahe hindi para magturo ng mapa.'

'Matigas na ka na ngayon. Vagrat, Loduko at Spaka!'

Dumilim ang paligid. May matigas na bagay ang tumama sa batok ni Luis.




itutuloy...

____
TRIVIA: Ang Bridge of Promise ay isang tulay sa Batangas na gumuho noong tumama ang bagyong Santi sa lugar. Anumang dahilan ng pagguho ay wala akong kinalaman.

eklipse


nakatungo

nakatitig sa tubig

nanonood ng solar eclipse

napasmile

napakamot sa pwet

sana tayo ay may eclipse

kahit anong layo

tayo ay pinagdidikit

pedestrian lane


written : 11310
by: panjo

'I'm sorry Jerwin, nabored ako sa relationship natin kaya...mas mabuting magseparate ways na tayo. We can be good friends.'

'Hindi ba natin pwedeng bigyan ng second chance? Let's fix our relationship. Please Ysah.'

'That's the problem with you!!! Sobrang bait mo sa akin. Ako na nga ang nangaliwa ikaw pa ang hihingi ng chance!'

'Because I love you. Mahirap bang intindihin?'

'Please... Jerwin.. Let's end this. Maraming babaeng magmamahal sa gaya mo. You deserve someone better.'

Pambihira! Like Ysah, ganyan din ang dialog ng previous girlfriend ko. Kasalanan na ba ang pagiging mabait? Lalo tuloy akong naguluhan sa mga babae. Kadalasan, kahit nasa kalagitnaan ng klase, sa loob ng jeep, sa pila ng bigas bigla na lang hahagulhol dahil niloko ng boyfriend. Isusumpa ang lahi ni Adan at hahatulan na kampon ni satanas. Ang ilang pilit pinagbabago ang masamang ugali ng karelasyon nila. Kung mambabae naman halos putulin ang magkabilang ulo. Tapos yung matitino babansagan na boring?

Iba na pala ang requirements ng love ngayon. Dapat hindi maboring at dapat hindi open-minded. Ano bang klaseng excitement ang hinahanap? Hindi naman ako makakatambling dahil may kalakihan ang aking tiyan at may kabigitan ang aking katawan. At kung alam ko lang na bawal maging mabait sana sinakal ko siya habang sinasabi na mahal ko siya. Sana kami pa ngayon.


'When you obey all the rules, you miss all the fun!' sabi ng pinsan kong adik noong makita akong senti sa may puno ng bayabas. Naging bitter kasi ako at nagkaroon ng grudge sa babae. Gusto kong maghiganti sa lahat ng babaeng makakasalubong ko pero mas pinili kong habulin si Ysah. Gusto kong tusukin ang mata ko para magising sa katotohanan na hindi na siya babalik sa akin. Para akong daga na binitag. Hindi makawala sa bitterness at loneliness at lahat ng nega-ness. Aw!

Tulad ng libu-libong patronizer ng alak, pakiramdam ko, ako ang pinakamalungkot na nilalang at ang itinuturong salirin ay ang pag-ibig. Ninamnam ko ang bawat lyrics ng kanta na pinapatutog ng banda sa bar na tinambayan ko. Sa may sulok ng bar nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Jherramie Ann. Classmate ko siya noong College at kilalang student leader. Tinalo niya ang drama ko. Kita sa kanyang mukha ang sobrang kalungkutan.

'Anong ginagawa ng isang matapang na babae sa ganitong lugar at halatang anumang oras ay babagsak na ang luha?' Alam ko sa sarili ko na may dinadamdam siya, halata naman dahil parang nagtayo siya ng blowling alley sa dami ng bote ng alak sa harap niya. Tulad ko, nakikinabang siya sa pansamantalang amnesia na inihahatid ng alcohol.

'Nagtatago para walang makakita na umiiyak din pala ang matapang kaso nakita mo ako.'

'Varsity ako ng hide and seek. Hindi bagay sa isang magandang gaya mo ang may pedestrian lane sa noo. Sige ka baka mamaya may bakas na ng paa sa mukha mo. '

'Under construction ang kalasada. Bawal tumawid.' tipid na sagot niya.

'May problema ka for sure.'
Gusto ko siyang pangitiin, ayokong talunin niya ang drama ko sa may puno ng bayabas.

'Si Arnold as usual.'

'Ah, the basketball superstar, tagal na niyo din ah. Nag-away kayo?'

'He cheated. Tapos na kami pero hindi mawala ang feeling ko sa kanya. Kaya heto, nagkukuwaring malakas pero pagsapit ng gabi para akong may gripo sa mata. At ikaw mr. nice guy, bakit ka nandito?'

Hindi ko akalain na ang ganitong malaanghel na mukha ay nakukuhang pang lokohin ng lalaki. Nawala tuloy ang grudge ko sa mga babae.

'Nakakahiya man aminin, pareho tayo ng problema. Masama daw kasi maging nice guy , she got bored kaya she left me.'

'Funny!' She mocked. 'Kaya nandito ka din para makalimot?'

'Parang ganoon na nga. Mga babae kasi masyadong mapaglaro sa damdamin ng lalaki.'

'Hoy! kayo nga itong may madaan lang na nakapalda halos magkandarapa sa paghabol. '


'Looking doesn't equate to cheating. Hangga't walang ginagawang move inosente kami sa paratang na polygamous. Kayo ang hindi namin maintindihan dahil kapag mabait ang lalaki, get bored ang dahilan kapag naman walanghiya ang lalaki nagwiwish ng mabait na guy.'


'Palusot! Guys nowadays, nakapachickboy! Kahit hindi gwapo maraming babae.'

'Sino ba nagpauso ng logic na yan? Ibig sabihin kapag gwapo may license na maging babaero?'

'Aba ewan. Basta alam ko lagi single ang status niyo.' si Jherramie.

'So much for that, pareho tayong biktima.'

Nagkasundo kaming magkita muli to help each other para makarecover. Unti-unting kong nabura ng pedestrian lane sa noo. Nakita ko muli ang dati niyang ngiti noong magkaklase pa lang kami. Hindi ko maitatanggi na siya ang may pinakamagandang smile na nakilala ko. Kung dati sa bar kami nagpapakalango ngayon sa mga coffee shop na. Naging good friends kami kahit madalas naming pagdebatihan ang kahinaan ng lahi ni adan at eba.

Hindi kami close noong nag-aaral pa lang kami kaya ngayon ko lang nalaman kung gaano kakulay ang buhay kasama siya. Nakangiti ako palagi na parang baliw, so, I pinched myself a lot para malaman kung totoo ang nangyayari. Sa paglipas ng mga araw, naramdaman ko muli ang pana ni kupido. Asintado ang mokong same spot ang tinamaan. Nahulog na nga ng tuluyan ang damdamin ko sa taong madalas kong kasama. Ang dating pagkakaibigan namin ay binigyan ko ng kulay.

Inamin ko sa kanya ang pag-ibig ko. I miss her kapag hindi kami magkasama at kung paano naging musika ang tinig niya sa aking tenga. I courted her. Gusto ko higitan kung ano ang meron kami ngayon, gusto ko siyang makasama hanggang sa huli at wakasan na ang kabiguan na minsang dumurog sa mga puso namin noon. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Then she blushed. Sabi niya sa birthday ko na lang ang sagot. Pumalakpak ang tenga ko. Parang may mga bells na tumututog sa tenga ko.

Week before my birthday, nasira ang masayang araw ko. Dumalaw si Arnold sa bahay nina Jherramie. Inurirat ang mga masayang araw nila at nangakong hindi na muli siya lolokohin. Unti-unti, lumambot ang puso ni Jhe at humingi ng time para makapag-isip. Naletse na! She confronted me. Bigyan daw ko siya ng tamang panahon para maevaluate ang feelings niya. Umalis siya ng bahay at palaging out of reach ang phone. Nagcelebrate ako mag-isa ng birthday pero sa puso ko kasama ko siya.

Two weeks na wala akong balita kay Jhe. Sa bawat umaga, dahan-dahan kong binubuksan ang aking mata para hindi ako masyadong masasaktan na wala pa ang babaeng hinihintay ko. Sa gabi, humihiling naman ako na sana ang araw na iyon ang huli na makakaramdam ako ng sakit at huling araw din na iiwanan ako ng taong mahal ko.

Binabalikan ko ang mga lugar na pinuntahan namin pero hindi para malungkot kundi para alalahanin ang masasaya naming araw. Pumitas ako ng dahon sa may peoples park, sayang, ipagmamalaki ko pa naman sa kanya na marunong na akong sumipol gamit ang dahon.

Ngayon, last stop ko ang bar. Ang lugar kung saan kami nagkita. Sana masaya siya kung nasaan siya. Sana matagpuan niya ng tunay na kaligayahan at sana wala siyang pedestrian lane sa noo. Ilang oras akong tumambay sa loob. Naghintay. Walang dumating. Kalokohan na nga siguro ang umasa. Lumabas ako ng bar at napagdesisyunang umuwi.

'Hold-up 'to, Huwag kang magtatakang gumalaw,' Ramdam ko ang matulis na bagay sa aking likuran.

'Wala akong barya. Buong pagmamahal lang ang kaya kong ibigay Ms. Holdaper...' Humarap ako at niyakap ng mahigpit si Jherramie.

'Ok na yan, madami naman akong panukli.' si Jhe. She kissed me.

-end-

Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 7)




Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6


VII. Friend or Foe



Kinaumagahan, bumangon agad si Luis nang maramdaman ang sinag ng araw sa kanyang binti. Tinungo ang vault kung saan nakatago ang replika ng black child. Ipinuwesto ang imahe sa kamagong na lamesa saka binuksan ang bintana. Kinuha niya ang digital camera para kunan ng larawan ang santo niño sa sandaling na lumitaw ang mapa.

Abot tenga ang ngiti ni Luis. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lumitaw ang mapa. Napalitan ng pagkalito ang kaninang excited na mukha.

Makailang ulit na binukas-sara ang bintana. Napasandal siya sa pader, umiling at ngumiti ng bahagya. 'Pambihira!' sigaw ni Luis na may halong pagkamangha. 'May kaartehan pa pala ang pagkakatago ng mapa... dapat sinag pa ng araw sa dapit hapon!' May kuryusidad niyang kinuskos ang imahe. Inaalam kung anong kemikal o pintura ang ginamit para itago ang mapa, na kahit sa research ay di nabanggit.

Matapos maligo lumabas siya ng bahay, balak niyang mag-iikot-ikot sa bayan, bagay na matagal na niyang di nagagawa, tutal coding ang tricycle niya. Nasa gawing terrace na siya ng maiisipan niya muling pumasok.

'Psst! Aba! Suplado mo naman!' Maktol ni Jo-Anne habang nakalagay pa ang dalawang kamay sa bewang na parang naghahamon ng away.

Bahayang natigilan si Luis. Tumingala sa kisame, naghanap ang pwedeng alibi sa kanyang pag-iwas. 'Hindi kita napansin, kukuha sana ako ng sombrero,' palusot ni Luis na halatang umiiwas.

'Sus, iniiwasan mo yata ako, baka...'

'Sporty ang look ah!' Ayaw marinig ni Luis ang sasabihin ni Jo-Anne sa takot maungkat ang namagitan sa kanila sa may ilog noong nakaraang araw. 'Mamalengke ka?'

'Abnormal! Magsi-swimming siguro.' sarkastikong sagot nito. 'Jogging tayo? Maganda ang sikat ng araw eh..'

'Tinamad ako e. Hindi ba pwedeng nakatricycle na lang ako habang tumatakbo ka?'

'Sayang ang laki ng katawan mo kung lalamunin ng taba. Coding ka pati di ba?.'

'At may pagnanasa ka pala sa katawan ko kaya ka dikit ng dikit. Now I know. Sasama ako sa isang kondisyon, dapat dumistansya ka sa akin para hindi na ako mapagsamantalahan'

'Yabang nito. If I know naenjoy mo din ang halikan ako.'

'Lasing ako noon, wala akong matandaan na may naenjoy ako.' Tinakpan ni Luis ang bibig ni Jo-Anne dahil napansin niyang sumisilip si Aling Remy. Bago pa tuluyang makapagsalita hinila na ni Luis ang dalaga palayo.

Parang tutang sumusunod sa kanyang amo si Luis. Minsan nagtatago siya sa likod nga mga puno para makapagpahinga o di kaya naman ay dumadaan sa short-cut para makahabol muli sa walang kapaguran na si Jo-Anne.

'Bili muna ako ng tubig,' pagal na boses ni Luis. Napahalakhak naman si Jo-Anne at ipinagpatuloy ang patakbo.


Pabalik na si Luis nang may mapansin siyang kanina pang sumusunod sa kanya, ilang metro mula sa kanyang kinatatayuan ay may dalawang lalaki. Sinimulan niyang lumihis ng daan para hindi madamay si Jo-Anne kung sakaling may gulo na mangyayari. Patuloy ang sunod ng dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng asul na jacket.

Inihinda ni Luis ang sarili nang marating sa bakanteng lote. Hinawakan niya ang kanyang kuwintas, kinapa ang pendant at sinimulang hilahin ang pisi sa loob - ang pangunahing armas ni Luis. Manipis ang pisi na halos hindi makita ng mata subalit kaya nitong humiwa ng leeg o gamiting depensa sa anumang matalim na bagay. Nasa fighting stance na si Luis. Inihakbang kaliwang paa, iniatras ang kanan at naghintay sa pagdating ng kalaban.

'May mensahe galing kay Lady Armela. Hihintayin ka niya sa Old Rose Garden,' wika ng isang lalaki. Umalis ang dalawang matapos iparating ang pakay. Akmang hahabol pa si Luis pero may dumaang motorsiklo na nag-angkas sa dalawa at mabilis na tumalilis.

'Si Jo-Anne!' Mabilis na tumakbo si Luis. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa pag-alalang hawak ni Lady Armela si Jo-Anne para gawing barter kapalit ng replika.

'Jo-Anne! Jo-Anne! Jo-Annnnneee! ' Napaluhod si Luis . Sinisi ang sarili. ' Jo-Annnnneee! ' Hindi niya akalain na madadamay si Jo-Anne.

Ilang minutong nanatili sa pagkakaupo si Luis. Gumigilid na sa kanyang mata ang luha. Kinuyom ang kamao. Namayani ang galit.

'Luis? Bakit ka nakaluhod diyan?' may kalituhang tanong na pamilyar na boses.

Napayakap si Luis ng makita si Jo-Anne. 'Saan ka ba nagsusuot?'

'Aba! Chansing na 'yan!' Umalis sa pagkakayakap si Jo-Anne dahil madaming tao ang nakakakita sa kanila. 'Namahinga sa may kabilang parke mas masarap ang hangin doon.'

Naguluhan ang isip ni Luis. Sa isip niya may matinding pakay sa kanya si Lady Armela. 'Kailangan ko ng umalis. Mauuna na ako, sumakit bigla ang tiyan ko e.'

Naiwang tumatawa si Jo-Anne matapos tumakbo ng ubod ng bilis si Luis. Effective ang pagpapanggap ni Luis na dumaan lang siya sa pinakamatinding problema, ang pag-atake ng diarrhea.


Sa Old Rose Garden, mabilis niyang napansin si Lady Armela. Lutang sa karamihan ang malasutla niyang kutis. Mapapansin din agad ang maamo nitong mukha kahit walang anumang kolerete. Nakalugay ang kanyang buhok na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tahimik ang babae habang nakamasid sa mga paru-parong hindi mapakali kung saan dadapo.

Napalunok si Luis. Kumuha ng lakas ng loob para kausapin ang dating kasamahan, kaibigan at minsang minahal bago kay Cielo.

Naistorbo sa panood si Lady Armela. Tinapunan ng ngiti ang lumapit na si Luis. Pinong kumilos ito papunta sa upuang iniaalok ni Luis.

'Thank you! Wala ka pa ring ipinagbago, your still the same Luis.' Humalik si Luis sa kamay ni Lady Armela bilang paggalang matapos ay tinawag ang waiter para humingi ng maiinom.

'Ikaw lang ang nagbago, lalo kang gumanda.' tipid na wika ni Luis. 'Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?'

'Matalino ka Luis. Alam mo na siguro kung bakit.'

Dumating ang waiter. Humigop ng wine si Luis saka tinumbok ang matagal ng gumugulo sa kanyang isip. 'Bakit ka tumiwalag sa grupo?'

'Iba ang tumiwalag sa tiniwalag, Luis.'

'Sabihin na natin ganun, pero bakit kailangan mong kalabanin ang grupo?'

'Well, for now we can't tell who is the enemy. Marami ang naghahangad ng black... at ang susi ay hawak mo ngayon.'

'So, gusto mong ibigay ko sa'yo ang replika?'

'Not my dear.'
Ngumiti si Lady Armela, nanatiling mahinahon. 'Gusto ko lang malaman mo na hindi ako kalaban at hindi din kakampi.'

'Hindi ko maintindihan.'

'Matalino ka Luis. In time you will know.'
Tumayo si Lady Armela, lumakad paikot sa kinauupuan ni Luis. Mula sa likuran, mapanuksong idikit ang labi sa pisngi matapos ay bumulong sa tenga. 'Bye my dear, mag-iingat ka. Marami ng nagmamasid sa sunod na hakbang mo at maaring ang pinagkakatiwalaan mo ang magtataksil sa'yo.'

Lumabas ng Old Rose Garden si Lady Armela habang naiwang umiinom ng wine si Luis.

'Gusto n'yo ng laro. Pwes umpisan natin! sa isip ni Luis.



itutuloy...




---
yan muna.. wala pa sa mood