Skinpress Rss

Alaala ni Agnes



Sumigaw si Mang Xander sa simbahan nang makita si Agnes. Hindi niya pinansin ang mga taong nagbulungan o nabigla sa kanyang inasal. Para sa kanya natural ang kanyang reaksyon.

Kahit may kabagalan na ang pagkilos ay pilit siyang tumakbo pauwi. Nagkulong siya sa loob ng bahay. Isinara ang pinto at bintana. Nanginginig ang kanyang kamay. Kinuha niya ang larawan ni Agnes at biglang nagmura.

Throw Back - Maikling Kwento


image credit to belle
"Oh, ano na? Jean!"

"Parang hindi lang ako makapaniwala, bata pa ako nun, inosente at padalos-dalos. Sinong mag-aakala na ang katabi ko ngayon ay ang lalaking naghula ng number ko nine years ago?"

"Ibig sabihin may pag-aalinlangan ka?"

"Wala. Masyado lang mahiwaga."

Magical. 'Yun siguro ang perpektong salita para ilarawan ang aking buhay pag-ibig. Tipong inakala ko na bunga lang ng kapusukan at sinamahan pa ng pa-tweetums na kaharutan.

Upload- Maikling Kwentong Pambata


Isang taon ng magkaibigan ang kapatid kong si Luis at si Eugene. Akala ko noon hindi sila magkakasundo dahil sa magkasalungat nilang pag-uugali. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang pangyayari ang naging dahilan upang maging matalik silang magkaibigan.

Nakatanggap ng isang tablet si Luis bilang regalo sa kanyang kumpil. Simula noon naging ugali na niya ang kumuha ng larawan o video ng mga bagay, pangyayari at lugar na napuntahan niya. Dahil dito nakatanggap siya ng papuri mula sa mga kalaro at kaklase. Naisipan niyang gumawa ng sariling facebook upang makatanggap ng mas marami pang papuri. Pakiramdam niya may kakaibang pakiramdam ang bawat like at share na matatanggap niya.

Dinig Kaya Niya?



Lumang tanawin na sa paligid ng simbahan ang makapal na bilang ng tao tuwing araw ng Linggo. Hindi mabilang ang deboto't tindero na nagdadasal upang makatanggap ng biyaya sa parokya ng Santo Rosaryo.

Pauwi na si Mik nang mapansin niya ang batang hindi natitinag sa init ng araw at alikabok ng lansangan. May hawak pa itong manipis at upos na kandila.

Aswang in the City


sketch : mel martinez
"Babala. Huwag magpahuli ng uwi sa gabi. Isang trak ng aswang ibinaba sa Festival! -pulis alabang."

"Wag ka ngang praning!"

"Hindi naman imposible, kahit nga sa old at new testament may patunay ng multo at aswang."

"Exactly. Luma na. Extinct na. Off all places dito pa? Magpapagod pa sila magbyahe pwede naman sila sa katabing probinsya. Kung manananggal 'yan, bakit sumakay sa trak? Kung kapre, kasya sa trak? Sino saksi ng pagsakay sa trak buti hindi inabot ng truck ban?"

Ang Dating Lider ng Banda


image : mel martinez
Ang panahon ay kahila-hilakbot nang umalis ako para bumili saging para sa aking asawa. Ilang araw na siyang natatakam sa saging na dinaanan namin sa Valenzuela.

Naghihintay ako ng bus sa may kanto ng LDB nang mapuna ko si Jerome na sumisilip sa sa saradong tindhan ng instrumento. Ang tindahan ay under renovation ngunit hindi ito na nasimulan kahit kailan. Tanging barikada lamang upang hindi mapasok ang nailagay.

Sa Ilalim ng Puno ng Mangga


credits : mel martinez
Sa ilalim ng puno ng mangga ay may nakatagong lihim. Mga sikretong ibinulong na lamang sa hangin at tinanggap na ng panahon na bahagi lamang o itinuring na ilusyon.

Maraming Agosto na ang lumipas. Kasama nitong umalis ang mga alaalang iniwan ni Mitch. Siya 'yong anak ng kapitbahay namin dati. Madalas kong kasama sa takipsilim o sa mga panahong malamlam ang panahon.

Huling Dasal


"San ka na? Akala ko ba malapit ka na?" tanong ni Misis na hindi naman humingi ng sagot. Pagkatapos niyang magsalita ay pinatay agad phone. Hindi ko siya masisisi kasi 20 minutes na siyang naghihintay sa District Mall. Sinisi ko ang trapik. Pero late na talaga ako nakaalis.

Malagkit ang hanging tumatama sa aking mukha kahit maggagabi na. Mabagal ang takbo ng sasakyan kaya ramdam ko ang init. Rumoronda ng init ng ulo mula sa driver hanggang sa batang pinangakuan ng paglalaro sa timezone.

"San ang bente?" tanong ng driver. Walang sumagot. Nagtinginan lang ang pasahero.

Double Deck


image : home decor
Ganda ni Kara.

Iyong tindera sa Aurora.

Ngumiti.

Tapos sumimangot.

Bumili ako ng kandila.

Libre na daw.

Humingi ako ng juice.

Pinabayaran.

Maganda si Kara.



Ayaw ko talagang matulog sa ibabang parte ng double deck.

Mahirap gumalaw.

Mauuntog.

Mabubukulan.

Parang nakalulunod.

Hirap huminga.

Magigising kapag may malikot sa ibabaw.

Nakalimang ikot na yata si Pete sa taas.



Badtrip talaga ang blackberry.

Walang kagaya ang charger.

Hindi naman makapagtext kapag paubos na ang battery.

Mabuti pa ang nokia.



Tambak ang text ni Norman...

Lima yung pre..

Tatlo yung dre lang ang laman..

Namiss yata si Simsimi.

Hindi naman ako marunong magtranslate.

Yung pinakauna ang pinakamahaba..

May mura pa.

Aso sya!


"Nasan na yung kandila?"

"At yung juice na pinabibili ko."


"Excited? Bukas pa camping dre." reply ko.

"Lowbat na naman blackbery mo? Dami ko text ah. Langya camping pa inalala mo."

"Si Pete nga tulog na tulog pa."

"Naaksidente si Pete. Patay."


Napatayo ako sa double deck.

Nabukulan.

Takipsilim



Ako ay nakangiti habang hawak ang larawan ni Mika. Umiling-iling habang pinagmamasdan ang tumapong tubig mula sa pitsel.

"Buti na lamang hindi ka nabuhusan ng tubig," wika ko sa larawang alam kong hindi iimik. "Punyetang lamesa. Mahina. Walang silbi." Hindi ko alam kung galit ako sa mesa o sa aking katangahan.

Nakatulog na pala ako habang nakaupo sa sahig. Nasa number five na ang maliit na kamay ng orasan. Hindi ko maaninag ang malaking kamay kung nasaan. Malinaw naman ang aking mata subalit ako ay namamanglaw kaya malabo ang aking nakikita.

Gumulong na palapit sa aking paa ang boteng hawak ko kanina. Katulad kahapon at noong mga nakaraan araw, napadami na naman ang ininom ko. Pila na ang mga bote sa tokador.

Sinubukan ko tumayo. Maingat. Mabagal.

Cum Laude


image from imfunny.net
Masaya sa karaniwan nitong itsura ang kalye ng Doromal. Tensyonado ang mga tindera ng palamig at banana cue na kadalasang nagkukuwentuhan pa habang nagsusukli. Aligaga ang lahat sa kapal ng taong nagtipon sa plaza. Ang hindi lamang pumasa ang nakasimangot sa araw ng graduation.

"Kumusta ang balik-bayan?" bati ng isang lalaking hindi ko matandaan ang itsura. Isang buwan na din ako dito pero hindi ko pa siya napapansin.

"Sobrang saya po! Graduate na po kaming lahat," pagmamalaki ko." Sa Antipolo lamang po ako galing hindi naman po ako balik-bayan.."

Up Up Down Down B A B A Select Start


image credit : mel martinez
Nagland fall na ang bagyo sa buhay ko. Disaster. Life changing.

One shot, big punch.

Sabi nga sa boxing kahit ang mahinang boksingero pwedeng manalo sa mas malakas at mas malaki. May lucky punch na tinatawag. Yung dehado bilang nanalo dahil nasapul ang weak spot.

Tumba. Bagsak. Tulog. Yung mahabang panahon na paghahanda mababalewala. Move-on at siguro matuto. Boxing ang topic mula sa basketball court hanggang sa loob ng jeep.

Isang Dipang Langit


image from adpost
Hindi ko inakalang kahit sa pamimigay ng kapirasong papel ay may diskriminasyon. Sinadya kong pumila sa babaeng namimigay ng flyers sa mga nagdadaan sa tapat ng shopping center pero bigo akong makakuha ng kopya. Palibhasa ay may dungis ang sout kong damit at obvious na hindi nasasayaran ng plantsa.


Pinulot ko ang binitawan ng huling babaeng tumanggap. Limpak na limpak na pera ang drawing, magarang bahay at isang kotseng kumikinang. Lahat maganda sa mata. Negosyo ang alok ng papel. Sideline o full time. Babae o lalaki.

Ang Kawatan



Parang ipis na tumakas ang kawatan matapos limasin ang mga gamit na pwede niyang pakinabangan sa nahulog na bus. Imbis na tulungan ang mga dumadaing ay inuna niya ang saraling kapakanan at nagmadaling isinilid sa nahagip na bag ang gamit, wallet at maliit na bagahe. Nang makalayo ay saka nito inimbentaryo ang nakulimbat.

Upahang Kwarto


credits to orig uploader
Umalis si Philip na basa ang mga paa pati na din ang suot na sapatos. Iniwan na niya ang mga bagay na magpapabagal sa kanyang pag-alis. Pinalalayas siya ng land lady. Kailangang wala na siya bago mag-umaga. Gagamitin ng mga bisita ang kanyang kwarto.

Hindi na siya siningil sa balanse. Tinalakan na lamang siya sa madalas na pag-apaw ng tubig sa harapan ng bahay. Alam kasi ng land lady na siya ang nakasira