sketch : mel martinez |
"Babala. Huwag magpahuli ng uwi sa gabi. Isang trak ng aswang ibinaba sa Festival! -pulis alabang."
"Wag ka ngang praning!"
"Hindi naman imposible, kahit nga sa old at new testament may patunay ng multo at aswang."
"Exactly. Luma na. Extinct na. Off all places dito pa? Magpapagod pa sila magbyahe pwede naman sila sa katabing probinsya. Kung manananggal 'yan, bakit sumakay sa trak? Kung kapre, kasya sa trak? Sino saksi ng pagsakay sa trak buti hindi inabot ng truck ban?"
Dehins na talaga ako totropa kay Hannah. Walang metric stick na kayang sumukat ng aming friendship pero sa isang iglap may iba siyang tropa. Dapat kasi walang pangako para walang expectation. 99% ng sakit galing sa expectation, yung 1% galing sa tooth decay.
Si Hannah andun sa Jollibee with new friends. Ako nasa Mcdo. Nagsesenti. May expiration talaga siguro ang friendship parang powers ni Ultraman na umaabot sa pagkalowbat dahil walang dalang powerbank. oh well, move on. Kaya nga may nadadapa para matutong tumingala. Bumangon. Laban! Puso! hastagGilas! idolkosialapag!
Shit happens talaga. Inevitable. Walang exempted. Lahat nasasaktan maliban sa iibig sa akin! Boom panes! Matapos akong paghintayin sa baba ng Convergys building eh hindi naman pala sasama sa akin. Para tuloy akong jologs na nakikinig sa mga ahente sa tabi ko. Hawak na nila ang iPhone 6 pero aswang ang kanilang topic.
Naalala ko tuloy si special someone, 'yung sinusulutan ko mula grade one na ang type naman pala e si Juan. Nasiraan 'yun ng ulo! Akala lahat ng helicopter na dumadaan ay nangunguha ng bata para gawing special ingredient sa sementong gagamitin sa tulay ng Japan.
Ewan ko ba kung bakit ang arte ko. Hindi naman ako nagkakaregla. Gusto ko lang naman kumain kami sa Mcdo.
Mabuti na lamang maganda iyong cashier na may pagkachekwa. Tipong ikukulong lang sa isang bahay ng 100 days, artista na paglabas! Masarap pagmasdan kahit medyo bilugan. Halatang paikot sa kusina magjogging.
Okay na ang moment ko bigla namang umeksena ang ingay ng mga ahente sa tabi ko. Tipong nasa kalagitnaan ka ng magandang panaginip biglang tutunog ang alarm o kaya nasa kasarapan ng pagtawa biglang lulubo ang sipon mo at kakantahan ka ng happy birthday to you. Lubid please...
Sabi nung mukhang first honor, hindi naman dapat katakutan ang aswang. Sa tagal ng hilig sa karne maaring mataas na ang BP ng mga ito, so hindi na sila pwede sa takutan. Ang kapre wala naman daw history na kumakain ng tao. Takot lamang silang maging bachelor habang buhay kaya lumilitaw. In fact, helpful pa daw ito sa photosynthesis dahil pinauusukan ng kapre ang mangga. Ang manananggal o tiktik pwede magsideline na aborsyonista. Everybody happy 'di ba?
Hindi nagpatalo ang kenkoy ng grupo. Aswang daw ang sagot sa pabagsak na ekonomiya dahil papatok ang horror booth. May panlaban na tayo sa China in case magkagera. Hindi na din daw kailangan ng complex procedure kung ibabalik ang death penalty. Isang banga ayos na.
Iyong mukhang attorney na hindi pumasa sa board, isang bargaining agreement lang ang katapat ng mga aswang para magkaroon ng harmonious relationship and healthy community. Ang masakit lamang dito ay kontrolado ng mga pulis ang aswang dahil alam ng mga ito ang bawat kinaroroonan. All in all, may GPS ang aswang.
Hindi naman may kahabaan ang pila. Mabagal lamang talaga iyong cashier. Hindi naman pwede isumbong dahil iyong manager ang kakwentuhan niya. Lovelife as usual ang topic. Todo share ang dalawa, pareho humihingi ng sagot sa kantang "Tell Me Where it Hurts". Maya-maya bigla na lamang silang nangisay. Sumabat pa ang customer sa mainit daw na tagpo ni Bea Alonzo at Paolo Avelino. Sa intindi ng eksena hindi na kailangan ang workshop.
Sa wakas naubos ang tao sa pila. Moment na namin ni Miss Cashier. Excited na may halong kilig.
"Good Morning sir. Order please."
Tinitigan ko si Miss Cashier. Eye to eye. Parang cursor na naghang. Walang blink. Tapos ibinabad ko ang aking mata sa kanyang name plate. Ngumiti ako sa kanya. Napaisip. Natakam. Tapos tumitig ulit ako sa name plate. Sheene.
Sinampal ako ni Sheene. Wala akong choice. Dinakma ko na ang kanyang dibdib. Natigilan ang mga ahente.
Si Sheene parang makopa. Masarap lamang tingnan pero walang lasa. Mapait ang puso halatang puno ng bitterness. Hindi tulad ng mga ahente, maputla pero smooth sa lalamunan ang dugo. May kasamang sinok bawat lagok. May after taste pa ng beer.
Kaya pala gusto ni Hannah sa Jollibee. Lutong pinoy.
-wakas-