Skinpress Rss

Alaala ni Agnes



Sumigaw si Mang Xander sa simbahan nang makita si Agnes. Hindi niya pinansin ang mga taong nagbulungan o nabigla sa kanyang inasal. Para sa kanya natural ang kanyang reaksyon.

Kahit may kabagalan na ang pagkilos ay pilit siyang tumakbo pauwi. Nagkulong siya sa loob ng bahay. Isinara ang pinto at bintana. Nanginginig ang kanyang kamay. Kinuha niya ang larawan ni Agnes at biglang nagmura.


"Hayop ka Anges! Kasalanan mo ang nangyari sa akin!"

Si Agnes ang nag-iisang babaeng minahal ni Mang Xander. Kahit pareho na silang may katandaan at maputi na ang buhok ay hindi nila malilimutan ang itsura ng bawat isa. Nakaukit sa kanilang mga puso ang mga sandaling pinagsaluhan noon. Ang kantyawan, pag-ibig at romansa.

Mahal na mahal niya si Agnes. Subalit mapanghusga ang mga parokyano ng kanilang pagtitinginan. Malaking tanong ang kabuhayan para magkaroon ng pamilya. Hanggang sa kinausap ng magulang ni Agnes ang batang Alexander noon, ipinamukha ang agwat, estado at height.

Umalis si Xander at nangakong hindi na magpapakitang muli. Ayaw niyang makitang may ibang mamahaling lalaki si Agnes. Subalit totoong mapaglaro ang tadhana. Ang inakala niyang swerteng araw ng pamamalimos sa simbahan ay may isang Agnes ang lilitaw sa kanyang harapan.

Bumalik sa kanyang alaala ang iniwang tanong ni Anges. "Xander? Anong nangyari sa iyo? Ang iyong kamay sobra ang panginginig!"

"Kasalanan mo Agnes!" sago niya.

Umupo si Mang Xander sa sulok pagkatapos matiyak na walang nakita sa kanya. Tinitigan niya ang larawang tanging alaala ni Agnes. Nahiga siya.

Muli niyang tiningnan ang larawan. "Kasalanan mo Agnes kaya nanginginig ang aking kamay! Ibinaba niya ang kanyang short. "Kasalanan mo kung bakit ako napasma!"

=wakas=