Skinpress Rss

Ang Dating Lider ng Banda


image : mel martinez
Ang panahon ay kahila-hilakbot nang umalis ako para bumili saging para sa aking asawa. Ilang araw na siyang natatakam sa saging na dinaanan namin sa Valenzuela.

Naghihintay ako ng bus sa may kanto ng LDB nang mapuna ko si Jerome na sumisilip sa sa saradong tindhan ng instrumento. Ang tindahan ay under renovation ngunit hindi ito na nasimulan kahit kailan. Tanging barikada lamang upang hindi mapasok ang nailagay.


Taon na ang nakakaraan, si Jerome ay ang lead vocals sa sikat na banda sa Valenzuela. Subalit ang kanyang kasikatan ay umakyat sa ulo. Nalulong siya sa alak, droga at nawalan ng pagrespeto. Sa madaling salita, pinalitan siya upang isalba ang banda mula sa kahihiyan.

May pagbabago sa kanyang pag-uugali mula noon. May mga pagkakataon na pakikipag-usap o inaaway niya ang kanyang sarili. Ginugol niya ang buong araw sa labas ng tindahan ng instrumento habang kumakanta at sumasayaw. Sumailalim siya sa gamutan pero hindi nagbalik ang dating katinuan.

"Dude, kumusta ka?" Tinapik niya ako sa likuran. Ang maganda kay Jerome ay nakikilala pa niya ang mga taong pamilyar sa kanya.

"Mabuti." Tugon ko. "Mukhang hinahanap-hanap mo ang lugar na 'to ah?"

"Siyempre. Ang musika, mga banda at ang kasikatan!"

"Kaya ka sumisilip sa loob para malaman kung nagsisimula ng gawin?"

"Hindi" Matindi ang pag-iling niya.

"Ah, naalala mo lamang ang dati mong buhay?"

"Hindi naman. Tuloy ang musika kahit sarado ang tindahan na 'yan. Madami pang paraan." Pagyayabang niya habang tinatapik ang yerong nakapalibot sa tindahan.

Hindi naman siguro pagnanakaw ang kanyang motibo. Araw-araw ko siyang nakikitang sumisilip pero hindi naman niya sinisira ang bakod. Napagtanto ko na maaring nawawala muli ang kanyang katinuan.. "Ayaw mo lang siguro umamin na namimiss mo ang lahat."

"Wala akong aaminin. Tulungan mo na lang ako. Nakita ko kasi ang nawawala kong tsinelas sa loob. Paborito ko iyon! Siguro nakalimutan nilang itapon palabas nung huli kong bisita na. Dati naman kasi lagi nila ginagawa."

-wakas-