Skinpress Rss

Up Up Down Down B A B A Select Start


image credit : mel martinez
Nagland fall na ang bagyo sa buhay ko. Disaster. Life changing.

One shot, big punch.

Sabi nga sa boxing kahit ang mahinang boksingero pwedeng manalo sa mas malakas at mas malaki. May lucky punch na tinatawag. Yung dehado bilang nanalo dahil nasapul ang weak spot.

Tumba. Bagsak. Tulog. Yung mahabang panahon na paghahanda mababalewala. Move-on at siguro matuto. Boxing ang topic mula sa basketball court hanggang sa loob ng jeep.



Inisip ko sana sinuntok na lang din ako. Pisikal ang sakit. Panandalian.

Matamis ang ngiti ni Shendy. Palagi naman. Kumakaway pa sila bago tuluyang maglaho sa aking paningin mula sa sinasakyan nilang jeep. Tumugtog ang One Hit Combo. Simbilis ng bibig ni Gloc9 ang tibok ng puso ko. Nakangiti ako kanina habang nasasaktan. Talent? Oo. Siguro.... One hit combo.

Dati na akong nabroken heart. Ilang beses na nga. Hindi ko na mabilang. Ewan ko ba kung bakit mas masakit ngayon. Siguro mali talaga na mahalin ang dati mong kakwentuhan, sandalan at hingian ng payo. Dapat hanggang dun lang. Tagapakinig lang siya. Ansakit. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang mawalan ng sandalan o ang mawalan ng minamahal.

Love is Sweeter the Second Time Around.

Epic fail. Dapat hindi ako naniniwala.

Magkababata kami ni Shendy. Magkapitbahay. Magkalaro. Tropa. Nag-aral. Nagkalayo. Nagkita ulit at nauwi sa romantic relationship. Then after ilang years nagkahiwalay. Walang dahilan. Siguro tumabang. Umabot lang sa hindi kami nagkakausap dahil sa aming schedules. Pinilit kong mag-adjust pero siguro kulang. O kulang pa sa maturity dahil teenager pa lamang noong unang naging kami. In short, nawalan kami ng contact.

May anak na si Shendy noong nagkita muli. Kambal. Isang babae at isang lalaki. Perfect na sa isang pamilya. Kaso sa hindi niya sinabing dahilan, split na sila after few months. Hindi sila kinasal. Ayaw ni Shendy kahit gusto ng lalaki.

Naexcite akong makita siya. Niligawan ko ulit. Naging kami.

Sabi ng tropa, magiging kami naman pala ulit bakit hinayaan pa namin may sumingit. Nagkaanak tuloy sa iba. No reaction ako. Hindi ko naman masisisi si Shendy dahil nagkaroon din naman ako ng relasyon sa iba. Wala nga lang ako anak. Nakatatlo akong gf, siya isang lalaki lang naging boyfriend after sakin.

Okay na lahat. Swabe. Nagsama kami. Manang-mana daw sa akin ang mga bata kahit hindi naman ako ang gumawa. Lagi siyang masaya. Ako din. Tatlong buwan na smooth. Sana tuloy-tuloy na.

Paggising ko nakaimpake na. Bihis na ang dalawang bata. Akala ko may lakad kami. May sundo pala. Okay na daw sila ulit. Magpapakasal na daw sila.


Up Up Down Down B A B A Select Start

Buti pa sa contra may 30 lives. Pwedeng paulit-ulit kapag sumablay. Dati, family computer lamang ang libangan namin ni Shendy. Masaya na kami nun. Naging bestfriend kami. Tawanan. Iyakan. Tapos nauwi sa holding hands. Nainlove. Nag-evolve ng konti may kiss na. Naging si Dora kaya nag-explore. Sarap pala. Sabi nga nila, kung sino ang kasama mo mula pagkabata ay kasama mo na hanggang pagtanda. Kaya siguro sablay ako dahil palagi akong naniniwala sa kasabihan. Dapat nakontento na ako sa contra. Mas mabuting naglaro na lamang ako. Hindi na sana nasaktan pa.

-wakas-