Skinpress Rss

Upahang Kwarto


credits to orig uploader
Umalis si Philip na basa ang mga paa pati na din ang suot na sapatos. Iniwan na niya ang mga bagay na magpapabagal sa kanyang pag-alis. Pinalalayas siya ng land lady. Kailangang wala na siya bago mag-umaga. Gagamitin ng mga bisita ang kanyang kwarto.

Hindi na siya siningil sa balanse. Tinalakan na lamang siya sa madalas na pag-apaw ng tubig sa harapan ng bahay. Alam kasi ng land lady na siya ang nakasira
nito nang gawin niyang ankla sa pagtayo ang tubo dahil sa sobrang kalasingan.

Kagabi, binato siya ng tabo. May tubig pa ito mula sa tumulong tubig. "Kung hindi mo maipagawa, patayin mo sana sa valve! Para hindi nakahihiyang lilimasin ko pa ang tubig dito!"

Nakaset-up na videoke bago siya umalis. Muntik pa siyang matalisod sa mga wire na nakaharang. Hinila niya ito palapit sa kanyang inuupahan. Dahan- dahan ang kanyang pagkilos dahil wala pang gising.

Patuyo na ang kanyang sapatos bago may dumaan na tricycle. Kasunod nito ang dalawang trak ng bombero na may nakasulat na Pateros sa gilid.

"May sunog."

Short circuit daw."

"Sa videoke daw nagmula," sabat pa ng driver sa nasakyan niysang jeep. "Nabasa ng tubig."

Sobrang bilis ng pangyayari. Napalakas ang pagtadyak niya sa tubo ng tubig bago umalis.

-wakas