Skinpress Rss

Love Bus - Chapter Four


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2 | 3 |


Pagdating sa Tarlac, mabilis na nagpulasan ang mga tao maliban kay Miel at Andrew. Hindi makakilos agad si Miel dahil sa dalang mga gamit. Napipikon naman si Andrew dahil sa kabagalan ng babaeng nasa harap niya.

"Ako na magdadala ng iba," alok ni Andrew.

"Ayoko! Magkakautang na loob pa ako sayo." Halos mabali ang leeg ni Miel sa pagtanggi.

"I insist. Ayokong maiwan ng lilipatang bus dahil baka nakumpuni na ang bus na 'to di pa tayo nakakababa. Hindi ako makadaan sa dami ng dala mo e."

"Fine!" Padabog pang iniabot ni Miel ang gamit sa lalaki pero pasimple siyang napangiti. Sinadya kasi niyang harangan ang lalaki para alukin siya ng tulong. "Huwag mo akong nanakawan ha? Damit lang ang laman niyan kaya huwag mong pag-interesan."

"Kung gagawa ako ng kalokohan, iyong alam kong ikatatahimik ng buhay ko."

Hanggang pagbaba ay nagtatalo pa ang dalawa. Wala pa ang bus kaya naisipang kumain muna ng mga pasahero.


"Ano ba?! Bakit mo ba ako sinusundan?" tanong ni Andrew.

"Hello? Nasa iyo ang bag ko," paalala ni Miel. "Talagang may interes ka sa gamit ko ha. Siguro trip mo ang bikini ko d'yan. "

"Oh!" Inihagis pabalik ni Andrew ang bag. "Pasensya na. Nakalimot lang."

Halata sa kilos ni Andrew ang madalas na pagkawala sa sarili. Mula sa terminal pa lang ay puna na ito ni Miel kaya nasingitan siya sa pila.


"Libre kita ng pagkain para man lang mapasalamatan kita."

"No thanks! Kung tatahimik ka mas magugustuhan ko pa."

"Suplado mo talaga."

Pinalampas muli ni Andrew ang babae. Hinayaan na lang niyang magtatalak ito kaysa lalong uminit ang kanilang pagtatalo. Gusto niyang matahimik pero patuloy pa din ang sunod ng babae. Kapag lalayo siya ay muli itong lalapit.


"Oh bakit dikit ka ng dikit? Wala na sa akin ang gamit mo."

"Oo nga. Baka pwede patulong ulit."

Bago pa magsalita si Miel ay binitbit na niya ang gamit. "Tatahimik ka na kapalit ng pagtulong ko. Bilisan mo, baka maiwan na tayo!"

Tumakbo si Miel at inunahan si Andrew sa bus. "Oh maluwag pa oh. Highblood ka palagi di naman tayo iiwan."

Sa bus ay nanahimik nga si Miel kapalit ng pagtulong ni Andrew. Ilang sandali lang ay nakatulog na ito dala ng kapaguran. Sa di sinadyang kilos ay sa balikat pa siya ni Andrew nakatulog.


"Pambihira!" angal ni Andrew. Wala siyang nagawa kundi matulog na din kaysa patuloy niyang isipin ang negosyo. Higit sa lahat, gusto niyang ialis muna sa isip kung tama pang harapin niya ang minamahal na si Pearl. Pagbalik niya ng Baguio, di maiiwasang magkita muli sila.


"Boss, Miss. Gising na. Ilocos na po."

"Ilocos?" sabay pa nilang sigaw.

Mabilis bumalik ang kanilang ulirat at bumaba ng bus. Asar na asar si Andew sa nangyari. Buo na sa loob niya na malas talaga si Miel.


"Ganda naman dito," manghang-manghang wika ni Miel.

"Malas! Malas!" sigaw ni Andrew sa sobrang asar sarili. "Kasalanan mo to e."

"Bakit ako? Pareho tayong sumakay sa bus."

"Ikaw ang naunang sumakay. Sumunod lang ako sa'yo dahil sa mga gamit mo."


"Well, nandito na e. I-enjoy na lang natin ang lugar." Nagkibit balikat na lang si Miel at binalewala ang galit ni Andrew.


"Hindi ako pupunta ng Baguio para mamasyal!" Hindi maipinta ang mukha ni Andrew. "Hindi ko alam kung dapat kong sabihin 'to e," huminga ng malalim si Andrew. "I'm trying to save my life. My career. Wala akong pera kaya pupunta ng Baguio para sa isang business proposal sa kuya."

"So? May next time pa. Akala mo naman magugunaw na ang mundo mo bukas." Nagtaas ng kilay si Miel.

"Hindi mo naiintindihan. Last chance na ang ibinigay sa akin ni kuya dahil puro kapalpakan ang ginawa ko dati. Kung di ko siya aabutan di ko na alam ang gagawin ko para itama ang buhay ko." Tinakpan ni Andrew ng dalawang kamay ang mukha dahil sa pagkadismaya.

"Kaya pala highblood ka sa akin. So anong gagawin mo ngayon eh nandito na tayo."

"Uuwi. Siyempre kailangan kong pumunta ng Baguio."

"Wala ka pera di ba?"

"Meron pero di ko alam kung sapat papunta ng Baguio."

"Ehem! May pera ako. Taga Baguio." Tila nagyayabang pa ang pagkakasabi ni Miel "Ako ang pag-asa mo. Kaya simulan mong maging mabait. Pakibuhat nga ng gamit ko!"



..itutuloy