Love Bus
by arianne & panjo
Chapter 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |
Ilang gabing pinagpuyatan ni Andrew ang feasibility study para maging katangap-tangap ito sa kanyang kuya. Metikoloso ang kanyang kapatid pagdating sa return on investment kaya dapat may handa siyang patunay o pag-aaral para ipagtanggol ang proposed outsourcing business. Pero sa isang iglap lamang ay nagawang sulatan iyon ng hindi pa niya kakilala. Halos hindi mabasa ang ibang letra at figures kaya uminit ang ulo niya.
"Anong inaalis ang problema? Lalo mong dinagdagan. Kailangan ng kuya ko ito!" pikon na sambit ni Andrew. Hindi niya mapigilang magtaas ng boses.
"Ikaw ang nagsabing hanggang ngayon lang ang chance mo para ipakita iyan sa kuya mo. So lapse na. Wala ng silbi ang papel na hawak mo." Nagkibit balikat lang si Miel na tila walang ginawang masama.
"Kahit na! Baka bigyan n'ya pa ako ng pagkakataon kung sakaling maipakita kong maganda ang study na 'to."
Nagbuntong hininga si Miel. "You know what, Andrew? Kung ako ang kuya mo mas maiimpress ako kung ikaw ang magpapaliwanag ng mga ito kaysa ako ang magbabasa. Nagpapractice tayo kanina para maidepensa mo ang proposed business mo tapos papakitahan mo ako ng papel? Paano kung mali ang pagkakainterpret ko, e di laglag ang business mo."
Napatigil si Andew. May punto ang kanyang kausap. Paano nga naman kung walang oras magbasa ang kanyang kapatid ng thirty pages study? Kung kaya niyang ipaliwanag ang ang mga nakasulat doon sa maikling oras ay madali niyang makukumbinsi ang kapatid. At ang ginawa niyang study at gagamitin na lang reference.
"Paano mo nasasabi ang mga ito? Anong alam mo sa ganitong negosyo?" pagtataka ni Andrew.
"Wala naman," tugon agad niya. "Simpleng panel lang ako ng mga school sa thesis defense."
"Teacher ka?"
"No. Kinukuha lang nila akong panelist."
"So, matutulungan mo pala ako. Pwede kitang maging adviser."
"Aba! Makakalibre ka na naman? Kanina lang sinisigawan mo ako."
"Pasensya na. Problemado lang talaga. Nahihiya din naman talaga ako sa'yo tapos mukhang mahal pa ang magagastos mo dito."
"Biro lang! Tutulungan kita for free dahil ipagbubuhat mo ako ng gamit." Labas pa ang ngipin ni Miel habang sinasabi iyon. "At saka kilala ko ang may-ari nito kaya libre tayo."
Nakahinga ng maluwag si Andrew. Naglakad s'ya papunta sa veranda at tinanaw ang kalawakan ng siyudad. Ngayon lang niya napagtuunan ng pansin ang nakabibighaning scene ng Ilocos. Halos mapanganga siya sa paghanga.
"Salamat ha." Nilingon ni Andrew si Miel. "Siguro kung di ako naligaw dito baka nasa Baguio na ako at luhaang uuwi ng Manila dahil sa palpak na proposal."
Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi ni Miel. Hindi niya akalaing mapapaamo niya ang kaninang tila nagwawalang leon. "Laki mong tao tapos dramatic actor ka? Kanina lang ang tapang mo at parang gusto mo akong kainin. Huwag ka ng magmukmok. Halika, maglibang muna tayo sa labas. Sayang ang oras kung dito lang tayo."
"Sabagay. Medyo masakit na din ang tenga ko sa kakasigaw mo sa akin," nakangiting biro ni Andrew.
"Aba! Aba! Matapos mong magpasalamat ginaganyan mo ako? Hoy, lalaking menopause di kita sisigawan kung di laging mainit ang ulo mo!" Halos ipagduldulan ni Miel ang kanyang daliri kay Andrew.
"Biro lang. Ikaw naman. Cool ka lang! Pumapangit ka e kapag pikon!"
"Pumapangit? So nagagandahan ka sa akin? Pagnanasa ba yan o paghanga?"
"Akalain mong may ilong sa tuktok ng simbahan. Sa'yo yata 'yon."
"Makapal ang mukha ko, ganun?"
"Ikaw nagsabi n'yan!"
"Bahala ka nga! Pinupuri mo ako tapos aasarin. Gulo mo. Magulo ka pa sa kawad ng meralco!" Lumayo si Miel at pumasok ng kwarto.
"Pikon!"
"Nagsalita ang malawak ang pasensya. Salamat sa pagsira ng araw ko. Manigas ka diyan!"
"Sorry na. Halika mamasyal na tayo."
Biglang bumalik si Miel at nakasuot na agad ng sun glasses. "Tara na! Oh bitbitin mo!"
Kakamot-kamot sa ulo si Andrew matapos saluhin ang bag ni Miel.
itutuloy....