Skinpress Rss

Oopss! Andyan si Kuya!





Pikit mata kong inamoy ang aking kamay matapos kunin ang sukli sa binili kong betsin sa katapat na tindahan. Karaniwang sari-sari store lang ang pwesto ni Aling Katrina sa mga normal na araw pero dinudumog ito ng mga tao partikular ng mga kalalakihan tuwing araw ng sabado at linggo. Umuuwi kasi ang anak nilang si Perl at siyang nagsisilbing bantay ng tindahan kapag walang pasok. Walang mag-aakala ang ang naglalangis na katawan ni Mang Gardo ay makakagawa ng isang kaakit-akit na nilalang.

Alas onse ng umaga nagiging blockbuster ang tindahan. Ito kasi ang oras na bagong paligo si Perl kaya nagkakagulo ang mga lalaki. Madalas nakashorts at sleeveless lang ang dalaga kaya nahuhumaling ang lahat sa alindog niya. Kanya-kanyang singit. May tulukan. Kahit matanda nanabik bumili. Mas okey nga naman mautusan patungong tindahan kaysa magtiis sa amoy adobong asawa. Kapansin-pansin lahat ay di nagbibigay ng eksaktong halaga para masayaran ang kamay kapag nagsukli na si Perl.

Bawat bumibili may diskarte para makuha ang atensyon ni Perl. May kanya-kanyang kwento para makuha ang ngiti ng dalaga. Pero mailap si Perl sa mga nagpapansin. Hindi siya masyadong sumasakay sa bola ng mga kalalakihan. Nasanay na din siguro. May mga naglakas loob din na manligaw sa kanya pero bigo agad sa unang araw pa lamang. Kaya natakot akong magtapat ng aking paghanga sa kanya.

Suplado ang binuo kong imahe kay Perl dahil sa takot kong masupla. Hindi ako nagpakita ng pagkabaliw sa kanya para maiwasang mabuking ang itinatago kong paghanga.

"Pabili ng coke," wika ko kay Perl. "Maliit lang. Pakiplastik." Saka lang ako tumitingin kay Perl kapag nakaside view siya para hindi halatang tinutunaw ko na siya. Hindi ko maiwasang mapakagat labi. Kinikiliti ng pabango ni Perl ang aking ilong. Lutang na lutang din ang kanyang kaputian sa suot niyang purple sleeveless.

"Six pesos." Humakbang na agad ako palayo matapos kunin ang aking sukli. Tulad ng nakagawian inamoy ko ang aking palad. "Eman, graduate ka na ba?" pahabol ni Perl na tila gusto pa akong kausapin.

"Oo. Last year pa. Sige may gagawin pa ako." Hindi ko kayang tagalan ang pakikipag-usap kay Perl dahil siguradong magbubuhol ang dila ko.

Inilagay ko sa bulsa ang aking kanang kamay para ma-ipreserve ang naiwang amoy mula sa saglit na pagdadaop ng palad namin. Hanggang sa pagtulog ko, inaamoy ko aking kamay. Napapangiti ako sa tuwing naalaala ko ang maikiling usapan namin. Kapag nagkaraoon na ako ng lakas ng loob, sasabihin ko na ang lahat.

Hanggang sa panaginip ko, kami ni Perl ang bida. Naghahabulan kami sa damuhan, nagtatampisaw sa tabing dagat tulad ng mga nagmamahalan, namamasyal sa mga parke at higit sa lahat ang maiinit na halik habang lumulubog ang araw sa kanluran.

"Aling Katrina, Mang Gardo di po ba kayo magbubukas?" tanong ko sa mag-asawang pusturang pustura sa suot nilang T-shirt ng nanalong kandidato noong nakaraan eleksyon. "Magandang umaga po."

"Magandang umaga, Eman," bati ni Mang Gardo. "Mamayang hapon na siguro. Naubusan kasi kami ng paninda." Hindi nakakapagtakang maubos agad ang paninda ng mag-asawa dahil kahit ang mga taga kabilang eskinita ay nagkukumahog makipagsiksikan sa kanilang tindahan para lang masilayan si Perl. Kahit asin palaging ubos. Kung may tinda ngang hollow blocks malamang palaging may nagrerepair ng bahay kapag sabado at linggo.

"Mamimili pa kami sa bayan at walang magbabantay sa tindahan," dagdag pa ni Aling Katrina.

"Si Aries po?" tukoy ko sa panganay na anak ng mag-asawa. Si Aries ang naisip kong itanong para hindi mahalata ang interes ko kay Perl.

"Naku! Alam mo naman ang batang 'yon puro basketball ang nasa isip hindi maasahan sa tindahan. Si Perl naman paalis na mamaya," sagot ni Mang Gardo. "Sige Eman!"

"Ingat po kayo."

May mga araw talagang itinuturing na malas. Kapag nauubos agad ang paninda ng mag-asawa walang pag-asang makita ko si Perl. Bibihira itong lumabas ng bahay para maiwasan na ding mabastos ng mga tambay. Mabuti na lang katapat lang ng bahay namin ang tindahan kay may pagkakataong nakikita ko siya sa may garden o terrace ng bahay.

Halos mapilipit ang leeg ng mga dumadaang lalaki sa panghihinayang dahil sa hindi pagbubukas ng tindahan. May nagsisi pa dahil sa kanilang maagang paliligo pero hindi naman pala makakausap ni Perl. Napilitan tuloy silang maglakad papunta sa tindahan ng matandang may kahinaan ang pandinig.

"Eman! Eman!" tawag ni Perl mula sa may gate ng kanilang bahay.

"Ako?" tanong ko pa kahit alam ko namang ako ang tinatawag. "Bakit?"

Lumakad ako palapit sa kanya. "Patulong naman oh," malambing na pakiusap niya. "Nasira kasi ang supply ng tubig sa banyo. Magpapatulong sana ako sayo sa pagbubuhat. Wala kasi si kuya."

Luminga-linga muna ako sa paligid. "Baka naman mapagalitan ako ng admirer mo. Sabihin sinasamantala ko ang pagkakataon."

"Hmmp! Hayaan mo sila! Ikaw lang kasi ang alam kong di manyak dito." Bahagya akong tumungo para hindi mahalatang ngumiti ako." Please Eman, baka kasi matagalan pa si kuya."

Lumingon muli ako at pakunyaring nag-aalinlangan. "Oh sige. Saan ba ako dadaan?"

"Sa likod bahay na lang. Nandoon din naman ang gripo," wika niya.

Halos mapalundag ako sa tuwa. Hindi ko inaasahan ang lahat. Akala ko malas ang araw na ito. Pumunta ako sa likod bahay at binuhat ang isang timbang tubig papasok sa loob ng banyo.

"Eman, salamat," nakangiting wika ni Perl.

"No problem." Hindi ko maiwasan ang mata ni Perl. Sobrang nakakaakit lalo na kapag ngumiti siya kaya hindi nakakapagtatakang mahumaling sa kanya ang karamihan. "Sige aalis na ako."

Hindi agad ako makahakbang dahil tila nagpapatintero kami ni Perl. Parang sobrang liit ng daan. "Natatawa naman ako sa'yo Eman."

"Pasensya na," kakamot kamot ko pa sa ulong paumanhin. "Sige."

Lumakad na ako palabas ng bahay pero biglang hinawakan ni Perl ang aking braso. "Meryenda ka muna."

Kakaibang kuryente ang dumaloy sa aking katawan. May kiliting hatid ang padidikit ng aming balahibo. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko namamalayang kumikilos ang aking kamay. Hinawakan ko ang kanyang braso pababa sa kanyang kamay hanggang magdaop ang aming mga palad. Pinisil ko ng bahagya. Walang pagtutol.

Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng kanyang hininga. Kinabig niya ang kanya braso pero hindi ko niya inalis ang aking kamay. Dumikit ako sa kanya. Ipinikit niya aking kanyang mga mata na tila nag-aanyaya. Pinaunlakan ko ang kanyang imbitasyon. Hinalikan ko ang kanyang labi. Marahan. Mapusok. Nagpaubaya siya. Isinandal ko siya sa dingding.

Kusang loob niyang idinikit ang aking palad sa kanyang dibdib. Dinama ko ang hubog. Napaliyad siya. Napaungol. Kumilos ang isa kong kamay. Malayang naglakbay kung saan man naisin. Impit na tinig lang ang maririnig kay Perl. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Humakbang siya. Nauunawaan ko ang gusto niyang mangyari. Dahan dahan kong itinaas ang kanyang damit habang naglalakad kami patungo sa sofa. Naging bayolente siya pagkaupo. Agresibo siyang umupo sa aking kandungan at siniil ako ng halik. Halos maubusan ako ng hininga. Kinagat ko pa ang aking labi para makasiguradong hindi ako nanaginip.

"Perl! Perl!" Mabilis na inayos ni Perl ang kanyang sarili bago pa kami maabutan sa mainit na tagpo.

"Ooppss! Andyan si kuya!" bulalas ni Perl. Mabilis kaming kumilos. "Doon ka muna sa likod."

Kinuha ko agad ang timba sa loob ng banyo at nagbalik sa likod bahay.

"Nasaan sina Mommy?" tanong ni Aries.

"Nasa palengke," sagot ni Perl. "Kuya, tumawag ka naman ng tubero. Nasira ang supply ng tubig sa banyo."

Pumasok ako ng bahay at nagkunyaring hindi namalayan ang pagdating ni Aries. "Pasok ko na ito sa banyo Perl?" tanong ko. "Uy Aries, tol."

"Nakakahiya kay Eman! Bakit siya pa inutusan mo Perl?"

"Eh hindi ko naman alam kung anong oras ka darating. Hindi naman kita matawagan!" sumbat ni Perl sa kapatid.

"Kaya nga ako bumalik kasi naiwan ko ang phone ko." Kinuha ni Aries ang kanyang cellphone sa drawer. "Pagkatapos ng laro, tatawag ako ng tubero."

"Sige una na ko." sabat ko sa dalawa. Nabitin ako pero solve na din. At least hindi na panaginip ang lahat.

"Mahiya ka naman Perl! Kumuha ka ng meryenda," utos niya. "Aalis na ako, maiwan na kita Eman."

Inihatid ni Perl ng tingin ang kapatid. Ipininid niya ang pinto at binigyan ang ako ng malikot na ngiti. "Meryenda ka muna Eman."

Tumakbo siya sa sofa. Maya-maya pa ay naghahabulan na ang aming hininga at tuluyang sumuko ang bataan.

-end-