Skinpress Rss

Bravus - Chapter Three


Prologue | chapter one |two|





"Nasan ang magaling mong anak!" bungad ni Alfred pagbaba ng kotse. "Iharap mo siya sa akin?"

"Sino?" tanong agad ni Nelma kahit alam niyang si Salve ang tinutukoy nito. "Gabi na malamang nagpapahinga na ang mga bata sa taas."

"Sino bang suwail dito? Si Salve!" Galit na galit si Alfred dahil nakarating sa kaalaman nito na wala sa honor roll ang anak.

"Anong na naman problema kay Salve?"

"Alam mo ang problema! Lagi mo kasi siyang pinagtatakpan kaya lumalaki ang ulo." Ibinagsak niya sa sofa ang dalang brief case. "Hindi ako nagpapakahirap sa trabaho para maglandi lang ang anak mo! Sa simula pa lang tutol na ako sa pagboboyfriend ng anak mo."

"Alfred, ito na naman ba ang issue?" Napailing si Nelma. "Mabait na tao si Randel."

"Walang problema kung mabait siya! " Tumaas ang boses niya sa asawa. Malaki kasi ang pagtutol niya sa pakikipagrelasyon ni Salve dahil ayaw nitong magkaroon ng ibang aasikasuhin ang anak bukod sa pag-aaral. "Ang problema napabayaan niya ang pag-aaral niya! Imagine tatlong taong dean's lister ang anak mo! Candidate for Magna. Tapos ngayon kahit cum laude di nya makukuha!"

"Hindi ka pa ba masayang matatapos niya ang kursong ipinilit mo sa kanya?!"

"Alam ko ang makabubuti sa kanya! Ano ang gusto mo, maging teacher siya?"

"Anong masama sa pagiging teacher? Dapat matuto ka ding makinig sa anak mo Alfred."

"Hindi pagiging teacher ang pangarap ko sa kanya, na binabastos lang ng mga estudyante," matigas na katwiran niya. "Gusto ko siyang maging doktor. Siya ang magpapatuloy ng sinimulan ko."

"Oh, tinutupad na niya ang pangarap mo! Ano pang ipinagpuputok ng butse mo?"

"Dahil sa pagiging istupida niya at pagtatakip mo palagi, nawala ang medalya dapat ay para sa kanya!"

"Medalyang nakasabit sa kanyang leeg o ang anak mo? Lumayo na ang loob nya sayo. Sobrang kitid ng utak mo Alfred!"

"Kasi lahi ng bobo ang pamilya mo kaya ayos lang sayo! Dala niya ang apelyidong Montalbo kaya malaking kahihiyan kung ordinaryong estudyanteng lang siya."

"Kasalanan mo! Nagpakasal ka sa bobong gaya ko." Lumakad palayo si Nelma dala ang matinding sama ng loob.

Karaniwang senaryo ang pagtatalo sa bahay ng mga Montalbo. Takot at matinding depresyon ang nagtulak kay Salve para mapariwara siya. Nakita niya ang pagtanggap kay Randel kaya madali siyang umibig dito.

"Ate anong gagawin ko? Galit na galit si Papa," samo ni Salve kay Katrin.

"Hindi ko alam. Kinakabahan nga din ako e." Niyakap niya ang kapatid bilang pagdamay. "Magpahinga ka na. Lalamig din ang ulo ni Papa."

Bumagsak ang luha ni Salve. "A-ate?" garalgal na tinig ni Salve. "May isa pang problema."

"Magpahinga ka na muna. Maayos din ang lahat."

"Hindi iyon ate." Bumuntong hininga siya para kumuha ng lakas ng loob. "B-buntis ako ate."

Napabalikwas si Katrin. "What?!" Gulat na gulat siya sa tinuran ng kapatid. "Ano bang pinasok mo Salve? Lalo mong pinahirap ang sitwasyon. Hayaan mo kakausapin ko si Randel bukas tungkol dito."

"Wala na siya." Lumakas ang hagulhol ng ni Salve. "Iniwan na niya ako noong malamang buntis ako."

Walang naging sagot si Katrin. Niyakap niya ang kapatid.

Kakaibang hangin ang pumasok sa kwarto ng magkapatid. May ilang piraso ng dahon ang nagpaikot-ikot bago bumagsak sa sahig. Isinara ni Katrin ang bintana sa pag-aakalang may parating na bagyo. Lingid sa kanyang kaalaman, parang butwiring nag-aabang sa kanilang pagtulog ang bravus.

"Matulog ka na Salve. Maayos din ang lahat." Unti-unti, humina hanggang tuluyan nawala ang paghikbi ni Salve.

Kumilos ang bravus. Wala siyang inaksayang sandali. Si Salve ang may mahinang kalooban kaya siya ang magiging biktima. Bumaon sa leeg ng babae ang kanyang mga pangil at sinimulang lasunin ang isip ng biktima. Tinipon niya lahat ng alaala at emosyon ng babae at inilagay sa mahiwagang sisidlan. Lumikha siya ng panaginip. Iniwan niya ang takot ni Salve sa kanyang ama.

Makalipas ang ilang oras, bumangon sa kanyang pagkakatulog si Salve. Hinayaan lang siya ni Katrin sa pag-aakalang normal pa ang lahat. Kinuha ni Salve ang kanyang bag at pumasok sa banyo.

"Magiging doktor ako Papa," mahinang tinig ni Salve. Napangiti naman si Katrin dahil sa kabila ng mga problema ay tutupadin ng kapatid ang pangarap ng ama. Ang hindi niya alam, iyon na ang huling salita ng kapatid.

Mula sa bag, kinuha niya ang scalpel na ginagamit sa kurso niyang Pathology. Gumawa siya ng sugat na pabilog sa mga daliri sa paa. Hinayaan niyang dumaloy ang dugo mula dito. Kinulayan niya ng pula ang kanyang kuko bago niya inalis isa-isa.

Gamit pa din ang scalpel, isinulat niya ang pangalan ni Randel sa kanyang hita. Malaki at malalim ang bawat letra. Inihiwalay niya balat sa laman hanggang sa lumabas kanyang buto. Wala siyang nararamdamang sakit kahit patuloy ang pagdurugo.

Hinawakan niya ang kanyang sinapupunan. Inikot niya ang kanyang mga palad dito. Ikinilos niya ang kanyang mga paa at niyakap ang kanyang tuhod. Pinanood niya ang dugong dumadaloy mula sa kanyang hita. Ilang saglit pa ay hiniwa n'ya ang kanyang tiyan hanggang sa kumawala ang kanyang bituka.

"Salve!!!!" Sigaw ni Katrin kinaumagahan.


itutuloy.....
-----

you can view Design a Shirt Contest entries here. Pwede pa humabol til July 18.