Prologue | chapter one |two|three|
"Punong babaylan, marami na pong nabibiktima ang mga bravus!" samo ng isa sa grupong nag-organisa para puksain ang lahi ng bravus.
"Wala ba tayong gagawin? Hahayaan na ba natin sila?"
"Kamaikalan lang po bigla na lang tumalon ang kasamahan ko sa trabaho sa ginagawa naming building," lahad ng isa sa grupo. "Akala namin nagpatiwakal siya pero may kagat siya sa leeg!"
"Pati nga school guard hindi pinatawad. Napaidlip lang hindi na tuluyang nagising!"
"Dumadami na din po ang bilang ng palaboy sa daan. Akala natin mga simpleng taong grasa lang sila pero may kagat sila sa leeg!"
"Punong babaylan ano pong gagawin natin?" tanong ni Roberto.
"Huminahon kayo!" sigaw ng babaylan. "Ako man ay gustong kumilos pero walang nakakakita sa bravus. Paano natin lalabanan ang may katangiang tulad ng sa hangin?"
"Mga kasama kahit ang babaylan ay walang magawang tulong? Tayo na lang ang kumilos!" sigaw ni Leando.
"Leando, paano ka kikilos? Saan ba nagmumula ang bravus para mapigilan mo sila?"
"Punong babaylan, kung pakikinggan natin ang mga baliw, madalas nilang banggitin ang bravus. Siguro makakatulong sila."
"Oo tama ka!" Umakyat sa mataas ng bahagi ng bahay ang babaylan para makita ang lahat ng taong nag-ipon-ipon sa harap ng bahay niya. "Pero sa panaginip umaatake ang bravus. Wala tayong kakayahang lumaban sa panaginip. Pinakamahina ang tao sa kanyang pagtulog."
"Kung gayon, wala tayong magagawa kundi hintayin ang kamatayan," nalulumong pahayag ni Roberto.
Lumapit ang babaylan kay Roberto. "Nagkakamali ka. Kung iiwasan natin ang depresyon, hindi tayo aatakihin ng bravus. Ang mahina lang ang puso at isipan ang nagiging biktima!"
"Mukhang mahirap yata ang sinasabi n'yo?" tutol ng isang babae. "Lahat dumadaan sa kalungkutan."
"Kung iisipin mo mahirap pero iyon ang nararapat kung ayaw n'yong maging biktima." Tumalikod na ang babaylan matapos makipagtalastasan sa grupo.
Sa isang ospital, may isang babae ang inaapoy ng lagnat. Pinagpapawisan na dahil sa matinding pag-ubo. Sa kanyang pagtulog makailang ulit niyang binanggit ang pangalan ng yumaong sa asawa. Matindi ang kanyang karamdaman at halos bawian na ng buhay sa tuwing aatakihin ng sakit. Tanging ang alaala ng kanyang asawa at anak ang nagtutulak sa kanya para lumaban. Para mabuhay.
Kumilos ang bravus palapit sa kama ng kanyang sunod na biktima. Maingat siyang naupo sa gilid ng higaan para hindi magising ang babae. Inilapit ng bravus ang kanyang mukha sa leeg nito.
"Anong ginagawa mo sa Mama ko?" Bahagyang napahinto ang bravus pero hindi siya dapat magpaapekto dahil alam ng nilalang na walang nakakakita sa isang bravus. May kakayahan siyang makadinig pero dapat maging bingi siya para di maapektuhan ang kanyang misyon. Kumilos muli siya para isakatuparan ang pagpataw ng kamatayan sa babae. "Halika ka dito. Hayaan mo munang matulog si Mama."
Hinila ng bata ang bravus palayo sa kama. Dahil likas na mahina ang bravus hindi niya nagawang manlaban. May halong pagtataka ang bravus dahil nagawang hadlangan ng tao ang kanyang plano bukod pa dito nakikita siya ng isang tao.
"Huwag kang mag-alala di ako natatakot sa'yo. Anong klaseng nilalang ka?" tanong ng bata pero hindi tumugon ang bravus dahil wala siyang karapatan magsalita. "Malaki ka kumpara sa nuno sa puso at may pangil ka pa."
"Sinong kausap mo o anong kausap?" tanong ng isang dwende sa bata. "Wala akong nakikita."
"Hindi ko din alam kung ano siya," tugon ng bata. "Bakit ayaw mong magsalita?" patukoy ng bata sa bravus.
Umugong ang bulungan ng mga lamang lupa sa loob ng ospital. May mga tawanan din at awitan. May kakaibang pakiramdam na bumalot sa bravus. Hindi niya alam ang pakiramdam dahil ngayon pa lang niya naranasan. Nagdesisyon ang bravus na buksan ang kanyang mata na noon ay nakalaan lang sa mga biktima. Nagulat siya sa dami ng lamang lupa. May dwende, sigbin, nuno sa puso, at sa may binata ng ospital ay may nakasilip na tikbalang. Iginawi niya ang kanyang mata sa kanan at nandoon ang isang puting unicorn.
"Isa akong bravus," nausal niya. Maging siya ang gulat sa paglabas ng salita sa kanyang bibig. Nilabag niya ang batas ng kanilang lahi. Unti-unti lumitaw sa karamihan ang kanyang itsura.
"Bravus? Ano iyon?" tanong ng bata.
"Nilalang na may kakayahang maglaro sa utak," sabat ng isang nymph. "Naparito siya para patayin ang iyong ina!"
"Ano?! Bakit mo gagawin iyon? Mabait ang Mama ko!" Gumuhit ang luha sa mata ng bata. "Siya na nga lang ang nag-aalaga sa akin simula ng mamatay si Papa."
Tumakbo ang bata sa piling ng ina. Niyakap niya ito at binantayan sakaling umatake ang bravus. "Nakikiusap kami sa'yo bravus na huwag mong patayin ang ina ang aming kaibigan. Siya lang ang taong nagpapahalaga sa amin."
"Pero..." Umiling ang bravus. "Wala akong kakahayang sumuway sa utos. Malalagay ako sa panganib pagbalik ko."
"Dito ka na lang. Huwag ka ng bumalik." Malambing na umaaalid-alid ang nymph sa kanya. "Masaya dito. Magkakaiba man kaming nilalang dito, iisa ang pakikisama ng bata sa amin."

"Masaya? Anong masaya?"pagtataka ng bravus.
"Isang pakiramdam na nagpapagaan sa kalooban," wika ng nymph. Kita mo ba ang mga sigbin na iyon? Dati mga utusan lang sila katulad mo, ngayon may karapatan na silang maglibang. Maglaro at makikita mong masaya sila sa kanilang ginagawa."
Patuloy ang pakikiusap ng ibang nilalang sa bravus para hindi nito ituloy ang planong pagpatay sa ina ng bata. Bawat nilalang may kwento. Naguluhan ang bravus. Gusto niyang subukan ang sinasabi ng ibang nilalang. Ang salitang saya. Ang kahulugan ng ngiti. At higit sa lahat ang pagmamahal.
Unti-unti niyang nauunawaan ang salitang pakiramdam at kung paano maging hindi iba sa karamihan.
"Ililigatas ko ang ina ng bata." matigas na salita ng bravus.
itutuloy.....

----
doon sa nagtatatanong tungkol sa bravus, huwag nyo na pong igoogle, dahil wala po talagang bravus. gawa gawa ko lang ang character na 'to.